Nahampas ko ang boss ko ng di ko inaasahan. Nag automatic ang kamay ko ng marinig ko iyong mahal ko. Ano bang iniisip ni boss at kailangan nya pang magsinungaling doon? Pwede naman nyang sabihin na secretary nya ako eh.
"Aww! Bella, what's your problem? Bat ka ba nanghahampas dyan? Kita mong nanghihiram ako ng payong para hindi ka mainitan eh" irita nyang sabi saakin pagkatapos ko syang hampasin sa braso nya. Patay ako nito ⊙﹏⊙
"Bakit ba kailangan manghiram ka pa? Saka bat nagsisinungaling ka sa kanya?!" Mahina kong sigaw sa kanya dahil nasa shoot kami.
"And what did I say? Hindi naman ako nagsinungaling sa kanya ah" medyo matigas nyang sabi at medyo malakas iyon kaya may mga tumitingin narin samin. "Im just concern to you. Naiinitan ka na kaya nanghihiram ako sa kanya ng payong. Ano bang masama doon, Bella?" Inis nyang tanong saakin at hinarap ako. Umalis din iyong nakausap nyang crew. Siguro ay natakot sa aura ni boss ngayon.
"Hinaan mo ang boses mo, boss nakakahiya" hina kong sigaw sa kanya. Nag tsk lang sya sinabi ko at inirapan ako. Para bang sinasabi nya na "pake ko sa kanila".
"Boss please nasa shooting tayo ngayon" pakiusap ko sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin.
"What is the problem Bella Maire? Ngayon na sumisigaw ako kasi nag aakusa ka na nagsinungaling ako. Wala naman akong sinabi na hindi tama" reklamo nya sakin. Nagcross arm ako sa kanya. Makawala sya oh!
"Anong wala?! Sinabi mo nga sa kanya "naiinitan ang mahal ko" mahiya ka nga boss! Secretary mo ko noh" mahina kong sigaw sa kanya.
Tumingin sya saakin ng masama na para bang may sinabi akong hindi tama. Tama naman ako eh?
"Bat naman ako mahihiya?" Simula nya "Eh sa mas gustong kong ipagsabi sa iba na mahal kita! Kung pwede nga lang pinagsigawan ko pa!" Sigaw nya saakin. Maraming suminghap sa paligid. Ako nga ay nakatanga sa kanya pagkatapos nyang sabihin iyon.
"I don't know what will I do to you Bella. Bakit ba ganyan ka kamanhid?" Sabay nya alis sa harapan ko. Ako naman sinundan sya ng tingin. Tahimik ang buong paligid. Tinignan ko ang mga tao dito. Lahat sila nakamasid saakin at tumingin kay boss. Pati rin iyong mga comedians at Galaxy ay nakatingin.
Biglang may kumalubit saakin.
"Miss ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Wil saakin, isa sa mga kasama namin. Tumango ako at tumingin ulit kay boss na malayo na saamin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nagpaalam sa kanila at tumakbo papunta sa kanya. Parang may bumulong saakin na sundan ko si boss. At iyon nga iyong ginawa ko.
Sinundan ko si boss. Tinawag ko sya hanggang sa pangalan nya na ang binanggit ko.
"Alexander! Alexander!" Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nilingon hanggang sa makarating sya kotse nya. Malayo pa ako sa lugar nya kaya tinawag ko parin sya kahit na nasa loob na sya ng kotse at narinig ko ng binuksan nya ang makina. Tumigil na ko sa pagtakbo ng makita kong umandar na ang kotse papalayo dito. Hingal na hingal ako sa pagtakbo maabutan ko lang sya.
"Alex... Hah!.... Alexander....Hah!" Hingal kong sabi hanggang sa mapaupo ako sa semento dahil sa pagod.
....
"Ayos ka lang ba ate?" Tanong saakin ni Caspian ng makapasok sya sa van. Nandito ako sa harapan ng kotse at sya naman ay nasa likod ko lang. Tapos na ang shoot kaya mga nagliligpit na ang mga kasama namin sa labas. Naging ok naman sya kahit medyo nagulo kanina ang set dahil doon sa scene namin ni boss. Nagsorry pa ako sa crew ng show dahil doon. Buti nalang at hindi sila nagalit.
"Ate?" Tawag sakin ni Cas. Pero hindi ko sya pinansin. Nakatingin parin ako sa labas ng bintana habang nakapanglumbaba. Tinitignan ko iyong mga kasama naming nagliligpit ng tent. May pumasok sa driver seat pero hindi ko nilingon. Tinatamad akong lumingon ngayon.
"Alis na tayo mam. Matatapos na daw sila. Mauna na raw tayo" sabi saakin ng driver. Si Cas na ang sumagot sa driver. Siguro ay naramdaman nyang hindi ko papansinin ang driver. Kasama ko sa van ang Galaxy. Tinignan ko sila sa salamin ng van. Tulog na si Clow at Zam. Nakaheadset si Kiko at naglalaro sa cellphone si Queen. Si Caspian naman ay nakatingin saakin sa salamin kaya inirapan ko sya. Bumusangot lang sya saakin.
"Uy ate" tawag nya saakin ng binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Huminga ako malalim at nilingon ko sya sa likod.
"Oh?"
"Taray neto oh" sabi nya kaya inismiran ko sya at bumalik ulit sa ginagawa ko kanina.
"Ate naman, di mabiro. Si mama kasi nagtext. Sabi nya pumunta daw tayo sa bahay" sabi saakin ni Cas.
"Sige punta tayo" sang ayon ko sa kanya.
"Wow! Ngayon kalang nag agree na pumunta sa bahay ah. Dati hindi ka sumasama" nagkibit balikat nalang ako. Sinabi nya saakin na tinext nya na raw si mama at nagreply na maghahanda daw sya ng madami.
"Pakisabi doon ako matutulog ngayong gabi" sabi ko kay Cas at nagpikit ng mata. Nang hindi ko nadama ang antok ay nilibang ko nalang ulit ang sarili ko sa kakatingin sa labas ng bintana.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Siguro tama lang na hindi muna ako doon umuwi dahil panigurado hindi rin magiging maganda ang tulog ko doon. Isang oras ang dumaan ng may ideyang pumasok sa isip ko. Hiniram ko ang cellphone ni Cas para mag text kay Mae na hindi muna ako papasok bukas. Ipaparesched ko ang day off na dapat next week ay bukas nalang. Hindi ko kayang pumasok bukas dahil sa nangyari.
Binack ko na ang message ng makita kong nagmessage si boss kay Cas. Binuksan ko ang message nya.
From: Kuya Alex
Okay lang ba ang ate mo?
Hindi ko alam kung bakit may number si Cas sa boss ko. Binack read ko ang message at nakita kong nagsend sya kay boss na sa bahay nila mama ako matutulog. Nagreply lang sya na ihatid ako papunta sa bahay. Tumibok ang puso dahil doon. Hindi ko alam kung bakit ganto si boss saakin?
Bakit hindi ba nagconfess sya sayo kanina Bella? Pero parang mali eh. Paano naman nya ako nagustuhan? Hindi naman ako iyong typical na babae ni boss? Nakakaloka isipin. Hindi ko talaga alam kung totoo ba iyong nangyari sa set o prank lang iyon. Napakamot ako ng ulo dahil pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa kakaisip
"Ano teh na text mo— ala!" Bigla nyang sigaw sa likod ko at hinaklit ang cellphone nya. Nilingon ko sya at masama akong tumingin sa kanya. Sya naman ay umiling iling at malalaking matang tumingin saakin.
"Bakit may number ka ni boss, Caspian Junior?!" Medyo pasigaw kong sabi sa kanya. Baka kasi magising ang mga tulog sa likod.
"Eh ate kasi si kuy—"
"At bakit kuya ang tawag mo?! Hindi mo ba alam sya ang may-ari ng A+."
"Eh teh kasi—"
"Mam nandito na po tayo sa bahay nyo" sabi saakin ng driver. Tinignan ko ang labas at nakita ko nga na nasa tapat na kami ng eskinita papunta sa bahay. Si Caspian naman ay bumaba ng mabilis.
"Eh kuya bakit dito agad? Dapat inihatid mo muna sa apartment itong mga ito?" Sabi ko.
"Eh kasi tumawag sir saakin kanina habang nakatingin po kayo dyan sa bintana. Sabi nya kayo muna unahin ko para safe po kayo makauwi" paliwanag ng driver namin. Tumango tango lang ako at nilingon ang mga bata sa likod. Nagpaalam na ko sa kanila at sinabing sesermunan ko sila kapag nagkaroon na akong time ulit. Ngumiti lang si Queen dahil sya lang naman ang nakarinig dahil iyong dalawa tulog at ang isa ay iyon may paslak parin sa tenga.
Bumaba na ako sa van at nagpaalam sa driver. Inantay ko na makalayo ang van bago tinungo ang daan papasok sa bahay. Hindi naman nakakatakot dito dahil may mga street lights naman sa paligid. Medyo malayo pa ang bahay namin kaya nagmuni-muni muna ako. Oras narin ito para makapag isip ng dahilan bakit ako matutulog dito.