Chapter 11 - C11

"Its nice to see you again! Gumanda ka lalo!" Pagpupuri niya sa 'kin pagkatapos niya 'kong yakapin.

"Oh, don't flatter me too much, Marilou! Baka bumilog ang ulo ko but thanks." Sagot ko naman sa kanya sabay gawad ng ngiti. "You look good yourself! Bagay sa 'yo ang short hair. Mas gumanda ka!" Papuri ko din sa kanya dahil totoong bagay sa kanya ang bagong hairstyle niya.

Halatang blooming!

"I know right." Anas naman ni Luis na inakbayan na ang girlfriend niya.

Nahihiya pang ngumiti si Marilou dahil sa papuri ko.

"Salamat! Kumain na tayo! Inantay ka talaga namin ni love. Nasa kusina sina Claire, Mathew, Anna, Jewel, Leonard, Basty at Marco." Pagtukoy niya sa mga kaklase namin ni Lu.

Oh, they seem close now, huh? That's good then.

"Ella!" Agad na tili ni Jewel pagkakita sa 'kin at agad na lumapit ang lahat papunta sa pwesto ko. "You look fab!" Puri pa niya pagkatapos makipagbeso.

"You, too! As always!" Sabi ko naman sabay hagikhik.

Ilang kamustahan pa ang naganap sa 'min ng mga dati 'kong kaklase. Niloko pa nga ako ni Mathew na kasamahan ko sa pedia na bumalik na 'ko dahil nawalan na daw sila ng Goddess doon. Natawa tuloy ako! 'Yon kasi ang bansag sa 'kin doon sa department simula ng sinabihan ako ng isang batang pasyente na kamukha ko daw si Aphrodite.

"Pakainin niyo na muna ang Goddess na 'yan. Maya na ulit ang kamustahan." Sabat ni Luis na inaabotan na 'ko ng pinggan at kubyertos.

"Sige na nga at baka magalit pa si Mr. Strikto-Lang-Kay-Ella!" Tukso ni Claire na siyang ikinatawa ng lahat pero ikinalaki ng mga mata ko.

'Yon naman ang bansag nila kay Luis dahil nga sobrang strikto niya talaga sa 'kin dati pa. Todo bantay nga at alam ng lahat ng mga kakalase namin 'yon.

"Mas dapat mo ngang bantayan ngayon, Luis! Lalo na't madami ng umaaligid diyan sa Manila! Famous na si Goddess eh." Sabi naman ni Basty.

"Mga loko!" Dinig kong anas ni Luis habang tumatawa.

Pilit ko na lang din tuloy tumawa at nagpaalam ng kukuha ng pagkain. Iginiya nila akong dalawa ni Marilou papunta sa mahabang mesa kung saan nakalapag ang mga pagkaing handa ni Luis.

"Anong tawag nila sa 'yo, love?" Dinig kong tanong ni Marilou habang kumukuha na kami ng pagkain.

Dinig kong sumagot si Luis pero hindi ko na 'yon masyadong narinig.

Bahala siya magexplain sa girlfriend niya! Kasalanan niya naman kasi eh kaya siya binansagang ganoon ng mga kaibigan namin!

Nasa hilera na 'ko ng mga desserts ng bigla akong tinawag ni Luis.

"Eya, si lola Patring pala. Lola, eto si Eya 'yong kaibigan ko." Pagpapakilala sa 'min ni Luis sa matandang nakangiti at halatang mabait.

Agad naman akong nagmano sa kanya.

"Kay gandang bata naman nitong kaibigan mo, apo. May lahi ka, ano?" Usal ng lola ni Marilou sabay hagod ng tingin sa 'kin.

"Ah, opo. Salamat po. Hehe." Nahihiya 'ko namang sagot.

"May boyfriend ka na ba, iha?" Tanong niya pa.

"Wala po, lola.."

"Pero marami kang manliligaw, ano? Hindi kataka-taka. Halika muna. Ipakilala kita sa apo ng kumare ko. Seaman 'yon. Gwapo." Sabi ni lola Patring na agad na hinawakan ang kamay ko.

"Po?"

"Lola, pakainin mo po muna. Mamaya na 'yan." Agarang sabat naman ni Luis.

"Si Lola talaga! Mahilig mangreto 'yan, Mikaella. Pagpasensyahan mo na." Sabi naman ni Marilou habang humahagikhik.

"Mabilis lang 'to, mga apo. Halika na, iha." Nakangiting sabi niya kaya wala na 'kong magawa kundi ilapag na lang ang pinggan ko sa mesa at sumunod sa kanya.

Napasulyap pa 'ko sa pwesto ni Luis bago kami tuluyang nakalabas ni lola sa bahay nila at kita ko ang pagkabahala niya.

"Dominic, iho." Tawag niya sa isang lalaking nakaupo sa isa sa mga mesa sa bakuran nila.

Kanina pa nakatingin sa direksyon ko ang lalaking 'yon habang hila-hila ako ni Lola Patring. Agad naman siya tumayo pagkalapit namin ni lola.

He's not bad, actually. Ang pogi nga. Maputi. Matangkad. Matipuno. At kahit hindi nakangiti ay lumalabas ang malalim niyang dimple sa kanang pisngi. He also looks simple pero halatang may kaya at may pinag-aralan.

"Po?" Magalang na tanong ng lalaki at parang nahihiyang bumalik ang tingin sa 'kin. Lalo na ng tinukso na siya ng mga katabi niya.

"Si Mikaella pala, kaibigan ng mga apo ko. Iha, eto si Dominic. Apo ng kumare ko. Mabait na bata 'yan." Pagpapakilala sa 'min ni lola sa isa't-isa.

"Hi, M-Mikaella." Nahihiyang bati niya sa 'kin kaya mas lalo siyang tinukso ng mga tao sa paligid namin.

He looks so adorable! Pulang-pula siya eh.

"Hi." Bati ko din pabalik sabay gawad ng matamis na ngiti sa kanya.

Nilahad ko pa nga ang kamay ko at parang naghuhumahog na inabot niya 'yon.

What a cutie!

"Halika sa loob, Dominic, at samahan mo na si Mikaella. Hindi pa siya nakakain." Sabi ni lola na may ngiting tagumpay sa mga labi.

Nauna na si lola lumakad pabalik sa bahay. Habang nanatili naman akong nakatingin kay Dominic.

"O-Okay lang ba?" Nahihiyang tanong niya sa 'kin na siyang ikangiti ko lalo.

"Of course naman." Sagot ko at mas lalong umingay ang mga taong nasa paligid namin.

"Nanginginig ka, Nick!" Ding kong tukso ng katabi niyang lalaking kaedaran niya.

"Kinakabahan si totoy Dominic!" Tukso pa ng isang matanda na nasa kabilang mesa.

"Bitawan mo naman ang kamay ni tisay, Nick. Parang gusto mo ng yayain sa simbahan ah." Sabat pa ng isa na katabi lang ng unang nagsalita.

Napabitaw tuloy siya kaya patuloy sa panunukso ang mga tao. Natawa na lang ako sa mga reaksyon nila, habang nahihiyang napakamot sa batok si Dominic.

"Eya!" Dinig 'kong malakas na tawag sa 'kin ni Luis na hinigitan ang ingay ng mga tao sa paligid.

Ako lang yata ang nakadinig ah? Dahil patuloy pa din sa panunukso ang mga tao sa 'min ni Mr. Cutie. Bumaling ako sa direksyon ni Luis. Nakatayo siya sa harap ng pintuan at bakas ang matinding pagkaasar sa mukha niya.

Sus! Eto na naman ang striktong mama!

Pinaningkitan ko nga ng mga mata, like I'm telling him to stop! Dapat itigil na niya ang ganito kung ayaw niyang matukso ng mga kaibigan namin. Napatanong na lang tuloy si Marilou kanina.

Naku naman!

Tumingin na ako ulit kay Dominic at ginawaran siya ng ngiti. "Tara na? Gutom na 'ko eh."

"S-Sige." Nahihiyang sagot niya at agad naman umingay ang mga tao habang sabay kaming lumakad papasok ng bahay nina Marilou.

Luis remained standing on the doorway and he's eyeing me dangerously, as if I did a huge grave mistake.

Nagseselos ba 'to? I doubt it.

Inilingan ko siya ng dalawang beses lalo na ng makita 'kong tumabi si Marilou sa kanya at tiningala siya. Mabilis na ding nagbago ang ekspresyon niya na parang nagsusumamo na 'yon bago nilipat ang tingin sa girlfriend niya.

"W-Wala ka daw boyfriend sabi ni lola Patring?" Nahihiyang tanong sa 'kin ni Dominic habang magkatabi kaming nakaupo sa mesa.

Nasa bakuran na kami ng bahay nina Marilou ngayon. Nasa iisang mesa kami kasama ang mga kaibigan namin, si Luis at si Marilou. Nasa kanan ko si Dominic habang nasa kaliwa ko naman si Claire na kanina pa 'ko tinutukso. Ang pogi daw ng nireto ni lola.

Kaharap ko naman sina Luis na kanina pa tahimik na umiinum pero sumasagot naman kapag kinakausap ng girlfriend niya.

I'm sure binabantayan ako ng loko! Tss! Gusto ko na lang sakyan ang gusto ni lola Patring. Mas mabuti na 'to kaysa naman magkaroon ng awkwardness sa pagitan namin ni Marilou. Kita ko pa naman ang pagdududa sa mga mata niya kanina pa. I also want to have fun tonight and I find this new guy so interesting and adorable!

"Oo eh. Hindi pa kasi ako ready. I'm quite busy kasi." Sagot ko naman. "Ikaw ba? Hindi ako naniniwalang wala ka pang girlfriend."

Nahihiya naman siyang tumawa bago napakamot ulit sa batok. He's so cute with his mannerism.

"Wala eh. Masyado daw kasi akong mahiyain."

"Oh? So hindi ka pa nagkakagirlfriend? I don't believe you."

"Swear!" Sagot niya sabay taas ng palad na siyang ikinatawa ko. "May pangarap kasi ako para sa mga magulang ko. Nag-iisa lang kasi akong anak. Kaya.. 'yon.."

"Oh, that's nice. I'm pretty sure you're a good son." Papuri ko sa kanya.

"Hindi naman masyado." Sabi niya sabay kamot ulit sa batok. "Mikaella.. C-Can I ask for your full name? Taga dito ka din, 'di ba?"

"Oo! Magkakabayan tayo, no!" Sabi ko sabay tawa. "Mikaella Edwards."

"Edwards? Anak ka nina Michael Edwards? 'Yong may ari ng malaking palaisdaan sa bayan?"

"Yeah! You know my dad?"

"Oo naman, but not personally. Kilalang-kilala ang pamilya niyo dito." Sabi niya pero agad na nalungkot ang itsura. "S-Sayang.."

"Huh? Bakit naman sayang?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"M-Mas lalong nakakahiyang manligaw.." Namumulang sabi niya sabay kamot sa batok.

"Bakit naman? Uhmm... kaso hindi talaga ako nageentertain ng manliligaw sa ngayon. Masyado pa kasing busy. Nagsastart pa lang ako ng business sa Manila.." Pagpapaliwanag at agad ng nagkwento sa kanya tungkol sa business ko.

"Oh.. B-But we can be friends for the meantime, right?"

"Of course!" Sagot ko agad.

"I-If... you're ready at manligaw nga ako... Would you allow me?" Nahihiya na namang tanong niya.

"Well.. Of course." Nag-aalinlangan na sagot ko pero totoo naman. Payag nga ako. He's okay naman kasi! And sabi ko nga I find him really adorable and cute! So why not, 'di ba? That is if he's willing to wait.

"Yes!" Napasigaw talaga siya ng malakas na naging rason para tumingin sa 'min ang lahat ng tao! Natukso naman tuloy kami pero agad namang nagexplain si Dominic sa kanila.

My gosh!

"S-Sorry." Paghihingi ng paumanhin ni Dominic.

"Its okay." Sagot ko naman sabay gawad ng ngiti.

"Magboboyfriend ka na, Ella?!" Excited na tili ni Jewel.

"Not yet, but soon. Maybe.." Sabi ko sabay iling habang natatawa.

Nagtawanan din tuloy ang mga kaibigan namin at ilang panunukso na naman ang inabot namin ni Dominic.

Nagpaalam na lang akong magbanyo muna para tumigil sila sa panunukso at kanina pa talaga ako naiihi. Naka isang bote lang naman ako ng isang flavored vodka at hindi na dumagdag dahil magdadrive pa ako pauwi.

Dominic wanted to come with me but I declined his offer. Baka kasi tuksuhin lang kami lalo. 'Yong mga tao kasi sa paligid namin halatang binabantayan kami. Inaabangan yata ang kalalabasan ng pagmamatchmaking ni lola Patring.

Kakalabas ko lang ng pinto ng CR at napasinghap pa 'ko ng makita ko si Luis sa labas. Nakasandal siya sa pader habang nakapikit. Pansin ko agad ang pamumula ng mukha at leeg niya at alam kong lasing na siya.

Mas nakumpirma kong lasing na nga siya ng dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata. Namumungay ang mga 'yon. Noong gumalaw pa nga siya ay parang matutumba na.

"You're drunk, Lu. Mag-si-CR ka ba?" Sabi ko at agad ng nilapitan siya para alalayan.

"No.. I'm gonna.. take you h-home." Pagaralgal niyang sinabi.

"Huh? Eh lasing ka! Tsaka may sasakyan ako at isa pa mamaya pa 'ko uuwi."

"No.. no. You need.. to go home, E-Eya.. Its getting late.. you s-should go home." Sabi niya pa at pilit na hinawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Lu! You're treating me like a child again. Hindi naman na ako iinum kaya mamaya na 'ko uuwi. Nagkakasiyahan pa nga doon sa labas eh. Ikaw ang dapat na-"

"So, you're really.. having f-fun tonight, huh?"

"Of course! Like duh! Its your birthday! And our friends are here, too!"

"And Dominic, too, right?" Maanghang na sabi niya at naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ano? Tsss! Ayan ka na naman, ha? Matulog ka na nga lang, Lu! Or better yet uminom ka na lang ng kape para mahimasmasan ka. May mga bisita ka pa kaya." Sabi ko na lang. "Sige ka! Mamaya aakalain pa ng mga kamag-anak ni Marilou na lasinggero ka! Ma turn-off pa sila sa 'yo!" Dagdag ko pa at kita ko ang pag-ayos nga niya dahil sa sinabi ko.

Natakot nga ang loko pero bigla siyang napangisi.

"Timplahan mo 'ko ng kape kung ganoon. Alagaan mo 'ko, Eya.. I'm drunk."

Tss! As if gagawin ko pa 'yan katulad dati. May pwede ng gumawa niyon sa kanya. 'Yong babaeng nagmamay-ari ng puso niya kaya bakit ako pa ang gusto niyang gumawa niyon? Tss. Nakasanayan na kasi talaga.

Hay naku.

"Baliw! Tatawagin ko lang si Marilou kaya umupo ka muna doon sa kusina!" Sabi ko at maingat na hinila na siya.

"No.. you do it. You should do it.. Just like before.. you, Eya." Pabulong-bulong niya pang sinabi pero nagpahila naman.