Chapter 14 - C14

"Salamat, Ella." Nakangiting sabi ni Dominic habang naglalakad na kami papasok sa isang Japanese resto.

"Huh? Thank you saan?"

"Sa pagpayag na mag dinner tayo." Nahihiyang sagot niya na siyang ikinangiti ko.

Ang cute lang talaga ng lalaking 'to kapag nahihiya eh. Tapos 'yong mannerism niya pa talaga plus his dimple too. My gosh!

"Ano ka ba! Ako nga ang dapat na magthank you. Kasi libre 'yong dinner ko tonight." Malokong sabi ko na siyang ikinahalakhak niya. "That's more like it! Huwag ka ng mahiya sa 'kin, Dom. But you're cuter when you're shy, though." Tukso ko pa sa kanya na siyang dahilan kaya namula ang buong mukha niya.

Nahiya na naman!

"Good evening po." Salubong sa 'min ng waitress pagkapasok namin sa pintuan ng resto.

"Good evening! May reservation ako for two. Dominic Chavez po." Magalang na sabi ni Mr. Cutie.

Prepared ah!

"Ah! Yes, sir! This way po."

"Let's go?" Yaya sa 'kin ni Dominic na agad 'kong tinanguan.

Napahawak pa siya sa siko ko habang magkaagapay kaming pumasok sa loob. Inalalayan talaga ako. Chivalry isn't dead like what they say!

Napa-wow talaga ako sa isip ko habang nakatingin sa loob ng resto. Its like I'm in a real resto in Japan. Traditional Japanese ang concept ng resto. Ang mga interiors niyon ay halatang gawa sa primerang klase ng materials at pinagisipan talaga ng maayos ng may-ari, na sa pagkakarinig ko is a full-blooded Japanese.

Kakabukas lang niyon two months ago and its my first time to dine here. Hindi naman kasi ako mahilig magresto talaga. I would rather eat at home. Minsan lang din naman kami kumakain sa labas ng family ko dahil busy nga ang lahat.

Pero meron kaming paboritong kainan ni Lu. Doon lang talaga ako napapakain sa resto kapag nag-aaya siyang kumain. That one resto where he formally introduced Marilou to me.

Naalala ko na naman tuloy ang loko na 'yon. Nagalit sa 'kin kanina eh noong sinabi kong pumayag akong magdinner kami ni Dom. Eh kaso nahihiya na kasi ako. Twice na siya nag-aya kaya pinagbigyan ko na talaga ngayon. And gusto ko din naman lumabas at noong sinabi ni Dom na dito niya ko dadalhin sa bagong bukas na resto ay napa-oo talaga ako.

Para bagong environment naman ba! Bagong kadine-in partner din. Ganern!

Hindi nga ako tinantanan ni Luis kanina na kahit nasa duty siya ay tawag pa din ng tawag. Pinatay ko na lang tuloy ang phone ko pagkatapos ko siyang itext at sabihan na aalis na 'ko dahil dumating na si Dom sa bahay para sunduin ako.

I don't know bakit ganoon pa din ang mga ways niya. Like we already talked about this two nights ago noong sinundan niya kami sa beach house. Tss. Pero naintindihan ko din naman. Hindi naman kasi talaga madaling baguhin ang nakaugalian ng gawin. Pero sabi ko nga, everything should be different now. Kaya bahala siya sa buhay niya.

"Ang dami naman ng inorder mo, Dom!" Mangha kong sinabi habang nakatitig sa mga nakahain sa mesa namin.

I only ordered tonkotsu ramen pero dinagdagan niya pa 'yon ng sashimi, tempura, assorted sushi, at wagyu steak. Tapos may dessert pang matcha parfait at mochi na iseserve mamaya! My gosh!

Hindi pa naman ako kumakain ng madami, lalo na pag gabi but natatakam talaga ako ngayon sa nakikita ko. Babawi na lang ako bukas!

"N-Nagpapaimpress kasi ako." Nahihiya niya pang sabi na siyang ikinahagikhik ko.

Nagpapaimpress nga talaga because most of his ordered dishes are expensive, especially the wagyu steak!

"Let's dig in, then!" Natatawa 'kong sinabi at agad ko na ngang nilantakan ang pagkain ko.

"I'm really happy tonight, Ella." Sabi niya habang kumakain na kami ng desserts.

Busog na busog ako kaya nga dinahan-dahan ko na lang ang sa panghimagas.

"Me, too." Tugon ko naman sa kanya na siyang ikinangiti niya pero bigla siyang nalungkot.

"What's wrong?"

"Actually, I received a call from my company this morning. Pinapareport na 'ko sa office this week.. Biglaan lang.."

"Oh? Babalik ka na sa work?" Nakaramdam din ako tuloy ng lungkot sa nalaman.

Ano ba naman 'yan. Kakastart ko pa nga lang makipagdate sa iba tapos... hay. Kahit friendly dinner date lang 'to like what he said, for me ay binibigyan ko na siya ng chance at binibigyan ko na din ng chance pati ang sarili ko.

"Kaya nga niyaya kitang magdinner today. I was hoping we could go out tomorrow, too. Sa susunod na araw na kasi ako luluwas.."

"Sure! Saan tayo tomorrow?" Nagalak ko ng sinabi.

"Payag ka?" Naeexcite ng tanong niya at tumango naman ako bilang tugon.

Natawa nga lang ako ng muntik na siyang mapahiyaw dahil sa pagpayag ko pero bigla din naman niyang napigilan 'yon  at napatingin pa sa paligid.

Napakamahiyain talaga ni Mr. Cutie!

"Thank you!" Sabi pa niya bago ngumiti. "Uhmm.. sa Paoay sana? Paoay sand dunes? Nakapunta ka na doon?"

"Oh! I've never been there!" Naeexcite ko ng sinabi.

Totoo naman kasi! Hindi pa talaga ako nakapunta doon kahit nandito lang 'yon sa lugar namin! Sobrang busy naman kasi ng buhay ko kaya hindi talaga ako nakagala! Studies plus Luis equals busy. My gosh!

"Really? So, b-bukas? I already made the reservations beforehand! I was really hoping you would say yes, and I'm glad you did! I'll fetch you tomorrow morning tapos uuwi din tayo sa hapon!" Naeexcite na talagang sabi niya.

Napangiti na lang ako sa kanya. "Tayong dalawa lang ba?"

"Ah. Oo eh. Uhmm.. but if you want to bring someone with you then-"

"Hindi na! Natanong ko lang kasi baka kasama mo parents mo or your friends. Akala ko kasi baka despedida mo. And mahiyain naman kasi ako kahit papaano."

"Ah. Hindi. But I can bring my parents and lola. P-Papakilala kita."

"Huh? Ah.. eh.." Hindi ko alam kong ano talaga ang sasabihin ko sa sinabi niya.

Napansin niya yata ang pagiging balisa ko kaya napakamot siya sa batok. "I-I'm sorry. Am I too fast? Sorry. Naeexcite lang kasi ako. I'll be gone for nine months or baka mag extend pa for a year. So..."

"No. I understand. Kaso huwag na muna siguro 'yong pagpapakilala, Dom. But we'll see pag-uwi mo." Sabi ko na alam kong parang tunog na binibigyan ko siya ng pag-asa.

Alam kong parang mali 'to. Parang biglaan tong ginagawa at sinasabi ko. Kaso, nagugustuhan ko talaga si Dominic. But katulad nga ng sinabi ni Luis, hindi ko pa talaga siya gaanong kilala. Tapos aalis pa siya. Kung papayag pa 'kong ipakilala niya 'ko sa family niya ay iba na ang magiging kahulugan niyon 'di ba? Mas better na lagyan muna ng barricade 'yong part na 'yon.

Lalo na't hindi pa naman ako nakamove on sa pagibig ko kay Luis.

"Alright! Naiintindihan ko din, Ella. If I could just reject my company, gagawin ko talaga. Kaso sayang din kasi." Nanghihinayang na sabi niya.

Magkakapitan na kasi siya kaya need niya ng maraming experience and mga recommendations din.

"Basta bukas tuloy tayo, ha?" Dagdag pa niya.

"Yeah." Nakangiting sagot ko na nagpalawak din ng ngiti niya.

Its already past nine in the evening noong hinatid niya 'ko sa bahay. I really had a great time with him. Parang napakarefreshing na feeling. Basta.

Excited na 'ko bukas! Naghahanap na nga ako ng isusuot ko bukas kahit hindi pa 'ko nakaligo at nakapagbihis. Sasakay daw kami ng ATV bukas sabi ni Dom, so I should wear something appropriate. I grabbed my denim overalls from my closet. Never ko pang naisusuot 'yon. Eto na lang siguro at partneran ko din 'yon ng white blouse.

I was still checking on the clothes in front of my mirror ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Mikaella?" Si yaya Belen.

"Po?" Sagot ko naman bago tumungo sa pinto para pagbuksan si yaya.

Napatitig si yaya sa hawak kong damit bago siya ngumiti. "Ang saya ng alaga ko ah. May lakad ka pa ba ngayon?"

"Wala, yaya." Nakangiti ko namang sagot.

"Ah. Akala ko may lakad ka pa. Sasabihan ko sana si Luis kung sakali. Nasa sala siya."

"Huh? Why is he here? May trabaho siya ah!" Nagulat kong sabi pero agad namang nilapag ang mga damit na hawak ko.

"Kaya pala nakasuot pa siya ng white coat." Sabi ni yaya habang pababa na kami ng hagdanan.

Nandoon nga si Luis sa baba at nakasuot pa nga ng white coat. He was standing near our main door at blankong nakatingin sa kawalan pero noong napansin na niya ang presensiya ko ay naglakad na din siya palapit sa 'kin.

Habang papalapit na kami sa isa't-isa ay naramdaman ko na naman ang paghuhuremantado ng puso ko. Ewan ba't naging tanga na naman 'to. Akala ko nga'y nakarecover na 'to ah. Pero iba kasi ang dating ni Luis ngayon. Parang may something akong nararamdaman sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya.

"Why are you here, Lu? May duty ka pa, 'di ba?" Tanong ko sa kanya noong magkaharap na kami.

"I... I was worried." Sabi niya habang matamang nakatitig sa 'kin. "Kakauwi mo lang ba?"

"Obviously!" Sabi ko pang nakatawa.

"That.. That's good then. I just came to check on you. I'm glad you're home. Uhmm.. Babalik na 'ko sa hospital." Seryosong sinabi niya.

"Alright. Hatid na kita sa labas. Pumuslit ka lang ba? Baka mamaya niyan sasabihan kang naging bulakbol ka na, Doc." Nakangiti kong sinabi at naglakad na nga kami papunta sa sasakyan niya.

Narinig ko ang matamlay niyang pagtawa sa sinabi ko pagkatapos ay tahimik lang siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya bago niya binuksan ang bintana niyon.

"Did.. did you have a great time with him?" Parang nag-aalinlangang tanong niya.

"Yeah." Simple kong sinabi at nakita kong napatango naman siya habang nakaiwas ang tingin. "At bukas may lakad din kami." Dagdag ko pa na siyang nagpabaling ng tingin niya sa 'kin.

"S-Saan?"

"Paoay? Parang despidida na niya kasi. Babalik na siya sa barko sa makawala."

"Ah." Kita ko ang pagsigla ng mukha niya sa sinabi ko pero bigla namang nag-iba 'yon pagkatapos. "K-Kayo lang ba ulit dalawa?"

"Yeah. Hindi na muna ako pumayag na ipakilala sa parents niya, maybe pag-uwi na lang niya ulit." Pagbibigay ko ng impormasyon sa kanya.

I don't why I'm telling him everything, but there's something inside me that's telling me to keep on going. Na para bang may kailangan akong i-check, like his reactions to my words or something.

Nakita ko ang paglunok niya sa sinabi ko pero napatango naman pagkatapos. Hindi na rin umimik ng ilang sandali habang nakatitig lang sa manibela.

"You should go na, Lu. Baka hinahanap ka na doon." Nasabi ko na lang dahil nanatili talaga siyang tahimik.

"B-Balak mo ba siyang sagutin?" Bigla niyang natanong na nagpahagikhik sa 'kin kaya napabaling na naman siya sa 'kin at naging galit na ang ekspresyon niya.

"Why are you giggling?" Maangas na sinabi niya.

Eto yata ang inaabangan ko ah.

'Yong galit niya.

Kasi sa pagkakaalala ko kanina ay galit siya dahil lalabas nga ako kasama si Dom tapos ngayon parang nag bait-baitan. Wala lang. Nasiyahan lang ako dahil nasisiguro kong siya pa din si Luis na striktong kaibigan ko.

He's trying to control his anger na, ha! That's good though pero hindi niya pa din talaga mapigilang maging istrikto ng tuluyan.

"Wala lang, Lu. Sige na. You should go now. Mag-ingat ka sa pagdrive!" Sabi ko at kumaway pa.

"You haven't answered my question yet, Eya! Sasagutin mo ba siya?"

"He's not even courting me yet, Lu. Kaya paano ko siya sasagutin?" Natatawa ko pa ding sabi sa kanya.

"Tss! Then, why did you go out with him? Tapos bukas sasama ka din sa kanya! You might give him mixed signals, Eya!"

"Its a friendly date, Lu, kagaya ng sa 'tin kapag lalabas tayo." Sabi ko na siyang ikinaismid ng kaloob-looban ko. "I'm not giving him mixed signals, too. Una pa lang ay nasabi ko na sa kanya na friendship lang muna ang ma-ooffer ko. But titingnan nga namin pag-uwi niya. 'Yon lang kaya huwag ka ng mamroblema diyan. Just go! Baka pagalitan ka na niyan mamaya! Sige ka!"

"Tss! Text me the whole day tomorrow! Kung ayaw mong puntahan ko kayo doon sa Paoay at sirain ang so-called friendly date niyo!" Huling mga sinabi niya bago niya pinaharurot ang sasakyan niya paalis.

Parang tangang napangiti pa ako sa banta niya.

Hay.

Puso kong 'to talaga.

Kagaya ng strict mode ni Luis ay hindi ko pa din talaga mapigilan ang pagtibok nito sa lalaking 'yon. Hay. Nawala nga din sa sistema ko 'yong naisip kong bibigyan ng chance na si Dom at pati 'yong sarili ko.

Sige na lang.

Malapit na lang naman at babalik na ako ulit sa Manila. Hayaan ko na lang talaga muna ang sarili kong maging tanga ulit sa one-sided love na 'to. Basta pangako, pagkabalik ko sa Manila ay titigil na talaga ako.