Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love Series#1: Office Love

🇵🇭Daneng_000
18
Completed
--
NOT RATINGS
30.2k
Views
Synopsis
This a story about Bella Maire Soledad, a secretary and his boss, Alexander Molina. The secretary who is annoyed of his boss in passing his task to her. He hates him. Super hate! Kaya nga unti-unti syang nahuhulog dito. Paano nya kaya mahahandle ito, kung ang boss nya may lihim ng pagtingin sa kanya noon pa at nagsisimula nang guluhin ang puso nya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Nakahanda na ba ang lahat? Yung Galaxy? nakaayos na ba sila?"

"Ok na Miss Bella, Inaantay na lang lumabas sa dressing room. Ok na rin yung stage nakaayos na" sagot sakin nung isang head staff.

"The lights and music together with the camera is all set na Miss Bella" sagot pa nung isa. " Uumpisahan na raw yung shoot within 10 minutes"

"Ok sige. Sana kaunting shot lang ang mangyari para matapos natin ito at para makapagpahinga na tayo" sabi ko sa kanila.

"Yes miss!"

"Let's do are work!" sigaw ko saka sila nagsibalikan sa mga pwesto nila.

Ngayong araw ang huling shoot namin para sa debut ng Galaxy. Galaxy is a boy group. It consists of 5 teenage boys at ang isang doon ay kapatid ko. After 1 year of training nila, makakapagdebut na sila sa wakas. Kahit isang taon lang yung kanilang training, they eager to show how they want to debut as a artist. Nakita ng company ang potential ng grupo and also with the help of the team kaya natupad narin ang pangarap nila.

"Miss Bella, yung cellphone mo nagriring" sabi sakin ng katabi kong staff.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ang caller.

Shrek is calling.....

Napabuntong hininga ako at pinindot ang green button

Ano na naman kaya ang kailangan nito....

"Hello Bella, give me a coffee" sagot ng caller.

Napahigpit ang kapit ko sa cp ko.

Lintek naman na lalaking ito! Hindi nya ba alam na nasa set ako ngayon.

"Sir, hindi ko maibibigay ang hinihingi nyo dahil nasa set ako ng Galaxy. Andyan naman si Mae sir. Pede nyo naman sa kanya—"

"No. I want your coffee or bababaan ko ang sweldo mo"

Pumikit ako at tumalikod sa set.

"Gel, ikaw muna magbantay dito. Lalabas lang ako"

"Sige lang Miss. Mukang importante yang tawag sayo"

Importante?! Gaano ka importante ang magpatimpla ng kape?!

"Sige"

Naglakad na ako palabas ng set. Pinuntahan ko ang kotse ko at doon sumandal.

"Hello Bella"

Oo nga pala hindi ko pa pala napapatay yung tawag.

"Sir, I was saying a while ago, I'm in the middle of an important matter. Nasa set ako ng Galaxy at hindi ko maibibigay ang kape mo. Kung gusto mo na talaga, kay Mae ka manghingi" Pigil kong inis na sabi sa CEO ng kompanya.

Oo ang kausap ko ang pinakaboss at kaya nya ako inutusan ay dahil ako ang secretary. Favorite Secretary ^_________^ (insert sarcasm). At dahil paborito nya ako, laging ganto ang setting naming dalawa. Sya nang iinis ng araw at ako ang naiinis sa kanya. Lagi nalang syang ganyan kapag wala ako sa kompanya at may event na dadaluhan. Kaya nga nagpadagdag ako assistant secretary dahil ang tamad kong boss ay hindi manlang dumadalo sa mga event na kailangan sya at ako ang pinadadala nya. Tapos uutusan nya ako bumalik sa kompanya kahit sa kalagitnaan ng meeting para lang magpatimpla ng kape. Sige nga sinong di maiinis.

"Ok Bella pero pagkatapos ng set pumunta ka dito para bigyan ako ng kape"

"Pero sir gabi na kami makakauwi dahil malayo—"

"I don't care" at binabaan ako.

Kainis naman! Atleast na makakauwi ako ng matiwasay ngayon ay hindi.

Naglakad na ako papunta sa set. Mukhang magiging mahaba ang araw ko na naman ngayon.

-

"Good job guys!" sigaw ng isang staff. Nakaupo lang ako dito sa sulok at tinitignan ang mga nag aayos sa set. Tapos na ang shoot at ieedit na lang iyon at irerelease. May nakaassign na roon pero kailangan ko paring imonitor iyon dahil ako ang manager ng Galaxy. Sakin inassign ng boss ko ang pagiging manager ng Galaxy. No reason behind basta binigay nya lang sakin at kahit komontra pa ako noon wala ring nangyari.

"Ate uuwi ka ba ngayon?" tanong sakin ng kapatid ko, si Caspian.

"Sa kanila ka na sumabay, pupuntahan ko pa si CEO para magreport" sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo nya at hindi na ulit nagsalita. Nagpaalam na sya at pumasok na ng dressing room.

_

"Ingat ka Miss Bella"

"Ingat rin kayo" at pumasok na sa kotse ko. Nagpatugtog ako sa cellphone ko at saka lang pinaandar ang kotse paalis.

_

"This is your coffee sir" Sabay lagay sa table nya. Nandito na ko sa office nya at hinatid ang kape nya. Nakatalikod sya sakin at nakatingin sa salamin ng kanyang opisina. Kita kasi doon ang buong city. Gabi na kaya magandang tignan ang mga ilaw na galing sa mga building at mga establishment sa baba. Kita rin ang mga bundok sa malayo at mga ilaw galing sa bahay malapit doon.

Ibinalik ko ang tingin ko sa boss ko. Maganda ang likod nya. Manly talaga pero ang ugali kaiinisan mo. Pero sa magandang banda, hindi naman ito heartless. May puso parin sya kahit papano. Mahilig lang syang mang inis lalo na kung ako ang subject nya. Kung mayroon nga lang akong dart, baka kanila ko pa ginawang  dart board ang likod nya, lapad kasi.

"Bella, ayos lang ba ang set nyo ngayon?" tanong nya sabay paikot ng swivel chair nya paharap  sakin.

"Ok lang naman boss, last iyong set na iyon. Editing nalang ng video at irerelease na yun next next week" sagot ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sakin. Hindi ko alam kung may mali ba sa itsura ko pero titig na titig sya.

Baka may dumi sakin?

Tinignan ko rin ang damit ko at tumingin sa kanya.

"Sir may dumi ba ako?" Doon lang siguro sya na natauhan at binalingan ang kape na ginawa ko at ininom. Pagkababa ng mug sa table nya at tumingin sya sakin.

"Magluto ka ng hapunan ngayong gabi" sabay tayo at nilayasan ako. Bigla nag init ang ulo ko sa sinabi nya. Akala ko pa naman ay ligtas na ko sa araw na ito dahil nabigay ko na yung hiningi nya.

Naiinis akong tumingin sa pintong nilabasan nya.

"Hindi mo ako katulong!"