Ayaw talaga tumigil sa pagtulo ng mga luha ko kahit na kanina pa umalis si Luis sa harap ko. Ramdam ko din ang pagpapanic ng sekretarya niya pero hindi nito alam kung paano ako aaluin.
Paano na 'to ngayon? How can you fix this, Mikaella?
Mas pinagtuunan ko pa ng pansin si Marilou kasi akala ko madali ko lang matatagumpayan 'tong plano ko. Na madali ko lang mapaniwala si Luis. Pero hindi pala. Tama pala ang kinakatakutan ko kanina. Ang tigas-tigas na ni Luis. Nagbago na nga talaga siya. Ayaw talaga niyang maniwala kahit ano pang sasabihin ko dahil sinungaling daw ako.
Ako? Sinungaling?
Kailan ako nagsinungaling sa kanya?
Was he referring to Ruby?
I did lie to him about the first girl he likes when we were still studying nursing, and that girl is Ruby. Sinira ko si Ruby kay Luis na inaaway niya 'ko at binabackstab niya ako sa ibang kaklase namin. I just don't like her kaya nagawa ko 'yon and I was still a spoiled brat back then. But Luis found out the truth at napatawad naman niya ako agad.
Kung 'yun nga ang tinutukoy niyang kasinungalingan ko then matagal ng tapos 'yon. Ba't kailangan niya pang ipoint-out yan dito?
Siguro tama nga siya. Sinungaling nga ako. Dahil hindi ko nga nasabi sa kanya ang totoo na mahal ko siya dati. I did lie a lot when it involves my secret love for him. Tama nga siya.
I did hurt him too much at kahit ano pang gawin ko ay hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Hindi na niya ako mapapatawad. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa din ako susuko. Kakayanin ko ang lahat ng sakit na ibibigay niya sa 'kin hanggang sa maniwala at makikinig na siya sa 'kin. Pero hindi muna ako magpapakita sa kanya bukas o sa birthday ko, masyado pang masakit ang nangyari kanina. Kailangan ko munang umipon ng lakas bago ko siya puntahan at piliting kausapin ulit.
Hindi ko hahayaang mananalo si Marilou dito. This is just the beginning, and in the finale I'll make sure I'll succeed.
Hindi ko na alam kung paano ako nakaalis sa opisina niya at nakauwi sa condo ko kahit wala ako sa sarili. Naalala ko lang na binigyan ako ng tissue at tubig ng sekretarya tapos ay nagpasalamat at nagpaalam na lang ako basta sa kanya.
Pagkahiga ko sa kama ko ay mabilis kong kinuha ang personal phone ko and I'm determined to proceed with my plan B. I immediately contacted our family lawyer and set our appointment tomorrow kaso hindi siya pwede kaya sa kaarawan ko na lang mismo kami magkikita.
Wala na 'kong pakialam kung mas lalong magalit si Luis sa 'kin. Ang importante ay matutulungan ko siya at para sa ikabubuti niya namang 'tong gagawin ko.
Kakatapos lang ng meeting namin ng isang kliyente ko, the one that I cancelled yesterday, at may isa pa 'kong appointment in two hours na dito din gaganapin sa mall na 'to but in a different restaurant. And since dito na din ako sa mall ay naisipan ko na lang na mag-ikot muna.
Its been a while din naman na hindi ako nakapagshopping. Maybe I should do some shopping spree para mabawasan naman ang stress ko. Minsan kasi inaasa ko na lang talaga sa personal shopper namin ang ganito but I need it now to let off some steam.
I have already bought two branded bags, five shoes, and some accessories. Puno na nga ang kamay ko ng mga shopping bags at plano na sana akong tulungan ng guard ng mismong mall sa pagbuhat niyon pero tumanggi ako. Wala lang. Nasiyahan lang ako dahil matagal na panahon ko na ngang hindi nagagawa 'to.
I still have 30 minutes left before my scheduled meeting at nag-iisip pa 'ko kung ano pa ang mga gusto kong bilhin nang mapadaan ako sa isang jewelry shop. Bibili na lang ako ng ireregalo ko sa sarili ko. Maybe a bracelet or an anklet. Bahala na kung ano ang magugustuhan ko.
I was about to go inside the shop ng mapatigil ako at agad na umatras. Dahil sa loob ng shop na 'yon ay nandoon si Luis sa loob.
I immediately hid behind a huge post at patago ding sumusulyap sa ginagawa niya. He's checking on some items at hindi ko makita sa pwesto ko kung ano 'yon. A couple of minutes more ay nakita kong parang may napili na siya at masayang pinack 'yon ng saleslady.
Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng kaba habang pinagmamasdan siya. I need to know kung ano ang binili niya!
Pagkalabas niya ay naghintay pa 'ko hanggang sa makalayo siya bago ako mabilis na pumasok sa loob.
I was immediately greeted by the staff inside pero mabilis akong lumapit sa babaeng nag-assist kay Lu.
"H-Hi... Uh.." Paunang bati ko at hindi ko alam kung paano ko ba masabi sa kanya ang gusto kong itanong na hindi nagmumukhang stalker or what.
"Yes, Ma'am?" Nakangiti namang tanong ng babae.
Dumapo na 'yong mga mata ko sa harap ng estante kung saan nakapwesto kanina si Lu at pumipili. Its in the rings section! Ramdam ko ang pagkaguho ng mundo ko, but I need to confirm it first before I conclude anything.
"Uh.. 'Yong lalaki kanina. 'Yung kakaalis lang.. May I ask kung ano ang binili niya?" Sabi ko at kita ko agad ang pagdududa sa mukha ng babae kahit nakangiti pa rin siya.
"Ah. Sorry, Ma'am. I can't tell you po. Confidential po kasi."
"Uh... I know but you see.. he.. He's my boyfriend. And I think he's cheating on me.." Pagdadahilan ko na pinapanalangin kong sana paniwalaan nila.
See. Sinungaling nga talaga ako.
"Oh." Kita ko ang pagsulyap ng mga mata ng babae sa mukhang manager nila.
Kumukuha pala siya ng kumpirmasyon sa manager at ng tumango ito ay nagpasalamat talaga ako sa isip ko.
"Ah.. I think he's not cheating on you, Ma'am. Ganito po kasi 'yong binili ni Sir." Sabi niya at agad na tinuro ang isang singsing na alam 'ko kung anong klase.
"Ganitong-ganito po but with a smaller stone po sa gitna."
"Its... Its an engagement ring, right?" Pagkukumpirma ko pa kahit hindi ko na kailangan 'yon.
"Yes po, Ma'am. Baka nga po isusurprise ka ni Sir. Maybe, he's going to propose na po." Maligaya pang sabi niya.
"He... He's p-proposing.." Nauutal kong sabi at bumagsak na ang mga hawak kong paper bags sa mga kamay ko. Ramdam ko na din ang simulang pagsibol ng mga luha sa mga mata ko.
"Yes, Ma'am! Congratulations po!" Maligayang bati pa niya na sinabayan ng ibang staff.
"He's proposing!" Ulit ko at natawa pa habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
"Uh.." Alam kong naweirduhan na talaga ang babae sa 'kin pero bago pa ako makapagsalita ulit ay tumunog na ang phone ko.
Kahit nanginginig na ang mga kamay ko ay kinuha ko pa din 'yon sa loob ng bag kong nakasukbit sa balikat ko. Its my client calling. Nakarating na yata sa pagmimeetingan namin. Pilit ko tuloy tinigil ang pag-iyak ko at kinalma ang sarili.
Kahit humihikbi ako ay sinagot ko pa din 'yon. I apologized and told him that I'll be late for 15 minutes.
I need to compose myself first. Kahit wala na 'ko sa sarili ay lumipat ako ng estante at tumingin sa mga set ng alahas. Ni hindi ko na pinansin ang mga paper bags na nasa sahig.
"Uh. Ma'am, are you okay po?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ng manager.
"Of course. I'm very happy right now, you see. He's going to be my fiancee na, why wouldn't I be okay?" Nangingiti ko pang sabi.
Alam kong nagmumukha na talaga akong baliw sa paningin nila dahil habang ngumingiti ay humihikbi naman ako.
"I'll buy this one." Sabi ko sabay turo sa napili kong set na siyang pinakamahal sa nakadisplay doon.
I don't know how I managed to talk to my client and even closed a deal with him. Sobrang galing ko na yata talaga sa pagtago ng nararamdaman ko o baka halata 'yon kaya naawa sa 'kin si Mr. Miranda. Mabilis lang din natapos ang meeting namin and I was supposed to go back to the shop after these meetings. Kaso hindi ko kaya. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan ko sa parking area ng mall.
Alam kong may kailangan akong kausapin.
I need my ate..
I immediately called her number at kahit alam kong busy sila ngayon ng mga parents namin ay sinagot niya pa din 'yong tawag ko.
"Hello, sis! What's up?" Maligayang bati pa niya sa 'kin.
"A-Ate.."
"Mikaella? Umiiyak ka? What's wrong?" Tanong agad ni ate sa nag-aalalang boses.
"Ate... He's gonna proposed to Marilou.. He's getting engaged ate.. L-Lu's getting m-married!" Pautal-utal kong sinabi na inadvance ko na talaga.
"Huh?!" Dinig kong pagsinghap at gulat ni ate.
Saan pa ba kasi tutungo ang pagbibigay ng engagement ring?
Of course, nag-iisip na siyang magpapakasal!
Kay Marilou!
The Marilou na two-timer! Na mapaglinlang at manloloko!
Hindi ko kayang tanggapin 'yon! I cannot imagine him ruining himself and his life by marrying that bitch! And by the time he found out of her true colors ay paniguradong huli na ang lahat! Pagsisisihan ni Luis buong buhay niya 'yon! I can't let that happen to him! I just can't!
Sinabi ko talaga lahat ng hinaing ko kay ate and by the time I was finished ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Hayaan mo na lang siguro siya, sis. Its his life, anyway. Kung ano ang desisyon niyang gawin sa buhay niya then wala ka ng magagawa doon." Sabi ni ate sa 'kin.
"Hinding-hindi ko matatanggap 'yon, ate! I don't care to whoever he ends up with in the future but not with Marilou! Hindi ako papayag!" Galit kong anas.
"Sabihin mo nga sa 'kin 'yong totoo, sis. Do you still love him? Hindi bilang kaibigan, ha? You haven't moved on from him yet?"
"I... Hindi ko alam, ate.." Sabi ko at narinig ko ang malakas na pagbuga ng hangin ni ate sa kabilang linya.
Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako. Kaya kong lokohin ang iba at ang sarili ko pero hindi si ate. Kahit hindi ko na sabihin ang totoo ay alam kong alam na niya ang sagot sa mga tanong niya tungkol sa 'kin. She knows me too well. Mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko.
"Sige. Habang nandiyan ka. Try to stop for a moment and think. Pakiramdaman mo ang sarili mo. Ask yourself if you do love him still. Tawagan mo 'ko ulit when you have the answer." Sabi ni ate Michelle at agad na 'kong pinatayan ng tawag.
Sa totoo lang natatakot akong aminin na hindi ko nagawa ang pinangako ko months ago. Hindi ko kayang tanggapin na niloloko ko lang talaga ang sarili ko sa pag-iwas sa kanya. Na pinilit kong magkagusto sa iba para dayain ang sarili ko. Dahil sa huli ay hindi ko pa din nagawang ibaling sa iba ang pagmamahal na tanging kay Luis ko lang nadarama.
Mahal na mahal ko pa din talaga siya.
Siya lang talaga.
Kaya kahit anong sabihin ko at pagkukumbinsi sa sarili ko na kaya ko siya tinutulungan ngayon ay dahil kaibigan ko siya, ay pawang kasinungalingan lamang. Ayokong magsettle sa pagiging kaibigan lamang ni Luis. It will never be enough for me.
Makasarili mang pakinggan pero ako lang dapat ang mahal niya. Ako lang dapat ang nagmamay-ari sa kanya. Ako lang dapat ang magiging fiancee niya. Ako lang dapat ang magiging asawa niya. I'm more worthy to have those titles than Marilou because I only love him and only him.
Wala akong pakialam sa kung ano man ang ginawang kasalanan ni Marilou. One thing is certain, God did gave me this chance to take him away from Marilou kaya gagawin ko ang lahat, kahit gaano pa kadesperada akong tingnan, para mangyari 'yon. By hook or by crook. And I know just what to do to accomplish that!
I opened my phone again and this time ay hindi na si ate ang tatawagan ko. I'm going to try to call his number and check if sa kanya pa din 'yon. If 'yon pa din ang gamit niya. Kahit nagpalit nga ako ng number ay useless pa din dahil saulado ko pa din 'yong sa kanya.
Dalawang ring lang ang narinig ko at agad ng may sumagot ng tawag ko.
"Hello?" Sabi sa kabilang linya.
Its really him!
Boses pa lang niya ay ramdam ko na ang pagsikdo ng puso ko. I do love this man so much!
"Lu, magkita tayo. For old time's sake." Agad kong sinabi at narinig ko agad ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "I won't bother you and Marilou anymore after this."
"Tss. Fine! Text me the details." Sagot niya na siyang nagpangisi na sa 'kin.