5 Years Later...
"Magandang umaga sa inyong lahat ng mga manonood. Ngayong buwan ng Marso 2020 ay kinumpira na umabot na sa Pilipinas ang nasabing virus. Sa susunod na buwan ay mapapasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang lugar ng Maynila at susundan ito ng ibang pang mga lugar na sakop ng Pilipinas. Pinapayuhan ang lahat ng mga tao na huwag gumala-gala o iwasang gumala kapag hindi importante. Pamalagiang magsuot ng face mask nang sa gayon ay huwag tayong mahawa sa nakakatakot na virus. This is ****** ***** reporting!"
Iyan lamang ang maririnig ni Alexander James Scott bago niya patayin ang napakalaking flat screen TV niya. Kasalukuyan siyang nasa Tagaytay at ang malala ay nasa isa siyang Resthouse nila. Pinili niya kasi na ngayon buwan siya magbakasyon rito sa Tagaytay bago siya pumunta sa Manila. Hindi niya naman kasi planong magbakasyon ngayon pero naka-leave kasi yung warden na papalit sa kaniya. Honestly, nagresign na rin siya sa trabaho sa pagiging Warden niya dahil sa limang taon niyang pagseserbisyo doon ay pakiramdam niya ay bumabalik ang alaala niya patungkol sa taong minahal niya. Hindi naman kasi maitatangging napalapit at nahulog na ang loob niya sa lalaking una niyang minahal. Ewan ba niya, kung bakit sa dinami-rami ng babaeng kaniyang naikama, niligawan at naging syota ay dito siya mas nasaktan ng todo.
Sa limang taon niya ay parang wala siyang gana. Kahit nga minsan ay napapabayaan niya ang iba niyang mga gawain sa Presinto lalo na sa nakatoka niyang gawain. Mabuti na lamang ngayon at pinayagan siyang magleave. Alam na rin ng kaniyang Seniors at Higher Ups na magreresign na siya ng trabaho. Ang kaniyang lolo na kasi ang mag-aasikaso niyon.
Humarap si Alexander James Scott sa full length na salamin habang tinitingnan ang kaniyang repleksyon. Mistula niyang ginulo ang kaniyang buhok habang makikita ang depressing look niya. Nahirapan nga siya palagi matulog kasi naman ay nasanay na siya noong nakaraang limang taon na mag-isa na lamang
"Asan ka na Lex?! Bakit hindi kita mahanap man lang kahit anino mo ay hindi ko man mahagilap, grabe namang parusa to?!" Sambit ni Alexander James Scott habang hindi maiwasang mamasa ang naggagandahang pares ng mata nitong kulay asul. Hindi niya kasi mapigilang mapaiyak na lamang habang naiisip niya ito. Mas mabuti ngang tambakan na siya ng maraming trabaho dahil sa tuwing mapag-isa siya at walang magawa ay ganon na lamang ang kaniyang pangungulila kay Lex.
Makailang private investigator na rin ang binayaran niya sa paghahanap ng kasagutan kung nasaan na ito? Kung ano ang kalagayan nito? Kung okay ba ito o kung nagka-asawa na ito?" Halos malunod na siya sa pag-iisip ng mga negatibong bagay.
Cring! Cring! Cring!
Isang malakas na tunog ng kaniyang iPhone 12 Pro Max ang biglang umalingawngaw na siyang nagpabalik sa kaniyang isipan sa reyalidad. Nakita niya na nakaregister na sa screen ang pangalan ng kaniyang lolo.
"Oh Lo, napatawag po kayo?! May problema po ba kayo sa Kompanya?!" Sambit ni Alexander James Scott habang makikita ang labis na pag-aalala rito.
"Uhm, Apo... Wala naman but your flight to Manila at sa ibang lugar rito sa Pilipinas maging sa Abroad ay cancelled dulot ng mapaminsala at patuloy na paglaganap ng virus dito. That's why, I suggest that you will stay there kasi hindi na rin safe kung magtatrabaho ka pa sa bilangguan kasi may naitalang kaso na kasi ng mga pagkahawa doon kahit sa bilangguan na pinagtatrabahuan mo. Ako na rin ang bahala sa pagprocess ng papers mo sa iyong pag-resign doon through my personal lawyer. Kapag kasi hindi ay ako ang malilintikan sa lola mo at sa mama mo. I don't think I have a choice kundi padaliin ang pagproseso at ang safety mo ang priority namin ." Sambit ng kaniyang lolo na si Benjamin Franco Scott. Nakakamatay kasi ang nasabing Covid-19 virus at ayaw nilang mahawa ang kahit na sinuman sa kanilang pamilya. Overprotective ang lolo niya in a first place kahit na medyo strict ito sa kaniya pero mas lalo ang kaniyang nanay at ang lola niyang sobra kong mag-alala, mapagkakamalang OA na kasi dahil ang laking bulas niyang tao tapos kung ituring siya ng lola niya ay parang 7 year old kid.
"Hayst... Mabuti nga Lo na nandito ako baka pagtripan pa ko nila mama at lola diyan eh. Btw, ingat po kayo lo." Sambit ni Alexander habang makikita ang labis niyang pangungulila sa mga ito. Kasi naman, sobrang extended na ng vacation niya to think na maeextend pa. This will a new life for him being in a new style of life because of ECQ. Hindi naman big deal ito but he don't want to be like this. He just don't want to waste his time kasi naaalala niya ang nakaraang nangyari na hindi niya makakalimutan ngayon. Dulot pa ng balitang ito ay alam niyang doble hirap na niyang matagpuan ang taong gumugulo pa rin sa isipan niya hanggang ngayon at hindi niya man sabihin ay alam niyang hindi na niya maaalis ang taong nagbigay ng labis na kalungkutan sa kaniya noong nakaraang limang taon hanggang sa kasalukuyan na lubos niyang pinagsisihan.
"Paano na kita mahahanap pa kung ang panahon mismo at uri ng set up ng buhay ng tao ang apektado ng pandemya ngayon pero hahanapin kita kahit saan ka pa magtago Lex, Mark my Word... I will find you!" Sambit ni Alexander James Scott habang mabilis nitong dinampot ang isang bote ng mamahaling alak sa isang stall ng kaniyang bahay na ginawa niyang Drinking area. Halos puro wine naman ang iniinom niya and kapag stress talaga siya o walang magawa.
He can't believe that how many years have past but he kind find Lex. He don't know but thinking of something worst scenario na maisip niya ay naii-stress siya but he is hopeful na makita ito at hindi na papakawalan pa.
Diretso-diretso lamang tinungga ni Alexander ang kaniyang wine at nilapag niya ito ng wala ng laman.
Maya-maya pa ay biglang may tumawag sa kaniya.
"Hello Boss?!" Sambit ng isang boses sa linya.
"Speak" Simpleng sagot ni Alexander sa taong kaniyang kausap.
"Ayon sa nakuha kong files ng pinapahanap niyo na persona ay void na po which means wala na pong update ang records nito. Baka nagpalit po ito ng ibang pangalan o kaya ay namatay na po it----!" Sambit ng kausap nito ns siyang isang private investigator.
"Anong sinabi mo?! Hindi yan ang hinihingi kong impormasyon sa'yo. Paulit-ulit nalang ba. I hired you at ang mga recent na professional private investigator but to think na wala kayong mahanap na impormasyon like locations ay hindi niyo man lang mahanap. I pay you right but give me an accurate and latest information about this. Sorry to tell but I give you a week na bagong information at kung kailangan mong halughugin ang buong Pilipinas at ang mga nakatagong private information ng mga tao rito ay gawin mo dahil trabaho mo yan!" Pagalit na pagkakasabi ni Alexander James Scott at mabilis niyang pinatay ang kaniyang tawag na may diin. Malakas niyang naisuntok ang ibabaw ng maliit na lamesa ng kanyang stall.
Hindi naman siguro tanga ang private investigator niya ngayon na sisisantehin niya ito kapag wala itong mahanap.
To be continued...