Chapter 13 - C13

"Hi, Doc!" Sunod-sunod na bati ng mga kasamahan ko sa kanya na sinagot naman niya sa matamlay na paraan.

Mabagal na 'kong naglalakad papunta sa dalampasigan habang nakaiwas ang tingin kay Luis. Bumalik na naman kasi ang guilt na naiwala ko na kanina dahil sa itsura niya.

He looks sad and agitated.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa kanya noong nakalapit na 'ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko agad sa kanya pagkalapit.

Nakita ko ang pagpasada ng mga mata niya sa katawan ko. Naconscious tuloy ako ng maalalang naka-bikini lang pala ako. Pero hindi naman siya siguro naapektuhan, 'di ba? His girl is way more curvier than me, anyway.

"Uhmm.. not yet." Sagot niya na nakatoon na ang tingin sa mukha ko. "Aren't you.. cold? Where's your towel?" Parang nababalisang tanong niya.

Wait? Is he affected or something?

Tss.

Ano bang tinatanong ko sa sarili ko?

Of course, he isn't!

Baka naka protective and strict mode on na naman siya dahil may mga lalaki sa paligid. Pero mga tauhan naman namin 'yon at mga kaclose ko din na parang mga kapamilya't kapatid ko na. Alam na din 'yon ni Luis. Pero kahit hindi nga siya naapektuhan ay kinuha ko na din ang dress ko na nasa buhangin at sinuot na 'yon.

"Kumain ka muna. Tara." Yaya ko sa kanya at nauna ng lumakad ng diretso pabalik sana kina yaya pero hinawakan ni Luis ang braso ko kaya napabalik ako sa kanya. Agad ko namang binawi ang braso ko kaya napabitaw siya.

"C-Can we talk first?" Parang kinakabahang tanong niya.

"No. You should eat first then we'll talk."

"S-Sige." Sabi na lang niya kaya lumakad na 'ko ulit at nakasunod naman siya sa likod ko.

The whole time he was eating ay nakihalubilo muna ako kina yaya. Kumanta pa nga ako kahit hindi naman gaanong maganda ang boses ko. I did that just to get away, so.. and I'm still full too kaya hindi na din ako makakain.

Niyaya pa si Luis nina Samuel, na isa sa mga guards nmain, at Dennis na uminom pagkatapos niyang kumain pero ako na mismo ang tumanggi dahil lasing nga siya kagabi. May trabaho din siya bukas.

"Kumain ka pa.." Sabi ko habang nakatitig sa pinggan na hawak niya.

"Busog na 'ko, Eya."

"Are you sure? How about desserts?"

"Hindi na."

"Akin na 'yang pinggan, Luis. Mag-usap na kayong dalawa." Biglang sabi ni yaya at agad ng kinuha ang pinggan kay Luis.

Napatanga tuloy ako. May sinabi yata 'to kay yaya ah. Nagsumbong siguro na hindi ko pinansin ang tawag at text niya buong araw. Tss.

"Tara." Pagyaya ko na sa kanya at nauna ng lumakad papunta sa gazebo.

Nakasunod na naman siya ulit sa likod ko.

"Si Marilou pala? Hindi mo kasama? Nagalit sa 'yo, no? Kasi nalamang lasinggero ka." Panunukso ko sa kanya habang naglalakad kami.

Ang tahimik eh.

Puros pagbubuntong-hininga niya lang ang naririnig ko at ang tunog ng mga alon. Lalo pa't napalayo na kami sa mga nagvivideoke. Wala na ding mga tao sa dagat dahil nagsi-ahon na ang lahat para kumain.

"Hindi naman. Uhmm.. nandoon siya sa bahay nila."

"Oh. Ang bait talaga ni Marilou, Lu. But you shouldn't drink that much anymore. Muntik ka na kayang nahulog sa upuan kagabi." Pagpapaalala ko sa kanya.

"Y-Yeah.." Simpleng sinabi niya.

"Ano bang pag-uusapan natin, Lu?" Tanong ko agad pagkarating namin sa gazebo.

Naupo ako sa isa mga plastic benches doon. Sumunod din siya at umupo sa tabi ko.

"Were you avoiding me today, Eya? Galit ka ba sa 'kin?"

"Huh? Paano mo nasabi?"

"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.. No text messages or replies from you, too. So, tell me. Are you mad at me? Did I do something wrong last night?"

"Wala, Lu! Stop overthinking. Pasensya na. Naging busy lang ako kanina dahil sinurprise ko nga ang pagyaya ko kina yaya na pumunta dito ngayong gabi." Pagdadahilan ko na siyang naisip ko talagang sabihin sa kanya bukas kapag itetext ko na siya.

"Totoo?"

"Oo nga! At ano naman ikakagalit ko sa 'yo? Oh, wait! I was kinda pissed off pala dahil nalasing ka. You know how I hate it when you get drunk, right?"

"I'm sorry about that. Hindi ko na namalayang napadami na pala ako ng inum."

"Its okay, though. As long as hindi nagalit si Marilou sa 'yo."

"She never gets mad at me."

"Good then." Sabi ko naman sabay gawad ng ngiti sa kanya bago binaling ang tingin ko sa dagat.

"Aren't you gonna ask me if I'm mad at you?" Bigla niyang tanong na siyang rason para kumunot ang noo ko bago ako tumingin sa kanya pabalik.

"Ba't ka naman magagalit?"

"You were having fun with Dominic."

"Ngee. Anong problema doon? Hindi pa din ba 'ko pwedeng mag mingle sa iba?"

"He's a seaman."

"So? What's wrong with that?"

"Eya.. you know what they say about them. Mga babaero halos lahat sa kanila. Kahit saang bansa sila dumaong ay may mga babae sila."

Hindi ko napigilang tumawa ng malakas sa sinabi niya. He's impossible! My gosh!

"I'm serious, Eya!" Nagagalit ng sabi niya.

"Lu, huwag mo namang lahatin, okay? Maybe its true to some of them pero hindi mo ba nakikita kung gaano kabait si Dominic? I find him cute and adorable. Have you noticed his cute mannerism when he's shy? 'Di ba, ang cute! And I don't think he's gonna cheat if ever maging kami."

Kita ko talaga ang gulat sa mukha niya at pagkabahala dahil sa sinabi ko.

"What?" Natatawa ko pa ding tanong sa kanya.

"So, you do like him!" Hindi nagtatanong na sabi niya.

"A bit." Sabi ko sabay ngiti.

"Ni hindi mo pa nga siya nakilala ng maayos tapos nagugustahan mo na siya?! Isang araw pa nga lang tapos ngayon pa lang ay parang may balak ka ng sagutin siya?! You must be out of your mind!?"

"Lu, calm down! Why are you screaming at me?" Mahinahon ko pa ding sabi kahit na nag-aalburuto na si koya sa harap ko.

"Eya!! You should know him first before you decide to make him your boyfriend!"

"Hindi ko pa naman sinasagot ah. Tsaka hindi pa nga siya nanliligaw. We're just friends for the meantime. Pero napagdesisyonan kong payagan na siyang manligaw at 'yong mga nagpapalipad hangin sa 'kin pagbalik ko ng Manila." I said which is just out of the blue.

Ewan ko ba. But I find it amusing to see him getting frustrated now. I was always submissive before eh. Isang paninira niya pa lang sa mga manliligaw ko ay natuturn-off na ako at binabasted ko na lang agad. But this time, things should be different. It should be.

"Mikaella!" Sigaw na niya sa pangalan ko habang ginugulo ang buhok. Mabilis na tumataas at bumababa din ang dibdib niya.

That's the first time he called me by my first name pagkatapos naming maging close. And its the first time seeing him getting this angry and frustrated because of me. And it just amuses me a lot.

Natawa pa nga ako bago ko hinawakan ang kamay niya para pigilan siya sa ginagawa sa buhok niya.

"Lu naman. I'm already of age to be in a relationship. Parang late na nga eh. Graduate naman na ako and I have a stable job, too. Its time for me to try this out, you know. Gusto ko din namang magkapamilya but that's too advance though. Wala pa sa isip ko pero gusto ko ng maranasang mainlove at magcommit ng sarili sa isang tao."

"No! You're not ready for that yet!" Mariing pagkontra niya.

"Paano ba kasi maging ready? Eh hindi nga ako nageentertain ng mga manliligaw! Kaya nga susubukan at baka ready na pala ako."

"Ayoko!"

"Anong ayaw mo? Gusto mo talaga akong tumandang dalaga?"

"No! Pero dapat 30 years old ka na bago ka mag boyfriend!"

"Ay wow! Matandang dalaga na 'yon, Lu! Wala na 'ko sa petsa ng February niyon!" Natatawa kong reklamo.

"Basta! 30 years old! At doon lang ako papayag na magboyfriend ka!"

"Mas sobra ka pa sa daddy! Didn't you know that daddy is pushing me to get married already? Kaya hindi ko talaga magagawa 'yang gusto mo, Lu." Natatawa kong sabi habang umiiling.

"Damn it!"

Napamura na talaga ang loko eh. Napaiwas na din ng tingin pagkatapos.

Hay.

"Fine. 28 years old then."

"Still a no, Eya! 30 dapat."

"Tss. Fine! I'll try, pero kung may magugustuhan ako sa mga manliligaw ko eh wala ka ng magagawa."

"Eya naman!"

"C'mon, Lu! Nagreklamo ba 'ko noong naging kayo ni Marilou? Hindi 'di ba? Hinayaan kita kahit tinago mo siya sa 'kin dahil ayaw mong kontrahin kita at paimbestigahan ko siya. Kaya ang unfair naman kung sa 'kin ay hinihigpitan mo pa din ako. Sige ka! Papaimbestigahan ko siya and I won't support your relationship anymore. Iiwasan na din kita pagkatapos!" Pagkasabi ko niyon ay nakita ko ang takot sa mukha niya.

"S-Sige. Kung ano ang gusto mo. Ikaw na ang masusunod." Sabi niya habang nakaiwas ang tingin at malalim na napabuntong-hininga. "Huwag mo lang akong iwasan." Mahinang sinabi niya na siyang ikinangiti ko.

Asus!

Pinapahalagahan niya talaga ng sobra 'tong pagkakaibigan namin! Kaya nga natakot talaga siya sa sinabi ko eh. Kung iiwasan ko nga naman siya, ibig sabihin niyon ay tinatapos ko na din ang pagkakaibigan namin. This friendship of ours is really for keeps, huh? Kaya nga dapat pag-igihan ko na talaga ang paglimot at pagtanggal sa sistema ko ng one-sided love na 'to.

Sana lang ay may magugustuhan nga ako sa mga manliligaw ko. Ayoko naman kasing pumasok sa relasyon na hindi pa sigurado, lalo na't first time ko 'yon. I just hope and pray that I would find someone who's worth it. Someone who would surpass the love that I've felt for Lu.

"Ingat ka ha? Magpahinga ka na agad pagkauwi mo. 14-hour shift ka pa din ba bukas?" Tanong ko kay Lu habang naglalakad na kami papunta sa sasakyan niya.

Nag-aayos na din sina yaya dahil uuwi na din kami. Mag 10 o'clock na rin kasi ng gabi. Nakatulog na nga 'yong ibang mga bata.

"Yeah." Sagot niya bago siya napahikab.

"See, you're really sleepy na. Doon ka ba kina Marilou matutulog?"

"Hindi. Uuwi ako sa bahay." Sagot niya.

Nakarating na din kami sa harap ng sasakyan niya.

"You should go na, Lu. Drive safely, okay?"

Tumango lang siya bago pumasok sa loob ng sasakyan niya at binuksan ang bintana bago pinaandar ang makina ng sasakyan. "I'll text you tomorrow and please reply." Nananantyang sabi niya.

"Oo na nga. Hindi naman ako busy bukas eh kaya makakapagreply na 'ko." Sabi ko na pinanindigan na ang dinahilan kanina.

"Text me if you're going somewhere, too."

"Saan naman ako pupunta?" Natatawa kong tanong pero pinaningkitan lang ako ng mga mata. "Fine! Oo na. I promise." Sabi ko na lang.

Kasalanan ko naman. Pinakwento niya kasi sa 'kin 'yong tungkol kay Dominic. Hindi naman ako makapagsinungaling. Lalo pa't parang kumukuha siya ng info. Its like he's trying to check if Dominic is really a potential boyfriend for me. Kaya 'yon at naikwento ko lahat.

Napilitan na din akong sabihin sa kanya na niyaya nga ako ni Dominic na magdinner date kaninang umaga. Friendly dinner date pa nga ang talagang sinabi ko eh kasi 'yon naman talaga ang totoong tinext ni Dominic kanina.

"Good girl. Alis na 'ko. Ingat din kayo sa pag-uwi. I'll text you when I get home."

"Sure. Ikaw din. Huwag masyadong mabilis ang pagmamaneho, ha? Antok ka pa naman. Bye na, Lu!" Sabi ko sabay kaway.

"Alright, baby. Bye." Huling sinabi niya bago siya tuluyang umalis.

Tss. Baby na naman.

Naapektuhan pa din talaga ako kapag 'yon ang tinatawag niya sa 'kin. Ramdam ko agad ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang tinatanaw ang papalayo niyang sasakyan.

Paano ko kaya maalis sa sistema ko 'to?

Ano kaya kapag nagkaboyfriend na ako ay 'yon 'yung gagamitin kong tawagan namin? If I do that baka maiba na ang meaning niyon sa isip at puso ko, at hindi na si Luis ang naiisip ko kapag naririnig ko ang tawag na 'yon.

Such a pathetic way of thingking na naman, Mikaella!

Move on, Mikaella! Move on!