Chapter 31 - C31

"Let us all welcome the engaged couple, the gallantly handsome Doctor Luis Madrigal and the stunningly beautiful Mikaella Edwards!" Pagpapakilala sa 'min ng emcee at masigabong palakpakan naman ang narinig namin sa mga bisita.

"Gallantly handsome? Really?" Narinig kong reklamo ni Lu sa tabi ko habang magkahawak kamay kaming naglalakad paakyat sa stage.

Simula ng dumating kami dito sa venue ay panay na ang reklamo niya. Sobrang extravagant at fancy daw ang engagement party namin at naasiwa na siya lalo pa't hindi siya sanay sa ganito. Ang buong akala pa niya ay kunti lang daw ang magiging bisita kasi sabi ko sa kanya ay relatives and family friends lang. Eh, kaso ininvite yata talaga lahat ng kakilala namin ni mommy.

I even saw our friends in school na hindi ko na alam kung paano niya nacontact. I'm glad, though, dahil nandoon din ang mga staff ko, mga clients ko, at 'yong ibang kasamahan ni Lu sa hospital and even his secretary.

"Handsome naman talaga, ah." Panunukso ko na lang dahil medyo totoo naman, lalo na ngayong bagay sa kanya ang suot niya. Minus the headdress, though, na pinilit talaga ni mommy na isuot namin. Pinakuha niya pa talaga sa assistant niya sa condo ni Lu noong dumating kaming hindi dala 'yon.

Ah, basta. Kahit hindi siya gaanong pogi at medyo maitim ay mahal na mahal ko pa din siya. That's all that matters.

"Tss." I heard him made noong nasa gitna na kami ng stage.

Mas naaasiwa at kinakabahan yata ang loko dahil lahat ng bisita ay nakafocus ang tingin sa 'min dalawa dito sa gitna ng stage. Eh kaso given naman na 'yon dahil engagement party nga namin 'to. Alangan naman na sa emcee sila tututok 'di ba?

Gusto ko nga sanang tumawa o ngumisi man lang pero hindi ko magawa dahil alam kong magagalit 'tong mahal ko. Tsaka kahit ako din naman kasi ay nakaramdam ng kunting asiwa dahil aside sa bisita naming malapit na yatang umabot sa limang daan o sobra pa, ay may mga taga media pa 'kong nakikita.

Pero hindi naman yata aggressive-type 'yong mga tiga media, siguro'y naintindihan naman nila na formal event nga 'to or maybe they were told not to cause any commotions during the party.

Ewan ko ba talaga dito kay mommy. Sana man lang nagbigay siya ng heads up, 'di ba? Sa engagement party naman nina Mikael at Chloe ay hindi naman ganito kagrabe 'yong inimbita eh tsaka sa bahay lang namin ginanap 'yon at walang media kundi videographer lang na kinontrata.

"May we ask our lovely couple to give a few words to their guests?" Sabi ng emcee at agad na nilahad sa 'min ang microphone.

I looked at Luis and he really seem uneasy to talk in front of the huge crowd. He was also looking directly at me like he was asking for help or something at naramdaman ko din ang pagdiin ng kamay niya sa bareback ko. Nangingiti tuloy akong inabot ang microphone sa emcee. I didn't prepare any speech so bahala na kung ano ang masasabi ko.

"Good evening po sa lahat! Firstly, I would like to thank all of you for making time of coming to our engagement party tonight. I would like to thank my family, as well, especially my mom who planned all of it and made all of this possible, though we were just informed yesterday." Sabi ko at narinig kong malakas na tumawa si daddy sa gilid kaya nakitawa na din ang ibang mga guests namin. "I am also very grateful for my gallantly handsome fiancee here." Sabi kong nanunukso sabay tingin sa katabi kong napakagat-labi na. "Though he's not used to this kind of events, still agreed to come so I wouldn't be left in a very embarrassing state by facing all of you alone."

"I couldn't ask for more in this lifetime, now, that I finally have him in my life. Doctor Luis Madrigal, my one and only greatest love, is now officially bounded to me as I become his fiancee, and I hope we will last forever and for eternity. Before I end my speech, I would like to say a famous line from a movie that can technically summarize on how he resemble in my life." I gazed at him directly in the eyes and he too did the same with an overwhelming expression on his face. "And I quote, "Soulmates. Its extremely rare, but it exists. It's sort of like twin souls turned into each other." End quote. You are my soulmate, Lu." Masuyo kong sinabi ang huling linya sa kanya at agad na nginitian siya ng sobrang lawak.

Pero muntik na 'kong mapasinghap ng malakas ng makita ko ang simulang pamamasa ng mga mata niya. Ang touching yata masyado ng speech ko ah. My eyes, too, began to form some tears. Tears of joy. Pero ayoko namang mag-iyakan kaming dalawa sa harap ng mga tao at sa gitna ng stage, kaya pinigilan ko talaga 'yong sa 'kin.

Plano ko sanang tusukin ang tiyan niya para patawanin siya kaso bigla niya akong hinila at agad na niyakap ng mahigpit. Masigabong palakpakan ang agad na narinig namin sa paligid.

"I love you so much, Eya." Parang dinig kong bulong ni Lu pero hindi ako sigurado dahil sa ingay ng mga tao sa paligid namin. Tapos may pa fireworks pa at nagstart na din maghula dance ang mga nakasuot ng grass skirt.

Ano ba naman talaga 'to si mommy!

Gusto ko pa sanang tanungin si Lu sa sinabi niya pero alam kong hindi naman kami magkakarinigan dahil sa ingay ng paligid.

"That was one hell of a speech, Mikaella! Nakakainggit! Gusto ko na ding mag boyfriend at nang maengage na din!" Sabi ni Claire sa 'kin na agad kong tinawanan.

Nandito kami ngayon ni Lu sa table ng mga kaibigan namin. Kanina pa kami nag-iikot para batiin ang ibang mga bisita at dahil napagod na ako kakalakad ay pinili muna naming manatili dito sa kanila.

"Sabi ko na nga ba at kayo talaga ang magkakatuluyan eh!" Sabi pa ni Marco.

"Oo nga! Kape at gatas loveteam!" Dagdag pa ni Basty.

"Kailan 'yong kasal niyo?" Excited namang tanong ni Jewel. "Bridesmaid ako ah, Mikaella! Don't forget!"

Awkward tuloy akong tumawa at nag-aalinlangang tumingin kay Luis na nakatitig din sa 'kin. Hindi ko alam ang isasagot ko pero kitang-kita ko ang mga excited na mukha ng mga kaibigan namin.

"H-Hindi pa-" Sagot ko sana pero naunahan na 'ko ni Lu.

"Soon." Sagot niya habang masuyong nakatitig sa 'kin.

Napaawang talaga ang bibig ko sa sinabi niya. Does that mean that we will plan our wedding soon? So malapit na 'yon?

Mahina siyang humahalakhak sa reaksyon ko kaya napanguso ako. Tapos bigla siyang tumingkayad at mabilis na hinalikan ako sa labi na siyang nagpatili at nagpasigaw sa saya sa mga kaibigan namin.

"Excuse me, mga anak." Tawag pansin sa 'min ni mommy na nakangiti na nasa likod pala namin. Kasama niya si daddy at si tito Rene at ang asawa ni tito.

Agad na tumayo kami ni Luis pagkatapos naming mag-excuse sa mga kaibigan, para batiin ang dalawang bisita na mukhang kararating lang. Nagkamayan si tito at si Lu at kita ko ang paghanga ni daddy sa fiancee ko. They congratulated us at humingi ng dispensa sa pagiging late.

"I never knew you were in a relationship with Michael's daughter, Doctor Madrigal." Dinig kong sabi ni tito at napahalakhak pa si daddy.

"They were good friends for a very long time, kumpadre." Pag-iinform naman ni daddy.

"Oh! Ang ganda pala ng lovestory ng mga batang ito. From friends to lovers. That's a very ideal relationship." Pagkomento ng asawa ni tito, na si tita Cynthia.

"I know right! Kaya nga minadali ko ang engagement party nila, Cynthia. Baka magbago pa ang isip ng future son-in-law ko." Natatawang sabi naman ni mommy at tumawa din ang tatlo habang kami ni Lu ay nakaramdam na ng pagkakaasiwa.

Nakita ko ang pagkainteresado ni tito Rene sa sinabi ni mommy. "I heard from some hospital staff a couple of days ago, that there was some sort of movie scenes in the hospital corridor involving Doctor Madrigal with a gorgeous lady. Was it you, iha?" Parang curious na tanong ni tito na nagpalaki ng mga mata ko at ramdam ko ang mas lalong pagkakaasiwa ni Lu sa tabi ko.

Nakarating pa talaga sa kanya 'yon? Ang tsismoso naman pala ni tito!

Nakita ko din ang paglaki ng mga mata ni mommy!

"A lover's quarrel, perhaps?" Dagdag pa ni tito.

Awkward na tumawa si mommy. "But they made up and now, officially engaged, Rene. Its natural for young couples to experience those. Kaya nga minadali ko na talaga ang engagement party nila."

Nakaramdam talaga ako ng pagkabahala sa sinabi ni mommy lalo na sa ekspresyong nababasa ko sa mukha niya dahil paniguradong may kakaibang kahahantungan 'to.

"If that's the case, then you should quickly plan for their wedding, too, Eleanor!" Natatawang mungkahi pa ni tita.

"I'm already doing that, Cynthia!" Sabi niya at sabay silang nagtawanang apat. "Nagmamadali na din kaming magkaroon ng mga apo ni Michael."

Eto na nga ba ang sinasabi ko! Pasimple kong tiningnan ng masama si mommy na agad umiwas ng tingin sa 'kin para balewalain ang ginawad ko sa kanya.

"Mom, hindi pa nakakain sina tito at tita, 'di ba?" Nakangiti kong sinabi pero sa loob ko ay naiinis na talaga ako.

Gusto ko ng umalis sila at ramdam ko na ang tensyon galing kay Lu na tahimik lang din katulad ko habang nag-uusap ang matatanda.

"Oh, that's right! Forgive me for my negligence, Rene and Cynthia." Paghihingi ng paumanhin ni mommy.

"Its fine, Eleanor! Gusto din naman naming batiin ang dalawa." Nakangiting sabi ni tita at agad ko namang siyang nginitian at nagpasalamat ulit.

Nagmamadali na nga lang si mommy sa pagyaya sa kanila na kumain na kaya ayon at umalis na nga sila ng tuluyan.

"I'm sorry about that, Lu." Mahina kong usal habang nakatingin sa kanya na naging stoic ng kunti ang itsura.

Alam kong ayaw talaga niya ng ginagawa ni mommy. Parang pinapangunahan kasi kami kaso hindi naman kami makaangal. Pero kakausapin ko talaga si mommy mamaya. I need to stop her from making any drastic decisions on my relationship with Lu. Relasyon namin 'to kaya dapat kami din ang magdedesisyon sa mga importanteng bagay katulad ng kasal.

Tapos nakaramdam din ako ng sobrang hiya sa ginawa ko sa hospital. Pinag-usapan pala talaga 'yon at paniguradong napahiya din si Lu.

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya pero nilahad naman niya ang mga braso sa 'kin kaya napayakap na ako sa kanya. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa sentido ko kaya agad na nawala ang agam-agam ko na baka hanggang matapos ang party ay mananatili siyang galit or mawalan na talaga ng mood buong gabi.

Natapos na ang engagement party namin ni Luis ng hindi ko na namalayan. Its almost 11 in the evening and we're already down to one last guest na nagpapaalam na din ngayon.

I can say na nag-enjoy naman ako kahit paano, kahit na may mga awkward moments ng gabing 'yon. Pero masaya na din ako dahil kitang-kita kong nag-enjoy din ang mga bisita namin sa party. They were all smiles when they bade their farewell and congratulated us once again before they finally take their leave.

"Ate, pinapasabi ni mommy na sa bahay daw natin kayo matulog ni Kuya. May pag-uusapan daw tayong magpamilya." Sabi sa 'kin ni Mikael pagkaalis ng huling bisita namin.

Natakot yata si mommy na siya ang magsabi sa 'kin mismo ah at pinarating lang kay Mikael. Nauna na silang umuwi ni daddy kanina noong umalis na ang lahat ng family friends at business partners nila. Naiwan na lang kaming tatlong magkakapatid, my sis-in-law, and si Lu na nag-atupag sa mga natitirang bisita pagkaalis nina mommy.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang, little bro? Pagod na kami at ganoon din naman kayo." Pagtanggi ko pa dahil talagang pagod na 'ko and its already late.

Gusto ko siyang kausapin talaga pero may bukas pa naman eh.

"I told her that but she insisted, sis." Sabi ni ate Michelle na nakalapit na din sa pwesto namin.

"Pwede namang bukas na-" Pagtanggi ko pa sana ulit pero naunahan na 'ko ni Lu.

"If you're mom wanted to talk to us, then we should do that, Eya."

Hay naku!