Chereads / Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog) / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Kahit na may pandemic ay tuloy pa rin si Lex Haden Guevarra sa kaniyang pagtatrabaho. Biruin mo na sa five years niyang pagtatrabaho sa HZAB Company ay naging Vice President na siya nito na siyang hindi niya lubos maisip na mangyayari. Kung tutuusin ay hindi naman kataka-taka ito. Isa pa ay hindi naman sa pagmamayabang pero makikita naman na nagsusumikap siya sa kaniyang naging trabaho noon kaya mabilis ang kaniyang promosyon. Lagi rin siyang nakakakuha ng awards sa kaniyang mababang posisyon sa nasabing kompyang kaniyang pinagtatrabahuan hanggang sa kasalukuyan.

Kasalukuyan siyang nasa opisina ngayon at ginagawa niya ang presentation niya para sa isang kliyente niya. Ang nakakapagtaka pa ay nasa Tagaytay rin ito at kailangan niyang i-meet ito sa isang private restaurant to think na halos sarado ang halos lahat ng mga restaurant dahil sa epekto rin ng Covid-19 Pandemic. Talagang nakakaawa ang kalagayan ng mundo natin ngayon. Isama pang wala pang nadidikubreng bakuna para rito kaya nakakatakot at natatakot ang mga taong maglalabas-labas ng bahay nila.

"Hayst, kailangan kong magmadali at matapos ito ngayong araw, kung di ba naman kasi urgent meeting ito na may important matters na pag-uusapan ay ipo-postone ko to pero as usual, ang president mismo ng company ang humingi ng pabor sakin huhu..." Sambit na lamang ni Lex Haden sa kaniyang isipan lamang habang makikitang hindi siya nasiyahan rito. Biruin mo lang naman ha, he just received it kanina lamang and gagawin niya ng mabilisan ang presentation para sa preparasyon sa kaniyang meeting bukas. Napaka-unusual event ito sapagkat una ay ECQ pa and social distancing ang kailangan for health protocols isama pa ang proper wearing of facemask and faceshields. Buti nalang talaga ay kompleto siya sa ID's and may mga license siya kaya hindi siya mahihirapan. Aba aba, ginawang convenient ito ng kanilang Presidente ng kompanya by using their means na mangyari ang urgent meeting na ito, sila na ang nagprepare ng lahat at siya lang ang magiging magrereport o magdi-discuss ng mga bagay-bagay.

Maya-maya pa ay tiningnan ni Lex Haden ang kaniyang relo kung anong oras na. Mag-12 noon na pala.

Agad siyang nakarinig ng katok mula sa labas ng kaniyang pinto.

"Pasok" simpleng sagot lamang ni Lex sa kumakatok sa labas ng ksniyang pintuan.

Agad namang pumasok ang matabang babaeng medyo may edad na rin, nasa 50's na rin yung edad nito pero makikitang malakas pa ito. May hawak itong isang overbed table na mayroong mga iba't-ibang uri ng pagkain na nakalagay tsaka kanin at isang basong kristal na may laman na orange juice.

"Ah Sir Lex, kumain po muna kayo. Bawal magpagutom." Sambit ng may-edad na maid.

Makikitang natatakam at nsglalaway na rin siya sa pagkaing nakahain sa kaniyang paningin. Hindi niya maipagkakailang masarap magluto si Aling Rosing ng iba't-ibang pagkain. Marunong naman siya magluto and minsan siya na rin nagluluto pero kadalasan ay hindi niya ito nagagawa dahil busy siya sa mga paper works at mga presentations na gagawin niya na ipi-present niya sa kanilang kliyente sa kompanyang pinagtatrabahuan.

"Sakto po Manang Rosing, nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Bababa na sana ako eh kaso nauna kayo." Sambit ni Lex  habang awkward itong napatawa. Masasabi niyang gutom na rin siya tsaka nakakagutom talaga ang trabaho niyang ito. Hindi naman maipagkakailang madami talagang aasikasuhin lalo na noong nasa mismong office talaga siya nagwowork. Mahirap ding iwan ngayon si Daisy, unlike noong panahong wala ito sa kaniyang tabi na labis talaga siyang nag-aalala rito. Wala na nga ang kaniyang sariling Ate maging ang kaniyang mga magulang ay ipinangako niyang magiging mabuting uncle siya rito o magiging responsableng tatayong legal guardian ng kaniyang pamangkin. Ito nalang rin kasi ang nagsisilbing pamilya niya at sila na lamang dalawa ang magkakadugo rito. Hindi niya hahayaang maging miserable ang buhay nila lalo na ni Daisy. Ayaw niyang iparamdam o iparanas ang mga masalimuot na karanasanamg naranasan niya noon maging ng kawalan ng materyal na bagay. Hangga't kaya niya ay kakayanin niyang tustusan ang pangangailan nito sa anumang aspeto, mapapisikal man o sa ibang aspeto. Ayaw niyang iparamdam na nag-iisa ito. Ito lang din ang nagpapalakas ng loob niya upang bumangon at magpursigi pa lalo.

"Hala Sir, kahit hindi na po. Ngayon ka pa ba mahihiya sakin eh ako lang naman palagi ang mag-aasikaso sa pagkain niyo dahil busy kayo. Tama po yan sir, wag niyo pababayaan ang sarili niyo at dapat kumain talaga. Werk es Wirk, Pod is layp! (Work is Work, Food is Life!)" Sambit ni Manang Rosing habang tiningnan si Lex Haden na may ngiti sa labi.

"Hehe... Kaya nga manang eh, dapat balanse lang po. Btw, nakakain na po ba si Daisy?!" Pagtatanong ni Lex Haden kay manang Rosing. Medyo techy at Gamer din kasi si Daisy eh kaya masasabi niyang nakakaligtaan din nito ang oras. Hindi naman masisisi ni Lex Haden si Daisy dahil hinahayaan nito ang gusto nitong gawin kasi magka-college na rin ito. Isa pa ay malaki na ito at tsaka binabantayan niya rin ang oras ng paggamit ng gadgets nito. Isa pa ay nagba-bonding din sila whenever he is free. Baka maging source pa ng stress at depression kung walang magawa si Daisy sa bahay nila dito. May social life rin kasi ito online and nag-oonline class kaya okay lang kasi di iyon maiiwasan. Kung magtutor siya physically is may chance na magkahawa o mahawa sila at doble ingat talaga sila ngayon lalo na sa mga taong maaari nilang makasalamuha. Yun ang rules niya, bawal ang lumabas lalo na si Daisy dahil nag-iingat lang sila sa nasabing pagala-galang virus through human carrier.

"Siya po ba Sir, nakakain na po siya eh. Bale yun nga sir kaya ako natagalan pumunta rito kasi naparami po kain niya hahaha...!" Sambit ni Manang Rosing habang natatawa na lamang. Makikitang masayahin ang matandang babaeng ito lalo na sa mga ginagawa nito. Hindi maipagkakailang malapit ang loob ni Lex Haden at ni Daisy rito. Matagal na rin kasi itong nagsisilbi sa kanila at hindi naman pinapabayaan ni Lex Haden ito at naghire sila ng dalawa pang katu-katulong ni Aling Rosing dahil tumatanda na rin ito tsaka mas kampante siyang hindi mahihirapan ang matandang ginang na ito. Lubos na nagpapasalamat ito sa matandang ginang na si Aling Rosing.

"Ganon po ba Manang, pwede po kayong magpahinga. Tatawagin ko nalang po kayo if may kailangan ako." Sambit ni Lex Haden habang mabilis nitong itiniklop muna ang kaniyang laptop at tumungo sa isang lamesang tinungtungan ng pagkain niya ni Manang Rosing.

"O siya sige, andun lang ako sa baba ha, kumain ka hangga't mainit-init pa iyan." Sambit ni Aling Rosing na animo'y naglalambing sa anak nito.

"Aling Rosing naman eh, di na po ako bata eh hahaha...!" Sambit ni Lex Haden. Ramdam niya kasing nanglalambing lang si Manang Rosing sa kaniya. Ang totoo niyan ay ito ang nag-alaga sa kaniya noong bata pa siya maging sa kaniyang ate. Labis nga ang lungkot ng matanda ng malamang pumanaw na ang kaniyang ate. Kaya nga noon ay ipinahanap niya ito sa private investigator. Mabuti na lamang at nandito lamang sa Laguna si Manang Rosing kaya madali lamang siyang natunton. Hindi matutumbasan ng kahit na anumang halaga ang pag-aalaga sa kanila ni Aling Rosing. Lumaki silang maayos at hindi kailanman pinagdudahan ang kaniyang sarili nito matapos siyang makulong noong nakalipas na limang taon.

Click!

Napabalik na lamang sa reyalidad si Lex Haden nang makarinig siya ng tunog ng pagsarado ng pintuan.

Hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si Lex Haden at magana nitong kinain ang mga pagkaing nakalahad sa lamesa. Masasabi niyang the best pa rin ang luto ni Manang Rosing.