Chereads / Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog) / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

Cring! Cring! Cring! ...!

Malakas na tunog ng orasan ang biglang umalingawngaw sa loob ng kwarto ni Lex Haden.

"Ano ba yan, gusto ko pang matulog eh." Sambit ni Lex Haden habang napapaunat pa ito ng kaniyang kamay. Tila ba napagod siya kagabi sa kakatrabaho ng ipe-present niya.

Speaking of presentation ko wait?! Sh*t mali ata yung oras ng alarm clock ko!" Sambit ni Lex Haden sa kaniyang isipan lamang at napabagnon ng wala sa oras.

Agad niyang tiningnan ang orasan ng kaniyang alarm clock at nakita niyang 8 am yung nakaset sa alarm clock.

"Patay ako nito. Late na ko nito!" Sambit ni Lex Haden nang mapansin niyang sa sobrang kaantukan niya ay mali pala ang naset niyang alarm time para sa alarm clock niya. Napindot niya siguro ang adjust button ng alarm clock nang hindi niya namamalayan.

Mabilis namang tumakbo at ginawa ang morning routine niya sa loob lamang ng 2 minutes. Napagdesisyunan niya munang hindi siya maliligo ngayon and mamaya nalang pagkauwi niya.

Sinuot na ni Lex Haden ang kaniyang business attire na suit na kulay itim habang ang panloob nito ay kulay puting polo. Plain black din ang kaniyang sariling neck tie kahit na hindi siya naligo ay mukha pa rin siyang fresh dahil sa alagang-alaga naman siya sa kaniyang sariling katawan maging sa kaniyang mukha at nasa balance lahat ng kaniyang kinakain and nagwo-workout din siya kapag may time siya.

Pasimpleng inayos ng binatang si Lex Haden ang kaniyang buhok sa salamin at tiningnan ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin kung maayos nga ba ang kaniyang itsura. Nakakahiya naman kung magmumukha siyang basang-sisiw sa kaniyang kliyente.

Hindi niya pa alam kung sino ang sinasabing kliyente ng kaniyang boss pero isa daw itong big time client.

Sa loob lamang ng 3 minutes ay inayos niya na ang kaniyang sarili maging ang mga dadalhin niya sa loob ng kaniyang suitcase.

Pababa na si Lex Haden nang makita niyang nakaabang na si Manang Rosing.

"Sir, kumain muna po kayo baka hindi kayo makapagpresent ng maayos sa kliyente niyo." Sambit ni Manang Rosing habang nakangiti.

Nginitian naman pabalik ni Lex Haden si Manang Rosing. Nakita niya rin ang dalawa pang maid na katu-katulong ni Manang Rosing sa malaking bahay na ito o mansyon nga ito kung tutuusin.

"Wag na ho Manang Rosing dahil late na po talaga ako eh. Mahirap na baka hindi ko pa makuha ang business deal na ito. Sayang naman po." sambit naman ng lalaking si Lex Haden habang may lungkot sa boses nito.

Nalungkot naman si Manang Rosing nang marinig niya ito ngunit agad din naman itong napangiti.

"O siya galingan mo ha. Naku, naku, ipagtatabi kita ng pagkain. Sisiguraduhin mong pagkatapos mo sa meeting mo ay kakain ka ha. Basta ipagtatabi kita ng pagkain para di ka gutumin pag-uwi mo." Sambit ni Manang Rosing nang nakangiti. Tiyak na nauunawaan niya si Lex Haden. Napakahard working nitong lalaki kaya masasabi niyang masuwerte ang mapapangasawa nito.

"Opo manang. Pakigising nalang po si Daisy para makakain na siya ng agahan. Mahirap na baka tanghaliin na talaga iyon kung gumising." Sambit ni Lex Haden habang inihahabilinan si Manang Rosing.

"Opo Sir." Sambit ni Manang Rosing kay Lex Haden.

"Kami na po manang Rosing." Sambit ng dalawang kasambahay habang mabilis na umakyat ang mga ito sa hagdanan papunta sa kinaroroonan ng kwarto ni Daisy.

"O siya alis na po ako manang." Sambit ni Lex Haden habang tinitingnan ang relo nito. Mabilis din itong lumakad palabas ng pintuan nito.

Agad naman siyang pumunta sa garahe ng kaniyang sariling sasakyan.

Kinuha niya naman sa kaniyang bulsa ang isang garage controller kung saan ay magbubukas ng kusa o automatic ang garahe at kusang  sasarado kung pipindutin niya itong muli.

Nang makapasasok siya ay dito ay nakita niya ang kaniyang sampong mamahaling sasakyan.

Agad niyang pinili ang kulay itim niyang kotse. Ito ang paborito niyang sasakyan. Walang pag-aalinlangang sumakay na siya kaagad rito.

Sinuot niya muna ang kaniyang seatbelt bago niya inilabas ang kaniyang kotse at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya. Mayroon na din siyang facemasks and face shields sa loob ng kaniyang sasakyan in case na lalabas siya pero di niya muna sinuot kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling sasakyan.

Pamilyar na siya sa lugar na pasikot-sikot sa Laguna kaya hindi na siya nagkakamali sa pagpili ng daanan o rutang tatahakin niya. Mayroon din siyang phone gps sa sasakyan niya kaya walang dahilan para maligaw pa siya.

Ang nabasa niya kahapon ay nasa ***** Restaurant sila magtatagpo ng kliyente niya. Ewan ba niya pero parang may mali eh. Alam mo yun, pandemic ngayon at halos takot ang mga tao sa Covid-19 Virus kaya konti lamang ang business transactions na nangyayari. Kaya halos online business meeting lamang ang halos ginagawa ng lahat lalo na ng mga clients, Stakeholders at mga investors even the higher-ups ay ganon din.

Parang kinakabahan siya na ewan. Feeling niya may mali eh.

Magkagayon pa man ay tumuloy pa rin siya sa business Transformation na ito. Sayang naman talaga ang business deal na ito at malaki daw ang perang involved dito. Kung hindi matutuloy o hindi magkakaroon ng deal ay siguradong milyon-milyong halaga ang mawawala sa kompanya nila. Isa siyang Vice President to begin with sa company nila kaya hindi maaaring pumalpak siya rito.

Ang involved dito ay ang cooperation ng dalawang Companies. Ang una ay ang HZAB Company  na kompanya nila at ang pangalawa ay ang AJLH Company. Siguradong magiging mahihirapan siya dito at bagong Company lamang ito ngunit ganito na kaunlad ang business lines ng Company nito ay maging siya ay nagtataka nga rin. Wala pang information siyang nakuha maging ang kaniyang boss ay wala rin.

Iwinaksi ni Lex Haden ang kaniyang sariling iniisip hanang mabilis nitong ipinukos ang kaniyang sariling atensyon sa pagmamaneho ng kaniyang sariling sasakyan. Mahirap ng maaksidente.

After 10 minutes ay narating niya rin ang ***** Restaurant. In-park niya muna ang kaniyang sasakyan sa bakanteng parking area ng Restaurant.

Nakita niya sa malayo na nakasarado ang pinto at mayroong sign na close habang mayroong isang lalaking nakasuot ng pang-waiter attire habang nakasuot ng face shield at face mask.

Minsan na rin siyang nakapunta sa restaurant na ito at masasabi niyang napakaganda ng Ambiance ng lugar rito. Siyempre busy din ang workloads niya kahit noon pa man and madalang lang siyang lumabas at gumala. He takes his job seriously maging ang responsibilities niya sa sarili at sa pamangkin niyang si Daisy ay ginagawa niya sa abot ng makakaya niya.

Magdadalawang-isip pa si Lex Haden kung lalabas ba siya o hindi. Ngunit mabilis niyang naisip ang business deal dahil napakaimportante nito para sa kaniya lalo na sa buong company na pinagtatrabahuan niya.

Sinuot niya ang kaniyang face mask at face shield bago siya lumabas ng kaniyang kotse.

Mabilis niya namang nilapitan ang nasabing waiter at nagtanong rito.

"Uhm, Good Morning. Is your Restaurant open?! I have a business transaction here." Sambit ni Lex Haden ng magalang at sa purong englis. Mayroon siyang european Accent dahil pinag-aralan niya din ang bagay na ito sa larangan ng pagsasalita which is very helpful sa kaniya when it comes to business.

"Good Morning too Sir. Are you Mr. G?!" Sambit ng lalaking waiter. Napakaglaing din nito mag-englis. Siyempre normal lamang sa filipino na magsalita ng lengwaheng englis. Almost lahat ng waiter din dito ay mga multi-lingual speaker. Code lang din ang ginagamit niya sa business transactions lalo na kapag sobrnsg private talaga ang business transactions na gagawin nila.

"Yes..." Simpleng sagot ni Lex Haden sa waiter.

"This way Sir... And by the way sir, that person inside is actually a bossy and piss off, be careful." Tila kinakabahang sambit ng waiter kay Lex Haden. Mabilis nitong binuksan ang

"Uhm, Thank you and I will accept your advice." Sambit ni Lex Haden at mabilis na Pumasok sa loob.

Dito ay bumungad sa harap niya ang nakayukot na mukha ng isang pamilyar na pamilyar na lalaki.

"Mr. G,  your such a lousy and a late bird of so called HZAB COMPANY! Ang  you are 25 minutes late!...!!!!!!!!" Galit na galit na sambit ng lalaking si Alexander Scott.

Thump!

Natigil sa paglalakad si Lex Haden at nakatulala lamang ang ito habang nagsasalita ang lalaking si Alexander Scott Scott tila walang katapusan ang bibig nito kakasalita sa kanya.