"Cheers!" Sabay-sabay na sabi namin ng mga kasama ko bago pinagbangga ang mga boteng hawak namin.
We're currently inside a high-end bar in BGC na pinagdalhan sa 'kin ni Xave dati at anim na lang sa mga staff ko ang sumama. 'Yong iba kasi ay umuwi na after naming magdinner sa restaurant na malapit lang din dito sa bar.
Aside sa anim kong staff na puro babae ay kasama din namin si Xavier. 'Yon nga lang ay medyo busy siya dahil nga isa siyang kilalang personalidad sa showbiz industry.
"Happy birthday and congratulations ulit, Ma'am!" Bati ulit ng mga staff ko.
"Thank you, girls!" Nakangiti kong ring sinabi at tinungga ang hawak kong bote ng flavored-vodka.
"Ang popular talaga ni Sir Xave! Ano kaya ang feeling na magkaroon ng fiancee na celebrity?" Tanong ni Cherry Anne habang lahat sila ay nakatingin sa direksyon ni Xave na kausap ang ibang celebrities.
Muntik na 'kong nasamid sa tanong niya. Hindi ko pa din kasi sinabi sa kanila ang totoo. Ni kay Xave ay hindi ko sinabi kung sino ang fiancee ko. Sinabi ko na lang na masyadong private kasi ang fiancee ko but I showed him the engagement ring just to make him stop from asking. Napag-usapan na din namin ang tungkol sa 'min, and we agreed to remain as friends.
Hindi ko nga lang sinuot ulit sa daliri ko 'yong singsing but instead ay nilagay ko na lang sa bag ko. Parang ang awkward lang kasi na isusuot ko nga 'yon tapos kapag itatanong kung kanino ako engaged ay hindi ko naman masagot kung sino.
Hindi pa naman namin napag-usapan ni Lu kung sasabihin ba ang tungkol dito sa ibang tao. But knowing how mad he is with our situation, ay paniguradong ayaw niyang ipaalam 'yon sa iba.
Napabuntong-hininga tuloy ako ng maisip ang kasalukuyang sitwasyon ko, but then I immediately brushed it off my mind. I'm here to have fun, kaya mas magandang kalimutan na muna ang problema.
Kasalukuyang nasa dance floor na ang mga kasama ko at nagsasayawan na. Naiwan naman akong mag-isa dito sa table namin habang nakangiting pinagmamasdan lang sila. Niyaya nga nila ako pero agad akong tumanggi kasi parang nahihilo na ako. Napadami yata ang inom ko o baka pagod lang ako. At noong bumalik na si Xave sa tabi ko ay agad na siyang nag-ayang sumayaw.
"I don't how to dance." Sabi ko habang tinatanggihan siya.
"Oh, c'mon, Elle! Sige na! Dance with me." Sabi niya ulit at kahit gusto ko ulit tumanggi ay wala na 'kong magagawa.
Hinawakan na niya kasi ang kamay ko at agad akong hinila papunta sa mga tao. Malayo nga lang kami sa mga staff ko dahil hinila talaga ako ni Xave papunta sa mismong gitna ng dance floor.
"Xave, promise! Hindi ako marunong." Natatawa ko pang sabi habang sumasayaw na siya at nakatayo lang ako.
"Sige na! Just feel the beat of the music, Elle!" Udyok pa niya sa 'kin.
I glanced on the people around us at ginaya ko na ang pagsayaw nila. Pumalakpak pa talaga si Xave dahil sa ginawa ko.
"See! You're good!" He said then smiled at me.
"Bola!" Natatawa ko pang sabi pero patuloy pa din naman sa pagsayaw.
This is actually my first-time to dance in the club and I never thought na ganito pala kasaya! Usually kasi ay nakaupo lang talaga ako habang umiinum. Ngayon lang talaga ako napilit ni Xave na sumayaw and I actually feel great lalo na ng pinagpawisan na 'ko.
Its like my stress and worries just went out of my system!
Ginanahan pa tuloy ako sa pagsayaw ng biglang nagpakita ng dancing skills niya si Xavier. He even positioned behind me then wrapped his arms on my waist para sabay daw kami at may rhythm. It looks like were a couple in heat but actually we're just dancing. I can see the stares of other people around us.
Noong napagod na talaga ako sa pagsayaw ay agad na 'kong nagpaalam kay Xave na babalik na sa table namin. He accompanied me and was about to sat beside me kaso may kumaway na naman sa kanyang isang kakilala.
I was left alone in our table and parang nakaramdam na din ako ng antok. I glanced on my wristwatch and was shocked to found out na maghahating-gabi na pala.
Time really flies so fast when you're having fun, huh?
Doon ko lang naisipang tingnan ang phone ko, but then I forgot to turn the airplane mode off. Pagkabukas ko niyon ay sunod-sunod na tunog ng message alert tone ang natanggap ko.
The messages are from ate Michelle, Mikael, but most are from Luis. Galit na galit siya! At ang huling message na natanggap ko sa kanya ay kung hindi pa 'ko uuwi ay mas mabuti pang ibalik ko na daw ang duplicate key ng unit niya and he also mentioned the engagement ring!
My gosh!
Dali-dali tuloy akong nagpaalam sa mga kasama ko. Tinawag ko na din ang waiter para makapagbayad na and after that ay doon lang ako lumapit kay Xavier na may kausap pang babaeng artista.
"Excuse me.. Xave. I have to go." Sabi ko pagkalapit sa kanya.
"Oh.. its still early, Elle." Pagpigil niya bago siya tumingin sa kausap na babae. "By the way, Elle, this is Aurora. Magiging co-star ko sa bagong movie. Aurora, this is my friend, Elle." Pagpapakilala niya sa 'min.
"Oh, hi!" Bati agad ng babae na bineso pa 'ko at nakipagbati din ako pabalik. "Friend lang ba talaga, Xavier?" Nanunuksong sabi niya 'min.
"Yeah." Nangingiting sagot naman ni Xave.
"Oh, akala namin may something. But I think nasa headlines kayo bukas."
"Bakit?" Nag-alalang tanong ni Xave.
"Hindi mo ba nakita si Jose kanina? He was there taking photos habang nagsasayaw kayo." Sabi niya na ang tinutukoy ay isang papparazi na mahilig gumawa ng chismis.
"Oh, damn! Sorry, I didn't notice." Sabi ni Xave with that apologetic look on his face.
"Its fine. Hayaan na lang. Its his job, anyway." Nasabi ko na lang. "But really, Xave. I really should go. Pagod na din kasi ako."
"Well, alright. Thanks for tonight, Elle." Sabi niya at agad na yumakap sa 'kin.
Gumanti din ako ng yakap and even kissed his cheek. "Thank you din. I had fun tonight because of you." Napangiti siya sa sinabi ko at agad naman akong bumaling kay Aurora para magpaalam.
Habang paakyat na ang elevator sa condo unit ni Lu ay mas lalong lumakas ang kaba ko. Pinagpanalangin ko na lang ay tulog na siya para hindi na niya ako awayin. I'm really exhausted today, and I just wanna sleep beside him peacefully tonight.
After my key card was accepted by the scanner ay napabuga muna ako ng hangin before I turned the knob very carefully. Napahinga na lang ako ng maayos ng makitang dim na ang ilaw sa living room niya pagkasilip ko. I even tiptoed as I entered inside. Pero muntik na 'kong matumba sa sahig ng makita ko ang anino niya na nakatayo sa tapat ng island counter na naghahati sa living room at kitchen.
"Saan ka galing?" Mariin na tanong niya habang nakahalukipkip.
"S-Sa bar, kasama ko mga staff ko. N-Nagkayayaan kasi." Kinakabahang sagot ko.
"Uh-huh. And you didn't even care to tell me? And why is your phone off, hmm?"
"Ah.. Nakalimutan ko kasing paandarin. Nawala na sa isip ko."
"Okay. And how about the ring? Why did you take it when its clearly not yours, Miss Edwards?" Mas delikado niyang tanong na mas lalong nagpakaba sa 'kin.
"Paanong hindi sa 'kin, Lu? Ako ang fiancee mo."
"Nope. You should give it back, Miss Edwards. That ring belongs to its rightful owner at hindi ikaw 'yon. O naging magnanakaw ka na ngayon?"
"Damn you, Lu! Ibibigay mo pa din sa kanya ang singsing? Kahit engaged na tayo? You agreed that I was your fiancee this morning o baka nakalimutan mo na? Huh?"
"Yeah. I agreed because you blackmailed me, but I still don't accept you as my fiancee."
"W-What? Anong ibig mong sabihin?"
"Just give it back, Miss Edwards."
"Paano kung ayoko? Huh? Ako na ang naunang nakasuot niyon! Finders keepers, Lu!" Pasigaw kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang nadidismayang pag-iling niya sa sinabi ko. "Para kay Mar-"
"Don't you ever mention her name! I told you not to mention her name again! 'Yan ang isa sa hinihingi ko sa 'yo na dapat mong gampanan, kung ayaw mong ituloy ko ang kaso! Remember Luis, your professional license and your job position is also at stake here!" Pasigaw ko ulit na sinabi.
'Yon nga ang isa pang binlackmail ko sa kanya. Tama nga siya, gagamitin ko talaga ang connections ng family ko sa pangbablackmail sa kanya. Minention ko talaga ang pangalan ni tito Rene at alam ko ding alam niya na magkakilala si daddy at tito.
"Let me remind you the other things that I've asked from you, Lu. Aside from that ay hindi ka rin pwedeng makipagkita sa kanya kahit kailan! Ni makausap siya! Hindi pwede! And lastly, ay dapat gampanan mo ang role mo bilang fiancee ko!"
Hindi man lang siya umimik sa mahabang litanya ko pero nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
"Nakalimutan mo na ba? Huh? Kaya paano mo ibibigay sa kanya ang singsing? Ipapadala mo? Ano?! O baka makikipagkita ka talaga sa kanya! Sige, Lu! Bahala ka na kung gusto mong makipagkita sa kanya o makipag-usap sa kanya, then go ahead! Pero dito ka pa din uuwi sa 'kin at hinding-hindi ko ibabalik ang singsing! I'm its rightful owner now! I am your fiancee!" Malakas kong sigaw bago ako patakbong pumasok sa kwarto niya.
Hawak ko ang dibdib ko habang nakalapat ang likod ko sa pintuan. Ang sakit ng puso ko pero hindi ko alam bakit wala talagang luhang lumalabas sa mga mata ko. Napagod na yata ang mga tear ducts ko.
I feel so fucking pathetic. Bumigay na lang ako agad at pinayagan ko pa siyang makipagkita sa bitch na 'yon! Pero bahala na at hindi ko na rin mababawi pa. Basta ang importante ay nasa akin pa din ang singsing at ako pa din ang fiancee niya.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na 'kong humiga sa kama. Sa tagal ko sa banyo kanina ay hindi pa rin pumasok si Luis sa kwarto. Baka wala nga siyang planong matulog dito. Baka nandidiri pa siyang makatabi ako.
A bitter smile crept on my lips as I nestled myself on his bed. Pinikit ko na lang ang mga mata ko hoping I could sleep immediately, kaso hindi talaga ako makatulog. Ayaw akong dalawin ng antok kahit sobrang drained ng pakiramdam ko. I'm exhausted physically and mentally.
Noong maramdaman ko ng malapit na 'kong dalawin ng antok ay doon ko naman narinig ang maingat na pagpihit ng door knob. Naging alerto naman tuloy ang diwa ko. I know its him.
Narinig ko pa ang pagbuga niya ng hangin bago ko naramdaman ang paglundo ng kama sa likod ko. Pinakiramdaman ko lang siya at noong gumalaw ang comforter na nakapulupot sa katawan ko ay alam kong nakahiga na siya ng maayos sa likod ko.
"Eya.." Dinig kong tawag niya sa pangalan ko pero hindi man lang ako gumalaw. "I know you're still awake."
Pero hindi pa din talaga ako gumalaw at narinig ko na naman ang pagbuga niya ng hangin.
"I'm sorry about earlier. I was just..." Paunang sabi niya na hindi niya naman tinuloy. "Sige. Hindi ko na babawiin ang singsing. I'll try not to talk or see her, too. I'll try my best to do the things that a real fiancee should do and I hope you'll do the same thing, too."
"S-Sige." Hindi ko na napigilang sumagot. "Thank you, Lu."
Napabuga ulit siya ng hangin. "Can you turn around and face me?" Malumanay na boses na sabi niya.
Nabigla ako sa hiniling niya na parang hindi ako makapaniwala.
Si Luis na ba talaga 'to?
"Eya?" Tawag niya ulit sa pangalan ko.
Dahan-dahan ko ngang ginawa 'yon at noong nagkatitigan kami ay namumungay na ang mga mata niya habang nakangiti ng tipid sa 'kin. Then I saw his eyes travelled downwards at kita ko talagang napalunok siya.
Bumaba din tuloy ang mata ko sa tinitingnan niya. Exposed na pala ang taas ng dibdib ko and my right pink bud is even peeking. Good thing I wore a satin lingerie, huh?
Walang sabi-sabing nilagay niya ang braso niya sa likod ng batok ko at hinila 'yon para maglapat ang mga labi namin. He kissed me hungrily at noong tumugon na ako ay siya ding pagtigil niya. He then pushed my head towards his chest while his other hand wrapped around my waist. Dama ko ang matinding paghingal niya.
"Good night, Eya." He murmured bago ko naramdaman ang paghalik niya sa noo ko.
"G-Good night, Lu." Nasagot ko na lang kahit hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
Pero noong nahimasmasan na ako ay nilagay ko din ang kamay ko sa bewang niya at ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa 'kin.
I slept that night with a big smile on my lips.
Simula na ba 'to ng totoong masayang araw naming dalawa bilang mag fiancee? I do hope so.. Sana..