Chapter 6
"Hindi ko inaasahang mapapaaga yata ang dating mo ngayon. Halos kakatapos lang ng trabaho ng mga preso ah." sambit ni Alexander habang nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Oo nga eh, pero pumunta talaga ako baka sabihin mong hindi ako tumutupad sa oras. It's better to be early than late." Nakangiting sambit ni Lex habang sa isip isip nito ay makailang beses niya ng pinatay si Alexander na kulang na lang ay imagine-in niya na binalita itong patay matapos makailang pagtatagain ng hindi pa nakikilang suspek which is siya.
Agad namang nabasag ang magandang iniisip ni Lex ng magsalita muli si Alexander.
"Oo nga naman, hindi ko alam na malaki pala ang paghahalaga mo sa kaibigan mo." Sambit ni Alexander ng nakangiti. Ilang ulit niya ng pinag-aralan ang magiging salitang gagamitin niya para dito. Tsaka isa rin siyang actor noong kolehiyo siya ng kuhanin siya ng drama club nila.
"Oo eh, dahil kapag kaibigan na kaibigan ko eh kaibigan ko na rin tsaka mahalaga ka na rin sa akin eh!" Nakangiting sambit ni Lex habang ang iniisip nito ay kabaliktaran sa kanyang sinabi. Sasabihin niya pa sanang "neknek mo, mukha kang bisugong demonyo ka shoo!" pero hindi niya sinabi ito.
"Ouch parang sinabi mo yatang kaibigan mo lang ako dahil kaibigan ko na ang mga kaibigan mo." Sambit ni Alexander habang kakikitaan ng lungkot ang kanyang mga ekspresyon sa mukha.
"Ah eh hindi naman sa ganon canser este Xander. Alam mo namang kaibigan na kita eh tsaka ako naman taalga ang pakay mo diba na maging ka-kaibigan diba?" Sambit ni Lex ng patanong.
"Oo naman, tsaka gusto ko ring maging kaibigan ang kaibigan mo dahil palakaibigan naman akong tao kahit na sa mga preso." Nakangiting sambit ni Alexander habang nakangiti.
"Huli ka balbon, ako pa inuto mo. Utuin mo lelang mo. Sarap mong tirisin, ang sabihin mo takot yung lahat ng mga tao dito lalo na yung mga preso!" Sambit ni Lex sa kaniyang isipan.
"Uhmm, yun ba? Hindi ko alam na mabuti pala ang kalooban mo. Payakap nga Xander." Sambit ni Lex habang nakangiti.
"Ah eh oo naman. Tsaka libre yakap noh!" Sambit ni Alexander habang pinepeke ang ngiti nito.
Agad naman siyang tumayo sa kaniyang swivel chair at niyakap rin siya agad ni Lex na kanina pa nakatayo.
Sinuksok naman ni Lex ang kanyang ilong sa leeg ni Alexander/Xander. Dito ay makailang singhot pa si Lex halatamg mas grabe yung singhot nito kaysa kanina.
"Hahaha, maadik sa perfume na gamit ko. Halatang hindi mo natikmang gumamit nito. Dito palang sa ginagawa mo ay talo ka na hahaha!" Sambit ni Alexander sa kanyang isipan. Nabasa niya rin ito sa impormasyong ibinigay sa kanya ng private investigator. Pinaimbestigahan niya lahat-lahat ng impormasyong kinahihiligan o kinahuhumalingan ng isang Lex Hade Guevarra.
Ngunit hindi nakatiis si Alexander dahil sobrang nakikiliti na siya.
"Ah eh hahahaha... Hu ha hehehe... nakikiliti na ko Hade eh!" Sambit ni Alexander habang tinatanggal niya ang kanilang matagal na yakapan.
"Hade? Pangalan ko ba yun?" Sambit ni Lex habang tinuturo nito ang kanyang sarili.
"Oo naman, kinuha ko yun sa pangalan mo na Haden, mahaba kasi kaya Hade na lang. Ayoko ng Lex dahil marami ng tumatawag sa'yo nun eh hehe..." Sambit ni Alexander habang nagkakamot ng kanyang batok.
"Oh sige. Walang kaso sakin. Pasensya na ha, yung perfume mo kasi eh kaparehas sa lolo ko kaya parang namiss ko siya dahil diyan." Sambit ni Lex habang nagdadahilan.
"Ah walang kaso yun noh. Tsaka okay lang sakin yun. Mahal na mahal ko rin lolo ko eh, I feel you!" Nakangiting sambit ni Alexander. Sa totoo lang ay gusto niyang tumawa ng malakas at sabihin kay Hade na "Lokohin mo sarili mo eh paborito mo tong perfume na 'to eh tsaka latest edition to ng perfume." Ito ang gustong sabihin niya kay lex ng pasigaw ngunit ayaw niyang sirain ang kanyang magandang plano.
"Oh siya, alam kong di ka pa kumakain noh. Don't worry dahil nagpadala na ko ng pagkain dito tsaka may libreng alak pa kong inorder, maupo ka na din dahil baka nangangalay ka na sa kakatayo diyan." Sambit ni Alexander habang nakita niyang kanina pa ito nakatayo.
"Ah oo nga eh, siguro nasanay na kong tumayo palagi nitong nakaraang araw mula sa seldang to." Sambit ni Lex habang nakangiti ngunit makikitang malungkot ang mga mata nito.
"Ah oo nga pala, pasensya na sa ginawa ko nitong mga nakaraang araw ha. Bayaan mo.
Maya-maya pa ay dumating na ang order nilang pagkain at inumin na agad namang binayaran ni Alexander. Binigyan niya rin ng malaking tip ang delivery boy na siyang ikinatuwa nito.
Masaya silang kumakain habang nagkukuwentuhan ng mga ramdom stuffs.
...
Kasalukuyan silang nagkukuwentuhan habang umiinom ng alak.
"M-mukha yaitang nahihilo ako Sh-Xander ah. Mashadowng akong maraming na-i eynom eh." Halos magkandautal-utal ang pagkakasabi ni Lex halatang tinatamaan na ito ng epekto ng alak.
"Ah eh, kaya mo y-yan tsaka madami pa dito Hade oh. Kita mo yan." Sabay turo ni Xander. Halatang medyo tipsy na rin ito.
"Ganon ba, babalik ako diyan!" Sambit ni Lex habang pabalik ito sa dating pwesto.
Agad namang pumunta si Xander sa lugar niya na sakto namang biglang na-out balance si Lex. Mabilis namang sinalo ni Xander si Lex ngunit na-out balance din si Xander dahil di nito nakayanan ang bigat ni Lex na papikit na. Agad na lamang hinawakan ang ulohan ni Lex ni Xander habang mabilis silang natumba.
Ngunit ng matumba sila ay aksidenteng naglapat ang kanilang labi lalo na si Xander. Hindi nito magawang alisin sa ibabaw niya si Lex. Dahil sa epekto na rin ng alak ay sinimulan niyang igalaw ang kanyang labi na tinutugon naman ni Lex. Nadala na si Xander ngunit bigla niya lang naramdaman na parang susuka si Lex. Iiwas pa sana siya ngunit sinukahan siya ni Lex sa dibdib na agad namang tatayo sana ngunit bumagsak muli sa matipunong dibdib ni Alexander.
"Zzzzzz zzzzzz" tunog ng humihilik na si Lex habang nakatulog na ng mahimbing di alintana ang kanyang sitwasyon ngayon.
"Aba aba, sinukahan mo na nga ako Hade, tinulugan mo pa ko! Di mo ba alam na ang bigat mo?!" Sambit ni Xander ng alisin niya si Lex sa ibabaw niya. Masyadong sumakit na ang katawan niya dulot ng malamig na sahig tapos tinulugan pa siya ng lalaking si Hade.
Agad namang inalis ni Xander ang kanyang polong damit, mabuti na lamang at hindi siya nakaunipormi dahil patay talaga siya pag kinabukasan. Agad niyang inalis ang suot na simpleng kahel na damit ni Lex na mayroong suka.
"Okay na sana eh pero kadiri yung suka mo." Sambit ni Xander habang inalalayan si Lex papuntang banyo nila.
"Gising na Hade, uy!" Sambit ni Alexander ng paulit-ulit habang tinatapik tapik ng mahina sa mukha si Lex.
Agad niyang pinamumog ito kahit nakapikit. Nahirapan siya dito at natagalan.
Mabuti na lamang at mayroon siyang malaking King size Bed, kumot, pangsapin at unan sa loob ng kanyang opisina mismo. Mabilis niyang hinagis si Lex sa malambot na kama.
"Bakit mo naman ako hinahagis ah. Kayo talaga oh." Sambit ni Lex habang nakamulat na ang mata nito.
Agad namang iniusog at tumabi na rin si Alexander sa kanya. Ayaw niya namang matulog sa sahig na hindi niya gagawin.
"Hala, bakit buhay si Snow White? Pag nakita to ni Daisy matutuwa siya nito." Sambit ni Lex habang pinagmamasdan nito ang braso at daliri ni Lex.
"Bakit parang maugat yata ang kamay ni Snow White? Nagsisibak ba siya ng kahoy? Nanghahakot ba siya ng gabundok na ani ng Seven Dwarfs? Pero okay lang to, tutulungan ko nalang siya sa susunod hehe." Sambit ni Lex sa lasing na boses. Pinaglalaruan niya pa ang kamay ni Xander habang iniinspeksiyon niya ito.
Nang marinig ito ni Alexander ay pinipigilan niyang bumulanghit ng tawa. Hindi niya alam na sa sobrang kalasingan ni Lex ay napagkamalan siyang Snow White dahil sa maputi niyang kutis.
Ngunit bigla na lamang nagulat si Alexander ng yakapin siya ni Lex at natuod siya sa pwesto niya.
"Yayakapin na kita Snow White para wala kang kawala, ibibigay at ipapakilala pa kita kay Daisy eh. Alam mo na titikman muna kita bago ibigay hehe" Masayang sabi ni Lex sa lasing na tono.
Walang ano-ano pa'y hinalikan ni Lex si Alexander sa labi. Iba-ibang klaseng halik ang ibinigay niya dito na siyang ikinatuod ni Alexander sa una pero tumugon din siya sa huli. Nakalimutan ni Alexander kung sino ang humahalik sa kanya.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang nakatulog muli si Lex habang nakayakap sa kanya. Napangiti na lamang si Alexander habang natulog na rin habang may ngiti sa kaniyang labi. Ngunit naalala niya ang pangalang binanggit ni Hade sa kanya, Daisy.
...
Nagising si Lex habang may kayakap siyang malaking stuff toy. Kinapa-kapa niya pa ito at niyakap pa ng mahigpit. Ngunit bigla niyang naisip na nasa loob siya ng kulungan, paanong may malaking stuff toy dito. Tsaka ang lambot ng kama.
Agad naman siyang napamulat ng mata. Kitang-kita niya ngayon ang mukha ni Xander na maamong natutulog.
Nararamdaman niyang niyayakap siya ni Alexander siguro ay nalalamigan ito.
Wala namang malisya sa kanya na niyayakap siya.Inalala niya ang nangyari kagabi, nalaman niyang dito siya kumain at uminom kasama si Alexander kagabi. Tanaw niya ang pamilyar na loob na opisina nito habang bukas ang bintana. Siguro ay dito na siya nalasing at iba na rin ang damit niya. Amoy niya rin sa suot niya ang paborito niyang perfume.
Dahan-dahan na siyang umalis sa higaan. Mabuti na lamang at lumuwag ang yakap ni Alexander ng gumalaw ito kani-kanina na siyang pagkakataon ni Lex para umalis. Mabilis siyang umalis sa opisinang ito at pumunta na sa kanyang kulungan kung saan siya nakatira. Hindi na siya magtataka kung hindi siya hinanap ng mga pulis na bumibilang sa kanila, takot lang nila iyon sa Warden nila na si Alexander.
...
Oh, bakit parang masayang-masaya ka ngayon Boss Al?! Parang naka-jackpot ka ah." Sambit ni Julius habang tinatapik-tapik si Alexander.
"Oo nga boss, abot-tenga yung ngiti niyo ho! Kwento niyo naman Boss!" Tukso ni Greg habang nakatingin kay Alexander.
"Haha, hindi na kasi ako hihigpitan ni dad ngayon dahil sa magandang result ng aking performance bilang warden kaya ako masaya!" Sambit ni Alexander habang nakangiti. Totoo ang sinabi niya dahil nang magising siya ay wala na si Hade/lex sa tabi niya, tinawagan siya ng kanyang ama at ipinagsabi na hindi siya hihigpitan ng kanyang dad sa kanyang allowances o galaw nito sa loob ng presinto pero ang kaniyang di mawala-walang ngiti ay dahil iyon sa nangyari sa kanila ni Lex kagabi.
"Ah yun pala boss eh. Magandang balita nga iyan. Paano kaya kung mag-celebrate tayo ngayon dahil free time naman natin ngayon!" Sambit ni Greg.
"Libre! Libre! Libre!...!" Paulit-ulit na sambit ni Julius habang sinasayaw niya pa ang kamay niya ito habang nakakuyom ang kamao.
"Oo na, malakas kayo sa'kin eh!" Sambit ni Alexander habang nakangiti pa rin habang labas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.
Agad silang lumabas sa kulungan at doon kumain sa labas.
...
Okay ka lang ba Lex? Wala ka bang nararamdamang sakit sa katawan?!" Nag-aalalang sambit ni Vhon.
"Oo nga Lex, dito ba? Dito? o dito sa parteng balikat?" Sambit ni Leo habang tinutusok-tusok ang balikat, braso at tiyan ni Lex.
Agad namang tinampal ni Chris ang kamay ni Leo.
"Ilang beses ka na naming sinabihan na wag mo ng gagawin yan. Kung mahanap mo yung pasa ni Lex ay baka maimpeksyon mo dahil sa kadiro mong kamay." Sambit ni Chris kay Leo habang pabulyaw.
Agad namang nagkatitigan ng masama sina Leo at Chris. Parang maya-maya lang ay magkakaroon ng madugong labanan dito eh.
Nang mapansin ito ni Lex ay agad siyang humanap ng paraan.
"Aray, parang sumakita ata yung tiyan ko eh. Sige punta muna ako sa Canteen." Palusot ni Lex habang hinahawakan nito ang kaniysng tiyan.
"Oh siya, pumunta ka na dun baka magka-Ulcer ka pa eh kami pa ang sisihin mo!" Pabirong sambit ni Vhon habang sinang-ayunan naman ito ni Chris at Leo gamit ang pagtango.
"Parang may tinatago kayo sa akin ha?! Ano yun?" Sambit ni Lex habang parang may nararamdaman niyang may mali sa tatlong kaibigan niya. Sa maikling panahon ay alam niya kung may tinatago sa kanya ang mga kaibigan niya o wala.
"Ah eh, kain ka muna para magkalaman yang tiyan mo. Damihan mo na ha yung gabundok na pagkain." Sambit ni Chris habang kakikitaan ng emosyon sa mga mata nito.
"Oo nga eh, tsaka nangangayayat ka na Lex eh!" Dagdag pa ni Leo.
"Oh sige, tsaka bakit parang pinagtatabuyan niyo ko? Hoy hindi pa ko t----!" Sambit ni Lex habang naramdaman niyang tinutulak-tulak na siya ng tatlo papunta sa direksiyon ng Canteen. Wala na siyang nagawa kundi pumunta doon. Kumain siya ng kumain, halos nahapo na siya kakakain. Maya-maya pa ay nakita niya ang pamilyar na pigura ng kakilala niyang pulis.
"Pareng Rick! Dito!" Malakas na sigaw ni Lex habang iwinawasiwas ang kamay nito. Hindi niya alintana ang mga matang nakatingin sa kanya.
Nagdadalawang-isip pa sana si Rick kung papansinin niya ba si Lex o hindi pero sa huli ay humarap siya dito at kumaway rin. Kitang-kita niya ngayon ang matakaw na si Lex. Grabe yung mga platong nakatambak sa lamesa nito. Simot na simot. Mayroon pang natirang pagkain na hindi pa nagagalaw.
Agad na lumapit si Rick sa puwesto ni Lex.
"Oh pareng Rick, hinanap kita nitong nakaraang araw, abala ka ba sa mga trabaho mo?!" Sambit ni Lex habang nagtataka.
"Ah yun? Oo eh. May pinapagawa kasi samin na field report tsaka may Research kasi kaming ginagawa outside. Ngayon nga lang ako nakabalik kasi ayaw kong ma-late sa deadline." Pagsisinungaling ni Rick.
"Ah, yun ba? Akala ko kasi iniiwasan mo ko eh tsaka nakita kita kahapon kaso parang nagmamadali ka ata." Malungkot na sabi ni Lex.
"Kahapon? Ah oo naalala ko na, inutusan kasi akong pumunta sa ibang department regarding sa pagpa-Fax Machine ng isang letter sa higher-ups. Strikto kasi yung head namin kaya kailang talang ipasa pre!" Nagkakamot sa batok habang sinasabi ito ni Rick.
"Ah yun ba, hirap pala ng trabaho mo. Pwede kayom ilagay sa field at opisina. Medyo unfixed pala yung work schedule niyo!" Sambit ni Lex habang pinag-iisipan ang mga bagay-bagay na sinabi ni Pareng Rick.
"Sinabi mo pa pre, medyo hindi talaga expected yung time allocation niyo lalo na kung importateng bagay ito lalo if it concerns sa bagong kaso o bagong report na gagawin pero nakakaya pa rin through time management!" Sambit ni Rick habang nakangiti.
"Hanga naman ako sa'yo pareng Rick, nakuha mo pang ngumiti despite sa mga work loads mo tsaka may extra ka pang time. Halika kain ka muna dito, saluhan mo ko dahil kung uubusin ko mag-isa to baka sumabog yung tiyan ko nito hehe." Natatawang sambit ni Lex habang pinagpatuloy ang naantala nitong kain.
"Oh sige ba! May 30 minutes pa kong allotted time para sa next working hours ko hehe..." Sambit ni Rick habang kumuha ng kubyertos. Masaya silang nagkukuwentuhan sa mga bagay-bagay habang masagana silang kumakain.
Sa kabilang banda ay nakarating na sina Alexander kasama sina Julius at Greg sa loob ng Canteen.
Kukuha pa sila ng kanilang milktea. Masaya solang nag-uusap ngunit ng makita ni Alexander ang daawang taong kumakain ay nawala ang ngiti niya sa kaniyang labi. Hindi niya alam ngunit parang biglang kumirot ang kanyang puso ng makita ang pangyayaring ito. Nasaksihan niya kung paano masayang kumakain at nagkukuwentuhan si Lex kay Rick.
Ang masarap na pagsipsip niya ng milktea ay biglang pumait sa panlasa niya. Mabilis niya itong tinuntong sa isang lamesa at dahan-dahang pumunta sa lamesang kinaroroonan ni lex at Rick. Hindi na niya pa inabala ang sina Julius at Greg at mag-isang lumalakad.
"Parang ang saya niyo ata ah, bakit hindi man lang kayo nag-aya." Nakangiting sambit ni Alexander ng makapunta siya sa harapan mismo nina Lex at Rick. Makikita ang pait sa boses nito.
"Ah ikaw pala Warden Al, halika saluhan mo kaming kumain." Sambit ni Lex sa masayang tono.
"Warden Al your face!" Gustong isigaw ito ni Alexander ngunit ayaw niyang pahiyain ang kanyang sarili sa harap ng maraming tao dito.
"So marunong ka na palang gumalang ngayon LEX HADEN GUEVARRA?!" mapait na sambit ni Alexander habang nakakuyom na ang mga kamao nito. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Lex at ang pangit na pagmumukha ng gagong Rick na nandito sa harapan niya.
"Mukha yatang mainit ang ulo mo pareng Al ah. Mukha yatang masama yung gising mo." Pabirong sabi ni Rick habang nakangiti.
Agad na kinwelyuhan ni Alexander si Rick na siyang nagpataas ng biglaan kay Rick. Mabuti na lamang at hindi ito kumakain kundi nabulunan na ito.
"Ayusin mong magsalita Rick, hindi kita naging kumpare at hindi kita naging kaibigan. Tandaan mo Rick masama akong kaaway!" Makahulugang sambit ni Alexander habang namumula na ito sa galit. Mukhang handa na itong sumuntok ng biglang nagsalita si Lex upang pumagitna sa tensyong namumuo sa kanilang piwesto.
"Kumalma ka nga Warden Al! Kumakain lang naman kami dito ah tsaka bakit parang galit na galit ka, inaano ka ba ha?! Anong problema mo?!" Biglang sambit ni Lex ng malakas habang kakikitaan ng inis dahil sa inasta ni Alexander sa kanya.
"Anong problema ko? Kayo! Humanda kayo sa susunod lalo ka na Rick. At ikaw naman, pumunta ka mamaya sa opisina!" Galit na sambit ni Alexander habang malakas niyang tinulak si Rick. Puno ng pagbabanta at pagkagalit ang boses nito. Namumula rin ang mga mata niya at naglalabasan ang ugat nito sa kanyang gilid ng noo.
"Ayos ka lang ba Rick?! Pwede namang pumunta tayo sa klinika baka magka-impeksyon pa yang sugat mo." Sambit ni Lex habang inalalayan patayo si Rick. Natumba ito dahil sa malakas at hindi inaasahang pagtulak sa kanya ni Alexander.
"Pasalamat ka Rick dahil hindi lang yan ang aabutin mo sa susunod!" Sambit ni Alexander habang padabog na umalis sa lugar na ito. Agad na rin siyang sinundan ni Julius at Greg habang hawak-hawak ang sariling mga milktea.
"Boss Al, anong nangyari?! Bakit ganon na lamang ang inasta mo?!" Sambit ni Julius na may puno ng pagtataka. Hindi ugali ni Alexander ang gumawa ng eskandalo o komosyon sa mga pampublikong lugar.
"Gonggong ka talaga Julius, para atang pinapagalitan mo si Boss Al eh. Umayos ka nga!" Singhal ni Greg sa kanya kasama ang malakas nitong pagbatok.
"Aray ko naman Greg! Masyado kang sadista. Eh sa wala akong ideya sa nangyari kanina." Sambit ni Julius sabay sipsip ng kanyang milktea.
Napag-isip isip naman si Greg at nagtanong kay Alexander.
"Boss, bakit mo naman ginawa yun baka makarating sa papa mo yun at masuspended ka. Alam mo ba yun tsaka baka ma-cut yung bank accounts mo." Nag-aalalang sambit ni Greg habang nakatingin sa likuran ni Alexander.
"Bigla lang uminit ang ulo ko eh tsaka sinusubukan talaga ako ng Rick na yan. Halatang hindi nadala sa pambubugbog ko sa kanya at sa aking banta sa kanya." Galit na pagkakasabi ni Alexander habang nakatiim-bagang ito.
"Oo nga boss eh, parang mas lalo siyang naging agresibo at harap-harapan ka niyang kinakalaban. Reresbakan ba natin mamaya?!" Sambit ni Greg habang may seryosong boses.
"Hahaha, wag na muna dahil baka matunugan tayo ng mga Head Chief lalo na ni Dad. Ayokong mangyari yun. Hahayaan munan ating magpakasaya si Rick sa kalayaan niya bago ko siya bigyan ng magandang regalong hinding-hindi niya makakalimutan hahaha!" Sambit ni Alexander sa kakaibang tono. Halatang mayroon siyang masamang binabalak kay Rick.
"Hindi natin siya didispatyahin boss, hindi ba?!" Sambit ni Julius ng marinig niya ang usapan ng dalawa.
"Siyempre hindi, bilang pulis ay hindi natin maaaring dispatyahin ang kapwa pukis pero hindi ibig sabihin nito ay hindi natin siya magagalaw lalo na ang pamilya nito hahaha!" Sambit ni Alexander sa masayang boses ngunit kitang-kita ang labis na galit niya sa kanyang mga mata.
"Aba boss, parang nagugustuhan ko yang ideya mo ha. Siguradong pagsisisihan ng gonggong na Rick na yan na kinalaban ka niya." Sambit ni Julius sa masayang tono na sinang-ayunan naman ni Greg.
"Oh siya, mauna na ko sa inyong dalawa, may field research pa kayo regarding sa mga kasong hinahawakan niyo baka mahuli pa kayo. Dapat matapos niyo yun para may award din kayo. Galingan niyo!" Sambit ni Alexander habang nagpapaalam na sa dalawa.
"Oo nga boss eh, kakatamad nga gumawa nun eh pero kayang-kaya namin yun!" Sambit ni Greg habang inakbayan niya si Julius upang umalis na papunta sa kanilang assign area.
Dito ay nagkahiwalay ng daang tinutunguhan si Alexander at ng dalawang pulis.
...
"Ahhh! Sa wakas ay natapos na rin ako. Kanina pa kong naiirita sa mga paper works na to!" Naisaboses na lamang ni Alexander ng matapos niya ang lahat ng gawain niya.
Tiningnan niya ang kaniyang mamahaling relo at nalaman niyang alas dos pa lamang ng hapon. Hindi na siya nakapananghalian dahil na rin sa labis na iritasyon. Ibinuhos niya ang sama ng loob niya sa mga paper works niya. Sa loob ng apat na oras ay natapos niya na ang gagawin niya.
Agad siyang nag-dial ng numero ng isang restaurant sa kanyang mamahaling cellphone.
"Hello Sir, how may I help you?!" Isang magandang boses ang biglang sumagot sa cellphone niya.
"Uhm, can you deliver 10 best cuisine in your resto, I want that right away." Sambit ni Alexander na merong accent.
Dito ay nag-usap sila about sa deliveries ng pagkain. Binigay niya rin ang address niya upang madeliver ang kanyang inorder.
Pagkatapos nun ay may tinawagan siyang muli.
"Hello Warden Al, napatawag po kayo?" Sambit ng lalaki sa kabilang linya.
"Uhm, papuntahin mo ngayon din si No. 165418 Lex Haden Guevarra ngayon din sa opisina ko. Naintindihan mo, NOW!" Malakas na sambit ni Alexander.
"Ah eh okay p-po si-sir! Nga-ngayon di-din p-po mi-mismo." Sambit ng kausap nito. Isa itong naatasang in-charge sa pagbabantay sa preso.
"Good and I don't want late. Kapag tumanggi ikaw ang sisingilin ko at wag mo siyang sasaktan maliwanag?!" Mapagbantang boses na sambit ni Alexander.
"Ye-Yes Sir, Copy that Sir!" Sambit ng boses sa kabilang linya. Halatang pinpilit nitong magsalita ng tuwid.
Agad ng ibinaba ni Alexander ang kanyang cellphone. Mayroong saya na makikita sa mata niya.
...
"Gumagaling ka na ata sa pagbubungkal ng lupa Lex ah!" Papuring sabi ni Chris.
"Oo nga eh, sa dalawang oras mong pagbubungkal ay hindi ko aakalaing nakakalahati ka na Lex hahaha!" Sambit ni Leo habang hindi mapigilang humalakhak. Sinabayan pa ito ni Chris na tumatawa na rin.
Agad naman silang binatukan ni Vhon.
"Aba aba, ang lalaki niyong mga bully. Imbes na tulungan ang ating kaibigan para mahasa siya sa pagbubungkal ay tinatawanan niyo pa. Mas malala ka pa Chris noong p----!" Sambit ni Vhon ng mabilis na takpan ni Chris ang bibig ni Vhon.
"Manahimik ka nga Vhon, sabi ngang kalimutan mo na yun. Grabe ka ha, ako naman pinagtripan mo eh huhu!" Sambit ni Chris habang naglulungkot-lungkutan.
"Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo Chris. Di yan uubra sakin. At ikaw naman Leo, naalala mo yung gianmit mong pala? Pinag---!" Sambit ni Vhon habng pinapagalitan si Chris maging si Leo na agad namang umalma si Leo dito.
"Hoy Vhon, nananahimik lang ako rito ah. Di na ko tumatawa eh!" Pagmamaktol ni Leo kay Vhon.
Magsasalita pa sana si Vhon ngunit may nagsalita sa malayo.
No. 165418 Lex Haden Guevarra. Pinapatawag ka ni Warden Al ngayon din! Kapag tumanggi ka ay mapaparusahan ang lahat ng mga preso rito!" Malakas na sigaw ng nagbabantay sa kanila. Halatang may mapagbantang boses ang bawat salitang binibitawan nito.
"I think umalis ka na Lex baka madamay kami huhu!" Sambit ni Vhon.
"Oo nga Lex, baka madagdagan pa trabaho namin dito." Sambit ni Chris
"Bilisan mo Lex baka naka-beast mode na yung Warden natin huhu!" Sambit ni Leo
Nang marinig ito ni Lex ay halos mainis siya dito lalo na't sinabi ng tatlong kaibigan niya ito.
"Tunay ko ba kayong kaibigan ha?! H----!" Sambit ni Lex ngunit mabilis siyang hinawakan nina Leo, Chrus at Vhon habang kinakarga ng patayo.
"Sabing umalis ka na Lex eh, kaya na namin dito at hindi ka na namin kailangan." Sambit ni Vhon.
"Isa kang pabigat dito!" Pagdadrama ni Chris
"Hinihintay ka na ni Boss Al!" Sambit ni Leo habang sumisigaw
"Humanda talaga kayo sakin pagbalik ko lalo ka na Vhon!" Sambit ni Lex habang naiinis lalo na kay Vhon.
Halos mahiya naman ang tatlo sa inasta ni Lex. Agad naman silang nag-wave upang magpaalam.
"Hayst, kaibigan ko ba talaga silang tunay?!" Himutok ni Lex na animo'y sumusuko.
Agad na rin niyang tinungo ang opisina ng bossy na warden na si Alexander.
...
"Oh I'm glad your here now. Upo ka muna, saluhan mo ko Hade!" Nakangiting sambit ni Alexander nang bumukas ang kanyang pintuan ng opisina at bumungad ang muka ni Lex.
"Uhmm, kung pinapunta mo ko rito para kumain ay nagsasayang ka lang ng oras ko. Tapos na kasi akong mananghalian eh." Mahinahong sambit ni Lex habang may inis na makikita sa mata nito.
Nahalata ito ni Alexander ngunit pilit siyang ngumiti at nagwika.
"Edi subuan mo ko, gutom na rin ako eh tsaka di pa ko kumakain." Sambit ni Akexander sa malungkot na boses.
Agad naman siyang pinandilatan ng mata ni Lex.
"Hindi ka na bata Xander, magkaedad lamang tayo as far as I know. Tsaka kaya mo na yan!" Sambit ni Lex habang tinatago ang kanyang maruming kamay.
"Pero gusto kong ikaw ang magsubo ng pagkain sakin pero kung ayaw mo madali lang naman akong kausap!" Sambit ni Alexander habang nakangiti pero ang mata nito ay kakikitaan ng inis at galit pero hindi ito alam ni Lex.
"Talaga?! So pwese na kong umalis?!" Masayang sambit ni Lex habang kaharap si Alexander.
"Oo naman tsaka pag sinara mo yan at umalis ka pwede ko lsng namang pahirapan ang mga kaibigan mo ang mga presong naroon sa isang field. Hindi ko din sila papakainin ng hapunan. Anong masasabi mo Hade?!" Nakangiting sambit ni Alexander habang ang mata nito ay kakikitaan ng inis.
"Pinagbabantaan mo ba ko Warden? Alam kong hindi mo yun ma----!" Malakas na pagkakasabi ni Lex ngunit pinutol ito ni Alexander ang mga sasabihin nito.
"Try me Hade kung ayaw mong magdusa ang mga kasamahan mo. Wanna bet?!" Sambit ni Alexander sa mapaghamong boses.
"Buwiset ka Alexander, ginagamit mo naman ang pagiging warden mo para hamunin ako. Arrghhhh!" Sambit ni Lex sa kanyang isipan habang makailang ulit niya ng pinapatay sa isip niya si Alexander.
"Ahhhh, sige panalo ka na. Saan na yung mga kubyertos dito?!" Sambit ni Lex habang hinahanap ang kutsara tinidor o knife man lang pero wala.
"Wag mong sabihing?!" Sambit ni Lex habang pinipigilan ang inis.
"Native foods ang inorder ko so walang kutsara. Susubuan mo ko Hade gamit ang kamay mo. Siyempre linisin mo muna ng mabuti yang kamay mo bago mo ko subuan okay?!" Masayang sambit ni Alexander habang pinapaalalaahanan si Lex.