Chereads / Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog) / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Marami-rami din ang nabili ni Alexander James Scott at masasabi niyang halos lagpas 1 week na groceries niya ito. Nagbayad na siya at mabilis ring umalis sa loob ng Grocery Store.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay pumunta agad siya sa likod ng kaniyang kotse at doon ay binuhat at nilagay niya ang kaniyang mga pinag-grocery. Masasabi niyang ready na siya. Sinigurado niyang lock ang likod ng kaniyang kotse at mabilis na umikot siya upang sumakay na sa kaniyang kotse.

Papaandar na sana siya ng makaupo siya sa driver's seat ay nahagip ng kaniyang mata ang isang pamilyar na mukha na palagi niyang ninanais na makita at tanging laman ng kaniyang panaginip.

"Lex?! Totoo ba 'to? Nandito ka lang pala sa Tagaytay akala ko ay nasa iba kang sulok ng mundo pero dito ka lang pala." Masayang pagkakasabi ni Alexander James Scott nang makita ng kaniyang pares ng mata ng matagalan ang lalaking minahal niya ng todo. Halos hindi matanggal ang tingin niya rito na animo'y takot siyang baka isang magandang panaginip lamang ito. Kahit may nakatakip na fasemask sa ilong at bibig nito ay alam niyang si Lex Haden Guevara ito.

Ngunit ang sayang kaniyang naramdaman ay bigla na lamang naglaho nang makita niya kung paano lumapit ang isang magandang babaeng hinalikan nito sa pisngi ganon din ang babae nang matanggal nito ang facemask nito at hinalikan nito sa noo. Nag-uusap pa ang dalawa habang makikitang mahal nila ang isa't-isa.

Halos gumuhit ang sakit sa mukha ni Alexander James nang masaksihan niya ito ng harap-harapan. Halos hindi niya makayanan ang ganitong sitwasyon. Lalabas na sana siya sa kaniyang kotse ngunit mabilis ring pumasok sa loob ang dalawang taksil na taong kaniyang nakita sa loob ng sasakyan nito.

"Lex, ganon-ganon na lang ba ang lahat sa'yo? Kinalimutan mo na ba ako ha?! Ganon na lang ba ang lahat ng pinagsamahan natin? Pina-ibig mo lang ako tapos ako itong tangang hanap ng hanap sa'yo." Halos mamula ang mata ni Alexander sa kaniyang nasaksihang eksena. Yung tipong hindi niya nagustuhan ang tinginan ng dalawang taksil na tao.

Agad niyang tiningnan ang plate number bago pa man umandar at humarurot ang napakagarang kotseng minamaneho ni Lex Haden Guevarra kung saan ay mabilis niyang inilagay sa kaniyang cellphone. Tinext niya ang plate number tsaka niya tinawagan ang kaniyang Private Investigator.

"Kindly investigate this plate number at ayusin mo ang trabaho mo this time. I want you to locate this person's identity, registration etc. Wag ka sanang papalpak this time." Seryosong pagkakasabi ni Alexander James Scott sa private investigator.

"Toot...toot..."

Mabilis na ibinaba ni Alexander James ang kaniyang cellphone. Medyo iritable siya ngayon at hindi mapakali sa kaniyang inuupuan. Ikinalma niya muna ang kaniyang sarili upang maayos siyang makapagmaneho.

"Mark my word Lex, hindi ka makakatakas sa akin dahil una pa lamang ay akin ka na. Sino naman ang babaeng kalandian mo at mukhang nakalimutan mo na ata ako. Talagang pinapainit niyo ulo ko hmmp!" Sambit ni Alexander James habang makikita sa mukha at sa tono ng boses ang sobrang pagkaselos sa dalawang taong naglalampungan kanina.

Maya-maya pa ay bigla na lamang niyang pinaandar at pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

...

Samantala...

Nang makauwi na sila ay nag-usap muli si Lex Haden at ni Daisy na kung makakapit ay parang magnobyo't nobya ang mga ito.

"Daisy anak, ano ka ba naman ha?! Ang laki mo ng babae at dalaga ka na pero kung makakapit ka sakin ay parang tuko. Umayos ka ha." Sambit ni Lex Haden Guevarra sa anak ng kaniyang ate. Sino ba naman kasi ang gugustuhing magkaroon ng ganitong anak-anakan eh kung makakapit ay parang bata at sobrang childish.

"Tito daddy naman eh, alam mo namang nilulubos ko na baka mamaya ay may girlfriend ka na eh kaya ka ganyan. Hmmp! Sinasabi ko sa'yo Tito daddy sasabunutan ko yang bruhilda mong jowa hehe." Seryosong sambit ni Daisy habang mayroon pa itong makahulugang ngisi.

Namula naman si Lex sa sinabi ni Daisy. Kung alam nitong hindi girlfriend kundi boyfriend ay matatawa na lamang siya rito kung sakaling magkita na ang dalawa. Kung alam lang nito na nami-miss niya na si Lex ngunit sa biglaang pangyayari ay hindi na sila muling nagkita pa. Matagal na panahon na siyang nangungulila rito. Alam niyang pinaiimbestigahan siya nito ngunit alam niyang hindi pa noon ang tamang panahon para magkita silang muli lalo pa't patong-patong na responbilidad ang nakaatang sa balikat niya nitong nakaraang limang taon ngunit lahat ng iyon ay nalampasan niya. Hindi niya aakalaing isa ang ate niya sa mga investor at isa itong big time na stakeholders sa mga companies. Yun nga lang ay nahirapan ang mga ito sa paghahanap sa kaniya sapagkat confidential ang buhay nito at tago mabuti na lamang at mayroong inilabas na impormasyon patungkol sa kanila lalo na sa anak nito.

"Ano ka bang bata kung ano-ano naman yung sinasabi mo diyan ha naku-naku ikaw pa rin priority ko no hehe..." Sambit ni Lex Haden sa inaanak niyang si Daisy sabay gulo sa buhok nito.

"Titoooo Daddyyyyy, sabing wag mong guluhin tong buhok ko. Alam mo namang ang hirap ayusin nito eh."sambit ni Daisy habang mukha na siyang dinumog ng sampong katao.

"Yan ang napala mo sa pagiging pilya mo hahahaha!!!" Sambit ni Lex sabay pasok sa loob ng napakalaking mansyon na humalakhak pa.

Nagpapadyak-padyak naman si Daisy habang sumunod ito sa likuran ng kaniyang tito daddy na si Lex.

Pag nagka-girlfriend ka talaga tito daddy ako ang unang sasabunot dun kala mo ay papalampasin ko ang pagkakataong iyon ha... Nagkakamali ka, laban na to kung laban. " Sambit ni Daisy habang pinapakita nito ang kaniyang braso at naglakad na parang lalaki. Yung tipong ready to bakbakan na yung awra niya.

"But first, ayusin mo muna yang sarili mo dahil kapag nakita mo yun hindi mo siya masasabunot hahahaha..." Sambit ni Lex habang mabilis na pumunta sa itaas habang si Daisy ay natigilan.

"Mark my word Tito daddy dahil paparusahan ko siya kagaya ng ginawa mo hmmp!" Sambit ni Daisy habang nagdadabog habang hindi na ito sumunod pa at nagpunta sa ref upang kumuha ng tubig. Feeling niya talaga may tinatago ang kaniyang tito daddy.