Chapter 7
Agad namang padabog na pumunta si Lex sa kusin upang maghugas ng kaniyang kamay. Kinuskos niya talaga ng mabuti dahil baka magreklamo naman ang damulag na si Alexander. Hinubad niya na rin ang maduming damit niya at pinunasan niya ang kanyang mga pawis sa katawan. Confident naman siya na hindi naman kapangitan ang katawan niya. Waal rin namang siyang taba at medyo lumalabas ang horma ng kanyang abs.
Lumakad ng half naked si Lex habang papunta sa lamesang kinaroroonan ni Alexander. Paglingon ni Alexander ay natulala naman siya sa kaanyuan ngayon ni Lex. Napangisi naman siya dahil dito.
Nakita naman ito ni Lex kaya pinandilatan niya ng mata si Alexander at nagwika.
"Parang busog ka na yata eh, sabihin mo lang kung pwede na kong umalis." Pangkang sabi ni Lex.
"Hade naman eh, gutom na ko oh tsaka ayaw mo ba talaga sakin? I mean sa pagkain, masarap naman ako este yung pagkain." Sambit ni Alexander ng nakangiti.
"Pinakokonsensya mo pa ko. Sige nganga!" Sambit ni Lex ng makarating siya sa lamesa. Bigla niyang kinuha ang pagkaingamit ang kamay at pinasubo dito.
"Aray naman Hade, hipan mo muna kasi ang init eh. Papatayin mo ba ko?" Sambit ni Alexandeer habang naiinis.
"Aba aba, rereklamo ka pa jan eh tsaka sabi mo susubuan lang kita ng pagkain at hindi mo sinabing hipan." Sambit ni Lex habang magkaharap na sila ni Alexander.
Namula naman si Alexander hindi dahil sa hiya kundi sa sobrsng lapit nila sa isa't-isa. Sinusubuan na siya ng maayos ni Lex habang hinihipan muna. Natuwa naman si Alexander dito.
Halos hindi napansin ni Alexander na halos maubos niya na ang pagkaing nakahain sa lamesa.
Narinig niyang tumunog ang tiyan ni Lex.
"Gurrrrckkk!"
Nahiya naman si Lex dahil sa pagtunog ng kaniyang tiyan.
"Hahahahahahahaa!" Halakhak ni Alexander habang narinig niya ito.
Pinandilatan naman siya ni Lex ng kanyang mata dahil sa halakhak ni Alexander.
Agad namang kumuha ng pagkain si Alexander gamit ang kamay nito at pinasok sa bibig ni Lex.
"Marunong naman ako Xander eh, tsaka m----! Sambit ni Lex ngunit biglang sinubuan muli siya ni Xander ng pagkain.
"Alam kong pagod ka Haden okay tsaka tumahimik ka dahil ako ng susubo sa iyo ng pagkain para patas na tayo." Sambit ni Alexander habang sinubuan niya pa ng sinubuan ng pagkain si Lex.
Nanahimik naman si Lex dahil talagang nagutom siya nitong hapon. Konti lang din nakain niya. Iniisip niya pa rin ang ginawa kanina ni Alexander sa loob ng Canteen.
Naubos nila ang pagkain sa ibabaw ng lamesa. Ang natira na lamang ay ang sa kamay ni Alexander.
Akala ni Lex ay pupunta sa bibig niya ngunit kinain ito ni Alexander. Sinimot-simot niya pa rin ang pagkain maging ang kamay nito.
"Hoy, Xander anong ginagawa mo?" Malakas na pagkakasabi ni Lex habang halos lumuwa ang mata.
"Ah eto ba?parang heto lang eh parang nanlalki na mata mo Hade." Sabay hablot ni Xander na ulo ni Lex at mabilis niyang pinaglapat ang kanilang labi. Iginalaw ni Xander ang kanyang labi upang sipsipin ang mga labi ni Lex.
Halos manlaki ang mata ni Lex dahil sa pangyayaring ito. Nang makabalik siya sa wisyo niya ay malakas niyang tinulak si Alexander.
"Anong ginagawa mo Warden Al, hindi ito kasama sa usapan natin!" Sambit ni Lex habang galit na galit. Kung makakapatay lamang ang tingin ay kanina pa siguro patay si Alexander.
"Tsk! Pinaalala ko lang kong paano mo ko halikan noong lasing ka kagabi. Mas malala pa nga ang ginawa mong paghalik sakin, gumati lang ako sa'yo ngayon!" Nakangising sambit ni Alexander. Kakikitaan ng saya at lungkot sa pares na mata nito.
"At talagang gumanti ka pa. Eh lasing ako nun eh. Parang sinamantalahan mo ako ng lasing ako." Sambit ni Lex habang galit na galit. Halatang naguguluhan sa pangyayaring ito.
"Aba, ako pa ang sasabihin mong nanamantala sa'yo Hade? Alam mo bang halos hindi mo tinantanan kagabi yung mga labi ko tapos pinagkamalan mo pa kong si Snow White. At tsaka sino si Daisy? Bakit sobrang mahalaga niya sa'yo? kung malalaman ko kung sino siya ay papatayin ko siya gamit ang sarili kong kamay!" Sambit ni Alexander habang namumula sa galit. Halatang hindi ito nagbibiro. Makikita ngayon na halos maglabasan ang ugat nito sa noo.
Nang marinig ito ni Lex ay halos panawan siya ng ulirat. Naalala niya naman si Daisy lalo na at miss na miss niya na ito.
"Sinasabi ko sa'yo Xander, wag mong gagalawin si Daisy. Kung hindi ako ang makakalaban mo!" Galit na turan ni Lex. Halata ring seryoso siya sa bagay na ito.
"Tinatakot mo ba ko Hade? Mukhang nakakalimutan mo na hindi lamang ako makaoangyarihan sa loob ng kulungang ito maging sa labas rin. Sa oras na makilala ko yang si Daisy na yan, papatayin ko siya. Papatayin ko siya sa harap mo mismo!" Galit na galit na pagkakasabi ni Alexander.
"Please hayaan mo na si Daisy, Xander. Lahat ng pinag-uutos mo gagawin ko. Lahat!" Sambit ni Lex habang lumuluha na ito.
Agad namang nagbago ang ugali ni Alexander. Bigla na itong ngumiti.
"Madali naman akong kausap eh, simula ngayon ay akin ka na Hade!" Sambit ni Alexander habang mabilis niyang nilapitan si Lex at siniil ng halik.
Hindi na nanlaban pa si Lex. Hindi niya alam ngunit sa kabila ng banta ni Xander at pagiging agresibo nito ay wala siyang maramdamang kapintasan habang humahalik ito sa kanya. Kung totoo mang hinalikan niya si Xander kagabi ay siya ang first kiss nito. Hindi nga niya maisip na magka-girlfriend dahil naiwan sa kanya si Daisy at wala na rin siyang panahon para maglakwatsa o mag-date. Ibinuhos niya lang ang kanyang oras at panahon kay Daisy.
Mainit ang naging halikan nilang dalawa. Nadala na si Lex sa sensasyon dulot ng mga halik ni Alexander. Halos hindi nagsasawang humalik sila sa isa't-isa ngunit naputol ito ng biglang tumunog ang cellphone ni Alexander sa ibabaw ng lamesa.
"Sagutin mo -----na uhm Xander yung uhm tawag!" Sambit ni Lex habang hinabol ang labi niya ni Alexander.
"Uhm, ayoko nga uhm Hade uhm makakapaghintay uhm rin yan!" Sambit ni Xander ng hinawakan niya ang ulo ni Lex at mas pinalalim ang kanikang mga halik.
Dito ay mas naging maalab ang kanilang halikan kahit na mayroong tumatawag sa cellphone.
"Ahhh! Ang sakit!" Sambit ni Lex ng maramdamang napakahapdi ng kanyang bibig.
Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto sa opisina ni Alexander. Nakaupo silang pareho habang magkaharap.
"Sorry na Hade, eh kasi charap eh!" Sambit ni Alexander habang nakangiti. Plano pa sanang nakawan ng halik ni Alexander si Lex ng halik.
"Oops! Magtigil ka nga Xander, alam mo namang humapdi na at dumugo eh. Pano na 'to? Ano sasabihin ko kina Chris, Leo at Vhon siguradong uusisain ako ng mga yun at ang lalakas mang-alaska huhu!" Sambit ni Lex habang pinapagalitan si Alexander.
"Ah eh dumito ka na lang mula Hade promise di kita hahalikan sa labi hehe." Sambit ni Xander ng bigla niyang yakapin si Lex.
"Promise mo yan ha!" Sambit ni Lex ngunit agad siyang nakaramdam ng kiliti sa kanyang leeg.
"Ughhh!" Biglang ungol ni Lex ng maramdaman niya ang sensasyong dulot ng paghalik ni Alexander sa kanyang leeg.
"Anong ginagawa mo Xander?! Ugh!" Tanong ni Lex habang di mapigilang mapaungol ng malakas sa huli dulot ng paghalik muli ni Xander sa kanyang leeg.
"Kumalma ka lang, tinitikman lang kita kung masarap ka ba o hindi. Pero okay na rin yung lasa mo." Sambit ni Alexander sa pabirong tono. Ang totoo niyan ay masarap na masarap para sa kanya si Lex. Unti-unting nagbabago na siya. Ang puso niyang gawa sa bato at puno ng tinik ay unti-unti ng pinapapasok si Lex ng hindi niya namamalayan.
"Ah ganon pala ha, sige CR muna ako." Sambit ni Lex sa malungkot na boses. Tatayo na siya mismo ng pigilan siya ni Alexander.
"Wag ka namang magtampo Hade, alam mo namang nagbibiro lang ako!" Sambit ni Xander sa nag-aalalang boses. Bakas ang pagsisisi at lungkot sa boses nito.
"Kung nagbibiro ka eh okay lang sakin pero ihing-ihi na ko eh baka dito ako maihi at ihian kita. Gusto mo?" Sambit ni Lex sa seryosong boses.
"Ah eh, sige mag-cr ka na. Kala ko kasi nagalit ka na sakin eh." Marahang sabi ni Alexander habang nakangiti ito.
"Aba aba, okay haha..." Sambit ni Lex habang mabilis na pumunta sa Cr.
Tawang-tawa naman si Alexander sa ipinakitang asal ni Lex.
...
Lumipas ang apat na buwan...
Kasalukuyan silang nasa
"Halos hindi ka na natutulog sa kulungan ah. Kwento ka naman tsaka bakit parang hindi na bugnutin si Warden Al?! Palagi pang maaliwalas ang mukha nito tsaka di na siya yung bugnuting warden noon." Takang tanong ni Chris habang napansin nitong apat na buwan ang labis na pagbabago kay Warden Al.
"Oo nga naman Lex, bakit parang may tinatago ka samin? Tsaka kung makatingin sa'yo si Boss Al eh may kakaiba sa mata nito?!" Sambit ni Leo na halos pakantyaw.
"Kaibigan mo naman kami Lex, ano ba talaga ang real deal sa inyo?!" Sambit ni Vhon sa seryosong boses.
"Uhm, sasabihin ko ba? Bahala na!" Sambit ni Lex sa kanyang isipan.
"Huwag kayong magagalit Chris, Leo at Vhon pero may namamagitan sa amin ni Alexander." Mahinang sambit ni Lex sa kanilang tatlo.
"Ano?!!!!!!" Malakas na sigaw nilang tatlo ng marinig ito.
"I mean siya at ikaw, ganito?!" Sambit ni Chris habang ang kaliwang hintuturo niya at ang ikalawang hintuturo niya ay pinagsama niya.
Agad namang tumango si Lex habang laglag-panga naman sina Vhon at Leo. Pawang hindi sila makapaniwala rito.
"So nagsasama kayo? As in boyfriend mo siya?!" Sambit ni Leo habang makikita ang nagtatanong nitong mata. Maging si Chris at Vhon ay naghihintay sa magiging sagot ni Lex.
"Parang, ewan basta hindi ko alam. Masaya naman kami sa ganito." Sambit ni Lex habang nalilito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
"Eh, paano yan ha Lex? Hindi mo pa alam kung anong label niyo? Tsaka wala kang panghahawakan. I mean, makokontento ka lang sa ganito? Parang hindi ata tama na ganituhin ka lamang niya." Sambit ni Vhon habang makikita ang pag-aalala niya kay Lex. Maging sina Chris at Leo ay makikitaan din ng pagsang-ayon. Maasim din ang ekspresyon nila sa mukha nila tanda na hindi sila sang-ayon sa set-up ng relasyon ng kaibigan niya at ng warden.
"Ano bang iniisip niyo ha? Parang ganon lang eh tsaka four months palang kami eh tsaka masyado kayong exaggerated magsalita." Sambit ni Lex habang tumatawa pa pero iniisip niya rin ang sinabi ng tatlo niyang kaibigan. May mga punto rin sila sa sinabi nila.
"Hindi kami exaggerated Lex, alam mong kaibigan mo kami. Kahit na mga loko-loko kami pero nag-aalala kami sa'yo. Alam mong kahit saang anggulo, talo ka na. Isipin mo ang magiging resulta nito." Sambit ni Leo na ngayon ay seryosong seryoso na. Hindi na ito kakikitaan ng biro sa mukha nito.
"Oo nga Lex, tandaan mo. Preso ka pa rin at Wardem siya. Alam mo ba ang consequences nito?!" Sambit ni Vhon na labis na nag-aalala rin sa sitwasyong ito.
Tahimik naman si Chris dahil alam niyang may namumuong tensyon sa kaniyang mga kaibigan. Ayaw niya ng dumagdag pa.
"Oo alam kong concern kayo sakin pero parang sumosobra na ata kayo ha. Tsaka anong consequences ang sinasabi niyo. Alam kong kakayanin ko ang sitwasyon kong to!" Malakas na sambit ni Lex habang makikita ang labis na emosyon sa mata nito. Umalos na din siya sa lugar na ito dahil sa marami ng tumitingin sa lugar nila.
Susundan pa sana ni Chris si Lex nang pigilan siya ni Leo.
"Wag mo siyang sundan Chris, alam mo namang masyadong dinamdam ni Lex ang sinabi namin sa kanya." Sambit ni Leo habang makikita ang disappointment sa mukha nito.
"At anong gagawin ko Leo? Tutunganga dito at maghihintay lamang na nagkakasira-sira tayo? Alam mong emotional ill ngayon si Lex baka mapano pa yun." Nag-aalalang sambit ni Chris habang naiinis niyang tiningnan si Leo.
"So pinapanigan mo si Lex? Alam nating mali ang ginawa niya at mas lalong bawal iyon. Isipin mo ngang mabuti? Kilala niya ba ng lubusan ang lalaking yun?!" Sambit ni leo habang galit itong nakatingin kay Chris.
"Wala akong kinakampihan sa kahit sino sa inyo okay?! Pero ang akin lang is wag tayong maging judgmental kay Warden. Like hindi rin natin alam yung side niya, wag nating pangunahan ang sitwasyon tsaka hindi natin dapat awayin si Lex dahil lang dito. We must respect his decision okay!" Sambit ni Chris habang ini-express nito ang sarili niyang opinion towards this situation.
"Tama na yan Leo at Chris. Nabigla lang siguro si Lex tsaka kahit puntahan mo siya is hindi rin iyon makikinig sa'yo. Ang kailangan is yung personal space at tsaka oras para makapag-isip ng maayos. Tsaka wag dapat tayong mag-aaway dahil baka dumagdag lang tayo sa problema niya" Mahinahong sambit ni Vhon habang nakatingin kay Chris at Leo.
Tinanguan naman ito ng dalawa tsaka may punto rin si Vhon sa sinabi nito. Halatang siya talaga yung kuya sa kanilang grupo. Siya yung palaging nakakaalam ng dapat gawin sa kinakaharap nilang problema. Kinatatakutan rin siyang banggain ng iba dito. Napatunayan nila na maswerte sila at mayroon silang kuya dito sa anyo ni Vhon.
Agad na natapos ang araw na ito. Isang buong araw na pagod na pagod sila.
...
"Boss, may mahalaga akong impormasyon na nakalap partikular na kay Warden Al!" Seryosong sabi ng isang lalaki habang mahigpit nitong hinahawakan ang telepono.
"Uhm, kay Warden Al? Ano namang katarantaduhan ang ginawa niya?!" Sambit ng lalaking tinatawag niyang Boss.
"Uhm, kumikilos na siya!" Sambit ng lalaki habang may diin ang bawat sambit niya.
"Hmmm, anong kinikilos niya na ikinaaalarma mo?!" Sambit ng misteryong lalaki.
"Alam mo Boss, pinatos niya Lex. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya. Hindi ko hahayaang madamay si lex dito. Tulungan mo ko Boss!" Sambit ng lalaki habang makikitaan ng pag-aalala ang boses nito.
"Uhm, sige. Gagawin ko ang makakaya ko upang masolusyunan ito ngunit hindi ko maipapangakong magiging madali ito sa parte ni Rick. Masasaktan at damay na siya sa problemang ito pero poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya." Sambit ng Boss ng lalaki.
"Aasahan ko yan Boss!" Sambit ng misteryosong lalaki at agad na naputol ang linya sa kabila.
...
"Good Morning Hade!" Masayang sambit ni Alexander habang mabilis na hinalikan si Lex.
"Uhm Good Morning mmm din Mmm Xander!" Sambit ni Lex habang pilit pa rin siyang hinahabol ng halik ni Alexander.
"Tulog ka muna Hade! Kakainin pa kita hehe!" Nakangising sambit ni Alexander habang mabilis mabilis niyang pinugpog ng halik ang leeg ni Lex. Iba't-ibang klaseng paghalik ang ginawa niya rito na siyang ikinaungol ni Lex.
Agad niya ring naitulak ng malakas ni Lex si Xander ng maalala niya ang problema niya kahapon.
"Anong problema mo Lex? Bakit mo ko tinulak ha?! Sambit ni Alexander na halatang naiinis.
"Wala naman, naalala kong hinahanap na ko ng mga kaibigan ko. May usapan kasi kami eh." Pagsisinungaling ni Lex.
"Ganon ba? Sana sinabi mo agad Hade, hindi yung itutulak mo lang ako ng basta-basta." Himutok ni Alexander habang nakanguso.
"Kagabi mo pa ko pinapapak eh. Ako muna papapak sa'yo ngayon hehe...!" sambit ni Lex habang mabilis niyang siniil ng halik si Alexander. Maya-maya pa ay pumunta ang kaniyang labi sa leeg ni Alexander.
"Ughhhmmm!" Malakas na ungol ni Alexander habang hindi ito mapakali sa kama.
Ilang minutong ginawa ito ni Lex kay Alexander at mabilis na ring nagpaalam. Nakangiting wagas naman si Alexander dahil dito.
...
"Oh, pasensya na pala kahapon sa inyo mga pare!" Sambit ni Lex habang huminhingi ng paumanhin sa kanyang nangyari.
"Napagtanto mo bang may punto kami?" Sambit ni Leo ng seryoso.
"Oo, tsaka alam ko naman na una palang na mangyayari ito. Ang akin lang ay is I will enjoy until it last." Nakangiting sambit ni Lex ng nakangiti pero makikita sa mga mata nito ang lungkot pero agad nitong tinago.
"Mabuti naman kung gayon, panatag kami dahil alam naming hindi ka umaasa sa lalaking yun, alam mong hindi kami tutol sa relasyon niyo dahil kaibigan mo kami. Nandito lang kami para sa'yo Lex." Sambit ni Vhon sa masayang boses.
"Salamat naman kung gayon Lex, hindi na kami magsasayang ng tissue kung sakaling iwan ka ng lalaking yun!" Sambit ni Chris sa pabirong boses.
"Oo naman tsaka salamat sa inyo. Sorry sa pagiging defensive at impulsive ko kahapon hehe...!" Sambit ni Lex habang may ngiti sa labi niya.nagpapasalamat siya at mayroon siyang maintindihin at supportive na mga kaibigan.
"Group Hug!" Sigaw ni Chris sa masayang boses
"Group Hug!" Ganting sigaw din nina Leo, Vhon at Lex ng sabay-sabay.
Dito ay makikita ang apat na magkakaibigang masayang nagyayakapan tanda na mas naging matibay ang kanilang pagkakaibigan.
...
"Boss, hindi ko alam pero parang may masama ang kutob ko. Alam mo ba kung ano ang plano ni SPO2 Alexander? Nangangamba akong kung tatagal pa ay siguradong labis na masasaktan si lex!" Malakas na pagkakasabi ng misteryosong lalaki habang mababakasan ng pag-aalala at pagkabahala ang kaniyang boses.
"Ginagawa ko na ang lahat ng maaari kong gawin. May hintay ka pa ng isa o dalawang buwan saka ako gagawa ng sarili kong paraan pero ang masaktan siya ay normal na bagay lamang iyon dahil kahit saang anggulo tingnan ay damay na siya sa gulong to." Sambit ng lalaki sa kabilang linya habang mabilis na naputol ang linya ng telepono.
"Lex, magpapakatatag ka sana at huwag mo sana akong kamuhian dahil dito pero kailangan ko tong gawin." Sambit ng lalaki sa kanyang isipan habang may malungkot itong ekspresyon sa mukha.