Chapter 15 - C15

Kasalukuyan na kaming nasa byahe ni Dom pauwi. Its already 10 in the evening dahil naghapunan pa kami sa malapit na kainan doon. Sinulit talaga namin ang Paoay dahil pagkatapos namin mag ATV adventure ay pumunta pa kami sa lake national park at San Agustin church.

I really had a great time kaso nasisira lang ng slight dahil sa makulit na Luis. Ang gusto ni koya ay i-update siya every 30 minutes, like what the fudge lang! Mas sobra pa yata sa pag a-update ko sa kanya noong nasa Manila ako. Nahiya na nga ako kay Dom dahil nababaling ang atensyon ko sa phone ko. Kaya nga noong nasa lake na kami ng Paoay ay naglast text na 'ko sa kanya at sinabing malolobat na 'ko sabay sa pagpatay ko ng phone ko.

Bahala siyang magalit!

"Mag-ingat ka bukas, ha? Thank you for today, sobrang nag-enjoy ako." Nakangiti kong sinabi kay Dom noong tinigil na niya ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

"Me, too. At ako ang dapat na magpasalamat. May babaunin ako pagbalik ko sa trabaho." Nakangiti niyang sinabi at bigla naman siyang napabuntong-hininga.

"Huwag ka ng malungkot. Mabilis lang naman 'yong mga araw."

"You're right and I hope papayagan mo na 'kong manligaw pagbalik ko."

"We'll see.." Nakangiti kong sinabi.

"I'll text, call and DM you whenever I have the chance, Ella. I hope you won't ignore me." Sabi niya sabay tawa na may himig ng nahihiya.

Nawala na kanina ang hiya niya sa 'kin eh kaya nga nasiyahan talaga ako sa pag gala. Parang na at ease na kasi siya pero sadyang mahiyain talaga siyang tao kaya lumalabas pa din talaga.

"Of course! Ano ka ba? And I hope by the time you come back ay mawala na nga 'yang pagiging mahiyain mo. I already consider you as a great friend, Dom, kaya dapat masanay ka na sa presensiya ko. Feeling ko tuloy ako si Catriona Gray para mahiya kang makikipag-usap sa 'kin." Biro ko pa sa kanya.

"I don't want you to be just a friend though, Ella... A-Alam mo 'yan." Nahihiya namang sinabi niya pero nakatingin ng seryoso sa 'kin.

I don't know how to respond on his statement kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Uhmm.. I should go, now. Para makapagpahinga ka na din." Sabi ko habang kinakalas na ang seatbelt.

"Sige, alam kong pagod ka din. Teka. Ako na magbubukas ng pinto." Pagprisinta niya pa na siyang ikinangiti ko lalo.

Gentleman talaga. Inalalayan pa nga ako sa pagbaba ng sasakyan. My gosh, Mr. Cutie!

"I'll really miss you, Ella." Madamdamin niyang sinabi habang masuyong nakatingin sa 'kin.

"Me, too." Tugon ko. "Keep in touch pa din, ha? Mag-ingat ka doon."

"I will.. para sa 'yo." Nahihiyang pakilig niya na nagpahagikhik lang sa 'kin pero bigla na lang akong nagseryoso ng makitang parang nag-aalinlangan siya.

"What's wrong?"

"Uhmm.. E-Ella. Hindi ko alam kong pwede p-pero.. can I hug you?"

"Of course, Dom!" Sagot ko at ako pa mismo ang yumakap sa kanya at ramdam ko din ang pagtugon niya sa yakap ko.

Nakaramdam ako ng kunting kalungkutan habang yakap ko siya. Not just because I will miss him like what I said, but because I realized na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong maibigay sa kanya. Na gusto ko nga siya but not in a romantic way but bilang isang kaibigan lamang.

But who knows right?

Baka ganito lang 'to sa ngayon ang nararamdaman ko dahil may mahal pa nga akong iba. Nakakulong pa yata ako dahil sa pag-ibig na 'yon kaya hindi ko pa magawang magkagusto ng tuluyan sa iba.

"Thank you, Ella." Sabi niya sa 'kin pagkatapos naming magyakapan.

"Thank you din, Dom. Oh, siya. You should go now. Baka gabihin ka pa lalo." I uttered na sinang-ayunan naman niya.

Nakangiti at nakasunod pa din ang mga mata ko sa sasakyan ni Dom pero nakaramdam ako ng matinding kaba ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan na nailawan ng sasakyan ni Dom. Nakatigil 'yon three houses away from ours. Malayo kaya hindi ko napansin kanina.

Nakita niya kaya ang pagyakapan namin ni Dom kanina?

Noong hindi na tanaw ang sasakyan ni Dom ay doon lang din umandar ang ilaw ng kotse ni Luis at umabante 'yon palapit sa bahay namin. Hindi tuloy ako mapakali sa kinatatayuan ko. I don't know why I'm feeling fidgety, eh wala namang masama kung nakipagyakapan ako sa iba 'di ba?

Kinontrol ko talaga ang kaba ko at agad na pinaskil ang masayahin kong ngiti noong tumigil na ang sasakyan ni Luis sa harap ko. Hindi siya lumabas at ni hindi niya binaba ang bintana niya. Basta na lang niya tinigil 'yon sa harap ko.

"Lu?" Tawag ko sa kanya sabay katok sa bintana niya.

Hindi pa din niya binaba 'yong bintana pero narinig ko na lang na bumukas ang pintuan sa passenger side. Is Marilou with him? Lalabas si Marilou? Huh? Pero wala, basta lang nakabukas 'yon.

Hala? Ano 'tong drama ni Luis?

Kahit naguguluhan ako ay umikot pa din ako para pumunta sa passenger side. Si Lu nga ang nasa loob at nag-iisa naman. Kagaya kagabi ay nakawhite coat pa din siya kaya paniguradong tumakas na naman siya sa trabaho. Ang ipinagtataka ko ay hindi man lang siya sumulyap sa direksyon ko at nanatiling diretso lang ang tingin sa harap.

"Lu?" Sabi ko sabay kaway pa.

"Get in." Simpleng sinabi niya.

"Huh? Are we going somewhere? Kaso pagod na 'ko, Lu." Reklamo ko pa pero hindi man lang siya tumingin sa 'kin at nanatili sa pwesto niya.

Kung hindi ko lang matagal na kakilala si Luis ay paniguradong matatakot na 'ko sa inaasta niya ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil ilang minuto na ang nakalipas ay hindi man lang siya umimik ni gumalaw sa pwesto niya.

Sumakay na lang ako at noong sinarhan ko na ang pinto ay agad na niyang pinasibad 'yon.

Nangunot tuloy ang noo ko. "Where are we going? May duty ka pa, 'di ba?"

Wala pa ding tugon sa kanya. Ang tunog ng sasakyan lang niya ang tanging naririnig ko.

"Lu? Ano? Bingi ka na ba? Pipi na din? Salita-salita din!" Inis ko ng turan.

"Tss."

"Wow! 'Yon lang talaga ang alam mong tugon ah. Alien ka na? Bagong language?"

"Just keep quiet, Eya." Mariing sabi niya.

"Eh saan nga tayo pupunta? Pagod kaya ako."

"Sleep then! I'll wake you up when we get there!"

"Bakit? Malayo ba 'yong pupuntahan natin? Sa overlooking? If doon then matutulog nga muna ako." Sabi ko at inayos na nga ang upuan para makahiga na.

Hindi naman dapat ako matutulog pero naiinis kasi ako kay Lu. Pero dahil pagod nga ako sa paggala kanina ay tuluyan na nga akong nakatulog. Naalimpungatan na lang ako ng makarinig ako ng parang ingay na galing sa mga lata.

"Uhmm.. Anong oras na, Lu? Saan na-" Pagtatanong ko sana habang papungas-pungas pa ako pero nabigla ako ng makita kong umiinum siya.

May hawak siyang isang canned beer tapos pagtingin ko sa baba ay may nakakalat ng tatlong lata doon na paniguradong wala ng laman!

"Why are you drinking?!!" Napatiling sabi ko sa kanya pero pasuplado lang siyang napasulyap sa 'kin bago tinungga ang hawak niya.

Nagkakahumahog tuloy akong pigilan siya sa pag-inum pero noong nabawi ko na ang beer ay wala ng laman 'yon.

"Luis!!" Bulalas ko sa kanya ng makitang kumuha ulit siya ng isa pa sa loob ng plastic na nasa paanan niya. "What the hell? What's your problem, Lu? Nag-away ba kayo ni Marilou?" Nag-aalalang sabi ko habang tinitingnan na lang siyang pilit na binubuksan ang beer pero hindi niya magawa.

Paniguradong natamaan na ang loko!

Hindi siya sumagot sa tanong ko pero narinig ko siyang nagmura ng hindi niya talaga mabuksan ang beer na hawak niya.

"Stop drinking! Ano ka ba!" Natataranta kong sabi.

Nagpalinga-linga ako at nagulat ng makitang nasa parang bridge kami! Pero mas nagulantang ako ng makita ang oras sa dashboard! Its past one in the morning!

"Where the hell are we, Lu?!" Sobrang galit ko ng tanong sa kanya. "And why are you drinking! Anong problema mo? Sagutin mo ako, please!" Parang nagmamakaawa ko ng sabi sa kanya dahil tuluyan na niyang nabuksan ang beer at agad na tinungga 'yon.

Naiiyak na 'ko at marami ng pumapasok sa isip ko dahil pinagtagpo ko 'yong mga actuations niya. He's not talking, he's drinking, and we're parked near a bridge! Gusto bang magpakamatay ni Lu?

"Luis Madrigal!!! Ano ba?!!" Sabi ko at binawi na ulit ang beer na hawak niya.

Laking pasalamat ko at nabawi ko nga 'yon at doon lang din siya napabaling ng diretso sa direksyon ko.

"Luis naman. You know you can always talk to me, 'di ba? Ano pa't naging magkaibigan tayo. Hindi solusyon ang pagpapakamatay." Maemosyong sabi ko sa kanya at napahikbi na habang nangilid na talaga ang luha ko.

Inangat naman niya ang kamay at pinahiran 'yong luhang bumagsak sa pisngi ko.

"H-Hush, Eya. Hindi.. ako magpapa.. kamatay." Pabulol na sabi niya habang nanatili ang kamay niya sa pisngi ko't hinahaplos 'yon.

He's really drunk! My gosh!

"Then why are you drinking, Lu? And where are we? May problema ka ba? Nag-away kayo ni Marilou?"

"No.. I'm hurting.."

"Huh? Bakit?"

"Bas-Basta.. Nasasaktan ako.."

"Huh? Ba't ka nasasaktan, Lu? Ano bang nangyari?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hug me, E-Eya." Tanging nasabi niya at kahit hindi pa ko umu-o ay hinila na niya ako para yakapin.

Napayakap din ako sa kanya at hinigpitan ko din 'yon. Naaawa ako sa kaibigan ko. Alam kong may problema nga siya. Dalawang bagay lang 'yan eh. Either its Marilou or 'yong trabaho niya.

Alangan namang ako, 'di ba? Eh hindi naman kami nag-away. And I would never hurt him this much, kaya bakit siya masasaktan dahil sa 'kin?

Ramdam ko na ang pagbigat ng katawan ni Lu habang magkayakap kami kaya paniguradong nakatulog na nga siya. My gosh! Paano kami makakauwi nito eh hindi ko nga alam kung nasaan kami!

"Lu.." Tawag ko sa kanya sabay tapik sa likod niya ng paulit-ulit ngunit ungol lang ang naging tugon niya.

"Luis.." I called out again pero ungol pa din.

Pinilit ko na lang kalasin ang pagkakayakap niya sa 'kin at noong nagtagumpay ako ay pinwesto ko muna siya ng maayos sa upuan niya. Tulog na tulog siya. I then grabbed my phone from my bag. May mga text messages si Dom sa 'kin pero hindi ko na muna pinansin 'yon. I need to know where we are exactly first!

My gosh naman!

Noong nalaman ko na ang location namin ay napamura na lang ako! Damn it! Bandang pagudpud na pala kami! Sa gitna pa ng Patapat viaduct!

What the hell, Luis!

Inis tuloy akong napatingin sa kanya dahil sa nalaman pero bigla ding nag-iba 'yon ng maalalang may problema nga pala 'tong kaibigan ko.

Hay, life!

Lumabas na 'ko sa sasakyan para linisin muna ang mga kalat niya sa sahig. Hirap na at baka may madaanan pa kaming mga pulis na nagroronda dito. Noong natapos ako ay si Luis the great na ang pinagbalingan ko.

"Luis! Wake up! Lipat ka muna!" Pag gising ko sa kanya habang mahinang niyuyugyog ang balikat niya pero walang effect! Tulog na tulog talaga ang mokong!

Wala na talaga akong choice kaya hinila ko na lang talaga siya para mailipat ko nga ng pwesto at ako na ang magdadrive pauwi. Halos mabali ang mga buto ko!

Noong nagdadrive na 'ko ay hindi ko alam kung saan ko siya ihahatid. Kina Marilou ba o sa bahay niya. Hindi naman kasi pwede sa bahay ko, not because bawal siya doon ah but because ayaw niyang matulog doon. Ever! Ilang beses na niyang pinaalala sa 'kin 'yon lalo na kapag lasing siya. Ni ayaw niya ngang pumasok doon unless na kailangan na kailangan talaga. Kaya ekis sa options ang bahay namin!

Kaso naisip ko na kapag kina Marilou ay baka mag-away pa lalo sila. Malakas kasi talaga ang kutob ko na nagkaproblema nga sila ni Marilou kaya nagkaganito 'tong lokong 'to.

So, the best decision is sa bahay nga niya.

Its almost four in the morning noong nakarating kami sa bahay niya. I immediately turned off his car's engine and took off his car keys kung saan nakaattach din ang susi ng bahay niya bago lumabas ng sasakyan.

Noong naayos ko ng naipark ang kotse niya sa garahe ay napangiwi na naman ako. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko habang tinititigan pa lang siya. Hindi ko siya kayang buhatin! He's 5'10 at 5'6 lang ako! Tapos malaki pa ang katawan niya habang patpatin naman ako!

"Luis! Wake up!" Sabi ko at ngayon ay marahas ko na siyang niyuyugyog sa balikat para magising na talaga.

"Uhmmm.." Ungol pa ng loko!

"Gising na! I can't carry you, Lu! Maawa ka naman!" Paghihinagpis ko pa.

Halos mapatalon ako sa tuwa ng dahan-dahan siyang dumilat pero halata pa din talaga ang kalasingan niya.

"Bangon na-" Pag-gising ko pa sana ulit sa kanya pero natigil lang ng bigla niyang hinawakan at hinila ang dalawang braso kong nakahawak sa mga balikat niya.

Napatili talaga ako ng bumagsak ako sa taas niya pero agad ding naputol 'yon ng sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko.