"Mom! Huwag mo kaming pangunahan ni Lu! This is our relationship! Our relationship, mommy! Kaya dapat kami ang magdedesisyon dito!" Malakas na sigaw ko at hindi nagpapigil kahit kanina pa hinahawakan ni Lu ang braso ko.
Tumaas lang ang kilay ni mommy sa sigaw ko habang sina daddy at mga kapatid ko ay tahimik lang na nagmamasid. Nandito kami ngayon sa library at magkakaharap kaming magkamag-anak habang nagdidiskusyon tungkol sa kasal namin ni Lu na pinangungunahan ni mommy.
"Mommy naman, eh!" Dagdag ko pa na bakas na ang sobrang pagkafrustrate sa tinig ko lalo pa't hindi man lang siya umimik pagkatapos ng sigaw ko.
Hindi ako makapaniwala sa gusto niyang mangyari. Sa mismong araw ng bagong taon niya talaga gustong idaraos ang pag-iisang dibdib namin ni Lu para hindi daw sukob sa kasal nina Mikael at Chloe! Pero 5 weeks na lang! At new year na!
My gosh!
"Do you honestly think you have a say on this, Mikaella? I am your mother and I don't want people to spread ungodly rumors about you and Luis! Paano kung malaman nilang nagsasama na kayo sa iisang bubong without the sanctity of marriage? Your father wasn't able to touch any parts of my body before our wedding day tapos ikaw? Nakipag-live in na?" Sobrang dismaya ang tunog ng boses ni mommy kaya hindi ko rin naiwasang makonsensya at maasiwa sa sarili.
"P-Pero-" Kokontrahin ko pa din sana at sabihing moderno naman na ngayon ang panahon pero hindi ko na natuloy ng naunahan ako ni mommy.
"Tapos dinagdagan mo pa! You humiliated yourself on the hospital's premises at pinagusapan pa kayo doon ng mga tao! Ano ang sasabihin nila? Na ikaw ang naghahabol sa lalaki? Kaya ngayon engaged na kayo? Don't you have any self-respect? Kaya gusto ko ng tuldukan ngayon pa lang ang mga magiging usap-usapan ng mga tao bago pa mangyari 'yon. And the best solution for that is that both of you should get married as soon as possible!"
Natameme talaga ako sa sinabi ni mommy at pasalampak na lang akong umupo sa tabi ni Lu sa sofa. Si Luis ay tahimik lang din habang nakayuko.
"Luis." Tawag ni mommy na agad na nagpaangat ng tingin ni Lu. "Tell me. Hindi ka pa ba handang pakasalan ang anak ko? Or are you even thinking of marrying her or napilitan ka lang?"
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. Alam niya ba lahat ng ginawa kong kalokohan? Napatingin ako kay ate at inakusahan siya na baka sinabi niya kay mommy ang lahat. But she immediately shook her head at kahit siya ay nagulat din.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Lu sa tabi ko. "Papakasalan at panagutan ko po si Eya, Ma'am. Pero hindi po sa panahong gusto niyo. Kailangan ko pa po mag-ipon ng pera para sa kasal-"
"We have money, Luis. Since you're marrying our daughter then you'll be part of our family, too, and that goes with our fortune-" Mabilisang sabi ni mommy na nagpapanic sa kalooban ko dahil alam kong ayaw ni Luis ng ganitong usapan.
"Mom!!" Sigaw ko para patigilin siya pero tinaasan lang niya ako ng kilay like nagtataka siya sa naging reaksyon ko.
"Sweetheart.." Dinig ko ding saway ni daddy sa kanya na mukhang alam ang rason kung bakit ganoon ang reaksyon ko.
"Ma'am, kung magpapakasal kami ni Eya ay gusto kong ako ang gagastos ng lahat. But before that I want to sign a pre-nuptial agreement. All of her inheritance including her money and assets that she acquired by herself will be hers only. I won't have anything to do with those. But she will have the rights on mine once we get married." Seryosong hayag ni Lu at kitang-kita ang mabilisang pagningning ng mga mata ni mommy bago niya sineryoso ulit ang ekspresyon ng mukha.
Habang si daddy naman ay halatang humanga lalo kay Lu, kaya nga nakaramdam din ako ng pagmamalaki sa mahal ko.
"We don't need to sign anything, Lu." I softly uttered to him. "I trust you, anyway."
"Its for me, Eya. I need it for myself." Pabulong niya namang sinabi sa 'kin.
"Stop calling me Ma'am, Luis. You should try calling me mommy from now on. Pero kahit ano pa ang sabihin niyo ay hindi pa din magbabago ang plano ko sa kasal niyo. We can pay for it for the meantime, Luis, anak, then you can pay us back afterwards."
"Mommy!"
"Sweetheart!"
Sabay naming pagtawag sa kanya nina ate at daddy but she just raised her hand to stop us from protesting.
"Let me just make it clear. Na kahit ano pang pagtutol niyo ay wala na din kayong magagawa. I already paid for everything. Your wedding has already been set. I just want to inform all of you beforehand para maging handa kayo. That's all. End of discussion. Good night everyone." Sabi niya sabay nag walk-out kaya napatayo din kaming lahat.
"I hope you can forgive your mother, kids." Sabi ni daddy pagkalapit niya sa 'min sabay tapik sa balikat ni Lu. "She's always the manipulative and cunning type and I hope you'll understand her. Someday when you have your own daughter you will get her point, too." Dagdag pa ni daddy bago siya umalis at sumunod kay mommy.
"Mommy.." Mahinang tawag ko sa kanya pagkalapit ko sa pwesto niya sa garden. Nakatayo siya doon sa harap ng fountain habang nagtsa-tsaa.
Maaga talaga ako nagising ngayon kahit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa diskusyon namin ni mommy. Sobrang nakonsensya ako sa pagsigaw ko sa kanya at sa lahat ng ginawa kong kalokohan para lang makuha si Luis.
Hay.
Dito na nga din kami natulog ni Lu sa bahay kahit noong una ay ayaw niyang pumayag. Alam mo naman 'yon, medyo naaasiwa pa din talaga when it comes to my family, na magiging pamilya na din niya soon. But since I insisted dahil late na nga at delikado na ding magbyahe ng gabi lalo pa't pagod siya ay pumayag na din siya kalaunan.
I also have another motive as to why I wanted to stay for the night and that is to talk to my mommy. Nasabi din kasi ni ate na aalis din daw silang tatlo bukas papuntang Vietnam kaya kung gusto ko makausap ng masinsinan si mommy ay ngayong araw 'yon.
"Mommy.." I called her again ng sinulyapan lang niya ako noong unang tawag ko and this time ay niyakap ko na siya sa likod. "I'm sorry for shouting at you last night, mom. I'm sorry for all the wrong things I've done.. Alam kong pinababa ko ang dignidad ko just to have him.. I know I became too impulsive.."
Narinig ko ang mahinang paghalakhak niya sa sinabi ko pero hinaplos naman niya ang braso kong nakaakap sa tiyan niya.
"Its okay, anak. Kahit hindi ka na magsorry ay napatawad na kita. You know me, I don't hold any grudges or any negative vibes around me. Ayokong magkawrinkles." She even joked which made me smile but tears are already forming my eyes.
Kahit sabihin niyang okay lang ay hindi pa din talaga naalis sa isip ko ang ginawa kong pagsigaw sa kanya. Nagalit pa talaga ako sa sariling ina when all along ay alam ko namang lahat ng ginagawa niya ay para sa ikabubuti naming magkakapatid.
Suminghot ako and it made my mom turn around to look at me. Mas napaiyak nga lang ako ng makita ko ang mukha niyang parang naiiyak na din. She held my face with both of her hands and wiped away my tears.
"My darling second daughter, don't cry. You know I always wanted the best for you, right? Kapag nasasaktan kayo ay mas nasasaktan ako. Kami ng daddy mo. Pero mas ako because I carried the three of you for nine months and gave birth to you. Nag-ambag lang ng semilya ang daddy niyo at sigaw habang iniiri ko kayo." She joked again and laughed sophisticatedly despite her tears.
Natawa nga din ako kahit patuloy pa din sa pag-iyak hanggang sa niyakap na niya ako ng mahigpit at yumakap din ako pabalik sa kanya.
"Alam kong mahal na mahal mo si Luis. I know everything that you did para lang makuha siya. Maagaw siya sa iba. Kahit malayo kami ng daddy niyo ay may mga mata pa din ako dito, anak. Hindi ko kayang matulog sa gabi na magkalayo tayo at wala akong alam kung anong ginagawa niyong magkakapatid."
That made me stopped my sobs as I continue to listen to her. I think alam ko na kung bakit alam niya ang lahat.
"I know you're hurting dahil sa pagmamahal mo kay Luis and I couldn't bear to just sit in the corner and do nothing to help you. Kaya pinlano ko ang lahat ng 'to. Na madaliin ang kasal niyo. You see, I can also feel it in my heart that Luis loves you just the same."
"H-Hindi, mommy.. He confessed actually one time when he was drunk months ago. He said he did loved me before but he loves his girlfriend now.. Pinilit ko lang talaga siya kaya naging kami."
"I don't really think so, anak. Well, anyway, its for you to find out naman but I honestly believe that he loves you still. I know of his honor and pride, at mas lalo kaming napahanga ni daddy mo sa kanya. We wanted him to be our son-in-law, and the best way to stop you from hurting is if you have the assurance that you will have him. Its like hitting two birds in one stone. Kaya sana mapatawad mo si mommy, kung pinipilit ko kayo sa gusto ko. I want nothing more in this life but to see my children, happy."
Napatango-tango ako sa sinabi niya at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. "Thank you mommy. I understand, now. I love you po."
"I love you more, my precious daughter." She said then kissed me on my cheeks.
"By the way, anak. I invited some media personalities last night because I heard from some trusted people na may kumuha daw ng pictures niyo ni Xavier habang sumasayaw sa club. It was taken by a notorious paparazzi daw para gawing scoop. I was about to take a move to stop it from circulating thats why I invited the press but I think naunahan ako ni Xavier and his agency. Hindi ko na rin mabawi ang invites kaya hinayaan ko na lang." Pagbibigay alam sa 'kin ni mommy habang umiikot kami sa garden na alagang-alaga ng hardinero namin.
"Oh, thank God at hindi 'yon natuloy! I don't know what to do if I will be bombarded by those type of paparazzis everyday." Sabi ko habang hawak ang dibdib ko. "By the way, mom. You did a great job with my engagement party last night. I really had fun. Thank you, mommy."
"You're welcome, my darling." Sabi naman niya habang hinahawakan ang isang white rose na namumukadkad.
"I can work as an event planner in the future, what do you think?" Sabi niya na siyang nagpatawa sa 'kin.
"I'm pretty sure you'll be successful on that career, Mommy. I can be your assistant, too." I cheekily said na nagpatawa din sa kanya.
As we continued with our random chit-chats ay ngayon pa ako nakaramdam ng sobrang pangulila kay mommy. I realized its been a long time since we've had this mother and daughter convo. I do miss talking to her like this. And I wanted to share more about my drastic decisions and how I've come up with it. I wanted to hear her opinions about it, as well, kaya pinagpatuloy ko ang usapan namin.
"Alam mo ba 'yong reason kung bakit ko ginawa 'yong pag-aagaw ko kay Luis, mom? Honestly, plano ko na sanang tigilan ang kahibangan ko at hayaan na lang silang dalawa. But something happened, and I find out something that gave me a chance to put an end on their relationship that's why I grabbed the opportunity."
"Yeah. I heard it from one of the men whom I've hired to follow you. Well, it was a blessing in disguise din. And its only right naman na malaman niya. You did the right thing of telling him the truth but your next move was quite... hmm.. How do you put it? Desperate?" Sabi ni mommy na may nanunuksong ngiti.
"I just love him too much, mom." Nahihiya kong pag-amin sa kanya.
"I know. You're my daughter, kaya alam ko." Nangingiti din niyang sinabi habang pinipitas ang white rose na hawak niya kanina. "I know that you're ultimate happiness will only be fulfilled by Luis, so, you don't have to worry about anything because me and your daddy will always be here for you." Sabi pa niya habang sinusuot ang white rose sa tenga ko.
See... Her words can absolutely help me feel better about myself and all of the things I've done just to acquire Luis. Hindi ko na dapat sisihin ang sarili ko.
I so love my mommy. Napayakap tuloy ako ulit sa kanya habang binubulungan siya ng pagpapasalamat. She also hugged me back and I felt so secured and very much loved by my mother. Hindi tuloy namin napansin ang pagdating ni daddy sa pwesto namin.
"Sweetheart." Biglang sabi ni daddy kaya napabitaw kami at napabaling sa direksyon niya.
His all smiles as he looked at us. But he's not alone, though. Kasama niya si Luis, who looks quite good along with my daddy.
"Eya." Tawag naman ni Luis sa 'kin.
"Our husbands are here." Biro pa ni mommy bago kami sabay na naglakad palapit sa mga mahal namin.