Chapter 28 - C28

Malapit na kami sa shop at hindi ko pa din siya kinakausap kahit ilang beses na siyang nanghingi ng sorry. Nasaktan at nainis kasi ako sa kanya dahil sa mga paratang niya but at the same time ay gusto ko ding magpalambing sa kanya.

Noong tinigil na niya ang sasakyan sa harap ng shop ay lalabas na din sana ako pero bigla niya 'kong hinila kaya napalingon na 'ko sa kanya.

"Sorry na, Eya. Please. I won't do it again. I won't say those words again. Sige na, baby, patawarin mo na ako.." Pagmamakaawa niya sa 'kin at napalabi na lang ako para pigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.

"Please? Sorry na?" Malambing na niyang sinabi kaya hindi ko na napigilang ngumiti talaga.

Napangiti din siya at agad na hinaplos ang pisngi ko.

"Oo na. Hindi na rin ako magsasuggest ng mga ganoong bagay. Sorry din." Malambing ko na ding sinabi at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. "Oh, siya. Papasok na 'ko at baka mahuli ka na din sa rounds mo."

"Goodbye kiss ko?" Hirit pa niya at agad naman akong tumingkayad para gawin nga 'yon.

Imbes na smack nga lang ay natagalan pa talaga kami sa paghahalikan at kung hindi pa kami naubusan ng hangin ay baka hindi na kami tumigil.

"I'll see you later." Sabi pa niya sa namamaos na tinig habang magkalapit ang mga labi namin.

"Yeah. I better go at baka hihilingin ko pa sa 'yo na umuwi na lang tayo." Tukso ko pa at nakita kong napalunok talaga siya at natigilan.

Kinuha ko din ang pagkakataong 'yon para makalabas na sa sasakyan niya at mukhang doon lang siya nahimasmasan dahil pagkatapos kong isarado ang pintuan ay narinig ko pa ang pagsigaw niya sa pangalan ko.

"Ingat sa pagdrive!" Malakas na sabi ko pa habang kumakaway sa labas ng sasakyan niya.

Then he mouthed the words, "Humanda ka mamaya." which made me grinned cheekily. Kumaway ako ulit bago ako tumalikod at nagsimula ng humakbang papasok sa shop.

Natatawa pa din ako pagkatapos ako pagbuksan ng pintuan ng guard namin. I even greeted our guard back happily. Pero natulos ako sa kinakatayuan ko ng makita ang madilim na itsura ng ate Michelle ko. Kaya pala parang ang tahimik ng mga staff ko. Medyo intimidating naman kasi talaga si ate, just like mommy.

Nasa lobby siya at halatang kanina pa ako inaantay na dumating. I was only late for an hour, okay fine.. for almost two hours. Eh paano ba naman kasi.. Nagsomething nga kami ni Lu, 'di ba?

Napatikhim pa ako bago ako ngumiting lumapit sa kanya. "Ate! You didn't tell me you're coming home! Kailan ka dumating? Kanina ka pa?" I was about to hug her but stopped in my tracks when she raised her hand at me.

"Let's talk!" Mariin na sinabi niya bago ako tinalikuran at nauna ng humakbang papunta sa direksyon ng opisina ko.

Kinabahan tuloy ako kasi halatang galit nga siya at sa pagkakaalala ko ay dalawang beses pa lang yata ako pinagalitan ni ate sa tanang buhay ko.

My staff formally greeted me as I passed by their stations. I greeted them back, as well. Napansin ko pa ang pagdadalwang isip ni Alice kung sasabihin na ba niya ang itinerary ko for today.

"Mamaya na lang, Alice." Pabulong kong sabi sa kanya at dumiretso na nga sa loob ng opisina ko. At pagkasarado ko pa lang ng pinto ay nagsimula na agad si ate Michelle.

"Where have you been last night, Mikaella Edwards?! I went to your condo the moment I arrived last night and you weren't there! Dalawang beses akong bumalik doon and you didn't even answer my calls or text messages! I was so worried! Tapos ngayon late ka pa! Sabihin mo nga! Saan ka ba galing ha?" Galit na anas ni ate na parang armalite na 'yong bibig.

"Ate... Calm down and let me explain, okay?"

"Oo! Dapat na magexplain ka! You need to explain these pictures!" Sabi niya at marahas na binigay sa 'kin ang phone niya.

Tiningnan ko nga 'yon at napamaang ng makita ang mga kuha doon. It was me and Xave dancing! Iba't-ibang angle pa talaga!

"Now, explain that!" Galit niyang sabi sabay turo sa phone niyang hawak ko. "Nagsinungaling ka ba sa 'kin, Mikaella? Ako na ate mo? Sabi mo si Luis ang fiancee mo! Then why are you intimately dancing with Xavier? Huh! Don't deny it! 'Yung mga staff mo na din ang nagsabi mismo!"

"Ate-" Magsasalita na sana ako but I was immediately cut off by her.

"At saan ka galing?! Oh, my God! Don't tell me naglilive-in na kayo?! Oh, the horror! I told you my tinatago siya 'di ba? I've had him investigated! And alam mo ba kung ano ang natanggap kong report?! May mga anak siya and he was married twice! My gosh! You're going to be the death of me, Mikaella! Paano na 'to, huh?  Paano ko sasabihin kay daddy at mommy 'to?! Ha?! My gosh, Mikaella!" Naghihinagpis ng sabi ni ate at kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay baka natawa na 'ko.

My gosh! Manang-mana talaga si ate kay mommy! But I'm really touched, though. I'm really thankful for her concerns and I know pinoproblema niya kung paano niya 'ko ipagtanggol sa mga parents namin. Kaso maling akala naman kasi siya, kaya nga nakakatawa. But still, she's really the best sister in the world and I love her so much!

"Ate, could you please let me speak now?"

"Yes! Magexplain ka na at naiistress na talaga ako sa 'yo." Sabi pa niya at hindi ko na talaga napigilan ang pagngiti ko.

Lumapit tuloy ako sa kanya at niyakap siya patagilid. "Ate naman eh. I wasn't lying to you, okay? Talagang si Lu 'yung fiancee ko. I swear! Hindi ko lang naitama sa mga staff ko 'coz I don't know how to say it to them. Pero mamaya kapag susunduin na ako ni Luis ay ipapakilala ko na siya sa kanila bilang fiancee ko."

"And what about Xavier? Ba't may pictures kayo? A friend of mine sent it to me last night. Pupunta sana ako doon sa bar but she told me na hindi na niya kayo nakita. Kaya saan ka pumunta ha? Saan ka natulog?"

"Friends na lang kami ni Xave, ate. I already told him that I'm engaged at 'yon din 'yung time na sinabi niya sa 'kin 'yong about sa sekreto niya. You see, Xave is a good guy." Sabi ko sabay tango pa. "And about your last two questions. Uh... Sa condo na 'ko ni Luis titira from now on."

Laglag panga talaga siya habang nakatingin sa 'kin.

"Did... Did you two do it?"

"Ate! That's confidential!" Natatawa ko pang sabi. "But since you're my loving sister then sasagutin ko 'yan." Sabi ko pa at tumango na lang sa kanya sabay hagikhik.

"Oh, my good Lord!" She exclaimed but then she looked at me with this unease expression. "W-Was it good? Masakit ba talaga sa una?"

"Ate!" Pagsaway ko sa kanya pero natawa naman.

"My gosh! Hindi ka na pure, but anyway, okay lang naman dahil engaged na kayo."

"Yeah.. Kaso ate.. May aaminin ako sa 'yo.." Paunang sabi ko at paniguradong galit at sermon na naman ang aabutin ko sa pag-amin kong ito. Kaso gusto ko pa din sabihin talaga kay ate 'yong totoo.

"Anong aaminin mo? Don't tell me you're pregnant?!"

"Hindi! Ano ka ba! Two days pa lang kami nag-aano, no?! Noong birthday ko at kanina!" Sabi ko pa pero agad na ring sumeryoso. "Ate.. upo muna tayo." Nauna na 'kong lumapit sa sofa at kahit nagtataka sa pagseseryoso ko ay sumunod din siya.

"Please, ate huwag mo kong awayin masyado sa sasabihin ko.. And please huwag ka magsalita or magreact muna and let me finish my story.."

Naningkit ang mga mata niya sa hinihiling ko pero agad naman siyang tumango. "Okay. Go ahead."

"Well, you see.."

At agad ko ng kinwento sa kanya ang lahat. As in lahat!

"Mikaella!! Why?! Why did you do it?! Ano bang pumasok sa isip mo?!" Reaksyon niya agad noong natapos na 'kong magkwento.

"I... I was desperate.."

"Yes! Nagmukha ka talagang desperada!! I still can't believe you did those things!! My gosh! Akala ko mawawala na ang stress ko kanina tapos ngayon mas maiistress pa pala ako lalo! Mikaella naman, eh!"

"Kaso ate.. nangyari na nga. I can't turn back the clock anymore. Tsaka, okay naman na kami ni Lu. Kinikilala na niya akong fiancee niya and he was even sweet last night and this morning. Hinatid pa nga niya ako at susunduin din mamaya."

"But sis... sinabi ba niyang mahal ka na niya ulit? Paano 'yong girlfriend niya?" Nag-aalalang tanong ni ate.

Doon ako napatigil sa unang question ni ate. Hindi ko na 'yon kailangang itanong kay Lu dahil alam ko na din naman ang totoo. Na hindi na ako ang mahal niya. Alam ko din naman ang totoo na nagstay na nga siya at nag go with the flow na lang sa sitwasyon namin dahil hindi ko siya binigyan ng choice na umalis at tumanggi. I blackmailed him with things that leaves him with no choice but to agree on my terms.

"I don't know.. It doesn't matter if he loves me or not, ate. Basta ako sigurado akong mahal na mahal ko siya. And about his ex ay hindi ko din alam. Itatry naman daw ni Lu na iwasan na 'yong babae."

"But that's not right, sis. Love is supposed to be a two-way street! Hindi pwedeng isa lang ang nagmamahal. Paano na lang kung ikakasal na kayo?" Bakas pa din ang tinding pag-aalala ni ate sa sitwasyon ko.

"Kaya nga ayoko na munang umabot kami sa kasalan, ate. Kuntento na 'ko sa status namin ngayon. Ayoko din namang isagad pa ang pambablackmail sa kanya. I don't want to pressure him by pursuing our marriage, either."

"Hay, sis. You really love him too much, huh? But I think you're gonna have a problem with that plan of not pursuing your wedding with Luis."

"Huh? What do you mean, ate?"

"Nakalimutan mo yata si mommy. Kaya nga nauna akong umuwi sa kanila kagabi dahil babalaan kita about mom. When I told her that you're already engaged ay minadali na nila ni daddy ang mga business transactions namin, and she already prepared a list of the things she likes and wants for your wedding. She personally contacted JC Buendia for your wedding gown, and scheduled an appointment with one of the premier wedding planners of the country. Hindi pa nga lang siya nakapili if she would hire Jason Magbanua or Alvin Paver of Mayad Studios, but she's working on it. And lastly, ay uuwi na sila bukas and planned out a formal dinner for you and Lu to introduce you both as an engaged couple to our relatives and family friends." Mahabang litanya ni ate na halos hindi na proseso ng utak ko.

At sa haba ng sinabi niya ay 'yong panghuli talaga ang tumatak sa isip ko!

What the.. fck!

Ba't hindi ko man lang naisip na magiging ganoon ang kahihinatnan once malaman ni mommy na engaged na 'ko?! Why did I forget what she did and said that night noong nagdinner kami when Mikael and Chloe announced that they're engaged again?! Kaya nga napadali ang kasal ng dalawa! Its because of her!

My gosh! Paano na 'to? Paano ko mapigilan si mommy? Paano ko 'to sasabihin kay Lu? Hindi na lang kaya kami pupunta bukas? Should we ran away? Maybe we should! Tapos papakita na lang kami ulit sa kanila kapag si Lu na mismo ang magsabi na magpapakasal na kami! Pero paano ang shop ko? Paano ang trabaho ni Lu? We can't ran away just like that!

"What should I do, ate? How can I stop mommy?" Natanong ko kay ate dahil nagpapanic na talaga ang utak ko!

"I don't know, sis. You know how manipulative she is and hindi mo na mababago ang isip niya kapag nakapagplano na siya. I always thought I was the one who inherited her traits, pero ngayon napatunayan kong ikaw pala talaga ang nagmana sa kanya." Sabi ni ate at napangisi pa. "So, good luck for tomorrow, sissy. At least I did my part to warn you."

"Ate!" Frustrated ko ng tawag sa kanya dahil bigla ba namang tumayo at umalis at iniwan na lang ako habang hindi na magkandatuto sa pag-iisip kung ano ang gagawing solusyon sa problema ko kay mommy.