"Sasama nga ako, Eya." Limang beses na yatang nasabi ni Luis 'yon sa 'kin habang magkausap kami sa phone.
"Huwag na nga! Pinilit ko nga lang si Mikael na isama ako tapos isasama pa kita? Tsaka didiretso nga kami pa Manila, 'di ba?" Pagtanggi ko din sa kanya na ilang beses ko na ding ginawa.
"That's why I have to come! You told me two months ang bakasyon mo pero ngayon aalis ka na at baka ilang buwan na naman bago ka makauwi dito! Hindi ka na nga sumasama sa lakad namin ni Marilou kapag niyayaya kita tapos ngayong babalik ka na sa Manila ay ayaw mo pa din ako isama?" Mahabang litanya niya na bakas na ang pagiging desperado.
Ang kulit!
Ang two months na sinasabi kong pahinga ay pinutol ko at naging kulang dalawang linggo lang 'yon. Nagdahilan na lang ako na may importanteng meeting ako with a VIP client kaya kailangan ko ng bumalik. I mainly decided to do this for myself. I have to save myself.
Ever since na nangyari 'yong pangalawang paghalik niya sa 'kin ay talagang iniwasan ko ng makipagkita sa kanya. May sinabi kasi siyang imbes na magpasaya sa 'kin ay nagulo lang lalo ang pag-iisip ko. At mas lalo lang nasaktan ang puso ko.
I just don't get it.
Kaya nga noong nakatulog na ulit siya ay iniwan ko na lang siyang nakahilata doon sa sasakyan niya at nagpasundo na lang kay kuya Victor.
"Tell me, Eya. Iniiwasan mo ba 'ko? Did... Did I do something that night, Eya?" Bigla niyang natanong na nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan.
Sarap sabihing oo eh!
Naalala ko na naman tuloy ang nangyari ng umagang 'yon! Hay!
I tried to stop him from kissing me pero sa huli ay hindi ko na din napigilan ang sarili at tumugon na din. I even heard him moan and that's when he said those freaking words from his stupid mouth!
"I-I have always.. always loved you, E-Eya.. pero hindi pwede.. mayaman ka.. maganda.. and I'm just a nobody.. and.. and I have M-Marilou now.. I.. I love her now."
Habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon ay iba't-ibang emosyon ang nadarama ko. At first, I was shocked but happy, then I felt angry, then lastly ay nakaramdam na ako ng lungkot.
Doon ko lang napagtanto na hindi pala sana one-sided 'tong nararamdaman ko sa kanya. He loves me. He loves me the same way. Pero dahil sa istupidong dahilan ay napilitan siyang ibaling 'yon sa iba. Nagawa niyang magmahal ng iba.
Tama siya.
May Marilou na siya.
At minamahal na niya ito.
Ngayong may mahal na siyang iba eh paano naman ako?
Kaya dapat na ngang iwasan ko siya. Kaya nga ginagawa ko na 'tong pag-iwas sa kanya 'di ba? Though, I still replied to his text messages and answer his calls ay iniwasan ko pa din siya dahil hindi nga ako nakikipagkita sa kanya. Pero eto pa din talaga siya, ginugulo niya pa din talaga ang puso't-isip ko. Ayaw niya pa ding mawala dito. At ngayon namimilit pa siyang makipagkita sa 'kin.
Hay, Luis. Kung hindi ka lang talaga tanga. At kung hindi lang din ako tanga at naging duwag na sabihin sa 'yo ang totoo. Siguro... siguro masaya na tayo ngayon.
Kaso nandito na. Hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Naisip ko nga na sana hindi ko na lang nalaman ang totoong saloobin niya. Baka makakaahon talaga ako sa pag-ibig kong 'to. Pero wala na eh. Nangyari na.
"E-Eya?" Tawag niya sa pangalan ko na nagpagising na naman ng katinuan ko.
"Fine. Sumama ka na. Isama mo din si Marilou. I'll text you the details later at mag-aayos pa 'ko." Pagpayag ko na lang at pinatay na ang tawag.
Last na 'to, Mikaella. Last time mo na maging best actress at magpretend na ika'y isang dakilang kaibigan lamang kay Luis.
Huli na talaga 'to dahil pagkabalik ko sa Manila ay talagang iiwas na 'ko. Kakalimutan ko na siya.
Kahit nakakapanghinayang ang pagkakaibigan namin ay wala na ding halaga 'yon. Nasira na namin 'yon. Matagal na.
"Nandito lang ako sa parking area, Lu. Hihintayin ko kayo dito." Sabi ko sa kanya habang nakasandal sa sasakyan ko.
"Alright. See you, Eya." Sagot naman niya bago ko pinatay ang tawag.
Nandito ako sa Vitalis resort ngayon. Dumaan pa 'ko kanina sa beach house bago tumungo dito kaya pinauna ko na sina Mikael. Sasabay na rin ako sa kanila pauwi ng Manila kaya nagpumilit na 'kong sumama. Magsasaya muna sana ako kaso may dadating ngang makulit.
Hay.
I'm really happy for bunso. As in! Nagulat talaga ako ng makita si Chloe at mas lalo akong sumaya ng malamang nagkabalikan na sila. Noong una nga ay kinabahan pa talaga ako dahil sa gawa na rin ni ate Michelle. Hindi ko na din tuloy nakwento sa kanya 'yong nangyari sa sobrang panic namin. Anyway, she was frantic over the phone when she told me that Mikael asked for a dinner with the whole family pagkauwi nila ng mga parents namin.
Buong akala talaga namin may boyfriend na si bunso or some lover na lalaki kaya nag-ayang magdinner kaming magpamilya. But I was glad ng makumpirmang si Chloe pala ang dahilan kaya magdidinner kami. Ipapaalam pala nilang nagkabalikan na sila.
Napasana-all na lang talaga ako eh, pero pinagpasalamat ko na din na dumating sila at least naging occupied ang pag-iisip ko. Kaso ang problema'y walang kaalam-alam si bunso tungkol sa buhay ko ngayon at sa nangyayari sa 'min ni Luis. Kaya nga kung anu-ano ang nasabi niya noong madaling-araw pagdating nila. Tinutukso niya pa 'ko kay Luis!
Ayoko namang malaman niya talaga ang totoo at baka sabihan pa 'kong tanga ng little brother ko. Baka sabihin pa niyang mas mature pa siyang mag-isip kaysa sa 'kin na mas matanda sa kanya ng walong taon. Kaya nga hinayaan ko na lang siya at nagkunwaring naiinis sa panunukso niya kagaya dati.
Kung alam mo lang talaga ang totoo, Mikael. Baka batukan mo pa 'ko.
Halos mag 15 minutes na 'kong nakatayo doon sa labas ng sasakyan ko ng makita ko na ang pagdating ng sasakyan ni Luis.
Umayos na 'ko ng tayo bago napabuga ng hangin.
Its show time, Mikaella. Its time to use your amazing acting skills for the last time!
"Hi!" Maligayang bati ko sa kanila pagkalabas nila ng sasakyan.
"Hi, Mikaella!" Bati din pabalik ni Marilou habang ang boyfriend niya ay masama ang tingin sa 'kin.
Masama ang tingin niya sa suot ko! Ayan na naman siya. Resort kaya 'to kaya hindi naman siguro masama kung naka maiksing beach dress ako na litaw ang bikini top! Hindi ko na nga lang pinansin. Bahala siya.
"Tara na, pasok na tayo at papakilala ko kayo sa kapatid ko at sa girlfriend niya't mga kaibigan."
"Girlfriend? Si Mikael, Eya?" Natanong ni Luis na nakaget-over na din sa galit niya at napalitan 'yon ng gulat.
Alam niya ang nangyari kay Mikael, na nagbago ng sekswalidad ang kapatid ko dahil sa pagkasawi sa pag-ibig. Kaya hindi na 'ko nagtaka kung bakit nagulat siya.
"Yeah! Remember his ex Chloe? Nagkabalikan sila." Nangingiti kong sagot habang naglalakad na kami.
"Oh, mabuti naman kung ganoon." Sagot naman ni Luis na hindi ko na nilingon.
Nauna na 'ko sa paglalakad dahil nakaramdam na naman ako ng kirot noong nakita kong magkahawak-kamay ang dalawang magsing-irog.
Just endure it, Mikaella. Soon, all of these will be over. Ilang oras na lang..
Habang kumakain na kami ay ramdam ko ang pagsulyap ni Chloe sa pwesto ko. I know she notices something and alam kong may gusto siyang sabihin sa 'kin. Naramdaman ko ding naaawa siya sa 'kin. Pero hindi ko na kailangan niyon dahil nga may plano na 'ko pag-uwi ng Manila.
Hindi ko lang talaga maiwasang tumingin sa direksyon nina Luis at Marilou habang naglalambingan sila. Pumasok pa nga sa isip ko na sana pwede kaming magpalit ng pwesto ni Marilou. Sana ako na lang ang girlfriend ni Luis. Sana ako 'yong nilalambing niya ngayon at sinusubuan.
Pero agad ko ding tinapos ang pag-iisip na 'yon. Huli na lang naman 'to. Huling beses na talaga 'to dahil hindi ko na talaga kaya pang dayain at lokohin ang sarili ko.
"Love, si lola nagtext. Naisugod daw sa hospital si tita Pinky." Narinig kong sabi ni Marilou noong kakatapos lang naming kumain.
Hindi ko kilala ang tinutukoy niya pero kita ko ang tinding pag-aalala ng dalawa. Kamag-anak yata nina Marilou.
"Then.. we should go now." Nasabi ni Luis na parang nag-aalinlangan pa ng bumaling sa 'kin.
"What happened?" Tanong ko na nakatingin kay Marilou kahit narinig ko na ang sinabi niya kanina.
"'Yong tita ko na nag-iisang kapatid ni mama. Bigla daw nahimatay sabi ni lola. Pinapapunta ako sa hospital. Sorry, Mikaella. Pero kailangan na naming umalis." Sagot ni Marilou na bakas ang matinding kaba at pag-aalala sa boses at itsura.
"I hope she's fine, Marilou. And you should go now. I know your lola needs you." Sabi ko na kahit mali ay nagpasalamat ako sa nangyari sa isip ko dahil aalis na sila.
"Sorry talaga, Mikaella."
"No, no. Its fine! Sige na at alam konng naghihintay na ang lola mo doon." Pasimpleng pagtataboy ko na sa kanila at nauna pa 'kong tumayo sa inuupuan.
Tumayo na din sila at kahit nag-aalala ay may nakita pa 'kong bakas ng lungkot sa mukha ni Luis habang nakatingin sa 'kin.
"I... I'll text you later.. Bukas pa naman kayo aalis, 'di ba?"
"Uh-huh. Sige na, Lu. Mag ingat kayo!" Pagtataboy ko ulit.
"Uh... 'Yung share ko pala." Sabi ni Luis at akmang kukunin ang wallet niya pero agad kong pinigilan.
"Huwag na, Lu! Libre 'to nina Mikael. Sige na at siguradong nag-aantay na si lola Patring." Huling pasimpleng pagtataboy ko sa kanila at laking pasalamat ko ng nagpaalam na nga sila ng tuluyan sa mga kasama namin.
Nakatanaw lang ako sa kanila habang naglalakad na sila paalis. Hindi ko na sila hinatid sa labas. Malaki naman na sila at hindi ko na rin kailangang gawin 'yon.
Nagpapaalam na ako kay Luis at sa pagkakaibigan namin sa isip ko habang tinitigan ko ang likod niya. Pero muntik pa 'kong napasinghap ng malakas ng biglang lumingon si Luis sa direksyon ko noong nasa tapat na siya ng kotse niya at nagtagpo ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang bakas ng lungkot, pangungulila and some other emotions na hindi ko na mapangalanan sa mukha niya.
Napangiti tuloy ako ng mapait, at agad ng iniwas ang tingin sa kanya.
Good bye, Luis. Farewell, my dearest friend and first love.
Nasabi ko na lang sa isip ko at muntik pa 'kong mapaluha pero agad 'kong cinompose ang sarili ko. Ayokong mapansin ng mga kasama ko ang kalungkutan ko kaya nagpaalam na lang ako sa kanila na magpapahinga muna ako sa kwarto nina Mikael.
Hindi nga lang ako dumiretso doon. Ayokong umiyak doon at paniguradong malalaman ni Mikael. Kumuha na lang ako ng sarili kong kwarto at pagkasarado ko pa lang ng pinto ay hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko sa pagsungaw.
Non-stop sa pagtulo ang mga luha ko habang naglalakad ako papunta sa kama. Ramdam ko ang panghihina ng mga kalamnan ko, na parang bibigay na ang tuhod ko. Padapa tuloy akong humiga sa kama at binaon ang mukha ko sa unan habang patuloy sa pag-iyak. Ilalabas ko na talaga lahat ng sakit ngayon dahil bukas ay iiwan ko na ang lahat ng sakit at haharap na 'ko sa bagong chapter ng buhay ko.
Ang bagong chapter na wala ng Luis Madrigal.