"Eya, change of plans for later. Dito na lang sa bahay nina Marilou gaganapin ang birthday ko. Request ni lola Patring kaya hindi ko matanggihan." Pagbungad niya sa 'kin pagkatapos kong sagutin ang tawag niya.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
I'm really happy for him. I really am. Matagal na panahon na kasi simula noong naging ulila siya kaya ngayong nandiyan na si Marilou at ang lola nito ay parang nagkaroon na siya ng bagong pamilya.
Ayaw naman kasi niyang masiyadong makisalamuha sa pamilya ko. Hindi daw siya komportable lalo na't sosyalin naman talaga ang mga kamag-anak ko and he's just a simple average guy daw kaya hindi bagay sa mga sosyal parties. Tss.
"Alright! Part of the family ka na daw kasi kaya nagrequest ng ganoon ang lola ni Marilou. Should I bring Father Dave with me ba? Para maikasal na kayo at literal na part ka na talaga ng family nila." Sabi ko sabay tawa.
I was hoping he would say yes to my suggestion para nga mangyari na 'yong naisip ko kagabi.
"Silly girl! I'm not yet ready for that, Eya. Basta, susunduin kita mamaya mga 6 ng gabi."
"Huwag na, Lu! Alam kong busy ka mamaya with the preparations and all. Just give me the directions and hindi naman siguro ako mawawala."
"I know you won't, but still susunduin kita."
"Ano ka ba? Mag-aaway na naman tayo nito. Let's not ruin your big day, birthday boy. You don't have to fetch me nga, kasi kung susunduin mo 'ko maoobliga ka pang ihatid din ako. Kaya huwag na, okay?"
Narinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hangin sa kabilang linya.
"Fine! I'll text you the details later." Sabi na lang niya at pinatayan na 'ko ng tawag.
Tss. Suplado ni birthday boy!
Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang mga paa kong nababasa ng tubig-dagat kapag naghahampas ang mga alon sa dalampasigan kung saan ako kasalukuyang nakaupo.
Nandito ako ngayon sa beach house namin na under construction pa din. Natigil kasi 'yon ng dalawang buwan dahil andaming pinadagdag na bago si daddy sa original renovation plan namin. Kahit 'yong mismong bahay ay may dinagdag pa siya. He added another floor up para gawing isang malaking entertainment room o playroom ng mga magiging apo daw niya sa 'ming magkakapatid. Nagpadagdag pa siya ng maliit na kiddie pool sa magiging veranda niyon. Anything for his future apos daw.
Tss!
Way niya 'yon sa pagpaparinig na gusto na niyang mag-asawa kaming tatlo and eventually give him and mommy lots of grandkids. Eh kaso ang problema, sawi lahat sa pag-ibig ang mga anak niya. Tsaka ang babata pa naman namin. Matagal pa nga bago kami pumasok sa line of 30s eh. Atat lang talaga si daddy at naiinggit sa mga kumpare niyang may mga apo na. Kaya ang resulta ay kaming mga anak niya ang pinepressure.
Nagmumuni-muni pa din ako ng biglang natawag si ate. She's currently in China with our parents para sa isang importanteng business trip tapos ay sa Singapore naman ang tungo nila, then Japan, and lastly, ay sa Taiwan.
"Hey, sissy. I miss you." Bati ko sa kanya pagkasagot ko.
"Sis! We miss you, too. I just called to inform you about Mikael. Pupunta daw sila diyan with his classmates next week for their thesis, tungkol daw sa business natin. Good thing, you're there. Bantayan mo si Mikael, ha? I have a bad feeling eh. Its the first time he's willing to be indulged in our business. Ayaw niyang pinag-uusapan 'yong family business natin with other people, 'di ba? Tapos ngayon payag siyang maging topic 'yon ng thesis nila? Do you get me?" Mahabang litanya ng ate Michelle ko na parang nagpapanic.
Natawa tuloy ako. "Ate, calm down! Ano bang naiisip mo?"
"Arghh! He's our only brother, eh! I don't know! Parang may something fishy! My gosh!"
"Ate naman! You're just overthinking! Ikaw talaga!"
"Paano kung may boyfriend na siya, sis?!! I just can't! Oh, my! I already accepted the fact that he has changed his sexuality, pero ayokong isipin na magkakaboyfriend siya! I'm not yet ready for that!"
Lalo akong natawa sa sinabi niya. "Si ate talaga. If totoo nga 'yang naiisip mo, then lets just be happy for bunso. If he's happy with it then we have to support him."
"You're right! But still! This is all that girl's fault eh." Galit na anas niya habang tinutukoy ang first love ni Mikael.
Galit pa din si ate Michelle doon, kahit si mommy. Nagtampo din naman ako dahil kita ko talaga ang pagkalugmok ng kapatid ko noong iniwan siya ni Chloe.
"Ate, let's not blame Chloe. Hindi naman siya ang nagsabing magbago ng sekswalidad si bunso. Baka babalik pa 'yon at magkakabalikan pa sila ni bunso. Who knows, right?"
"I hope not! Ayokong masaktan ulit si Mikael dahil sa kanya. Ah, basta! Let's not mention her name here. And gawin mo na lang ang bilin ko, sis."
"Alright, alright! I'll do that, I promise."
"Thanks, sis! Basta update mo 'ko agad pagkadating ni Mikael, ha? Mag-ingat ka diyan! I'll see you in the next two weeks! I'll be staying in Manila for a while when I get back. Love you!" Pagpapaalam niya.
Naexcite talaga ako ng sobra sa sinabi ni ate lalo pa't matagal ding hindi kami nagkita. Nagplano na tuloy ako ng gagawin namin sa Manila after working hours, of course.
I'll ask her to take me to the clubs where she usually hangout with her friends! Mas maganda kung ang first clubbing experience ko is with my loving sister atleast hindi nakakahiya at baka mapatunganga ako doon pagkapasok pa lang.
It was already 6 in the evening and kakatapos ko lang mag-ayos. I wore one of my designs, a nude-colored, long-sleeved chiffon dress na simpleng tingnan pero gawa sa mamahalin at durable na uri ng tela. Hanggang kalahati lang ng hita ko ang abot ng tabas niyon sa harap pero abot naman sa likuran ng tuhod ko ang sa back part. Pinartneran ko 'yon ng suede high heels sandals na color white. I also curled the ends of my long hair and did some light make-up on my face.
Okay naman siguro 'tong get-up ko. Sa nakaraang birthday celebration naman ni Lu ay ganitong style ng damit din naman ang mga sinusuot ko. Pero dati'y sa restaurant naman siya nagcecelebrate kaya baka alanganin 'to ngayong sa bahay lang gaganapin 'yon.
Maybe I should change my clothes na lang? Mag jeans and blouse na lang kaya ako?
Naalala ko kasi ang suot ni Marilou noong dinner namin noong pinakilala siya ni Lu, at kahit 'yong mga suot niya sa mga pictures nila ni Lu sa IG. Ang simple niya lang talaga and once ko lang yata siya nakitang nagdress. Ang haba niyon ay abot sa baba lang ng tuhod niya.
Hmm..
But wait? Why am I comparing my fashion sense on her? I'm regal anyway so its understandable if I'm wearing these kind of clothes, 'di ba? Plus, I'm in the fashion industry, too.
Pero baka naman over akong tingnan mamaya sa party ni Lu.. sa bahay pa naman nina Marilou gaganapin 'yon.
Nagdadalwang-isip pa din ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin ng bigla nang nagring ang phone ko.
Si Luis na ang tumatawag! And damn! Sa tagal 'kong pinagiisipan ang suot ko ay nakalimutan ko na ang oras! Its almost 7PM na!
Galit na 'to, sigurado!
"Lu-"
"Where are you, Eya?! Kanina pa 'ko nag-aantay sa 'yo dito! Hindi pa nag-uumpisa ang kainan kasi hinihintay ka namin! Pupunta ka ba or susunduin kita diyan? Ha?"
Oh, shit! Nakakahiya!
"Eto na! Papunta na! Umpisahan mo na ang party mo, Lu! Sorry naaa.."
"Bilisan mo!" Singhal niya sa 'kin bago pinatay ang tawag.
Galit nga si koya!
Nagmadali na tuloy ako at sinikop na ang mga gamit ko bago nilagay sa loob ng clutch bag na dadalhin ko. Napasulyap pa muna ako sa mirror para tingnan sa huling pagkakataon ang suot ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Kakapark ko lang ng sasakyan sa kabilang kalsada ng bahay nina Marilou. Ang layo pala ng bahay nila sa 'min kaya inabot pa ko ng 30 minutes bago nakarating sa kanila. Noong nagbabyahe na 'ko ay doon ko palang na-i-set 'yong address niya sa navigation equipment ng sasakyan ko kaya hindi ko alam na malayo pala!
Nakahinga na lang din ako ng maluwag pagkakita kong kumakain na ang mga bisita ni Lu. May nagvivideoke at nag-iinuman na 'yong iba. Ayoko namang pagdating ko ay 'yon lang din ang pagkain nila at siguradong lahat sila ay titingnan ako ng masama. Pa-VIP pa tuloy ang magiging tingin nila sa 'kin kung sakaling nangyari nga 'yon.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay agad ko ng nakita ang anino ni Lu sa harap ng bahay ng girlfriend niya. Inaabangan yata talaga ako ni koya. Ang dilim ng tingin eh habang nakahalukipkip.
Pero napakagat-labi na lang ako ng makita kong nakasuot lang siya ng pambahay! Siya na birthday celebrant!
Napasulyap din tuloy ako sa mga bisita niyang hindi pamilyar ang mga mukha. Nakaupo ang mga 'yon sa mga hapag na pinwesto sa malapad na bakuran ng bahay nina Marilou. And all of them are wearing casual clothes!
Shit!
Alanganin nga ang damit ko! Parang gusto ko tuloy umatras at umuwi!
Napakaway muna ako kay Lu bago ko binuksan ang likod ng sasakyan ko. Maybe I have some spare clothes or something.
"Eya!" Tawag pa ng loko ng makitang naghahalughog ako. "Ano pa bang ginagawa mo diyan?" Dagdag niya at dinig kong naglalakad na siya palapit sa pwesto ko.
Napaungol na lang ako dahil wala talaga akong dala, ni-jacket wala! Ba't ko pa kasi pinalinis 'tong sasakyan ko kanina. Ayan tuloy at wala akong emergency clothes!
My gosh!
Feeling ko pinagpapawisan na 'ko! I don't want to humiliate myself in front of these people! Ayokong maging center of attraction!
"Uwi muna ako. Papalit lang ako ng damit." Mahina kong sagot sa tanong niya.
"Bakit? C'mon! Hindi pa 'ko kumain! I was waiting for you!"
"Ehh.. Lu... Ang over ng suot ko!"
"So? C'mon!" Sabi niya sabay hawak sa wrist ko.
"Nakakahiya! Ikaw nga na celebrant eh nakapambahay lang! And your other guests, too!" Mahinang reklamo ko habang pilit na binabawi ang kamay kong hinihila na niya.
"Yeah, you're really overdressed." Sabi niya sabay nakangising pinasadahan ng tingin ang damit ko.
"See! Kaya nga uuwi na muna ako! Babalik din ako agad!" Kumbinsi ko sa kanya sabay bawi ulit ng kamay ko pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya niyon hanggang sa nahila na niya ako ng tuluyan.
Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga bisita niyang nakaupo malapit sa gate nina Marilou dahil panay pa din ang reklamo ko.
"I'll change my clothes, too, then! Mag coat and tie pa ako kung gusto mo!" Sabi niyang natatawa. "Just come inside, now. Gutom na 'ko, Eya."
"Tss! Fine! Huwag ka na lang magpalit!" Sabi ko at agad ng nagpahila sa kanya papasok habang nakayuko.
Ramdam ko talaga ang mga titig ng mga bisita niya sa 'kin noong napadaan kami sa harap nila. Kahit 'yong dinig kong nagvivideoke kanina ay napatigil din sa pagkanta!
My gosh! This is so embarassing!
"Nasa loob sina Jewel, Eya. Don't worry. Hindi naman alanganin ang suot mo." Pabulong na sabi niya sa 'kin habang nakangisi at tumawa na ng malakas ng makita ang ekspresyon ko.
Napanganga talaga ako at napatigil sa paglalakad sa nalaman ko! Kung sinabi niya pa lang noong una 'di sanay hindi na 'ko nagrattle kanina! Bwisit siya! Hindi nga magiging alanganin ang suot ko dahil bongga ngang manamit si Jewel! We even call her as "Miss Classy Fashionista"!
"Hindi ko na ibibigay ang regalo ko sa 'yo!" Sabi ko habang pinaniningkitan siya ng mga mata.
Natawa naman siya ulit ng malakas sa sinabi ko.
"I don't need gifts, baby. 'Yong presensiya mo pa lang ay sapat na para macompleto ang kaarawan ko." Masuyong sabi niya bago ako hinila ulit papasok na sa main door ng bahay.
Damn! 'Yong mga linyahan niya talaga eh, no? Lakas magpafall talaga eh!
Muntik na naman tuloy akong bumigay but I immediately composed myself. Lalo na ng marinig ko ang boses ng pinakaminamahal niyang girlfriend.
"Mikaella!" Dinig 'kong tawag niya sa 'kin sabay takbo papunta sa pwesto ko para yakapin ako.