Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8

Makalipas muli ang isang buwan at walang naging problema sa loob ng selda maging ang relasyon nina Lex at Alexander ay ganon pa rin.

Maaga pa lamang ay gising na sina Lex at Xander. Mayroon silang magkaibang gawain ngayon.

"Doon pala ako matutulog mamaya sa loob ng kulungan. Nagtatampo na kasi ang mga kaibigan ko Xander eh. Just this night!" Sambit ni Lex habang makikita ang lungkot sa boses nito.

"Okay, mamimiss kita Lex! Sige kung yan ang gusto mo tsaka maaga pa ko bukas eh haha..m dito ka na mag-breakfast please!" Sambit ni Alexander sa malungkot na tono habang nagpapaawa-effect kay Lex.

"Okay! Tsaka ikaw pa, hindi kita matatanggihan noh!" Sambit ni Lex habang hinalikan niya si Alexander sa labi.

"Sige na, paalam! Ingat ka dito Xander!" Sambit ni Lex sa malungkot na boses.

"I will!" Sambit ni Alexander ng nakangiti.

...

Ang buong araw na ito ay nagbonding ang magkakaibigan sa pamamagitan ng kanilang gawain ngayon. Sa ilang buwang pamamalagi ni Lex sa kulungan ay natututo na siya ng iba't-ibang gawain dito lalo na sa pagtatanim ng mga gulay o pagpapasustansya ng mga lupa. Nalaman niya ring dapat kada ani ng gulay ay dapat na magtanim ng ibang gulay noong pinagtaniman. Halimbawa na lamang dito ay tumanim sila nitong nakaraan ng mga okra, dapat sa susunod na taniman ay kamatis, talong, kalabasa o iba ang itanim upang manumbalik ang sustansya ng lupa.

Marami din siyang natutunan patungkol sa mga weaving at iba pa. Kahit nakakulong sila ay hindi nila maramdaman iyon dahil sa mayroong mga programa ang gobyerno para dito.

Naging masaya ang bonding time nitong araw. Walang anumang naging balakid dito.

...

"Pupuntahan ko muna ang opisina ni Alexander, naiwan ko yung sched ko dun eh. Bukas ay tatawag pa naman ako dahil field trip nila. Hindi ko siya makakausap pagka 8am hanggang gabi." Sambit ni Lex habang makikita ang lungkot sa mata nito.

"Sige na Lex, naintindihan namin. Dalian mo ha tsaka DITO KA TUTULOG NGAYON." Sambit ni Leo habang hindi ito tumatawa.

Malakas naman siyang binatukan ni Chris

"Parang tinatakot mo ata si Lex eh. Sige na Lex, DITO ANG BAHAY MO NGAYONG GABI!" Sambit ni Chris na siyang binatukan rin ji Vhon.

"Loko-loko talaga kayo, parang tinatakot niyo naman si Lex eh haha sige na Lex baka gabihin ka pa mamaya eh!" Sambit ni Vhon habang natatawa.

"Oh sige!" Masayang sambit ni Lex habang mabilis na umalis papunta sa opisina ni Lex.

Pumunta si Lex sa opisina ni Alexander sa mabilis na oras. Ayaw niyang istorbohin si Alexander kung kaya sa likod siya dumaan at nang makalapit siya ay doon siya nakarinig ng boses na nag-uusap.

"Boss Al, ano na ba ang takbo ng mga plano mo? Success ba?!" Sambit ng isang boses nito. Sa pagkakaalam niya ay Julius ang pangalan ng lalaki.

Dito ay kinutuban ng masama si Lex dahil sa narinig niya.

"Ako pa ba?! Hindi ako mabibigo sa plano kong ito, sino ang makakatanggi sakin? Sa hula ko ay patay na patay na sa'kin si Lex hahaha!" Sambit ni Alexander habang natatawa.

"Bilib din ako sa'yo Boss eh kaya Idol kita. Hindi lang chicks nabibiktima mo kundi pati na rin mga lalaki hahaha!" Sambit ng isa pang boses. Natatandaan ni Lex ang boses na ito. Boses ito ni Greg, ang kasama ni Alexander palagi.

"Ako pa ba? Palibhasa wala kayong tiwala sa'kin eh. Alam niyo naman ako diba, kayang-kaya kong paibigin ang lahat kahit na sino pa yan!" Pagmamayabang ni Alexander sa dalawang kaibigan niya.

Nakita at nasaksihan mismo ito ni Lex. Nakita niya kung paano ka mahinahon at madaling sabihin ito ni Alexander. Dito na tumulo ang masaganang luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi na siya nag-abala pang pumasok o magpakita man lang sa harap ni Alexander o tumapak man lang sa sahig ng opisina.

Marami pa siyang narinig na mga salitang hindi niya aakalaing lalabas mismo sa bibig ni Alexander. Dito ay nakaramdam siya ng galit at inis kay Alexander lalo na sa sarili niya.

"Ang bobo mo Lex, ang bobo bobo mo! Bakit ka naniwala sa sinabi niya? Nagawa mo pa siyang ipagtanggol sa kaibigan mo pero ngayon ano na?!" Sambit ni Lex habang tumutulo ang luha niya.

Mabilis siyang tumakbo pabalik sa kaniyang kulungan. Doon ay pinunasan niya muna ang kanyang mga luha bago pa siya pumasok sa loob.

Nakita naman ng tatlo ang namumugtong mata ni Lex. Magtatanong pa sana sina Leo at Chris ngunit pinadilatan sila ng mata ni Vhon. Sinenyasan niyang manahimik lamang ang dalawa.

Dito ay naunang naglatag at natulog si Lex. Mahina pa itong umiiyak bago nakatulog.

"Anong nangyari sa kanya Vhon?! Bakit para atang namumugto ang mga mata niya." Sambit ni Leo habang nagtataka.

Agad naman siyang binatukan ni Chris.

"Nagawa mo pang mamilosopo. Eh pumunta lang naman siya sa opisina ni Warden Al tapos naging ganon na. Alam mo ba ang ibig sabihin nun?!" Sambit ni Chris habang naiinis na rin. Naawa siya sa kalagayan at tamlay na ipinakita ni Lex kani-kanina lamang. Ngayon niya lamang itong nakita ng ganon at ayaw niya ring makita itong muli na nagkakaganon.

"Tumigil nga kayo diyan. Nandito na ang kinakatakot natin, siguradong may kinalaman ito kay Alexander. Hindi naman siya magkakaganito kung hindi ito personal na problema nito." Sambit ni Vhon ng seryoso. Halatang mayroon na siyang paunang clue kung bakit nagkakaganito si Lex. Totoong napansin niya ang sobrang pagkatamlay nito. Bilang kaibigan ay naaawa na rin siya kay Lex. Madami na rin itong hirap na pinaagdaanan lalo na sa labas ng kulungang ito.

Dito ay nagkaroon ng hindi magandang gabi para sa magkakaibigan ngunit wala silang magagawa rito.

...

Kasalukuyang umaga na ngayon, dito ay pinalilibutan nina Chris, Leo at Vhon si Lex. Kasalukuyan silang nasa gitna ng maalab na usapin.

Dito ay ikinuwento ni Lex ang totoong nangyari kagabi at kung ano ang narinig at nasaksihan niya dito.

Nang marinig itong lahat nina Leo, Chris at Vhon ay mababakasan ng pagkaglait ang kanilang ekspresyon sa mukha.

"... Sana nakinig ako sa inyo eh. Pasensya kong nagsinungaling ako sa inyo na hindi ako umaasa kay Xander huhuhu!" Smabit ni Lex habang umiiyak na.

Sabay pa sanang sisigawan at sesermunan ni Chris at Leo si Lex ng makita ang namumulang mata ni Vhon sa kanila.

"Huwag niyo ng ituloy sasabihin niyo baka mabugbog ko pa kayong dalawa eh." Mahinang pagkakasabi ni Vhon sa dalawa ng hindi naririnig ni Lex.

"Dumito ka muna Lex sa loob para hindi ka lalong ma-stress. Hindi magandang magtrabaho ka ng wala ka sa sarili mo dahil baka maaksidente ka pa eh. Kami ng bahala sa naiwan mong trabaho at magdadahilan na lamang kami." Sambit ni Vhon kay Lex.

"Sige salamat Vhon ah maging sa inyo huhuhu!" Sambit ni Lex haabng umiiyak pa lalo.

"Oh siya alis muna kami Lex!" Sambit niya sabay hila sa dalawa na may pangit na ekspresyon sa mukha ng mga ito.

Nang makalabas sila sa loob ng kulungan ay saka naman pumalag sina Leo at Chris sa mga kamay ni Vhon.

"Seriously Vhon?! Sinabi mo talagang tatapusin natin ang gawain niya sa araw na ito?! I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason!" Sambit ni Chris habang sinalita nito sa huli ang makahulugang linya mg kilalang aktor.

"Oo nga Vhon, kung gusto mong salbahin ang trabaho ni Lex, wag mo kaming idamay dahil walang himala, ang himala ay nasa puso lamang!" Sambit ni Leo habang sinambit ang isang kilalang linya ng isang primyadong aktres.

Agad na binatukan ni Vhon ng sabay sina Leo at Chris.

"Aray ko" sabay-sabay na sambit ni Chris at Leo.

"Dami niyo pang reklamo. Alam niyo bang mabigat ang problemang kinakaharap ni Lex tapos kayo natuto pang magreklamo. Tandaan niyo, kaibigan natin siya no matter what it takes. Tsaka palagi niya tayong tinutulungan sa gawain natin nitong nakaraang mga buwan tapos ngayon parang ayaw niyo na emotional ill siya ngayon." Galit na turan ni Vhon habang ipinapaalala ang nagawa ni Lex. Kaibigan niya si Lex at kaibigan niya rin ang tatlo.

Nanahimik naman si Leo at Chris dahil tama lahat ang sinabi ni Vhon. Kailangan ng kaibigan niya ng oras upang mag-isip ng tama and unwind. Ayaw nilang maging balisa o matamlay si Lex. Tsaka napatunayan nilang may halaga ang pagkakaibigan nila dahil walang itinago sa kanila si Lex. They are hoping na babalik sa dati si Lex, ang masigla at masayahing Lex.