A couple of days has swiftly passed by since that night, at hindi ko na ulit nakita pa si Luis. Hindi na siya pumupunta sa shop. At hindi na rin daw siya pumupunta sa bahay sabi ni yaya kaya naging panatag na din ang loob ko.
Siguro ay nakapag-isip na nga siya na hindi na dapat siya mag-aksaya pa ng panahon na makausap ako dahil iniiwasan ko na nga talaga siya.
Ito naman talaga ang nakakabuti sa 'min dalawa. Ang mag-iwasan na. Kaya tama naman ang ginawa niyang hindi na pagpaparamdam.
I wish him nothing but happiness and if we ever crossed path again in the future sana ay pareho na kaming masaya at matagumpay sa kanya-kanyang buhay.
Its my birthday next week pero hindi na naman ako magpapabonggang party dahil kasalukuyang nasa business trip sina ate at ang mga magulang namin. Pag-uwi na lang nila kami magcecelebrate at mag-a-out of the country daw kaming lahat. All expenses paid courtesy of our loving parents.
Nakaplano na ang lahat sa araw ng birthday ko. For lunch I will be with my little brother and sister-in-law Chloe, after office hours ay magcecelebrate kami sa shop kasama ang mga employees ko, and sa gabi ay magdidinner kami sa Tagaytay ni Xavier.
Naeexcite na nga ako lalo na sa dinner dahil 'yon na din ang time na sasagutin ko na si Xave. At last, 'di ba? Magkakaboyfriend na talaga ako!
Deserving talaga si Xavier na maging first boyfriend ko at makamit ang matamis kong oo. He's really a great and decent guy. And he definitely sweep me up my feet not just by his words but with his actuations, as well. Bonus na lang talaga 'yong looks niya!
Kasalukuyan akong nasa restaurant kung saan gaganapin ang lunch meeting ko with one of our VIP client. I came 15 minutes earlier from our schedule kaya nga mag-isa pa lang akong nakaupo sa mesa na nireserve ng client ko for this meeting.
Nakatungo ako noon habang binabasa ang mga documents na kailangan naming pag-usapan ng client ko. If magkaroon kami ng agreement sa mga terms na ininclude ko ay malaking bagay 'to sa business ko.
"Mikaella?" Biglang tawag sa pangalan ko na nagpalingon sa 'kin. "Oh my gosh! Its really you! How are you?"
"Oh my! Jewel!" Patiling sabi ko din ng makita ang kaibigan at agad tumayo para makipagbeso.
"Loka ka! Kamusta ka na?"
"I'm good! Ikaw?"
"I'm fine, too! I'm with Marco, Leonard, Anna and Luis! Nandoon kami oh!" Sabi niya sabay turo sa mesa nila na nasa malayong dulo.
Napamaang ako sa sinabi niyang huling pangalan pero napatingin pa rin ako doon at kita ko ang pagkaway ng lahat sa 'kin. Except for Luis na seryosong-seryoso at hindi nakatingin sa direksyon ko.
Bigla akong hinila sa braso ni Jewel para igiya papunta sa mesa nila.
"T-Teka.." Pagtigil ko sana sa kanya pero wala na din ako nagawa dahil hindi ako makasingit sa kanya habang nagkikwento siya at ang awkward naman yata kung hindi ako sasama at makipagbatian sa mga kaibigan namin.
Agad silang tumayo pagkalapit namin ni Jewel at nagkamustahan na. Napasulyap ako kay Luis dahil siya lang ang nanatiling nakaupo at kumakain.
I'm glad to see he's okay now. Bumalik na rin ang pangangatawan niya at hindi na siya mukhang pinagbagsakan ng langit kagaya noong huling pagkikita namin.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at dinedma na ang presensiya niya. Tama nga talaga ang hunch ko na iniiwasan na din niya 'ko and I'm thankful for that.
"I knew it was you, Mikaella! Kanina ka pa namin nakita." Sabi ni Anna pagkatapos naming magbeso.
Kukuhaan sana nila ako ng upuan sa katabing mesa nila na bakante pero tinanggihan ko dahil may kameeting nga ako.
"How are you, guys?" Maligayang tanong ko habang nanatiling nakatayo sa tabi ni Jewel.
"Eto mga attendings na!" Maligayang sagot ni Leonard.
"Oh my gosh! Congrats!" I exclaimed at sabay din silang apat na nagpasalamat.
Nawala na sa isip ko na tapos na nga sila sa pagiging interns and now they've reached another level of their career. I'm really happy for them!
"So, dito na kayo sa Manila?" Tanong ko at sabay din silang tumangong apat.
"Kaming lima! Naiwan nga lang si Mathew, Claire at Basty, but they're planning to transfer here, too." Sagot ni Jewel.
Na excite tuloy ako lalo. I didn't know na may plano pala silang lumipat dito, lalo na si ano! I should get in touch with them again! With them, I mean 'yong apat lang ha? I really miss their company eh!
Kaso may problema nga lang.. if makikipaghang-out ulit ako sa kanila then that means I will be seeing him, too..
Pag-iisipan ko na lang muna siguro 'to..
"Nakapasok kaming apat sa St. Lukes. Ang daya nga ni Luis eh. Siya lang nakapasok sa Makati Med. Mas gusto ko sanang doon din ako." Pagpapatuloy ni Jewel pero sabay kaming napabaling ang tingin kay Luis ng bigla siyang tumayo habang nagpupunas pa ng bibig.
"I should go now. Magkita na lang tayo bukas." Sabi niya habang nakatingin sa direksyon ng apat.
Ni hindi man lang ako sinulyapan.
"Huh? Eh akala ko ba dadaan pa tayo sa bar, Luis?" Tanong ni Marco na parang naguguluhan sa nangyayari.
"Tsaka nandito si Mikaella, oh." Dagdag pa ni Anna pero agad kong inilingan.
Wala man lang naging reaksyon si Luis sa sinabi ni Anna at nagpakabusy na lang sa pagdukot ng pera sa pitaka niya.
Nakita ko talaga ang pagkagulat ng apat sa asta namin ni Luis. Pa lipat-lipat tuloy ang tingin nilang apat sa 'min. I gave them a small smile and bago ko pa masulyapan si Luis ay tumalikod na siya bago inabot ang pera kay Marco.
"Alis na 'ko." Huling sinabi niya at tuluyan na ngang umalis.
"What happened between you two, Mikaella? Nag-away kayo?" Nag-aalalang tanong ni Marco noong nahimasmasan na sila.
"Is that the reason why you deactivated your soc meds, Mikaella?" Dagdag pang tanong ni Jewel.
"Ah.. eh. Nag FO lang kami, pero hindi naman kami nag-away." Nag-aalinlangang sagot ko na lang.
Ayokong sabihin ang totoo. Parang awkward lang kung malaman pa kasi nila.. Tapos naman na 'yon.
"Hmm.. kaya pala parang may nagbago kay Luis noong umalis ka.." Si Leonard.
"Yeah! Muntik pa nga siyang matanggal sa residency sabi ni Basty!" Dagdag na sabi ni Anna.
"W-What?" I uttered in shock.
"Oo! Kasi sabi ni Basty ilang beses daw siyang lumiban sa shift at kung hindi absent ay late naman. Tapos madami pa daw siyang maling nagawa sa procedures. The worst thing he did is he wrongly prescribed a medication to one of his patients! It would've caused him his license eh kasi allergic pala ang pasyente niya sa gamot na 'yon. Mabuti na lang at naagapan." Mahabang litanya ni Anna na nagpasinghap sa 'kin ng malakas.
Nakaramdam ako ng sobrang lamig sa buong katawan ko dahil sa nalaman. Parang namanhid ako at nanghina. Naisip ko ang posibleng maging dahilan kaya muntik na ngang masira ni Luis ang buhay niya, ang pangarap niya!
Was it because of me? Dahil iniwasan ko siya?
I remember his visits on my office and our house! Ilang beses siyang bumisita sa mga oras at araw na sa pagkakaalam ko'y dapat nakaduty siya. He also looks weary the last time we saw each other 'yon din ba 'yong araw na nangyari 'tong problema niya?
Ano ba tong nagawa ko kay Luis? Is this all my fault now?
Nakampante naman kasi ako. Nandiyan naman kasi si Marilou eh! Sabi ni Luis 'di ba? May Marilou na siya at mahal na niya ito. I thought he will get by with his life without me in it because he has Marilou!
Speaking of Marilou! Where the hell was she this whole time na nagkakaproblema ang boyfriend niya?
Oh my gosh! Don't tell me they broke up?
"S-Si Marilou pala? Sila pa din ba?" Tanong ko na nakatingin kay Anna.
"Yeah! They're still together, Mikaella! Kaya nga inayos na ni Luis ang trabaho at ang sarili niya dahil nagmakaawa daw si Marilou sa kanya. Todo iyak nga daw sabi ni Basty." Sagot naman niya.
"Oh.. T-That's good then.." Nasabi ko na lang na nagpasalamat na din sa isip ko kahit nakaramdam pa din ng sobrang panlulumo sa nalaman tungkol kay Luis.
I can feel their heavy stares directed at me, pero si Jewel ang nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ang alam kong pareho nilang iniisip.
"Mikaella.. ayokong manghimasok ha? Pero may something ba sa inyo ni Luis? I mean you were both close tapos niloloko pa kayo namin na baka maging kayo din. Hindi talaga imposibleng maging kayo eh. Tapos nangyari-" Mahabang litanya sana ni Jewel na muntik ko ng ikinatakot dahil alam ko kung ano ang tinutumbok niya pero mabuti na lang at may tumawag ng pangalan ko kaya natigil siya.
Dumating na pala ang kliyente ko at nilapitan na 'ko ng sekretarya niya ng makita ako.
Thank God for that!
I was literally saved by her!
Kung hindi siya dumating ay paniguradong mabubuking na 'ko. Ang lihim ko na matagal kong itinago sa mga taong malalapit sa 'min! Kung hindi siya dumating ay paniguradong lalabas ang lahat ng damdamin ko. Ang damdamin kong pinilit kong kinalimutan!
"B-Babalik na ko sa mesa namin." Pamamaalam ko na lang at binigyan sila ng tipid na ngiti bago tumalikod na para puntahan ang kliyente ko.
Mabilis lang natapos ang meeting namin ng kliyente ko kahit na parang wala ako sa sarili buong meeting ay naging maganda naman ang kinalabasan. Sina Jewel ay nandoon pa din sa mesa nila at hindi pa umaalis.
I have this feeling that they're waiting for me to finish with my meeting dahil ilang beses pa silang nag order ng kung anu-ano habang pasulyap-sulyap sa pwesto ko.
I have to get away, though! Kaya noong tumayo na ang kliyente ko ay tumayo na din ako. I glanced at them and mouthed 'I have to go' before waving my hand. Tinuro ko pa ang kliyente ko as if may kailangan pa kaming puntahan. I noticed their disappointed look at first lalo na kay Jewel at Anna pero kumaway na din sila sa 'kin.
As I was already seated inside my car ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak sa sobrang panlulumo. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya noong iniiwasan ko siya. Hindi ko man lang naisip ang magiging epekto nitong desisyon ko sa mahal kong kaibigan. He almost ruined his life because of me.
I have this urge within me to find him at makipagbati ako sa kanya. Na manghingi ng tawad. Na pilitin ko siyang ibalik na ulit namin ang pagkakaibigan namin.
But do I still deserve to be his friend? I guess not.
Isa pa'y hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoong rason kung bakit iniwasan ko siya at piniling sirain ang aming pagkakaibigan. Kung tatanungin niya din ako kung bakit nakikipagbati na 'ko sa kanya ay hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko. I know how high his pride is, his ego, at kapag nalaman niya na alam ko na ang nangyari sa buhay niya ay sasabihin lang niyon na kinakaawaan ko siya.
Ngayong okay na siya at nakapasok na sa magandang hospital ay mas mabuti pang ipagpatuloy ko na lang ang paglimot sa lahat. Dapat ay maging masaya na lang ako para sa kanya. Kung babalik pa 'ko ay baka magkagulo lang ulit. Baka magkasakitan lang kami ulit.
I know how strong he is at nagpapasalamat ako't nandiyan din si Marilou sa buhay niya. Si Marilou na nasisigurado ko nang hindi siya iiwan kahit ano pa man ang mangyari.