Chereads / Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog) / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10

"Hindi ko pinagsisihang gawin to sa sarili ko pero dahil dito ay masisingil ko ng malaki si Xander. Uuntiin ko siya hanggang sa mabaliw siya sa'kin. Ipaparamdam ko sa kanya kung paano ang paglaruan. Ipapakita ko ring iba ako maningil sa pamamagitan ng paglalaro." Sambit ni Lex sa kanyang isipan habang nakangisi. Agad din itong nawala ng biglang nakita niyang gising na si Alexander.

Mahigit isang buwan muli ang nakalipas simula ng mangyari iyon ay halos dito na siya tumira. Talagang halos di na siya natutulog o pumupunta sa kulungan.

Agad siyang niyakap ni Alexander ng mahigpit at pinaghahalik-halikan sa labi, mukha at sa leeg.

"Hoy, magmumog ka nga Xander, kay aga aga eh nanghahalik ka, ang baho mo eh." Sambit ni Lex habang pilit niyang inilalayo ang sarili mula kay Alexander.

Agad naman siyang tiningnan ni Xander at dinaganan.

"Sinong mabaho ha? Papakita ko sa'yong walang mabaho sakin Hade!" Sambit ni Alexander habang pinaghahalikan niya si Lex.

Ilang minuto ay tinulak ni Lex si Alexander.

Pinutol niya na ang halikan nila.

"Oo na, walang mabaho sa'yo pero isang buwan na tayong ganito tsaka parang dito na ko tumitira eh. Nakakahiya na Xander, alam mo yun tsaka yung mga kaibigan ko eh nagtatampo na ang mga iyon." Sambit ni Lex ng seryoso.

"Anong problema nun eh gusto kitang masolo palagi. Alam mong akin ka lang Lex. Pero sige mamaya, hahayaan kitang matulog dun pero babalik ka bukas ng maagang-maaga bukas dahil ako mismo pupunta sa kulungan mo at kakaladkad, maliwanag ba?!" Sambit ni Alexander ng seryoso. Hindi man nito aminin pero ayaw niya talagang mawalay kay Lex kahit isang minuto lalo pa't mas naging intimate sila simula nitong isang buwan. Ewan ba niya pero naaadik siya kay Lex.

"Sige bah, deal yan ha tsaka alam mo namang mami-miss rin kita mamaya eh. Siyempre aagahan ko bukas.

...

"Boss, kailan ka kikilos, inip na inip na 'ko tsaka yung kaso ni Lex? Alam mong magkakaroon ng malaking problema na maaaring sumiklab anumang oras. Kumilos ka na kung hindi ay kahit ako na nangangamba na mas masasaktan si Lex. Ewan ko ba pero parang may nagbago kay Lex, I mean is kagaya pa rin siya ng dati but tingin ko ay may alam na siya." Sambit ng misteryosong lalaki.

"Alam mong imposible iyon but ayoko ring isawalang-bahala ito, maaaring tama ka pero either than that. Gagawin ko na at bukas dito ay malalaman natin ang katotohanan lalo na sa Alexander na yan. This is it!" Sambit ng lalaking tinatawag na boss.

"Inaasahan ko yan boss, I think masusurpresa din ako. Boss, ano na ang lagay ng kaso ni Lex?!" Sambit ng lalaki habang inulit ang tanong nito na hindi nasagot ng kanyang boss.

"Don't worry, matagal ko ng nasolusyunan ito lalo pa't NOT GUILTY si Lex. Ang mga fingerprint ay hindi tugma tsaka gising na ang biktima. Pinalabas lang na patay dahil marami itong kaaway sa negosyo. Kailangan kong ilihim ito dahil alam mong malaking problema ito kung nagkataon." Sambit ng boss ng lalaki. Makikita na mayroon din siyang iniisip na bagay-bagay na gumugulo sa kanyang isip.

"Mabuti kung gayon. Sana lang boss ay gagawin mo ang ating napagkasunduan." Sambit ng lalaki.

"Oo naman, don't worry!" Sambit ng boss nito.

Agad na naputol sa kabilang linya. Agad na umalis ang lalaking ito sa lugar na ito.

...

Kasalukuyan nagtatrabaho si Alexander buong magdamag. Tambak lahat ng paper works niya dito. Medyo dumami kasi ngayon dahil delayed yung pagdeliver ng papeles na kailangan nilang gawin. Hindi lamang siya Warden dahil part-time lamang iyon dahil in-assign siya doon.

"Mabuti nalang talaga at wala dito si Hade kung hindi ay baka di ko to nagawa. Konti nalang at siguradong free time ko na bukas." Sambit ni Hade ng makitang ilang piraso na lamang ang kanyang tatapusin.

Ring! Ring! Ring!

Tumunog ang mamahaling cellphone ni Alexander. Maya-maya pa ay biglang kinuha niya ito at nakita ang naka-register "Grandpa"

Agad namang natigilan si Alexander sa kanyang nakita. Alam niyang either good news or bad news lang ang dahilan ng pagtawag nito. Ang lolo niya ay isang businessman at mas malaki ang ranges ng mga businesses nito Worldwide, both Local and International.

Agad na ring pinidot ni Alexander ang answer button.

"Lo, napatawag po kayo?!" Sambit ni Alexander habang namamawis ang noo nito.

"Nangangamusta lang ako, and nakarating sa'kin na you're doing great about your job as a Warden and SPO2, balita ko ay malapit ka ng mapromote hehe!" Masayang sambit ng Lolo nito sa telepono.

Agad namang napahinga ng maluwag si Alexander dahil dito. Akala niya kung ano na eh.

"Thank you Grandpa. Actually di ko pa alam Lo eh. I know Lo, di lang iyan ang tinawag mo. Speak it up!" Sambit ni Alexander sa seryosong boses.

"Hahaha... nakarating kasi sa'kin dito na nakipagrelasyon ka daw sa isang preso diyan, totoo ba yun?" Sambit ng Lolo niya habang nakangiti,  halata sa boses nito ang  pagkasarkastiko.

Dito ay mas dumoble ang kabang nararamdaman ni Alexander. Agad niyang ikinalma ang kanyang sarili.

"No Lo, It just that fling² or whatsoever. Alam mo naman Lo na hindi ako ganong klaseng tao Lo!" Pangangatwiran ni Alexander. Ang mga sinabi niyang ito ay pawang kasinungalingan lamang.  Ang totoo ay hindi niya maamin sa sarili niya na naging pinakamasayang tao siya kapag kasama niya ito palagi.

"Good, I don't want you to ruin your life. Pinagbigyan kita sa gusto mong gawin James. Lolo will be disappointed if you are inlove with such a criminal haha!" Sambit ng Lolo niya habang alam ni Alexander na may pagbabanta ang boses nito.

"I know Lo, makakaasa kayo! That's it Lo?!" Sambit ni Alexander habang nagpipigil ng galit. I know it is a bad thing pero naapakan na ang sariling bottom line niya. Alam mo yun, at ang lolo niya lang ang makakagawa sa kanya nito.

"That's all tsaka kinakamusta lang kita apo hehe keep up the Good Work apo!" Sambit ng lolo ni Alexander.

"Oo Lo, thank you." Sambit ni Alexander.

Agad na naputol ang linya sa kanila. Siguro ay may bagong mahalagang kliyente ang lolo niya, business minded ang kaniyang lolo kaya hindi na nakakapagtaka iyon.

Natulog si Alexander ng puno ng bagabag ang kaniyang puso't-isipan. Nagtatalo ang isipan niya kung ano ang kahihinatnan nito lalo na ang kaniyang bawal na relasyon, ang relasyong ayaw niyang bitawan ngunit parang ang tadhana na mismo ang kaniyang kalaban.

...

Nagising si Alexander nang makarinig siya ng katok. Naalala niyang pupunta ngayong umaga si Lex. Dali-dali niyang inayos ang sarili niya at nagmumog. Baka kasi tuksuhin naman siya ni Lex/Hade na mabaho lalo na yung hininga. In a minute ay natapos siya pero di pa siya naliligo o nag-uumagahan.

Pagbukas niya ay agad siyang nagwika.

"Ang mo ata pumunta--- Lo?!" Sambit ni Alexander nang tumambad sa kaniya ang mukha ng kaniyang Lolo kaysa sa inaasahan niyang mukha ni Hade/Lex. May gulat siyang ekspresyon sa mukha.

"Oh bakit parang nagulat ka ata James Apo?! May inaasahan ka bang bisita?!" Sambit ng kaniyang lolo.

Medyo hawig ang itsura nila ni Alexander ngunit pang-older version lang. Mestiso ang lolo niya at may accent ang sinasabi niya kahit tagalog.

"Ah opo Lo, dadating kasi ang kaibigan ko. Tsaka bakit di ka agad nagsabi lo nang makapag-order ma lang sana ako ng pagkain." Sambit ni Alexander habang nagkakamot ng batok.

"No need apo, di rin ako tatagal eh." Sambit ng Lolo nito.

Maya-maya pa ay biglang may nagsalita sa likod.

"Uhm, excuse mo po?! Nandito po ba si Xander?" Magalang na tanong ni Lex habang kita niya ang likod ng isang matandang lalaki.

"Uhm, Xander ito ba yung sinasabi mong bisita?!" Sambit ng kaniyang lolo habang nakita nitong nakatingin si Xander sa lalaking bagong dating lang rito.

"Uhm Lo, it's better if dun tayo mag-usap sa loob." Sambit ni Xander sa kaniyang Lolo na agad namang pumasok sa loob ng opisina nito.

"Hade, it is better if bumalik ka nalang mamaya. Dumating kasi si Lolo eh, urgent kasi at nagulat ako, I hope that you'll understand my situation." Sambit ni Alexander habang halatang gulong-gulo ito.

"Okay, naiintindihan ko. I know na hindi ako importante and set aside lang ako palagi but I'm okay!" Sambit ni Lex habang malungkot ang mata nito ngunit tipid ring ngumiti.

"Alam mong hindi yan totoo Hade, sige na. Babawi lang ako mamaya. I'm really sorry." Sambit ni Alexander habang makikita ang lungkot sa boses nito. Mabilis nitong ninakawan sa labi si Lex na ikinangiti nito.

"Okay, I understand! Aasahan ko yan mamaya lalo na mamayang gabi." Sambit ni Lex sa mapang-akit na boses.

Agad namang kumislap ang pares na mata ni Alexander ngunit mabilis niya ring isinara ang pintuan baka hindi niya mapigil ang sarili niya. Malaki talaga ang epekto ng isang Lex Haden Guevarra kay Alexanderr James Scott.

Agad namang pumunta si Alexander sa loob ng opisina niya.

"What takes you so long?" Takang sambit ng Lolo ni Alexander.

"Sorry Lo, so what takes you here Lo?!" Sambit ni Alexander.

"Uhm, it's just that na-miss ko lang ang Apo ko, di rin ako tatagal kasi may business meeting ako mamaya with my important client. Baka gusto mong sumama?!" Sambit ng Lolo nito.

"Sorry Lo but you know I'm really busy right now and as you can see medyo messy yung opisina ko. As in wrong timing Lo. May duty pa ko mamaya. Delayed kasi yung pagdeliver ng mga files at forms dito na dapat trabahuhin. Sorry talaga Lo." Malungkot na saad ni Alexander habang nakatingin sa Lolo niya.

"I understand you Apo, mabuti naman at natuto ka na to work on your own. Di na kita pipilitin dito. But let's get to the real business why I came here." Sambit ng lolo niya ng piglang napalitan ng seryosong ekspresyon ang kaninang nakangiti nitong mukha.

"What's the problem Lo? May naging problema ang one of your companies?!" Sambit ni Alexander habang makikita ang pag-alala sa mukha nito.

"No, mas malaki pa dun. Ikaw ang may malaking problema James. What's between you and that bastard criminal?!" Sambit ng Lolo nito na marahas nitong sinabi ang huli nitong pangungusap na patanong.

Agad namang kinabahan at napakuyom ng kamao sa huling sinabi ng kanyang Lolo ngunit agad niyang kinontrol at ikinalma ang kanyang sarili.

"Uhm, nothing Lo. It's just that siya kasi yung houseboy na naglilinis ng opisina ko." Pangangatwiran ni Alexander habang pawang kasinungalingan ang kaniyang sinabi.

"Liar! Hindi ako tanga Alexander James para paikutin mo sa sarili mong kamay. Wag. Mo. Kong. Lokohin. Tell. Me. The. Real. Score. Between. You. And. That. Criminal?!" Galit na galit na sambit ng Lolo nito habang makikita ang disappointment nito sa mukha nito.

Kinakabahan at namamawis ang noo ni Alexander sa tagpong ito. Hindi niya aakalaing makakatunog ang kaniyang Lolo sa kanyang pinanggagagawa rito.

"Pinaglalaruan ko lang siya Lo and I mean it! Di ko siya niligawan or anything. Siya ang palaging pumupunta rito at hindi ko siya minahal Lo. Narinig mo na ang dapat kong sabihin sa plano kong ito. Okay na ba?!" Sambit ni Alexander habang masamang nakatingin sa Lolo niya.

"Hahaha, apo nga kita. Pero bakit mo ginawa ang planong to? Para saan?" Sambit ng Lolo niya habang nakukulangan siya sa sagot ng apo niya.

"Dahil kay Rick Lo, his getting into my nerve. Palagi nalang niyang sinasabutahe ang plano ko. He really wants to compete with me in the incoming promotion. Kaya ng makita kong halos magkalapit sila ni Lex na yun ay doon ko isinagawa ang plano ko!" Sambit ni Alexander habang isinalaysay nito ang buod ng kaniyang plano. His viscious plan.

"Hahaha, I get it now, Excellent! Apo talaga kitang tunay. You never disappoint me in my expectation to you hahaha! " Sambit ng lolo ni Alexander haabng nakangiti.

Maya-maya pa ay narinig nila ang kalabog sa labas.

"Ano yun Lo?" Sambit ni Alexander habang kumabog ang dibdib niya. Isang tao lang naman ang maaaring nasa labas, si Lex. Halos atakehin siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Hindi maaari? Narinig niya kaya? Kakamuhian niya kaya ako?" Puno ng tanong ang nasa isipan ni Alexander.

"Look Apo, parang naka-on yata yung mic oh." Sambit ng lolo niya habang tinuturo ang   isang nakadikit na speaker sa isang haligi.

Halos masindak si Alexander sa pangyayaring ito. Parang binagsakan siya ng langit at lupa. Nakita niyang naka-on nga ang mic ng speaker dahil nagbi-blink ng kulay pula ito.

"Ano?! Pano nangyari to Lo? Ano na gagawin ko?!" Sambit ni Alexander habang puno ito ng pangamba lalo na sa mukha niya.

"Edi hayaan mo, isa lamang siyang kriminal. Mabuti na lamang at nalaman niya ang totoo. You're doing great apo!" Sambit ng Lolo niya habang nakangiti.

Tumayo na ito at nagsalitang muli.

"Alis na ko James Apo. Lolo is proud of you. You are not like your father who's a shame on our family especially in business. I count on you!" Sambit ng Lolo ni Alexander habang nakangiti.

Si Alexander ay tulala sa kawalan. Hindi niya naramdaman na nakaalis na ang kanyang Lolo. Namumula ang mga mata nito at unti-unti niya naramdamang tumulo na ang masaganag luha sa kanyang pisngi. Ewan niya, hindi niya lubos maisip kung bakit ang sakit-sakit ng kaniyang puso na animo'y pakiramdam niya ay pinipiga ito. Walang tigil pa rin sa kakaluha ang kanyang mata. Ang huling iyak na natandaan niya ay noong bata pa siya pero ngayon ay mas higit pa sa normal na iyak ang kanyang nararamdaman. Lungkot at paghihinagpis ito.

Halos hindi maihakbang ni Alexander ang mga paa niya dahil parang nawalan siya ng lakas. Alam niyang sa oras na ito ay siya ring pagkawala ng pinakaimportanteng tao sa buhay niya, si Lex Haden Guevarra.