Chapter 29 - C29

"Lu.. I.. have something.. to tell you.." Nag-aalinlangan kong sabi habang nakayakap siya sa 'kin sa likod.

Nandito na kami sa condo niya at nakaupo ako sa kandungan niya habang nanonood kami ng TV sa sala. Kung panonood ba talaga ang ginagawa namin dahil wala naman akong naintindihan sa palabas. Ang kanang kamay niya ay nakaikot sa bewang ko, habang ang kaliwa ay kung saan-saan na dumadapo. Ngayon nga ay nasa kanang dibdib ko na 'yon at pasimpleng humihimas.

Kailangan ko na rin talagang sabihin sa kanya ang mangyayari bukas kasi kung hindi ay baka hindi ko na masasabi pa 'yon. Lalo na't nag-iinit na din ang pakiramdam ko.

"What is it, baby?" Malambing pa niyang sinabi habang hinahalik-halikan ang leeg ko.

"Si.. ate Michelle kasi. Nandoon sa shop kanina. Sinurprise akong nakauwi na pala siya.. Uhmm.. May sinabi siya about kay mommy. I mean, sa mga plano ni mommy. Uhmm.. Ayoko sanang mangyari 'yung gusto niya kaso naipagsabi na niya sa iba."

"Huh? What do you mean?" Nagtataka ng tanong ni Lu at ramdam kong natigilan siya kaya mas lalo akong kinabahan.

"I'm sorry, Lu.. Sinabi kasi ni ate kay mommy na engaged na tayo. Tapos.. tapos.. ayon. Nagplano na ng dinner bukas. Parang engagement party na din natin 'coz she invited our relatives and some of our family friends. Tapos sabi ni ate nakipagcontact na daw siya sa mga wedding planners at wedding gown designer. Hindi ko alam kung paano ko siya pigilan. I.. I don't want to force you on this, Lu. Kaya nga naisip kong magpakalayo na lang tayo or something.." Mahabang litanya ko.

Hindi talaga siya nakaimik ng ilang sandali at ramdam ko na ang tensyon sa paligid at namumuo na rin ang pawis ko sa sobrang kaba.

"L-Lu.." Tawag ko sa pangalan niya at kahit malakas ang kabog ng dibdib ko ay matapang na nilingon ko siya. His dark expression was the first thing I noticed then it changed into weariness. Umiwas ang tingin niya at lumuwag na din ang pagkakayakap niya sa 'kin.

"Isn't it too fast to plan for marriage, Eya? I don't think we're ready for that yet." Seryosong sabi niya na hindi pa din nakatingin sa 'kin.

"I-I know.. I tried to call mommy on her personal number, but my call is diverted to their assistant. Alam niya sigurong tatanggi ako sa plano niya.. P-Pero ayon na nga, Lu.. Naka invite na siya at ayokong mapahiya sila.."

"At ayaw mo ding mapahiya, right?" Maanghang na tanong niya.

"N-Not really. I mean, okay naman kung hindi tayo dadalo.. I can always deny our relationship status to other people. Kaya nga 'di ba? Hindi ko sinabi agad sa mga staff ko na ikaw 'yong fiancee ko. I know I'm at fault here, Lu. Hindi ko naman kasi alam na ganito din ang gagawin ni mommy.. M-Maybe she thought na dahil nagtagumpay nga siyang manipulahin at madaliin ang pagpapakasal nina Mikael at Chloe eh magtatagumpay din siya sa 'tin. I'm sorry, Lu.." Pagpapaliwanag ko na halos nagmamakaawa na 'yong tunog ng boses.

I heard him let out a heavy sigh and then he raised my body up from his lap bago siya tumayo at tahimik na naglakad papunta sa kwarto niya. Sa buong durasyong 'yon ay nanatili lang din akong tahimik na nakasunod ang tingin sa kanya.

Alam ko namang tatanggi siya sa ganito. Alam na alam ko. He may have decided to recognize me as his fiancee, pero alam kong hindi pa talaga magbabago ang katotohanang pinilit ko lang siya. Lalo na ang katotohanang sinira ko ang relasyon nila ni Marilou at 'yong babaeng pa din 'yon ang nasa puso niya. Inagaw ko lang siya.

I can feel my heart wrenching with those negative thoughts, pero kagaya noong nakaraan ay wala pa ding luhang namumuo ni pumapatak sa mga mata ko. Maybe naging abnormal na ang function ng mga tear ducts ko, or maybe they got tired from producing tears. I don't know what I'm thinking anymore, pero maganda sana kung makaiyak man lang ako kahit unti.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatayo lang sa harap ng sofa. Bumalik na lang ako sa kasalukuyan ng maramdaman ko na ang pangangalay ng mga binti. Hindi na rin lumabas si Lu at nagdadalwang isip ako kung papasok ba ako sa kwarto. Hindi ko na din naman alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako at bumaling na ang tingin sa sofa. Dito na lang muna ako matutulog. I nestled my body in this old sofa and forced myself to sleep. Kahit nakaramdam ng sobrang lamig ay hindi ko na ininda 'yon.

"Sana maging okay kami bukas. Sana mapatawad na 'ko ni Lu. Sana mahalin na niya ako ulit." Hiling ko pa sa isip ko, na alam kong napakaimposibleng mangyari.

Nagising ako kinabukasan na nagulat pagkadilat ko ng mga mata ko. Nasa loob na kasi ako ng kwarto ni Lu at nakahiga sa kama niya, but he's nowhere to be found. Wala na siya sa pwestong nakalaan sa kanya sa kama and when I glanced on his clock ay sobrang aga pa. Its only 4:30.

Hindi man lang ako nagising noong binuhat niya ako at dinala dito sa kwarto. I felt all giddy with the thought na baka okay na kami at baka payag na din siya sa mangyayaring dinner mamaya. Kaya kahit parang antok pa 'ko ay mabilis akong bumangon at hinanap siya. I checked the bathroom, first, but he's not there. Kaya lumabas na 'ko at agad na pinaikot ang mga mata ko sa paligid. Sobrang tahimik.

"Lu?" Tawag ko pa sa pangalan niya na nagbabakasaling nandito lang siya. Pero walang sumagot, ni kaluskos wala. Tanging tunog lang ng AC ang naririnig ko.

Umalis yata siya, but its still early in the morning. Saan naman kaya siya pupunta? Maybe he left a note or something? Sa naisip ko ay agad akong naghanap ng papel or notes na baka iniwan niya nga para sa 'kin. Kaso wala.

Then I remembered my phone, maybe he texted me his whereabouts. Kaya mabilis ko ding kinuha ang phone ko to checked it pero wala pa din. Nakaramdam na tuloy ako ng sobrang kaba.

"Calm down, Mikaella.. He couldn't possibly ran away, right?" I loudly said those words habang nagtatype ng message sa kanya asking where he is.

Pero dahil nanginginig ang kamay ko ay natagalan pa 'ko sa pagtatype. I waited for five minutes for his reply at noong natapos na ang nilaan kong oras at wala pa ding reply sa kanya ay mabilis ko ng pinindot ang call button. Pero nabitawan ko na lang ang phone ko ng marinig ang operator sa kabilang linya.

His phone is off!

Kahit nanginginig ang kalamnan ko ay nagawa ko pang lumuhod para pulutin ang phone ko sa sahig. I dialed his number again, and again, and again. But the same automated voice can be heard on the other line!

"D-Did he ran away with Marilou? Don't tell me nagtanan sila?!" 'Yon talaga agad ang pumasok sa isip ko at ramdam ko na ang sobrang pighati sa naisip.

But I don't think Luis is the type of person to just ran away! He's not like that! If... If gusto nga niyang umalis he would opt to inform me first before leaving.. But wasn't I the same before? Pero noong iniwasan ko siya ay wala din akong sinabing ano pa man sa kanya at basta na lang siyang iniwasan?

He clearly doesn't want to marry me kaya ginusto na lang niyang umalis at magpakalayo without informing me! At baka tama nga ang naisip kong nakipagtanan na siya kay Marilou! This is his way of revenge sa lahat ng kasalanan ko sa kanya, sa kanila ni Marilou, at ginawa nila 'to para mapahiya ako!

My God! I cannot think straight anymore! Parang gusto kong saktan ang sarili ko! Nababaliw na 'ko! Nawawala na ako sa katinuan! If only my tears will come out, baka maging maayos pa ang pakiramdam ko! Pero wala, MIA talaga sila! Pero ang puso ko ang sakit, sakit na.

Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay nagawa ko pa ding tawagan si ate. Matagal pa bago niya sinagot 'yon pero kailangan na kailangan ko siya ngayon!

"Mikaella! Alam mo ba kung anong oras pa lang?!" Inis na turan ni ate na halatang nagising sa tawag ko.

"Ate! I need you, ate! I'm losing my mind na, ate! Please, puntahan mo 'ko.." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Teka! Send me your location! I'll be there ASAP!" Dinig kong nagmamadali na nga si ate at agad akong nagpasalamat sa kanya.

Nanginginig ako sa kakatawa pagkatapos kong itungga ang isang shot ng tequila na binigay ni ate Michelle. Nag-iinuman kami ngayon dito sa sala ng condo ni Lu kahit umagang-umaga pa lamang. Nababaliw na nga yata ako dahil imbes na umiyak sa sobrang hinagpis ay tinatawanan ko pa ang mga payo ni ate.

Ayaw din naman kasi lumabas ng mga luha ko eh 'di tatawa na lang ako 'di ba?

"Sis, paano kung nag-ooverthink ka lang, 'di ba? Ano ba! Wala pa ngang isang araw na nawala siya tapos ano-ano na ang naiisip mo." Parang lasing na din ang boses ni ate habang sinasabi 'yon.

Nababaliw na tumawa na naman ako kaya malakas na hinampas ni ate ang braso ko.

"Its okay na, ate. I hear you.. Mamaya pa naman 'yong dinner... Soooo.. may ilang oras pa akong antayin siyang bumalik. 'Yun eh kung babalik nga siya. Kung hindi eh 'di, babye sa kanya! Magsama sila ng bitch na 'yon! Bagay naman sila! Good riddance sa kanya! Thank you for the memories! Pak ganern!"

"Tumpak!" Sabi naman ni ate sabay thumbs up pa.

My gosh! We're really, really, really drunk! Kung malaman 'to nina mommy at daddy ay paniguradong walang kamatayang sermon ang aabutin namin.

Its already 9 in the morning, yata? Or 10? Ewan ko! Hirap basahin ang orasan basta nasa ikalawang bote na kami ng tequila! Nakakalat pa ang iba't ibang pulutan na pinadeliver ni ate sa harap namin. Malakas din ang music sa paligid namin na usually ay pinapatugtog sa club. Andami ko ng nainom at nakain pero ewan bakit hindi man lang ako nakaramdam ng pagsusuka pero nahihilo na 'ko. At alam kong lasing na talaga ako.

"Oh, my God! Eto 'yung sinayaw ko sa bar!" Tili ko pa ng sumalang ang isang kantang pamilyar sa tenga ko. "Ate, sayaw tayo! I'll show you my moves!" Sabi ko at kahit hirap sa pagtayo sa pagkakasalampak sa sahig ay nagawa ko pang hilahin si ate para tumayo din.

"Ano ba 'yan, sis!" Saway pa ni ate kahit natatawa naman ng nag grind ako sa likod niya.

"Your turn, sissy!" Sabi ko pa sabay turo sa kanya at sumayaw nga din siya.

Napalundag-lundag pa tuloy ako habang pumapalakpak ng ginaya nga ni ate ang pagsayaw ko. I know! Mukha talaga kaming mga baliw dito, lalo na ako! But who cares, anyway? I just wanna have fun and my sister wants me to have fun, too! Sinasabayan nga ako sa kalokohan ko eh! Kaysa naman magmukmok ako, 'di ba? Duh!

Nagtatawanan pa din kami ni ate habang magkaakbay na sumasayaw ng biglang bumukas ang pintuan ng condo ni Lu. Doon lang din yata nawala ang kalasingan ko ng bumungad sa 'kin ang gulat na mukha ni Luis! Kahit si ate ay napatikhim at mukhang napahiya ng makita ito.

"What the? A-Anong nangyayari dito?" Dinig kong boses ni Lu pagkatapos niyang mabilisang sinarhan ang pinto.

"I... Uh.." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya napakagat-labi na lamang.

Si Lu naman ay dumiretso sa speakers at agad na pinatay 'yon. Tumahimik ang paligid kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya at pagkakataranta. Lalo na ng tinititigan ako ni Lu habang papalapit siya sa pwesto ko. Si ate naman ay maingat na dumiretso sa sofa at hinawakan ang noo niya.

"You're drunk." Mariing sabi niya habang hinahawakan ang pisngi ko. "Ba't kayo uminom?" Mahinahon namang tono ang ginamit niya habang palipat-lipat ang tingin sa 'min ni ate.

"B-Bumalik k-ka.." Nauutal na sabi ko pa na hindi naman sagot sa tanong niya.

Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko at parang napagtanto na niya yata ang sagot sa tanong niya dahil sumeryoso na ang ekspresyon ng mukha niya.

"I should go.. Mag-usap kayong dalawa ng maayos." Sabi ni ate na pilit tumayo ng maayos.

"T-Teka, ate-" Sabi ko pa para pigilan siya dahil alam kong lasing siya katulad ko at kung magdadrive siya ay paniguradong delikado.

"Ihahatid kita, ate Mitch." Mungkahi naman ni Luis pero agad na inangat ni ate ang kamay niya.

"No need. May sundo ako. Both of you should talk." Sabi naman ni ate habang nakatingin ng diretso kay Lu.

Noong sa 'kin siya tumingin ay napangiti siya dahil bakas yata ang matinding pag-aalala sa mukha ko. "I won't drive, sissy, don't worry. Jacob's waiting downstairs."

"Oh! S-Sige.. Mag-ingat ka." Sabi ko na lang at agad na lumapit sa kanya para mayakap at mahalikan ang pisngi niya. Si Luis naman ay nakasunod sa likod ko at nakahawak sa bewang ko para alalayan ako. "Thank you, ate. Love you." Dagdag ko pa.

"Love you, too! Ciao!" Pagpaalam ulit ni ate na mukhang kaya pa nga ang sarili.

Kung wala lang sana si Lu dito at kung hindi lang ako lasing ay tinadtad ko talaga siya ng tukso kay kuya Jacob. Sus!