Entrance examination ko for college ng makilala ko si Han or Yohan. Parehas kaming naghahanap ng room namin ng mabangga ko sya dahil parehas kami hindi nakatingin sa daan. Coincidence na same ang exam room namin kaya magkasama kaming naghanap. Matapos noon, inayaya nya akong kumain sa labas ng campus.
Dumating ang unang araw ng pasukan, kahit hindi kami same ng course ay nagkita kami ulit. Doon na nagkaroon ng friendship saaming dalawa. He is so childish. Lagi sya nakikipagpustahan sa kahit anong aspeto. Dare games ang hilig nya. Pag nagpupustahan kami lagi may taya kaya minsan ang budget ko sa buong isang linggo ay kulang dahil sa kanya. Puro kasi palibre ang consequences.
Pagkalipas ng isang sem doon na nangyari ang isang dare. He dare me to be his girlfriend. Hindi ako pumayag kasi focus ako sa pag-aaral. Pero inisist nya na magkaroon kami ng secret relationship. Sabi nya pa hindi naman daw iyon magiging isang totoong relasyon dahil laro lang iyon. Pumayag ako kasi that time may crush na ko sa kanya. Sayang ang opportunity kahit fake lang.
Ang usapan namin kapag may na fall out saming dalawa sa isa't-isa ay magbrebreak kami. Kinabahan ako kasi nga may crush na ko sa kanya noon pero naggora parin ako kasi sabi ko sa sarili ko " Crush lang naman ito. Panigurado mawawala rin". Pursigido akong manalo sa laro namin kasi ang winner ay syang magbabayad ng summer trip namin sa bakasyon.
Second sem na noon, dalawang buwan palang ang fake relationship namin ng umamin na ko sa kanya na talo ako. Hindi ko kinaya eh. Mas lalo akong nafall sa kanya dahil sa mga ginawa nyang effort. Lalo na na mas lalo kong nakilala ang side nya sa pagiging sweet. Hindi kinaya ng puso ko at utak kaya umamin na ko.
Pagkatapos ko sabihin iyon sa kanya tumawa lang sya saakin at ginulo ang buhok ko. "Ayokong magbreak tayo" tangging sagot nya saakin noon at iniwan ako sa park na binisita namin for the second fake monthsary.
Binago nya ang laro namin. Kapag ako daw ay nagkaroon na ng ibang gusto saka ko raw sya ibreak. Tinanong ko kung paano pag sya naman ang mafall sa iba. Sabi nya ay ganoon din daw. Natuwa ako kasi advantage saakin iyon dahil may boyfriend na ko slash iyong crush ko pa ang naging boyfriend ko.
Pero ang masakit doon ay sekreto lang ang relasyon na iyon. Walang nakaalam kung hindi kami lang dalawa. Hindi alam ng mga kaibigan namin, nila mama at lalo na ni Alex. Pasekreto kaming nagdadate na dalawa kapag monthsary namin. Nang umabot sa taon ang lihim na relasyon namin ay naging mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya.
Second year ko pa nakilala si Alex dahil transfer student sya at kaibigan ni Han noong highschool. Sa totoo lang ay napogian talaga ako sa kanya. Hindi naman ako manhid para hindi iyon pansinin. Pero hanggang doon lang ang ginawa ko noon kasi mas pinagtuunan ko ng pansin ang saamin ni Han.
"So.... May tao ng nakakuha sa puso..." Pasimula ni Han ng matapos ko sabihin iyon. "Hindi ko alam na aabutin ang relasyon natin ng maraming taon. Kahit secret lang iyon." Ngumiti sya saakin pero ako ito medyo nakokonsensya. Ang sabi ko kasi sa kanya noon kapag umabot kami ng 29 years old parehas at hindi parin kami naghiwalay, magpapakasal kaming dalawa. At ngayong taon parehas na kaming 29.
"Mapanakit ka, Bella. Kung kailan anniversary natin ay saka ka nakipagbreak saakin" malungkot nyang sabi pero nakangiti parin. Malungkot ko sya pinagmasdan. Ngayon ang araw na kung saan dapat magcecelebrate kami ng 11 year secret relationship anniversary. Pero heto ako nakikipaghiwalay na sa kanya.
Kung tutuusin ay nasasayangan ako sa pinagsamahan namin kahit na patago kaming nagkikita lalo kapag magcecelebrate kami. Kahit sino naman ay masasayangan. Pero kung hindi ko ito gagawin baka pagdating ng araw magsisi ako sa huli.
"Pasensya na Han. Alam kong biglaan ito pero ayoko ng patagalin"
"Ok lang saakin. Saka kilala ko naman kung sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon" tumingin sya labas ng cafe at ilang minutong nanahimik. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya. Kung ano yung nararamdaman nya ngayon.
Kahit kelan kasi hindi saakin sinabi ni Han kung may gusto sya saakin o wala. Pagtinatanong ko sya ngumingiti lang sya saakin at saka ako pipitikin sa ilong ng ilang beses hanggang sa mamula iyon. Kaya hindi ko na sya tinanong ulit kasi pakiramdam ko ay masaya naman sya sa ginagawa namin. Kahit kailan hindi ko sya nakitang magreklamo sa mga pagseselos ko at pagtatampo sa kanya. Nawawala na lang kasi iyon kapag nagpapaimpress sya saakin.
"Ok kalang ba Bella? Hindi ka ba nya sinasaktan? Iyong taong gusto mo?" Tanong nya saakin. Umiling lang ako kasi hindi naman ako sinasaktan non. Siguro sakit sa ulo lang at stress ang binibigay nya saakin pero nakakatuwa kasi kahit ganoon sya inaalagaan nya parin ako. Tumawa ako ng mahina ng maalala ko iyong panik nyang mukha noong nahiwa ako ng kutsilyo sa bahay nya.
"Tawa ka dyan! Nag eemote ako dito tapos ikaw na mapanakit tumatawa? Kung bigwasan kaya kita dyan" saka ako sinamaan ng tinggin pero ngumiti din sya pagkatapos.
"Siguraduhin mo na magiging kayo sa huli. Paghindi kukunin kita sa kanya. Ako papakasalan mo, maliwanag?"
"Oo na po. Pero paniguradong hindi iyon papayag noh" ngitian ko rin sya. Ramdam ko na kasi na ayos na sa kanya ang lahat.
"Alam ko din. Sige na umalis ka na at istorbo ka sa trabaho ko" pagtataboy nya saakin. Dinilaan ko lang sya na ikinisimangot nya. Tumayo sya at nagpagpag ng damit. Iniabot nya ang kanyang kamay senyales na makikipagshake hands sya saakin. Inabot ko din ang kamay nya at nakipagshake hands.
"Happy anniversary Bella. Maging masaya ka na sana ngayon"
"Happy anniversary din. Sana ikaw din maging masaya"
Matapos naming makipagkamay ay tumuloy na sya sa counter at nagsimula ng magtrabaho. Ako naman ay inubos na ang kape saka tumayo at nagtungo sa pinto ng cafe. Tapos na ko sa agenda ko ngayong araw at salamat dahil naging ok ang lahat.
"Bella!" Tawag ni Han saakin nang mahawakan ko na ang pinto ng cafe. Nilingon ko sya at napasinghap ako ng yakapin nya ako bigla at may binulong saakin na naging sanhi para lumaki ang mata ko.
"Mahal kita Bella." Bumitaw sya sa pagkakayakap at ngumiti saakin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tinulak nya ako ng bahagya at kumindat.
"Joke lang no. Asa ka naman" saka umalis sa harapan ko at pumasok sa loob ng counter diretso sa likod non. Ilang segundo lang ng mag sink in iyong sinabi saka lang ako gumalaw at lumabas ng cafe. Ngumiti ako sa kalokohan ng kaibigan ko. Kahit kelan talaga ang isang iyon.
Dumiretso na ko sa building ng A+ na walking distance lang naman. Nang makarating ako sa loob ay dumiretso ako sa elevator para umakyat sa office ko.
Nakarating na ko sa floor ng office ko at bumukas ang pinto ng elevator. Humakbang na ko palabas ng mapansin kong bumukas ang opisina ni Boss at lumabas ang isang babae kasunod si boss. Tumigil ako para sana bumati ng makita kong umangkla ang babae sa braso ni boss at hindi man lang pinagtuunang tanggalin.
Nakita nya ako pero hindi nya ako binati. Basta nalang silang naglakad sa private elevator nya at sumakay doon. Nang masarado iyon saka ko narinig ang puso kong parang sinaksak ng kutsilyo. Ang sakit!