Chereads / Love Series#1: Office Love / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"Bakit ba ganito ending neto?" Sabay punas ko ng luha ko. "Hindi ba pwedeng happy ending nalang? Kelangan may namamatay pa?!" Padabog kong kinuha ang remote at inilipat ko sa ibang channel ang TV.

Day off ko ngayon sa opisina which means walang panira ng araw ngayon sa akin. Wala rin ang boss ko dito sa bahay kaya sinusulit ko ang bawat oras ko ngayon. Mamaya pa uwi nyang gabi kaya party party ako ngayong umaga. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nandito sa bahay ng napakamabait kong boss. Oh well, ganito kasi yan.

Last 2 years ago ay pinalayas ako ng may ari ng apartment na tinitirahan ko. Ang dahilan? Nakipagbangayan lang naman ako doon sa anak nyang malandi. Eh kasi laging nagdadala ng lalaki tas gagawa ng milagro sa gabi. Magkatabi pa naman kami ng kwarto. Eh alam naman nyo naman nakakastress yung galing ka sa trabaho tapos hindi kanila papatulugin sa gabi.

Rinig na rinig kasi yung mga ungol nila tas yung mga sinasabi nila nakakacorrupt ng utak. Kaya pinakausapan ko yung nanay nun na may ari ng apartment na kung pede ay wag mag ingay sa gabi. Ang kaso si malandi slash makitid pala ang utak nakisawsaw sa usapan.

Ayon na nasabunutan ko sya dahil ang bastos ng bunganga. Hindi nagtotooth brush kaya kung ano ano ang lumalabas sa bibig. Ke bakit ba akong narereklamo eh gusto ko din naman daw ang naririnig ko. Ayaw ko ba raw noon? Kung gusto ko daw eh sumali ako.

Ayon sa init ng ulo ko nasampal ko kaya napalayas ako doon. Eh wala pa naman mas murang apartment na malapit sa kompanya kaya nandito ako sa bahay ng boss ko nakituloy.

Libre ang lahat basta lulutuan ko raw sya sa hapunan. Eh hindi na ko tumanggi plus tipid pamasahe pag uwi. Binenta ko na kasi yung kotse ko para pandagdag ipon.

Lagi nya akong inaantay na matapos ang oras ko. Kaya nga lang hindi alam ng iba lalo na sa mga katrabaho ko. Sabi ko kasi isekreto dahil ayaw ko matsismis, pumayag naman sya.

Napatigil ako doon sa channel na nagpapalabas ng mga kakaibang architectural design ng bahay.

"Wow ang ganda naman ng kwarto. Ang astig!" May isang pinalabas na yung bedroom ay pedeng maging sala. Tipid sa space kaso mahal naman ang mga ganyan. Materyales palang mahal na paano pa yung labor. Kaya dapat kung gusto ko ng ganyan kelangan kong mag ipon ng pera.

Kumuha ulit ako ng chips saka binuksan at nanood. Habang nanonood ako ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller.

Mom is calling.....

Hininaan ko ang volume ng TV at sinagot ang tawag.

"Hello ma"

"Hello nak, balak nga pala naming dumalaw ni Aliyah dyan sa apartment mo. Eh kasi nabalitaan kong day off ka. Andyan ka ba?" Sabi ni mama kaya bumilog bigla ang mata ko. Patay ako neto pag nalaman nya kung nasaan ako nakatira. Lumunok mo na ang bago ko sinagot si mama.

"Eh ma, lalabas ako ngayon eh. Sa susunod na kayo bumisita" pag sisinungaling ko at pinatay ang TV. Hindi nila pedeng malaman na andito ako baka sabihin nila mag boyfriend kami ng boss kong masungit. Naku ayoko nga mainterview nila at baka mag assume pa sila na mag aasawa na ko.

"Ehhh ano ba yan. Simula ng lumipat ka dyan ay hindi ka na bumibisita dito eh" tampong sabi ni mama. "Tapos ayaw mo pang pumunta kami dyan. Nagtatampo na ko nak"

"Eh ma alam naman ni Caspian na lagi akong busy"

"Yun nga eh. Sa sobrang busy mo nakalimutan mo na kami. Yung pag aasawa mo nga hanggang ngayon hindi mo parin ginagawa. Panigurado wala ka rin boyfriend ngayon."

"Ma, wala pa akong iniisip ng mag asawa. Saka na iyon. Wala pa nga akong bahay eh." Reklamo ko

"Hindi mo na kelangan ng ganun kapag nakapag asawa ka na. Mawawala ka sa kalendaryo!"

"Ma I'm only 29 hindi pa ako mamawala sa kalendaryo. Bata pa ako para mag asawa"

"Edi mag boyfriend ka!" Napakamot ako sa ulo ko. Si mama talaga ginigiit saking magkipagrelasyon na.

Hindi nya ba alam na pangarap kong mag madre?  ╮(╯_╰)╭

"Ma please. Wag na nating pag usapan nyan. Ang mabuti pa magkita nalang tayo sa labas. Ililibre ko kayo ni Aliyah" sagot ko para maiba na ang usapan. Sumang ayon naman si mama kaya nagpaalam na ko para makapag ayos.

Mukhang ganito ko icecelebrate ang day off ko ಠ︵ಠ

_

"Where have you been? Kanina pa kita tinetext" bungad saakin ng boss matapos kung pumasok sa loob ng bahay. Hindi na kasi namin namalayan nila mama ang oras dahil nag enjoy talaga kami sa girly bonding namin kami. Akala ko talaga  hindi magiging maganda ang araw ng day off.

Well akala nga lang kasi sobra akong nag enjoy kaya nakalimutan ko na meron pala akong papakainin na tao pag uwi. Inilagay ko sa shoe closet ang sapatos ko at kinuha ang tsinelas na bunny. Nagtungo ako sa sofa at umupo doon at sumandal.

Binalingan ko ang amo kong mariing nakatingin sakin. Maraming lumalabas na itim na awra sa kanya. Baka bilang mag super Saiyan ito. Wala pa naman akong pangkontra.

"Bella, saan ka nagpunta? Hindi mo ba alam na may usapan tayo na dapat ikaw ang laging magluluto ng hapunan kapalit ng pagtira mo dito?"

"Alam ko boss, syempre hindi ko yun nakalimutan noh"

"Eh bakit wala man lang akong naabutan ditong pagkain? At hindi ka man lang nagsabi na aalis ka pala ngayon "

"Pasensya na boss. Nagbonding lang  kami nila mama kanina. Biglaan lang naman kasi eh" paliwanag ko. " Eh di ba ayaw ko nga malaman ni mama na andito ako kaya atleast na papuntahin ko dito naggala nalang kami"

"Eh di sana nagsabi ka man lang. Nagtext o kaya tumawag"

"Eh.." napakamot ako ng ulo ko. Bakit ba hindi ko naalala na magsabi kanina?

"Tsk! Bat ngayon ka lang umuwi? Gabi na ah" tanong nya sa akin at binalingan ang mga hawak nyang papel.

Hmmm ano kaya yun ? Ngayon ko lang nakita na may hawak si boss na ganyan?

"Bella" napatingin tuloy ako sa mukha nya. Nakakatanga talaga ang mukha ni boss. Sino bang hindi magwagwapuhan sa kanya. Mahaba ang pilik mata nya. Bihira lang ako makakita ng lalaking may mahabang pilik mata.

Maganda din ang mga mata nya. Medyo matangos ang ilong at ang lips dre! Kissable! Parang ang sarap siguro nun ha—

"Bella tinatanong kita" napabalik ako sa realidad. Tae! Kanina pa siguro ako nakatitig sa kanya.

"Bella Maire"

"Huh?"

Napairap sya sakin. Umalis sya inuupuan nya at dumiretso sa loob ng kusina. Ako naman ay nagtataka sa kanya.

Grabe talaga uminit ulo ng taong yun

Umakyat nalang ako sa kwarto para magpalit at para makagawa na ng hapunan kahit medyo late na. Baka pag hindi pa ako gumawa ay mag ala bulkan na yung boss ko.

_

"Boss luto na. Kain ka na" tawag ko sa kanya. Nasa sala kasi sya at binabasa ulit yung hawak nya kaninang mga papel. Mukhang importante siguro iyon kasi kanina pa sya nagbabasa nyan.

"Boss sasabay ka ba o mauuna na ko?" Tanong ko sa kanya. Inilapag nya lang yung mga papel sa center table at walang sagot na pumunta sa dining area.

Nagsusungit na naman sya. Akala nya naman ay madadaan ako sa kasungitan nya. Hmmmpp!

Pumunta narin ako at umupo sa tapat nya. Four seater lang kasi ang table nya dito. Eh kesa tumabi ako sa kanya eh sa tapat nalang. Mamaya ay biglang magbago ang utak nya at isaksak ang tinidor na hawak nya ngayon. Kumakain na kasi sya samantalang ako pasimula palang.

Tahimik kaming kumain pero binasag nya yun ng tanong.

"Bat ka ba late umuwi?"

Tumingin ako sa kanya at linunok yung kinakain ko bago ako sumagot.

"Eh di ko kasi namalayan yung oras. Masyado kasi kaming nag enjoy doon sa pinuntahan namin kaya iyon" at saka sumubo ulit.

"Messy" sabi nya at biglang pinunasan ang gilid ng labi ko. Nabigla ako sa ginawa nya kaya nakatanga lang ako sa mukha nya.

Umayos din sya ng upo at tumingin sakin at pasimpleng umagat ang gilid ng labi nya. My! Ngayon ko lang nakita si boss na ganito. Nakakaamaze at saka nakakainlo—

Teka ano ba itong iniisip ko?!