Chapter 21 - C21

Kanina pa ako nasa harap ng Makati Med pero hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nakaramdam ng labis na kaba sa balak kong gawin. I was quite determined to do it yesterday, this morning, and habang nasa loob ako ng eroplano. Pero pagkalapag namin sa Manila ay doon na umiral ang pagiging duwag ko.

Natatakot akong makipagkita kay Luis ngayon. Natatakot ako kung paano niya ako pakikitunguhan ngayon. Naalala ko kasi ang nangyari noong huling pagkikita namin sa resto, 'yong kasama sina Jewel. He was cold. He pretended that I wasn't there. Ni hindi niya ako kinausap at tinapunan ng tingin man lang. Siya na nga ang mismong umiwas kaya nakakatakot na baka ganoon din ang gawin niya ngayon.

Baka hindi ko kakayanin kung iba at taliwas na talaga siya sa dating Luis na kaibigan ko.

Naduduwag talaga ako.

But that was my fault 'di ba, kaya ganoon na ang naging asta niya? Ako naman ang naunang umiwas sa kanya. Plus 'yong sa career pa niya! Basta andami kong kasalanan sa kanya! Alam ko naman 'yon, kaya nga heto't gusto ko ng ayusin ang lahat sa 'min.

Kung hindi ko 'to gagawin ay baka mas lalo niya akong kamuhian! Hindi rin ako patutulugin ng konsensya ko kung sakali! Dahil may magagawa naman ako para matulungan ko ang kaibigan ko, then why won't I, right?

Okay, Mikaella! You can do this! For Luis' sake!

Napabuga muna ako ng hangin bago ko nilakasan ang loob na buksan na ang pinto ng sasakyan ko at lumabas na. Napabuga ulit ako ng hangin bago ko hinakbang ang mga paa ko papasok ng Makati Med.

Alam ko na kung nasaan ang office niya dahil tinawagan ko na si tito Rene kanina. Alam ko na din ang clinic hours niya at magbubukas siya an hour from now. Pero sabi ni Tito Rene ay maaga pa daw usually dumadating si Luis kaya paniguradong nandoon na daw siya sa loob.

Napabuga ulit ako ng hangin ng papalapit na ako sa clinic niya. Noong nakarating na ako sa harap ng pinto ay hindi ko maiwasang mamangha at mapangiti habang tinitingnan ang pangalan niya sa nameplate.

I'm really proud of him and I'm happy na naabot na nga niya ang pangarap niya. Hindi ko tuloy maiwasang i-angat ang kamay ko para hawakan 'yong nameplate na 'yon sa pader sa gilid ng pintuan. Pero napaigik na lang ako ng biglang bumukas 'yong pinto at tumambad sa 'kin ang mukha ni Luis.

He was shocked, as well, nang makita ako. Pero noong nahimasmasan siya ay agad na nagbago ang itsura niya. His facial expression became stoic at agad siyang humakbang pakaliwa para makadaan sa maliit na espasyo sa gilid ko.

At dahil nabigla ako sa nangyari ay hindi ako agad nakasunod sa kanya. Kaya heto at hinahabol ko siya.

"L-Lu.. L-Lu, wait.." Tawag ko sa kanya habang umaagapay sa mabilis niyang paglalakad.

Eto na nga ang ikinakatakot ko.

Ramdam ko ang paninitig ng mga tao sa 'min ni Luis. Pero wala na 'kong pakialam kahit na gumagawa ako ng eksena sa loob ng hospital ngayon. Mas importanteng maabutan ko siya at makausap.

"T-Teka, Lu.." Tawag ko ulit at nang naabutan ko siya ay mabilis na hinawakan ang braso niya.

Napatigil naman siya sa paglalakad at nilingon ako. His expression remain the same, though. There's also this cold and hollowness in his eyes that made me shiver in fear.

"Is there anything I can help you with, Miss?" Nasabi niya sa sobrang malamig na boses at pasimple pa niyang binawi ang braso niya sa pagkakahawak ko.

Miss? Did he just called me Miss?

"Lu naman.. Don't act as if you don't know me.. Mag-usap tayo.. I have something important to tell you." Sabi ko sa nagmamakaawang tinig.

"Ah. Pasensya na, Miss. You see, this is a hospital. And I don't have time for some bullshits." Sabi niya na ang huling salita ay binulong lang niya at agad naman siyang tumalikod.

"Lu! Ano ba! We need to talk! This is important!" Pasigaw ko ng sinabi nang inabutan ko na ulit siya.

Alam kong nabubulabog ko na talaga ang parteng 'yon ng hospital but I don't even give a damn!

"Miss, you're causing a scene here. This is a hospital, by the way, so please do calm down. Sa ibang department dapat kayo nagpunta. The psychiatric department is on the other side of the building." Sabi pa niya habang nakangisi sabay turo pa sa kung nasaan daw ang mga shrinks!

"Damn you!" Hindi ko tuloy napigilang sabihin sa kanya dahil nanghihina na talaga ang pakiramdam ko sa pinapakita niya sa 'kin.

"You're wasting my time here, Miss. I'm only catering real-life patients here and if you don't have any scheduled appointments with me then you can leave now." Sabi pa niya bago siya tumingkayad para makabulong sa tenga ko. "Go home. And don't ever to try to see me again."

I can feel how his words stabbed my heart multiple times na halos kapusan ako ng hininga. This is far worse than what I've imagined kanina. Kaya noong tumalikod na siya at iniwan ako sa kinakatayuan ko ay hindi ko na nagawang humabol pa.

Wala din ako sa sariling humahakbang pabalik sa sasakyan ko. Should I give up just like that?

But then I remembered Marilou and how she dared me yesterday that I will never succeed on this. Doon lang ako nahimasmasan ulit at kahit gusto ko na sanang pumasok sa sasakyan ko para umiyak ay mabilis ko na lang inayos ang sarili ko.

I'm not yet done and I won't give up that easily. Hindi ako magpapatalo kay Marilou, the two-faced bitch!

I'm Mikaella Edwards kaya dapat matapang ako because I'm regal!

Kahit nakakahiya ang ginawa kong eksena kanina ay taas noo akong lumakad pabalik ng clinic ni Luis. Never minding the stares of the people who I'm sure witnessed what happened a while ago.

Madami ng taong nag-aabang sa labas and for sure ay mga pasyente niya ang mga 'yon. I knocked on his office's door twice bago ko pinihit 'yon.

"Yes, Miss? Good afternoon po." Bati agad sa 'kin ng isang babaeng sa tingin ko ay sekretarya/assistant niya.

"Good afternoon. Is the doctor in? Magpapakonsulta ako." Confident kong sinabi.

"May appointment ka na po ba, Miss? Pabalik na po si Doctor Madrigal." Magalang na hayag ng secretary niya.

"Not yet."

"Oh, that's okay po. Fill-upan niyo na lang po 'to." Sabi niya sabay abot ng isang papel sa 'kin na mabilis kong sinulatan.

Maya-maya lang ay bumukas na ang pintuan ng clinic niya at kahit hindi ko lingunin 'yon ay alam kong siya na nga ang dumating.

"Welcome back, Doc, start na po ba?" Dinig kong bati sa kanya ng sekretarya.

Matagal bago siya tumugon kaya napalingon ako sa kanya pagkatapos kong fill-upan ang papel. Nakatitig pala siya sa 'kin. He still looks stoic but his eyes are showing some emotions that I can't name of.

Napangisi tuloy ako sa kanya bago ko binaling ang tingin ko sa sekretarya niya at binigay ang papel.

"Done." Simpleng sabi ko.

"Sige, Miss.. Miss Edwards. Tatawagin ko na lang po ang pangalan niyo mamaya. You can wait outside po."

"I will surely do." Sagot ko naman sabay sulyap kay Luis at ngumisi ulit bago tumalikod.

"I'm only seeing real patients here, Miss Edwards." Agap na sinabi ni Luis bago ko pa mabuksan ang pintuan.

Napalingon tuloy ako sa kanya with that smirk again. "Why Doc? Am I not a real patient? Papakonsulta ako."

"Tss." Dinig kong inis niyang turan bago ko siya tinalikuran na at agad na lumabas ng clinic niya.

Nangingiti pa din ako habang naghahanap na ng uupuan. At ng makaupo na ay agad kong nilabas ang phone ko at earpods para makinig ng music dahil alam kong matagal pa 'yong turn ko. Maya-maya lamang ay nagsimula ng tawagin ang pangalan ng mga kasama ko.

I've already been outside waiting for my name to be called-out for four hours now. Muntik na nga akong makaidlip. Kanina pa din kumakalam ang sikmura ko pero hindi ko magawang tumayo dahil baka ako na ang tatawagin. Tiniis ko na lang muna kahit 'yong pangangalay ko sa pagkakaupo ng matagal. I even cancelled my supposed business meeting tonight at the last minute.

Another hour passed by at dalawa na lang kaming natitira dito sa labas. Ang kasama ko ay 'yong huling dumating kanina kaya alam kong ako na ang susunod na papasok doon sa loob. Noong binuksan na ng sekretarya ang pintuan, I was already anticipating for my name to be called kaya tumayo ako.

Pero guess what? Hindi ako!

"T-Teka, Miss!" Tawag ko sa pansin ng secretary. "Ako dapat ang nauna kaysa sa kanya ah." Sabi ko sabay turo sa pasyenteng nakapasok na sa loob ng clinic.

"Ah... eh. Sabi kasi ni Doc.. Uhmm.. Uunahin daw po siya."

"What? That's unfair!" Galit kong anas.

"Sorry po, Ma'am. S-Sinusunod ko lang po ang orders ni Doc."

"Damn it! Let me talk to him!" Sabi ko at agad na humakbang na papasok ng clinic.

"Wait lang po!" Pagpigil din sana ng sekretarya sa 'kin pero wala na siyang magawa dahil mabilis akong nakapasok.

"Luis!" Tawag ko sa pangalan niya at kita ko ang pagtayo niya sa frosted glass partition habang kausap pa ang pasyente.

"Excuse me." Dinig kong sabi niya sa pasyente bago siya humakbang palapit sa pwesto ko.

"S-Sorry, Doc." Dinig kong paghihingi ng paumanhin ng sekretarya niya.

Nakita kong inangat niya ang kamay na parang sinasabing okay lang sa sekretarya niya. "You should wait for your turn, Miss Edwards." Seryosong sinabi niya habang nakatitig sa 'kin.

"Nag-aantay nga ako! Pero ako dapat ang nauna sa kanya!" Sabi ko na nawawalan na ng pasensya.

"She has set her appointment before you, Miss Edwards. You were just a walk-in. So, will you please go outside and wait, now?"

I gritted my teeth at walang sabi-sabing tumalikod na nga at lumabas ng opisina niya.

Nagpupuyos talaga ako sa galit! I can't believe him! How can he be so difficult?! Damn! Kung wala lang akong pagmamalasakit sa taong 'yon paniguradong hinding-hindi ko gagawin 'to! I also made a promise to myself to do everything to save him but he's really pissing me off!

I waited half an hour more ng bumukas na ang pintuan ng opisina niya at lumabas ang pasyente niyang parang natatakot sa 'kin. Pero bakit hindi nga siya matatakot eh paniguradong naka murderous look ako ngayon.

Kahit hindi na tinawag ang pangalan ko ay mabilis na akong tumayo at walang katok-katok na pumasok ng clinic niya. Nahuli ko ang sekretaryang parang nag-aayos na ng mesa niya, kaya noong pumasok ako ay napapiksi talaga siya.

"Uh.. M-Miss Edwards.." Tawag pa niya sa 'kin para pigilan ako pero nagmartsa na ako papasok ng glass partition.

And guess what I saw the moment I set foot inside! The brute already took off his white coat and I'm sure he's planning to leave!

"What the hell, Luis! Ano? Aalis ka na?! I have an appointment with you!" Hindi ko napigilang ibuga sa kanya.

"Miss Edwards, as you can see my clinic hours is already over. I'm already tired. If you want you can set another appointment tomorrow and be here earlier para hindi ka-"

"Shut up!" Sigaw ko sa kanya at agad na sinugod siya dahil hindi ko na macontrol ang damdamin ko.

Napaiyak na talaga ako habang sinusuntok-suntok ko ang dibdib niya. Dinig ko ang pagsinghap ng sekretarya niya pero hindi naman ito makalapit. Hindi man lang ako pinigilan ni Lu at hinayaan ako sa ginawang pagsuntok sa kanya. Noong napagod ako at nahingal na ay doon lang ako tumigil.

"Are you satisfied, now?" Malamig na sinabi niya.

"Luis.. please.. I know may kasalanan ako. Iniwasan kita.. I'm sorry for that.. I regretted it already, Lu.. please.. Patawarin mo ako.." Umiiyak na sabi ko sa kanya pagkatapos kong hawakan ang dalawang braso niya. Doon ako kumukuha ng lakas dahil ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko.

"Don't bother asking for forgiveness. Its already been done and its already unnecessary and useless." Sabi niya na siyang nagpaiyak lalo sa 'kin. "I know why you came here. Marilou already gave me a heads up. Kaya kung pumunta ka lang dito para siraan ang girlfriend ko mas mabuti pang huwag mo ng ituloy. Ipagpatuloy mo na lang din ang inumpisahan mo. From now on, hindi na kita kilala at ganoon ka din sa 'kin."

"L-Lu... I can't do that anymore.. You're my friend, Lu. I care about you!"

"Do you really?" Maanghang na sinabi niya.

"If you just listen dahil totoo lahat ng sasabihin ko. I witnessed it with my own eyes! Mikael and Chloe was there, too! I also have the proof, Lu! At bakit ko siya sisiraan sa 'yo? Para saan? Hindi mo ba naisip 'yon?"

"I don't know. You tell me. Or do you want us to take a walk in memory lane?"

"W-What are you saying?"

"You lied to me a couple of times already. Hinayaan lang kita dati but not this time. Kaya sabihin mo sa 'kin dapat pa ba kita paniniwalaan?"