Chapter 12 - C12

Natapos ang gabing 'yon na sobrang proud ako sa sarili ko. I've managed to stop myself from doing the things na nakagawi-an ko ng gawin noong wala pang girlfriend si Luis. Like taking care of him when he's drunk.

I also remembered that his presence didn't even bother me when I was talking to Dominic that night, kahit nasa harap ko lang siya. Kaya nga hindi ko na napansin na nalasing na pala siya. I feel like I'm already taking a step forward on my moving-on plan from this unrequited love that I have for him and that's an achievement for me.

Pero oo, aaminin ko. Nahirapan din akong tumalikod noong dumating na si Marilou para alagaan siya. Habang halos lumulupaypay na siya sa upuan dahil sa sobrang kalasingan pagkabalik namin. Lalo na ng tinawag niya ang pangalan ko ng dalawang beses bago niya napansin ang presensiya ni Marilou sa harap niya. And eventually, ay ang pangalan na ni Marilou ang tinawag niya na siyang dapat naman talaga dahil siya nga ang girlfriend.

May kirot pa din kahit paano. But I can say that the pain is managaeable na.

I know I can do this! I can definitely move on from this for the sake of saving and keeping our long-time friendship. I just have to continue what I did that night and for sure ay magtatagumpay din ako sa plano kong pagmomove-on.

The next morning I was greeted by a text message from Dominic, the cutie. Nagexchange numbers na kami kagabi. Nagyayayang lumabas si cutie. Friendly dinner date daw mamaya. Napangiti tuloy ako habang nagrereply sa kanya.

I declined his offer for today dahil mas gusto ko munang magpahinga sa bahay ngayong umaga. Its been five months ba naman at namimiss ko na din itong bahay at sina yaya Belen. Makipagbonding muna ako sa kanila. Pinlano ko na 'yan noong nakaraan pa na yayain silang magdinner sa dalampasigan mamaya sa beach house na ginagawa pa.

I was about to head downstairs noong narinig ko ang ringtone ng phone ko. I thought it was Dominic calling dahil hindi pa ako nakapagreply ulit sa text niya pero si Luis pala.

Nagdadalwang-isip talaga ako kung sasagutin ko 'yon. And in the end ay sinilent ko na lang 'yon at hindi na sinagot ang tawag niya. May gusto kasi akong subukan. Gusto ko lang naman itry sa sarili ko kung kaya ko bang hindi siya kausapin kahit isang araw man lang.

We'll see if I could make it dahil ngayong pababa na ako sa hagdanan ay parang gusto ko ng bumalik sa kwarto para ako na mismo ang tatawag sa kanya. Damn! Mabuti na lang at tinawag ako ni yaya Belen.

"Yaya! Good morning." Bati ko sabay yakap sa kanya.

"Ku! Itong magandang alaga ko talaga. Halika na sa kusina at nagluto ako ng paborito mong ulam." Aniya na nakangiti habang hinahaplos ang buhok ko.

"Nilagang baka po?" Sabi ko na naeexcite na.

Its one of my favorite food na nagiging paborito ko lang kapag si yaya ang nagluto niyon.

"Oo. Halika na't kumain. Malapit na magtanghalian, oh." Sabi niya habang ginigiya na ako sa dining area.

"Yaya, punta tayo sa beach house mamaya ah. Tayong lahat. Magdinner tayo doon. Mag grill tayo tsaka ikaw na magdagdag ng kung ano pang gusto niyo." Sabi ko habang ngumunguya sabay abot ng sobre na may lamang pera sa kanya para pambili ng mga kakailanganin namin mamaya.

"Eh walang maiiwan dito, Mikaella? Baka magalit ang daddy mo."

"Nope! Nagpaalam na po ako noong nakaraan pa. Tsaka namimiss ko kayong lahat eh. Lalo ka na po at itong nilagang baka na luto mo." Naglalambing ko pang sabi sa kanya na siyang ikinangiti niya. "Magrenta na din po tayo ng mga mesa at videoke. Tsaka inumin para kina kuya Victor." Tukoy ko sa guard namin.

"Aba'y party pala ang magaganap mamaya. Siguradong matutuwa ang mga 'yon."

"Pwede ko bang isama ang mga anak ko, Mikaella?" Tanong ni Lesly na pamilyado na.

"Of course, ate! Kahit 'yong asawa mo pwedeng-pwede!" Sagot ko na ikinatuwa ng lahat.

"Pwedeng magswimming doon, ate?" Naeexcite na sabi naman ni Kyla na isa sa mga dalagang kasambahay namin.

"Oo naman! Mag overnight camping pa tayo kung gusto niyo. Sayang nga eh kasi hindi pa tapos ang bahay."Natutuwa kong sabi pero kinontra ni yaya dahil uuwi daw kami sa bahay pagkatapos ng party.

Napaungol tuloy ang lahat dahil gusto sana nila 'yong sinabi ko pero dahil masusunod si yaya ay wala na silang magagawa.

"Okay na 'yon, ate. Basta ba'y masusuot ko na din sa wakas ang pasalubong mo." Nangingiting sabi naman ni Edna na siyang ikinatawa naming lahat.

Maliban kasi sa mga delicacies na pinasalubong ko sa kanila ay sinamahan ko pa 'yon ng perfume, sandals, at tig-iisang bikini na dinesign ko pero hindi pa namin nailalagay sa market.

"Dapat si yaya Belen magbibikini din mamaya, ha?" Tukso ko pa sa yaya kong 56 years old na.

"Diyosko mahabagin! Huwag na at baka may lalabas na siyokoy!" Natatawang sagot naman ni yaya na siyang ikinatawa ulit naming lahat.

Its already 5 in the afternoon and we're about to head out to our beach house. Nauna na doon 'yong ibang kasambahay, mga hardinero, tatlong guards namin at ang mga asawa't anak nila. Kami na lang nina yaya, kuya Victor at isa pang kasambahay ang naiwan dito. Nagdodouble check pa kasi sila yaya ng mga sockets ng kuryente at locks ng bahay kaya hindi pa kami nakakaalis.

Nakaupo na 'ko sa driver's seat habang inaantay sila yaya matapos. Kanina pa 'ko hindi mapakali at nangangati na ang kamay habang nakasulyap sa phone ko na nakacharge. Umiilaw na naman 'yon kaya alam kong natawag na naman si Luis. Paniguradong 'yong 16 missed calls na nakita ko pagkaakyat ko sa kwarto kaninang tanghali ay dumoble na.

Napabuntong-hininga na lang ako ng matapos ang pag-ilaw niyon. Ilang oras na lang naman eh at matatapos na din 'tong sinusubukan ko.

Napatingin na 'ko kina yaya ng makita kong palabas na sila ng bahay. Pero bigla na lang akong napabaling sa kaliwa ng marinig ko ang malakas na tunog ng isang sasakyan na humaharurot papasok ng gate naming nakabukas na.

Its Lu's car!

Damn! Why is he here?!

Ninenerbyos tuloy akong napalabas ng sasakyan ko ng agresibo siyang lumabas ng sasakyan niya at diretsong nakatingin sa pwesto ko na magkasalubong ang kilay.

He's definitely angry!

"Lu.."

"Why aren't you answering my calls, Eya?! Kahit text wala!" Galit niyang anas. "I've been calling you since this morning! Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo! Nag-alala ako sa pag-iisip na baka hindi ka nakauwi kagabi! Na baka ano na nangyari sa 'yo! Damn it!"

Nag-alala daw? Eh hindi nga siya pumunta dito agad. Maniwala. But whatever, Luis.

"Busy kasi ako. Sorry. May lakad kami nina yaya." Mahinahon kong sinabi sabay kibit balikat sa kanya.

Naiinis kasi ako. Kulang 7 hours na lang kasi at maaachieve ko na dapat ang plano kong hindi magparamdam sa kanya pero wala na, nasira na. Now, I'm back to square one.

"Then, why didn't you-"

"Anong nangyayari dito?" Pagtatanong ni yaya pagkalapit niya na siyang ikinasiya ko.

"Si Luis, yaya, oh! Inaaway ako." Pagsusumbong ko.

"Tss." Tanging nagawa niya bago tumingin kay yaya. "Wala po, Aling Belen." Mahinahon ng sabi niya.

"Umuwi ka na nga, Lu. Aalis na kami. I'll text you later na lang." Pagtataboy ko sa kanya at agad ng pumasok sa sasakyan bago binuksan ang bintana para yayain na sina yaya umalis.

Bago ko maisarado ulit ang bintana ay nakalapit na si Luis na nanatiling galit ang itsura pero bigla'y nagbago 'yon at naging magpakumbaba na.

"Where are you going?" Mahinahon na niyang tanong.

"Basta." Simple kong sagot.

"Ba't hindi mo yayain si Luis, Mikaella?" Sabat ni yaya pagkaupo niya sa passenger seat.

"Huwag na, yaya. He needs to rest. Lasing 'yan kagabi." Sabi ko habang naniningkit ang mga mata kay Luis.

"Sama ako..." Parang nagsusumamong sabi niya.

"Huwag na! Magpahinga ka na lang muna, Lu. May duty ka na din bukas." Pagtanggi ko sa kanya. "We need to go now. Ilalock pa namin ang gate dahil walang tao dito. Kaya umuwi ka na." Pagtataboy ko sa kanya ulit.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa mga sinabi ko. Na parang napakaimposible sa kanya na kaya ko siyang ipagtabuyan. Eh sa naiinis ako eh. Nasulyapan ko pa ang pagdaloy ng lungkot sa mukha niya bago siya tumalikod at pumasok na sa kotse niya.

Noong napausad na niya ang kotse niya ay sumunod na din ako. Hininto ko nga lang 'yong sasakyan ko sa labas ng gate namin para maisarado na ni kuya Victor. Nanatili naman ang mga mata ko sa likod ng sasakyan niya hanggang sa nawala na 'yon sa paningin ko.

Was I too harsh?

"Nag-away ba kayo ni Luis, Mikaella?" Tanong ni yaya noong nasa byahe na kami papunta sa beach house.

"Hindi po." Simple ko lang sinabi at hindi na din ulit nagtanong si yaya.

Hindi na tuloy ako mapakali noong nakarating na kami. Hindi pa ako lumalabas sa sasakyan at nananatiling nakaupo doon habang nakatingin sa phone ko. Naalala ko kasi 'yong nangyari kanina at mukhang napasobra yata ako.

Hindi maalis sa isip ko ang malungkot niyang mukha bago siya tumalikod at umalis.

Hay.

I then decided to grab my phone and was shocked to see that I have 78 missed calls. All are from him! There are 26 text messages too, but 3 of those came from Dominic.

Nakakakonsensya tuloy!

Kaso...

I shrugged off the feeling of guilt that I have. This is my chance now to change my ways with him. Bahala na kung ano ang kalalabasan nito. I'll just text him tomorrow instead, gagawa na lang ako ng paraan para magkaayos kami. At least, di ba? Matatagumpayan ko pa din ang sinusubukan kong gawin ngayong araw and that's not to text nor call him the whole day.

I gave out a heavy sigh before I placed my phone on my car's dashboard at lumabas na ng sasakyan. Iiwan ko na lang 'yon at baka matukso pa 'kong itext o tawagan siya kung dadalhin ko pa 'yon.

"Anong oras na, Marie?" Tanong ko sa isang kasambahay namin habang nakaupo kami sa dalampasigan.

Natawa pa ako noong nagtitili si Kyla dahil binuhat siya ni Dennis na isa sa mga hardinero namin at biglang binagsak sa tubig.

"8:30 na po, ate." Sagot naman niya pagkatapos namin magtawanan.

We've been here for three hours na pala. Busog na busog ako kanina kaya nga naisipan kong pumunta na dito sa tabing-dagat para magtampisaw pero naupo muna para tingnan ang nasa paligid ko. Ang ganda talaga tingnan ng dagat kapag gabi.

Naalala ko tuloy 'yong pinuntahan namin ni Lu. 'Yong tinuro ni Marilou sa kanya. Hindi ko 'yon sinulyapan kahit kanina pa 'yon pumapasok sa isip ko. Hindi naman sa anong ka dramahan pero ayoko lang talaga maalala.

"Swimming ka na, ate!" Tawag sa 'kin ni Edna habang nakasuot ang salbabida sa kanya.

"Oh, sige! Basta tanggalin mo 'yang salbabida mo. Tuturuan kita." Nangingiti kong sabi habang hinuhubad na ang beach dress ko. Nakasuot na din kasi ako ng puting bikini sa loob.

"Ang sexy mo talaga, ate! Nakakainggit! Ang kinis pa!" Manghang sabi ni Kyla.

"Loka!" Natatawa kong sabi habang naglalakad na.

"Oo nga, Mikaella! Kung ako lang talaga ikaw paniguradong magmomodel ako!" Sabat naman ni Teresa na asawa ni Dennis.

"Hindi ka pwede, hon! Marami kang bente singko sa legs!" Sabat ni Dennis na siyang ikinatawa namin, lalo na't binatukan siya ni Teresa.

"Kung hindi mo ko pinikot malamang makinis ako, no! At baka maging model nga ako!" Naiinis ng turan ni Teresa na agad naman nangiti ng niyakap siya ni Dennis.

"Kaya nga pinikot kita para hindi mo na maisipang magmodel. At baka makawala ka pa." Malambing na sinabi ni Dennis sa asawa.

"Sus! Magpapainggit ba naman! Respeto sa mga single! Tsaka may mga bata dito! Spg yang ginagawa niyo!" Sigaw ni Marie na siyang ikinatawa na naman ng lahat.

Hmm.. pikot.

Nakailang turo na 'ko kay Edna kung paano magswimming pero hindi niya pa din talaga makuha-kuha. Kahit sina kuya Victor ay nakituro na din. Nagrereklamo na nga lang si Edna dahil ilang beses na daw siyang nakainum ng tubig dagat kaya natatawa na lang kami.

"Mikaella!" Malakas na tawag sa 'kin ni yaya at kinawayan pa 'ko. "Nandito si Luis, pinapasok ko na." Dagdag niya pa at dahil malayo kami sa dalampasigan ay doon ko lang napansin ang matangkad na anino sa likuran niya.

Papaanong nalaman ng lokong 'yon na dito kami pupunta? Hay.

Mukhang hindi talaga ako magtatagumpay ngayon ah.