"You're what?!" Malakas na sigaw ni ate Michelle sa kabilang linya.
"I'm engaged!" Masayang tili ko naman at nagpaikot-ikot pa sa kama ni Lu.
Oo, tama ang sinabi ko. Kama ni Lu! Nandito ako ngayon sa condo na nirerentahan niya. Dito kami dumiretso pagkacheck-out namin sa hotel. Kaso convoy nga lang kami dahil pupunta pa 'ko sa office. Well, pinilit ko siya or rather I blackmailed him again para lang isama niya na ako dito. I also have his duplicate key now!
"What the hell, Mikaella Edwards!! I called you to greet you a happy birthday and now.."
Oh! Birthday ko nga pala ngayon! Nawala na talaga sa isip ko kanina dahil sa mga nangyari.
"Are you sure you're not hallucinating, sis?" Tunog pagdududa ni ate.
"Nope. I'll send you the pictures of my engagement ring!" Excited ko pang sinabi.
"Oh, my God! I still can't believe it! So, sa 'yo pala talaga magpopropose si Luis?" Tanong niya sa 'kin.
"Yes, ate! He surprised me last night!" Sagot ko din agad at humahagikhik pa.
"Oh, my gosh! Kailangan ko ng sabihan si mommy and daddy! Hindi talaga ako makapaniwala! I'm so happy for you, sis! Congratulations!"
"Thank you, ate! I'll send you the pictures na lang! Pupunta pa 'ko sa shop. I'll see you soon. Love you!" Pagpapaalam ko na at agad namang natapos ang tawag namin ng nagpaalam na rin si ate.
Pagkapatay ng tawag ay agad ako nakaramdam ng sobrang kahungkagan. I feel so sad, so lonely pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako naiiyak. Hindi lang ang sarili ko ang niloloko ko ngayon, pati na ang pamilya ko. I even successfully fooled my sister, huh?
Pero dapat masaya ako 'di ba? Nagtagumpay ako sa plano ko. I'm here in Luis' condo, in his bedroom, lying in his own bed. He also agreed to take responsibility. Pero bakit parang kulang, parang mali.
I feel so.. empty.
I glanced on the engagement ring in my ring finger. The engagement ring na pagmamay-ari sana ni Marilou. Ako na mismo ang nagsuot niyon sa daliri ko pagkakita ko sa box sa taas ng tukador niya.
Hindi niya pa alam na pinakaialaman ko 'yon dahil pagkarating namin dito ay naligo lang siya, nagbihis at umalis na. Iniwan na lang niya akong mag-isa sa loob ng condo niya na hindi man lang ako kinakausap. He didn't even looked at me when I was just standing near his door. Basta na lang siyang umalis.
Hindi na nga rin ako gumalaw kanina sa kinakatayuan ko pagkaalis niya. Nanatili lang ako doon. Pero bumalik lang ako sa wisyo ko ng may nagdoorbell. I even thought it was him. I thought he came back for me but when I opened the door ay isa lang pala 'yon sa staff ng condo. Binilin daw ni Luis sa kanila na ibigay sa 'kin ang duplicate key card ng unit niya. Hindi na nga ako nakapagpasalamat sa naghatid sa 'kin niyon at basta na lang akong tumunganga sa kamay ko na nakahawak sa card.
You've succeeded, Mikaella. Then, why aren't you happy? Tsaka birthday mo pa ngayon.
I wanted to cry so bad pero bakit ayaw lumabas ng mga luha ko? Was it because I'm both happy and sad at the same time? Ewan ko. Hindi ko na naiintidihan ang sarili ko.
But I'm already in this position, now. Hindi ko na din na maibabalik pa ang nangyari. Kaya dapat panindigan ko na 'tong ginawa ko.
Sabi ko nga sa sarili ko 'di ba? Habang pinaplano ko tong gagawin ko?
I should be prepared and bravely faced the consequences of my own doing. Basta ang importante ay nagawa ko ang plano ko, nagtagumpay ako, at akin na si Luis.
Nakatingin pa din ako sa palasingsingan ko ng biglang tumunog na ang phone ko. Wala sa sariling inangat ko 'yon at napamulagat ng makita ang pangalan ni Xave.
Damn it! May isa pa pala akong dapat na problemahin!
Si Xave!
Hindi ko din alam kung paano ko siya kakausapin kaya noong natapos na ang tawag ay mabilis kong nilagay sa airplane mode 'yon. Mamaya ko na lang iisipin 'yong sasabihin ko sa kanya.
I glanced on his bedside clock at napabuntong-hininga na lang. Malapit na palang mag-eleven, kaya kahit masakit pa din talaga ang katawan ko at pagod pa din ako ay napabangon na 'ko sa kama.
I shouldn't be sulking now. What's done is done. And dapat magpapakasaya ako dahil birthday ko ngayon at engaged na 'ko kay Luis.
Plano kong umuwi muna sa condo ko and get some of my essentials and important stuff there. Tapos mamaya ay dito na 'ko uuwi kay Luis at dito na rin ako titira hanggang sa maikasal kami.
Kasal..
Doon ko lang din naalalang hindi pa pala namin napag-usapan 'yon. Maybe later, I guess. Pero ngayon, kung ako ang tatanungin ay parang ayoko pang magpakasal muna. Parang hindi ko pa kayang ikulong siya ng tuluyan sa relasyong ito na alam kong pinilit ko lang naman.
"Happy birthday, Ma'am!" Sunod-sunod na bati ng mga staff ko pagkapasok ko pa lang sa pinto ng shop.
May mga regalo pa 'yong iba at isa-isa silang lumapit para ibigay sa 'kin 'yon.
"Salamat! Salamat!" Maligaya kong sabi sa kanila. "I'm so touched! Nag-abala pa talaga kayo! My gosh! May bonus talaga 'yong nagbigay ng regalo!" Loko ko pa sabay hagikhik.
Nagreklamo tuloy 'yong iba na walang inabot na regalo at sinabing to be followed daw 'yong mga regalo nila. Napatawa tuloy ako ng malakas dahil doon.
"Hala, Ma'am!" Parang gulat na sabi ni Alice noong kinukuha niya sa kamay ko ang ibang mga regalo.
Napabaling tuloy ako sa kanya at nakatitig pala siya sa kamay ko, specifically sa ring finger ko kung saan nakasuot ang engagement ring.
"Engaged na po kayo, Ma'am?!" Gulat namang sabi ng isa at halos napaluwa pa ang mga mata.
Napahagikhik na lang ako habang pinapanood silang nagsilapit pa talaga para tingnan ang engagement ring ko.
"Congrats po!" Sabay ding anas nilang lahat na siyang pinagpasalamat ko na lang ulit.
"This calls for a double celebration, Ma'am!" Sabi ng isa.
"Oo nga, Ma'am!" Segunda din ng lahat.
"Oo na!" Natatawa ko na lang na pagsang-ayon. "Kahit saan niyo gusto mamaya basta around BGC lang ah. Sabihan niyo na lang si Alice. Sky's the limit na din." Nakangiti ko pang sabi at nadinig ko ang malakas na palakpakan at hiyawan nila habang naglalakad na ako papasok ng opisina.
Kanina pa talaga ako nakatulala habang nakatitig sa sketchpad. Siguro'y magdadalwang oras na. Wala pa din talagang pumapasok na idea sa isip ko sa bagong concept na pinropose ng main branch namin.
Ewan ko ba. Blangko talaga ang utak ko ngayon. Siguro nga dahil 'yon sa dami ng naganap sa buhay ko na hindi pa talaga napoproseso ng utak ko. Kaya nga noong tumunog ang intercom ay napatili talaga ako sa gulat.
"Ma'am, Sir Xave is here. Should I let him in?" Tanong sa 'kin ni Alice.
"H-Huh? Ah... s-sige.. sige!" Natataranta ko pang sabi at ewan ko bakit bigla ko na lang tinanggal ang engagement ring sa daliri ko.
Tinititigan ko pa 'yon sa palad ko pero noong bumukas na 'yong pinto ay basta ko na lang pinasok 'yon sa drawer ko.
"H-Hi.." Pagbati ko sa kanya habang tumatayo sa upuan ko.
"Hey, gorgeous. Happy Birthday." Maligayang bati naman niya sa 'kin at agad na siyang humakbang palapit sa pwesto ko.
Hindi na rin ako nakapagprotesta ng bigla niya 'kong binigyan ng isang mabilis na halik sa mga labi.
"I've missed you, Elle. You seem busy for the last two days. Hindi ka na nakapagreply." Tunog pagtatampo niya pang sabi.
"Uh.. Oo.. Sorry. May inatupag kasi ako." Sabi ko na lang sa kanya. "Upo ka muna." Turo ko sa sofa at nauna pa 'kong umupo doon.
Nagbigay ako ng malaking espasyo sa gitna namin pero lumapit pa din talaga siya na halos wala ng hanging makakadaan sa pagitan namin. He even placed his arm on my back side.
"How are you, Elle?"
"I'm fine.. Ikaw?"
"I'm good too. Lalo na ngayong nakita na kita." Malambing na sabi niya at napilitan tuloy akong ngumiti. "Tuloy ba tayo mamaya?"
"Oh. Sa Tagaytay, di ba?" Tanong ko at tumango naman siya. "Oh, darn! I can't. I told my staff I would treat them tonight. I'm sorry, Xave. Nawala talaga sa isip ko."
"Nah. Its okay. Pwede naman akong sumama mamaya, 'di ba?"
"Well, of course! Around BGC lang kami. Kaso mamaya pa pagkatapos ng trabaho."
"Sure, sure. I think we really should go together to celebrate. Especially, if we're going official now, right?"
"H-Huh?"
"Well, your employees congratulated me from the moment I've arrived here. So, I figured out that you already told them that we're in a relationship." Nangingiti pa niyang sabi.
What... the... fck...
Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi ko rin talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. I don't want to break his heart, lalo na ngayon na ang buong akala niya ay kami na. Tapos 'yung buong staff ko din, ang buong akala ay engaged kami ni Xave!
My gosh!
But I really have to tell him the truth. Ayoko ng patagalin pa 'tong maling akala niya! But how can I say it to him gently? But I really have to clear things out now, before its too late!
"Uh... Xave.. A-Actually.. mali 'yung iniisip mo.. Hindi ko din kasi nasabi ng maayos sa mga staff ko kaya pasensya na.. Uh.. I don't know how to say it, b-but.."
"What is it, Elle?"
"I... I'm already engaged!" I blurted out with my eyes closed.
"H-Huh? A-Ano?" Dinig ko talaga ang pagkagulat niya.
Dahan-dahan 'kong dinilat ang mga mata ko at tiningnan siya with my sorrowful expression.
"I'm really sorry, Xave. I'm really sorry I didn't tell you immediately but I just got engaged today."
"Y-You're kidding, right?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
"No, Xave. I really am engaged."
"When you allowed me to court you, were you already in a relationship all along?" Parang galit na tanong niya.
Mabilis akong umiling sa kanya. "Hindi, Xave. Hindi ko rin sinasadyang paasahin ka. I don't want to hurt you either. I was even planning to accept your courtship today. Kaso hindi ko kayang lokohin ang sarili ko, mahal ko talaga ang taong fiancee ko na ngayon. Kaya pasensya na talaga, Xave."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin pagkatapos.
"Well.. At least you were honest. Actually, Elle. To tell you the truth, I wasn't honest with you. I told you I was single, but the truth is I am twice a divorcee and have three kids."
"W-What?" Gulat kong anas sa kanya.
"Yeah. I'm really sorry, too. I got married twice and got divorced twice. Things just didn't worked out with my ex-wives. It was proposed by my company to kept it as a secret to the public to avoid any issues and complications in my career. I was planning to tell you the truth, though, pero natakot akong baka maturn-off ka because I really do like you."
I was really shocked by the confession he made! Like, hindi ko talaga naisip na diborsyido siya at may mga anak na siya! Pero naiintindihan ko nga ang sitwasyon niya. Magulo naman talaga sa showbiz, lalo na dito sa Pilipinas.
Now, I get it!
Kaya pala ayaw nina ate at bunso kay Xavier! Eto pala 'yong nalaman nilang ayaw pa nilang sabihin sa 'kin! Paniguradong nagpaimbestiga si ate Michelle! And maybe she's planning to tell me with proofs in hand kaya inaantay pa nilang makauwi siya!
Oh, my!
Muntik ko na siyang masagot!
Pero sa totoo lang, if wala si Luis na mahal na mahal ko paniguradong tatanggapin ko pa din si Xavier. He's really a great guy naman talaga kasi. Kaya nga nagustuhan ko din talaga siya. Kaso mas matimbang lang talaga ang pagmamahal ko kay Lu.