Chereads / Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog) / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

Kinabukasan ay napiling magmaneho ni Alexander James Scott papunta sa Grocery Store. Papaubos na kasi ang mga pagkain sa refrigerator niya maging sa kaniyang food storage cabinets. Kung ipapabukas pa ay malamang sa malamang ay baka sumpungin siya ng katamaran.

Kasalukuyan siyang bumabiyahe at masasabi niyang napaganda ng lugar sa tagaytay. Medyo liblib din kasi ang lugar na kinatitirikan ng kanilang Resthouse kaya napakaganda ng natural na kapaligiran na kaysarap ang hangin malayo sa siyudad ng Maynila na puro alikabok, polusyon at kung ano-ano pa.

Maya-maya pa ay narating rin niya ang isang malaking Grocery Store malapit lamang sa mga palengke. Masasabi mong nasa sentro ito pamilihan ngunit hindi naman gaano kapolusyon rito at mayroon ding mga puno na makikita rito. Ginarahe niya ang kaniyang sasakyan sa gilid ng Grocery Store at bumaba ng sasakyan.

"Mmm... Maganda talaga ang Tagaytay kumpara sa Maynila kung saan parati na lamang mga trabaho ang inaatupag ko lalo na sa pulisya at ang sandamakmak na paperworks ni Lolo. Hayst, sana medyo magtagal pa ko rito." Sambit ni Alexander James Scott habang makikita ngayon ang kaniyang ngiti dahil tunay ngang napakaganda ng lugar na ito. Pero masaya siya at napili niya ang lugar upang maging bahay-bakasyunan. Ang nakakainis lang ay pinagbawalan siya ng kaniyang lola at nanay niya na papuntahin ang mga katulong o caretaker roon dahil baka magkanda hawa-hawa daw siya kung meron man daw positive doon pero sa tingin niya ay napaka-OA niyon pero yun nga pinagbabawal pa rin nila itodahil for safety purposes naman daw at bawal siyang makipagsalamuha sa mga tao roon baka daw may mga virus na dala. Alinman rito ay sinunod niya ito para wala ng problema pa.

Nakita niya ang kaniyang sarili papasok sa Grocery Store. Hindi man ito Maikukumpara sa laki ng Grocery Store sa Maynila ay masasabing malaki naman ito. Kumpleto naman ito yun nga lang ay mapapansin mo na limited Stocks lamang ang maaaring ilagay rito. Ganito naman talaga ang kalakalan ng business. Marketing Demands talaga ng tao ang kailangan at hindi iyong tipong mga parehas sa maynila na parang halos lahat ng needs and wants ay makikita sa Grocery Stores.

Nagfill-up muna siya ng name pati contact number alinsunod sa patakaran ng Grocery Stores para madaling ma-track ang sinumang nahawa ng Covid-19 virus na isang nakakamatay na virus.

Kahit na may takip ang mukha ni Alexander James Scott ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapuhan nito na hindi maipagkakailang nakakahalina sa paningin ng mga tao rito lalo ng mga kababaihan at kabaklaan na nagmistula siyang model ng facemask. Hindi rin maipagkakailang malaki siyang tao at mestizo ang kaniyang balat na mahahalatang may lahi.

Agad naman siyang in-sprayan ng alcohol sa kamay at mabilis siyang dumiretso upang bumili ngunit panay pa rin ang tingin ng mga babaeng kahera, mga babae at baklang taga-ayos ng mga produkto na idi-display roon. Kita namang halos lumuwa ang mata ng mga ito ng inilibot ni Alexander James Scott ang paningin upang hanapin ang kaniyang gustong bilhin.

"Eshcuse shir, nekelemeten niye pe yung cert niye." Pabebeng pagkakasabi ni Ate Girl tauhan ng Grocery Store na ito. Maganda naman ito yun nga lang ay napasobra ata ang make-up nito sa mukha.

"Shir, wag yan shir, mas bagay tong cart na hawak ko. Na-sanitize ko na to at na-disinfect ko na po to kulang na lang i-steam ko po to." Sambit naman ng baklitang na animo'y naka-black high heels pa na parang sasali sa Sagala at may dalang malaking alcohol na spray-spray lang. Halatang gusto nitong makipaglandian kay Alexander James Scott. Tinaasan pa nito ng kilay si Ate Girl.

"Hoy Baklitang kamukha ni Kokey at ikaw naman Girl. Wag niyong istorbohin itong si Papable ko. Hahampasin ko kayo diyan eh! Iniistorbo ka ba ng dalawang higad na ito?!" Sambit naman ng magandang babaeng Ate Girl No.2) ito sabay kuha ng Grocery basket ni Ate Girl No.1 ngunit kitang-kita ang basa nitong bahagi sa kili-kili na siya namang napansin ni Ate Girl No.1.

"Aba, aba girl... Uso magtawas hindi puro paganda lang hahahaha eww!" Sambit naman ni Ate Girl No.1 kay Ate Girl no.2.

Nabitawan naman ni Ate Girl No.2 yung Grocery Basket ng makita niyang namamawis nga ang sariling kili-kili nito. Kitang-kita nito ang labis na galit nito kay Ate Girl No.1.

"Ayy Gurl, kung makasabi ka tingnan mo rin yang mukha mo ho. Mukha na ring namamasa eh hu mukha kang nabugbog ng isang daang kalalakihan ho. Boxing ba pinasok mo dahil mukhang bugbog sarado ah." Nakataas kilay na pagsusuplada ng baklang kasama nito sa trabaho.

Napatakbo naman si Ate Girl No. 1 papunta sa kanilang private room na para lamang sa employees. Siguro ay titingnan pa nito kung ano na ang lagay ng kaniyang nilagay na make-up sa mukha.

Maya-maya pa ay agad namang hinawakan ni Alexander James Scott ang kamay ng baklang employee na ito. Animo'y napapikit pa ito habang pinipisil-pisil pa ni Alexander James ang isang kamay nito na siyang lumutang na ang imahinasyon ng baklita na hindi nito naramdamang nakaalis na si Alexander James sa gawi nito. (Alcohol lang pala na spray pala ang habol ni Alexander James)

"Hoy!!!! Baklita, anong tinutunga-tunga mo diyan. Ayusin mo yung area mo hindi yung tutunga-tunganga ka!" Sambit ng babaeng Manager ng Grocery Store na ito habang nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa bakla nitong trabahador.

"Opo Madam. Ene be yen?!" Malumanay na sambit ng baklang employee na may kasama pang mahinang pabebe words.

"Ano yung last na sinabi mo?! Nagrereklamo ka ba ha?!" Sambit ng babaeng Manager ng makita nitong tumikab pa ang bibig nito.

"Wala po Madam Manager. Parang medyo dryhair po ata yung hair niyo today madam, magpa-hair treatment po kayo sakin madam ha with discount and free massage kasi ikaw yung suki ko." Sambit naman ng baklang employee habang nakangiti pa ito. Pinagana nito ang kaniyang pagiging business-minded person para kumita naman kahit papano.

"Talaga ba?! Napansin nga rin yan ng asawa ko eh kung bakit ba naman kasi freezy tong buhok ko huhu!" Pagdadrama naman ng babaeng Manager nila.

"Pak na pak po yan Madam, imbes na 5 % discount po eh magiging 10% discount na po madam kasi ang bait-bait niyo pong manager at tinuring niyo kong parang pamilya niyo. Utang ko po sa inyo ang aking buhay!" Pagdadrama ng baklang employee habang makikitang lumuluha pa ito.

Nagdramahan pa ang mga ito na siya namang ikinatawa na lamang ni Alexander James Scott.

"Akala ko Grocery Store to eh parang naging Comedy Bar noong una tapos naging Dramatic Theatre? Seriously?!" Sambit na lamang ni Alexander James Scott habang hindi nito alam kung matatawa siya rito o maiiyak.