Chapter 19 - C19

"Ilang buwan ka nga hindi nakauwi, ate?" Tanong sa 'kin ni Mikael habang nagmamaneho.

"Almost six months, lil bro." Sagot ko kay bunso habang inaabot kay Chloe na official sis-in-law ko na ang lagayan ng chocolates.

"Ang tagal na pala, ate." Komento naman ni Chloe.

Pauwi kami ngayong tatlo sa Laoag para tingnan ang beach house namin na at long last ay tapos na. Biglaan nga lang ang lakad namin dahil sa utos na din nina daddy. Hindi na tuloy kami nakaabot sa pagkuha ng airplane ticket dahil fully booked na. Mabuti na lang talaga at wala akong urgent commitments sa shop kaya makakauwi ako ngayong araw. But I need to go back tomorrow at sabay na din kaming tatlo sa pagbalik.

Namimiss ko na din ang Laoag. As they say, there's really no place like home. Tatlong araw na lang din naman at birthday ko na kaya magpapaadvance birthday celeb na din ako kina yaya mamaya. Kaya hindi na din matutuloy ang lunch namin nina Mikael sa kaarawan ko dahil dito na kami magcelebrate.

Gusto sanang sumama ni Xavier ngayon sa pag-uwi namin kaso ayaw pumayag ng kapatid kong engot. Ewan ko ba dito kay Mikael gumagaya din kay ate Michelle na hindi boto kay Xave. May something daw kasi kahit na isang beses pa lang niya nameet 'yong tao. Pero sa tingin ko nasabi niya lang 'yon dahil napogi-an si Chloe kay Xave. Mana pa naman 'to kay daddy na ubod ng possessive at seloso.

Tss.

"Kumusta na pala si Doc Luis, ate?" Biglang tanong ni Mikael na pasulyap-sulyap sa 'kin sa rearview mirror.

"Babe.." Dinig ko namang pagsaway ni Chloe sa kanya.

Medyo nagulat pa ako sa ginawang pagsaway ni Chloe kay bunso. May alam ba sila sa nangyari sa 'min ni Luis? Kay ate Michelle ko lang naman kinekwento ang lahat eh. Hmm.. Kaya malakas talaga ang kutob ko na magkakuntsaba nga ang dalawa sa pagiging aloof kay Xave. Mukhang tama nga ang kutob ko.

"I have no idea. He's fine I guess." Sagot ko na lang sabay kibit ng balikat.

"I saw him in Makati Med yesterday." Paunang sabi ni Mikael na parang pasuspense pa.

I know he's waiting for my reaction dahil napasulyap ulit siya sa rearview mirror.

"Oh." Sabi ko na lang.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya pagkatapos.

"Well, anyway. Nirecommend kasi ni daddy 'yong isang specialist doon para kay Z."

"Oh? How's Zaber na pala?" Tanong ko agad para maiba lang ang topic namin.

"Still no progress." Malungkot na sagot ni Mikael.

"Don't lose hope, bunso. Gagaling din si Zaber."

"Yeah. Kaso ang dami na niyang nagawang mali because of his condition. By the time his memories came back, we're scared that he might kill himself."

Sabay tuloy kaming napabuntong-hiningang tatlo. Nakakalungkot talaga ang nangyari kay Zaber. I just hope and pray na makayanan nga niya ang lahat pagbalik ng memorya niya.

"Anyway, let's go back to the main topic, ate." Si Mikael na naman na akala ko hindi na itutuloy 'yong tungkol kay Luis.

Hay naku.

"Babe.. huwag mo na lang ituloy.." Dinig ko namang saway ni Chloe sa kanya.

Hay naku.

"Its okay, sis-in-law. Go ahead, bunso. Nakamove-on na din naman ako. So what about Luis?"

"Really, ate? Nakamove-on ka na?" Si Mikael ulit.

"Oo nga! Kulit ha. Tss." Sabi ko pa sabay ikot ng mga mata sa kanya aa rearview mirror.

"Hmm.. wala lang. Nakita ko lang siya and we talked for a bit. Kumustahan and all, but he never asked about you." Sabi niya at kita ko ang pagkurot ni Chloe sa braso niya. "Aray, misis."

"Hindi mo naman kasi kailangang sabihin pa 'yan, Mikael!"

Galit na sabi ni Chloe sa kanya at natawa na lang ako ng nagmukhang kawawang tupa ang kapatid kong engot.

"Sorry na. Eh, may ikikwento pa 'ko.."

"Sige na. Hayaan mo na 'yang mister mo, sis-in-law. Baka mamaya hindi mapakali yan kapag hindi natuloy ang kwento niya." Natatawang sabi ko.

"Lagot ka sa 'kin mamaya, babe." Dinig kong pabulong na sabi ni Mikael na alam kong may pagkaberde ang laman dahil namula ang tenga ni Chloe.

Sus! Kay landi ng mag-asawa!

"So, ayon nga ate. Doon na pala siya nagtatrabaho sa Makati Med. And you remember Tito Rene?" Pagpatuloy pa niya.

"Uh-huh. 'Yung kaibigan ni daddy?" Sagot ko.

Ang tinutukoy ni Mikael ay 'yong isa sa mga golf buddies ni daddy na isang kilalang doctor.

"Yeah. Isa siya sa directors doon sa Makati Med. Nakasalubong namin ni Doc Luis kaya nag-usap din kami. Sabi niya baka daw maging head si Doc Luis kahit na mahigit isang buwan pa lang siya doon. Magaling daw kasi at madaming natanggap na recommendations from his patients na mga VIPs. Aren't you proud of him, ate?"

"Congrats to him then." Simpleng sinabi ko.

"'Yon lang?" Si Mikael ulit na parang ewan.

Natawa tuloy ako. "What do you want me to say then?"

"Hmm.. I don't know either." Si Mikael ulit.

"I'm happy for him, really. Natutupad na ang mga pangarap niya. And if you ever see him again sabihin mong congrats galing sa 'kin." Dagdag ko na lang.

"Fine." Sagot ni Mikael na natahimik na lang din sa wakas.

Medyo malayo pa kami sa Laoag kaya naisipan muna naming dumaan sa isang kainan sa Santa Cruz. Mahigit two hours pa kasi bago kami makarating kaya kailangan muna naming magstop-over para makapagpahinga din ang kapatid ko. Ayaw naman kasing pumayag na ako ang magmaneho.

Medyo maraming tao sa kainan na napili ni Mikael. Mukhang mga turista pa 'yong iba kaya paniguradong masarap nga ang mga pagkain nila dito. Nakapwesto kami malapit sa entrance dahil punu-an nga talaga ang resto. Natagalan pa nga ang taga-silbi na kunin ang order namin.

While we're waiting for our food to arrive ay gumala muna ang mga mata ko sa paligid. I was looking at this particular painting displayed inside the resto nang parang may nag-udyok sa 'king tumingin sa entrance.

Nabigla nga talaga ako sa nakita. Dahil ang pumasok ay isang lalaki at isang babae na magkahawak-kamay at halatang mag-dyowa.

Napanganga at lumaki talaga ang mga mata ko ng makilala ang babae at kagaya ko ay ganoon din ang naging reaksyon niya ng makita ako. Pero agad siyang nakabawi at iniwas na ang mga mata sa direksyon ko ng kinausap siya ng kasama niyang lalaki.

Guess who the freaking girl is?

Si Marilou!

Walang hiya!

Nagpupuyos talaga ako sa galit habang tinititigan siya. I know she can feel my angry stares dahil yumuko siya habang naglalakad sila ng lalaki papunta sa isang mesa.

Damn it! Gusto ko siyang sugurin talaga!

Sabi ni Anna sila pa ni Luis ah? Kaya bakit may ibang lalaki 'tong gaga na 'to? Isa lang ang ibig sabihin nito. She's cheating on Luis!

"Ate? What's wrong?" Dinig kong nag-aalalang tanong ni Chloe ng mapansin ang ekspresyon ko.

Napatingin din si Mikael sa 'kin at sinundan niya ang tinititigan ko. "Woah.. Is that.. Who's that girl again?"

"Hala! Girlfriend 'yan ni..." Si Chloe na hindi na tinuloy ang sasabihin dahil sa sinabi ko.

"I wanna kill her." Mariin kong sinabi sa mababang tinig.

"Ate, calm down..." Si Mikael na nag-aalala na din.

"Damn it! How dare her!" Sabi ko pa din pero ramdam ko na ang pamamamasa ng mga mata ko kaya iniwas ko na ang tingin ko kay Marilou.

"Ate.. tara muna sa sasakyan." Si Chloe na agad tumayo at nilapitan ako. "Give me your keys and stay here, babe. Babalik din kami."

Sinunod naman agad ni Mikael ang sinabi ni Chloe at ganoon din ako. I needed to get away dahil ramdam ko talaga ang panginginig ng katawan ko sa sobrang galit at pagkamuhi. Magiging murderer talaga ako!

"Let it all out, ate.." Si Chloe na agad na niyakap ako pagkapasok namin sa sasakyan.

Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko at tuloy-tuloy lang ang mga ito sa pagbagsak sa balikat ni Chloe.

"Mahal na mahal siya ni Luis tapos lolokohin lang pala niya?N-Nagparaya pa ako para sa kanila tapos eto lang pala ang gagawin niya?! Ipinagkatiwala ko si Luis sa kanya!! Potangina niya!!" Hindi ko napigilang isigaw.

Galit ako! Galit na galit ako kay Marilou! Pero mas galit ako sa sarili ko ngayon! Dapat pinaglaban ko na lang pala si Luis kung alam ko lang na gaganituhin lang siya ni Marilou!

That two-timing bitch!

Hindi ko akalaing magagawa ni Marilou 'to kay Luis! She looks innocent as fck and acts like a real doting girlfriend tapos sa loob pala ang kulo! Sigurado akong walang kamuwang-muwang si Luis na ginagago na pala siya ng taksil na girlfriend niya!

That bitch! I wish she would rot in hell!

Nakaramdam ako ng sobrang awa kay Luis. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay naloko na naman siya ng naging girlfriend niya! Ito pa naman ang kinakatakutan kong mangyari dati. Kaya nga pinapaimbestigahan ko talaga ang mga nagugustuhan niyang babae 'di ba? Pero fck lang talaga! Naisahan ako ni Marilou!

Paano na si Luis nito ngayon?

Should I tell him about this?

I don't want him to get hurt again kaya paano?

At paano ko siya lalapitan?

Paano ko siya kakausapin?

Paano ko sasabihin sa kanya 'to?

Ano bang dapat kong gawin?

Natigil na lang ang mga luha ko when I realized something at nang makabuo na ako ng plano sa isip ko. One thing is certain, I'm going to save my friend from that bitch! Kahit isasakripisyo ko ang sarili ko ay wala na 'kong pakialam! Basta tutulungan ko si Luis! Igaganti ko si Luis sa kataksilan ng babaeng 'yon!

"Are you okay na, ate?" Nag-aalala pa ding tanong ni Chloe sa 'kin ng inangat ko na ang mukha ko sa balikat niya.

I nod my head at agad niya 'kong binigyan ng tissue. Pinunasan ko agad ang pisngi ko and grabbed my bag. Magreretouch muna ako 'coz I know I looked like a mess right now.

"Thank you, sis-in-law." Pagpapasalamat ko sa kanya noong natapos na ako at nakuntento na sa itsura ko.

My eyes are still swollen, though.

"Wear this, ate" Sabi ni Chloe sabay abot ng shades sa 'kin.

"Thank you! Hay! Mabuti na lang talaga at dito tayo nagstop-over. At least nahuli ko ang babaeng 'yon." Sabi ko.

"True! Its God's will, ate." Sabi niya na sinang-ayunan ko. "Why don't we take a picture of her, ate, with the guy she's with? Gawin nating proof para ipakita kay Kuya Luis, what do you think?" Mungkahi niya na siya ngang naisip kong gawin.

"Yeah. We'll do that. Tara na sa loob, sis-in-law. Nagutom ako kakaiyak." Biro ko pa dahil totoo naman talagang nakakagutom ang pag-iyak.

At nagawa ko na ngang magbiro dahil sa naisip kong plano. Naisip ko ding its also my second chance to rekindle my frienship with Luis. God really did guide me to catch that cheater. Baka kahit ang Diyos ay nanghinayang din sa pagkakaibigan naming dalawa ni Luis kaya siya na talaga ang gumawa ng paraan para magkaayos kami.

Noong bumalik kami sa mesa namin ay nandoon na nga ang mga pagkain namin. Mikael still has this worried look on his face but I gave him a reassuring smile.

Hindi na rin ako tumingin sa pwesto nina Marilou. Nakita kong bumulong si Chloe kay Mikael at alam ko kung ano 'yon. Habang kumakain na nga kami ay pasimpleng kinuhaan ni Mikael ng picture si cheater gamit ang phone niya.

I'm really grateful that they're here with me kasi kung ako lang talaga ang nandito at mag-isang nakahuli sa pagtataksil ni Marilou ay baka kanina pa 'ko nagwala. I won't stoop down on her level. As I've said, I'm regal.

Noong natapos na 'kong kumain ay nagpaalam ako sa dalawa na magbabanyo muna. Noong makita kong malapit lang ang banyo ng resto sa mesa nina Marilou ay walang pagdadalwang isip akong tumayo para pumunta nga doon. Naiihi din naman talaga ako. I held my chin up as I walked towards the bathroom at hindi na tinapunan ng tingin si two-timer.

Hindi na rin naman ako nagulat noong paglabas ko ng cubicle ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ng salamin na mukhang takot at balisa. Halatang nag-aabang sa 'kin.

Dinedma ko siya at agad na dumiretso sa sink sa tabi niya para maghugas ng kamay. I know natatakot at kinakabahan siya dahil kita ko ang panginginig ng katawan niya sa peripheral vision ko.

"M-Mikaella." Tawag niya sa 'kin sa takot na boses.