Chapter 17 - C17

Apat na buwan na ang nakalipas simula ng iniwasan ko si Luis. I changed my digits and deleted all of my social media accounts para mas lalong makaiwas sa kanya. Sa ginawa kong pag-iwas ay hindi lang siya ang iniwasan ko kundi ang iba pang mga kaibigan namin, si Marilou at kahit si Dominic.

Sa apat na buwan na 'yon ay ilang beses na siyang pabalik-balik sa bahay sabi ni yaya para daw magtanong tungkol sa 'kin at para makuha din ang number ko. Pero mabuti na lang at hindi ako ipinagkanulo ni yaya. At sa apat na buwan na din 'yon ay siyam na beses na siyang pumunta dito sa office namin. Pero dahil binigyan ko ng heads up ang mga tauhan ko ay nagawa nilang tulungan ako sa pag-iwas. Sila na din ang gumawa ng mga excuses kay Luis, kesyo nasa abroad daw ako or may ka meeting. Hindi naman din mapapansin ni Luis ang sasakyan ko dahil kahit 'yon ay pinalitan ko na din. Kumuha na din ako ng sariling condo ko  at doon na nakatira ngayon para makaiwas sa kanya, in case lang na baka magbalak siyang pumunta sa bahay ng mga magulang ko dito sa Manila.

Alam kong alam na ni Luis ang totoo na iniiwasan ko nga siya. Halata naman kasi 'yon at matalino din siya. Kaya nga siguro ang huling pagpunta niya dito sa office ay noong nakaraang buwan pa.

Happy ako sa nangyari dahil sa wakas ay tumigil na siya at wala na din naman akong pakialam na sa kanya. Happy na din ako ngayon. I met someone who caught my attention. Nagkakilala kami sa isang beses na pag-attend ko ng social event at ngayon ay naging masugid na manliligaw ko na.

His name is Xavier Fernandez. Isang popular na half-Argentinian model na naka base dati sa Paris pero lumipat dito sa Pilipinas dahil sa kagustuhan ng mommy niyang isang pinay. Dalawang buwan na siyang nanliligaw at talagang nagugustuhan ko siya. Sa unang beses kasi na pagdalaw niya sa 'kin dito sa office ay dinala niya talaga ang mommy niya para ipakitang seryoso daw talaga siya.

My gosh!

First time 'kong magkaroon ng manliligaw na 'yon agad ang ginawa and it really swoop me off my feet. Kaya nga dahan-dahan ko ng binasted 'yong iba para mafocus ang atensyon ko sa kanya. I'm planning to say yes to him very, very soon dahil kahit ang mga magulang ko ay boto sa kanya, except ate Michelle.

Ewan ko ba kay ate. She told me that I'm being impulsive daw. Eh kung ganoon nga 'di ba dapat sinagot ko na si Xavier? When I told her those words ay sinabi niyang baka pagsisisihan ko daw kasi. Isinawalang bahala ko na lang ang pangamba niya. I know I'm doing the right thing, anyway.

"Kaya pala nakafull make-up si Ma'am! May dinner pala with Sir Xave." Tukso sa 'kin ng isang tauhan ko pagkatapos ng meeting namin.

Napangiti lang ako sa kanya bilang tugon kaya mas lalong nanukso 'yong iba.

"Kailan mo na siya sasagutin, Ma'am?"

"Bagay na bagay po kayo, Ma'am!"

"Kaya nga mas dumami ang nagawang designs ni Ma'am dahil inspired eh!"

"Mga loka!" Natatawa kong sabi sa kanila. "Sige na! Magsi-uwi na kayo!"

"Ayiiee! Nagmamadali na si Ma'am paalisin tayo para sa date nila ni Sir." Dagdag pa ng isa na siyang nagpahagikhik sa 'kin.

Totoo naman kasi ang sinabi nila. Three days kaya kami hindi nakapagdate ni Xavier dahil may taping siya. Aside kasi sa pagmomodel ay may nag-offer na sa kanyang mag-artista, though special appearance pa lang naman siya sa ngayon. Sabi ni Xavier ay hindi daw talaga siya mag-aartista at hanggang extra roles lang ang kukunin dahil magulo nga ang showbiz dito sa bansa. Mas mabuti pa daw mag model na lamang.

Kahit ano man ang mga plano niya sa career ay susuportahan ko siya. Lalo na kapag naging kami na. I'm planning to say yes to him on my birthday which is two months from now.

Nagreretouch pa 'ko ng mukha ko ng makareceive ako ng text galing kay Xave. Malapit na daw siya kaya mabilis na akong lumabas ng opisina pagkatapos ayusin ang bag ko. Excited eh, bakit ba?

Nag-hahum pa nga ako habang naglalakad palabas, pero bigla na lang akong matapilok at matumba ng bumungad sa 'kin ang mukha ng taong iniiwasan ko.

Prente siyang nakaupo sa couch na nasa tanggapan namin. Awtomatikong napabaling ang tingin ko sa receptionist namin na mukhang nagulat din ng makita ako. Nanginginig tuloy siyang lumapit sa pwesto ko.

"M-Ma'am.. sinabihan ko na po siyang wala ka pero ayaw niya pong maniwala. Itetext na po sana kita para sabihan p-pero nakalabas ka na. I'm sorry po." Pabulong niyang sinabi na bakas ang kaba sa boses niya.

"Its okay, Cherry." Nasabi ko na lang.

Hindi naman ako galit sa receptionist ko. Hindi niya kasalanan kung bakit nangyari 'to ngayon.

Binalik ko na ang tingin ko kay Luis. He remained seated there while looking straight at me. Napakaseryoso ng itsura niya pero bakas ang kapaguran sa mga mata niya. Parang nangingitim ang ilalim ng mga mata at nangayat pa nga siya.

Damn it.

Hindi ko tuloy alam kung lalapitan ko ba siya para kausapin or should I just pretend that I don't know him?

Nagdedebate pa ang utak ko sa gagawin ko kaya laking pasalamat ko na lang ng biglang bumukas ang pintuan ng shop ko at niluwa niyon si Xavier.

"Elle." Tawag niya agad sa 'kin kaya kahit ramdam ko ang mariin na pagtitig ni Luis sa 'kin ay dinedma ko na lang 'yon at lumakad na palapit kay Xave.

I'll just pretend that I don't know him then. Ngumiti ako agad kay Xave pagkalapit ko at agad naman siyang humalik sa pisngi ko bilang pagbati.

"Let's go?" Tanong niya sa 'kin habang hinahawakan na ang kamay ko.

"Yeah." Pagtango ko at pahakbang na sana ako ng bigla akong matigilan dahil sa pagtawag ng isang boses na kahit ayoko ng marinig at pilit ko ng kinakalimutan ay kilalang-kilala ko pa din.

"E-Eya.." Bakas ang lungkot sa boses niya.

Napalingon tuloy ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.

"Goodbye, Luis." Tanging nasabi ko bago ako tumalikod at tuluyang humakbang palabas ng shop ko.

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng restaurant ni Xave at kanina ko pa pinipilit na ibalik ang tino ng pag-iisip ko. Pero kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko talaga maiwala sa isip ko ang imahe ni Luis kanina.

Akala ko ba tapos na, Mikaella? Bakit bumabalik ka na naman sa dati dahil lang sa nagkita kayo?

Four months na ang nakalipas eh pero sana naman binigyan niya pa ako ng ilang buwan pa or pwede namang kapag sinagot ko na si Xave bago kami nagkita. Baka kung sakali'y hindi na ganito kagulo ang utak ko ngayon.

Hindi ko tuloy naiwasang mapabuntong-hininga dahil sa napagtanto sa pagkatao ko. I'm really not yet over him, huh?

"Is there a problem, Elle?" Tanong sa 'kin ni Xave na nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan.

"Huh? Ah.. wala, Xave." Sabi ko sabay gawad ng ngiti sa kanya. "Kamusta pala sa shooting?"

Napatitig ng matagal sa 'kin si Xave. I know he's trying to read my thoughts pero agad kong tinakpan 'yon at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Narinig ko pang napabuntong-hininga din siya bago nagsalita.

"Okay lang. Mahirap pala ang mag-artista. Ilang beses akong nagkamali sa lines ko. I was really embarrassed 'coz I only have a few scenes in the whole movie pero ako pa 'yong ilang beses na pumalpak. Good thing is that they're patient towards me, even the director."

"Well, they understand naman kasi. Baguhan ka pa kaya ganoon. I'm pretty sure na kahit pumalpak ka sa lines ay magaling ka naman sa pag-arte. Who knows, maybe you will be on the same level as Piolo Pascual." Nagbibiro kong sabi na ikinatawa niya.

"I don't think I can surpass him, Elle. He's a top-notch actor and he's kinda known for giving good kissing scenes." Natatawa pa niyang sinabi.

"Oh? So, does that mean that the so-called Hot Model of the Gods is not a good kisser?" Tukso ko sa kanya gamit ang bansag sa kanya ng mga fans niya na ikinatawa niya naman lalo.

"You wanna try? Then you'll be the judge with my kissing skills." Tukso naman niya pabalik sa 'kin sabay taas ng kilay ng paulit-ulit. "I mean, kapag sinagot mo na 'ko." Dagdag pa niya na siyang ikinangisi ko.

"Aabangan ko 'yan kung ganoon." Malokong tugon ko naman sa kanya na siyang ikinangiti niya na abot pa hanggang tenga.

"I'm really sorry, Elle." Paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Xavier sa 'kin kanina pa hanggang sa nakarating na nga kami sa tapat ng shop ko.

"Ano ka ba! I told you its really fine, Xave! Alam kong gusto mo 'kong ihatid but work is calling so I completely understand. At isa pa out of the way din 'yong condo ko." Sabi ko naman sa kanya.

Nakokonsensya talaga siya dahil hindi niya 'ko mahatid ngayong gabi sa condo and we're supposed to go somewhere else before going home. Pinangako niya sa 'kin 'yon but noong patapos na kami sa pagkain ay biglang tumawag ang handler niya. May biglaan pala siyang photoshoot sa Singapore sa isang brand kung saan naka kontrata siya. His first photoshoot is scheduled tomorrow morning. Kaya ayon at nasira ang pinlano niya. Kailangan na niyang umuwi sa kanila para mag-empake dahil four days 'yong gaganaping pictorial.

"But still.. We were supposed to go to my favorite hang-out place after dinner. I even promised I would take you there but then this happened." Nalulungkot pa ding sabi niya.

"Marami pa namang mga araw, Xave. C'mon, cheer up. I still had a great time, I promise." Malambing kong sinabi na siyang nagpapanatag na sa kanya.

"I'll make it up to you on Saturday when I get home. I'm really sorry, Elle."

"I know you'll do, ikaw pa. Anyway, you should go now. You have to rest too." Sabi ko sabay kalas na ng seatbelt.

"Alright. Thanks for being with me tonight, Elle. I'm gonna miss you." Masuyong sabi niya at malungkot pang ngumiti.

Napahagikhik pa 'ko bago ako tumingkayad para bigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi. He was really surprised with what I did na napahawak pa talaga siya sa mga lips niya. Natatawa tuloy ako habang bumaba na ng sasakyan niya.

"Take care, Xave. See you on Saturday." Pamamaalam ko bago ko sinarado ang pintuan ng sasakyan niya.

"Elle! You're so unfair, Elle! I need one more!" Pasigaw na sabi niya na bakas ang matinding kasiyahan noong binuksan niya ang bintana.

"Good night, Xave! Bye!" Natatawang sabi ko na lang bago tumalikod at kinaway-kaway ang kamay.

"I love you! See you on sat!" Narinig kong huling sinabi niya bago ako natatawang pumasok na sa loob ng sasakyan ko.

Hindi ko pa agad binuksan ang makina ng sasakyan ko dahil narinig ko ang message alert tone ng phone ko. Nangingiti pa 'ko ng makita 'kong galing kay Xavier 'yong text.

Ang daya ko daw! My gosh! Pero may pa goodnight, ingat sa pagdrive and kiss pa ang loko with matching heart emoji. I only replied with a heart and pinapaalalang huwag gumamit ng phone habang nagdadrive.

I feel so happy tonight, promise! Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag masaya ka. I'm glad nakalimutan ko na din 'yong nangyari kanina sa office.

Well, anyway. For sure, hindi na babalik 'yong taong 'yon dito. 'Yung tanging sinabi ko sa kanya ay isang indikasyon na ayaw ko na nga siyang makita. I do hope he get the message, total matalino naman siya.

Pero noong pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko at ang headlights ay muntik na 'kong mapasigaw sa nakita!

Because there, just in front of my car is Luis. He's standing still while looking straight at me through my windshield! Galit na galit ang itsura niya! Nakaramdam talaga ako ng sobrang takot at kaba sa ekspresyon niya! He looks at me as if I've just made a grave sin and should be punished! Pero kilalang-kilala ko siya at alam kong hindi siya bayolenteng tao. He would never hurt me physically.

Mabilis ding nag-iba ang ekspresyon niya at naging malungkot at mapagkumbaba na 'yon. He started to walk towards me at hindi ko naiwasang makaramdam ulit ng kakaibang takot. This time ay takot na 'yon sa sarili ko. Alam kong bibigay na naman ako at sa isang iglap ay mawasak ang binuo ko sa sarili ko sa loob ng apat na buwan.

Nataranta tuloy ako at mabilis na pinaatras ang sasakyan ko. I didn't take a second a glance on his direction at basta na lang pinaharurot ang sasakyan ko paalis ng lugar na 'yon at palayo sa kanya.