Magkayakap kami dito sa waiting room. Tumigil na rin ang pag-iyak ko. Mas hinigpitan ko ang pagkayakap ko sa kanya. Walang nagsalita saming dalawa. Kahit tahimik ang paligid, hindi naging awkward sakin ang nangyayari. Parang napakomportable saakin ngayon ang nangyayari.
"Im sorry kung nagalit ako sayo" pambabagsag ko sa katahimikan. "Masyado akong nag-assume na babae mo na iyon, yun naman pala pinsan mo lang. Sorry kasi nasigawan kita"
"It's okay Bella. Hindi naman kita masisisi kung nagselos ka dahil kay Zoe" nagpantig ang tenga ko doon sa sinabi nya kaya humiwalay ako sa kanya sabay simangot. Tinawanan nya ako at hinalikan sa noo. Ngumiti na ko dahil doon. Ang babaw ko. Dahil lang doon nawala na inis ko sa kanya.
Lumayo na ko sa kanya para tignan ang mukha nya. Tinignan nya lang din ako saka sya ngumiti. Nawala ang ngiti nya bigla at bumaling sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko ang mga bata na nakasilip sa nakabukas na pinto ng waiting room. Pinagkrus ko ang kamay ko sabay taas ng kilay sa kanila.
"Wag nyong sabihin na kanina pa kayo dyan?" Sabi ko na ikinangiti lang nila. Pumasok na sila sa loob at naupo sa bakanteng upuan. Nakalinya sila doon habang ako naman ay tinitignan sila isa-isa. May umakbay sakin pero hindi ko sya binalingan.
"Caspian Junior" tawag ko sa kapatid kong panigurado pasimuno ng pagiging tsismoso nila.
"Ate naman! Wag mo nga akong tawagin na junior. Nakakahiya" reklamo nya.
"So, sinasabi mo na nakakahiya ang pangalan ni papa?" Tanong ko sa kanya. Umiling sya at hindi na sumagot. Pag kasi nalaman ni papa iyon panigurado lagot sya.
"Sorry miss sa pakikinig sainyo. Narinig po kasi namin ang sigaw nyo kanina kaya na curious kami sa pinag-uusapan nyo" paliwanag ni Kiko saamin.
"Tama sya miss. Pati nga din iyong ibang kasama natin dito ay narinig po iyon. Tinatanong kami kung bakit sumisigaw kayo" si Zam.
"Pero si Cas po talaga ang nagsabi na buksan ang pinto para malaman namin" pagbubulgar ni Clow kay Cas. Tumango silang apat para umagree. Sinamaan ko naman ang kapatid kong napagtulungan ng apat na lalaki.
Nahiya ako bigla doon sa sinabi na rinig kami sa labas kaya tinanggal ko ang akbay nya saakin. Hinarap ko sya at pinalo sa dibdib. Nagtatanong ang tingin nya sa ginawa ko kaya nagpout ako.
"Nakakahiya iyong ginawa ko. My gosh! Ano nalang ang ihaharap ko sa labas ngayon dahil narinig nila akong sumigaw" sabay hawak sa pisngi ko. Tinawanan nya lang ako dahil doon at kinurot ako sa pisngi.
"Ang cute mo" komento nya saakin kaya lalo akong nagpout.
Pacute pa Bella para mas lalo syang makyutan sya sayo.
....
Nandito ako sa sala ngayon nagbabasa ng magazine. Nakauwi na kami galing sa fanmeet ng Galaxy. Tinanong ko sya kung bakit sya nandoon sa venue. Sabi nya lang saakin ay namiss nya daw ako kaya pumunta sya doon. Hindi na daw nya matiis na hindi ako kausapin. Kilig naman ako kaya ang ending inasar nya ako.
Nasa kusina sya naghahanda ng hapunan namin. Sya na daw muna ang magluluto ngayon dahil pagod daw ako. Hindi na ko tumanggi. Gusto ko din naman na magpahinga talaga. Napagod ako hindi lang sa nangyari ngayon pati narin dahil sa mga nangyari noong mga nakaraan. Nadrain ako ang utak ko kaya heto ako nagpapahinga.
"Let's eat" yaya sakin ni Alex ng lumabas sya ng kusina at hinatid ang pagkain namin dito sa sala. Umupo na ko sa sahig at inantay na ilapag saakin ang pagkain ko. Pagkatapos ayusin nya ang lahat umupo na sya saka nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami pero hindi na katulad noong nakaraan na parang may mabigat sa paligid. Magaan ang atmosphere saaming dalawa kaya hindi ako nabobother na tahimik kami.
"Masarap ba?" Tanong ni Alex saka uminom ng tubig. Tumango ako at tinapos ang pagkain. Matapos naming kumain ay sya rin ang nagligpit.
Umupo ulit ako sa sofa at inantay syang bumalik. Pagkaupo nya sa tabi ko ay agad ko sya niyakap. Nagulat sya sa ginawa ko pero hindi nagkomento. Yumakap nalang din sya saakin. Ilang minuto ang lumipas pero parehas kaming tahimik.
Pero binasag ko ang katahimikan. Gusto ko kasing sabihin sa kanya ang inaantay nya saakin.
"Alex" tawag ko sa kanya. Umungol lang sya bilang tugon. Ngumiti ako kahit di nya ako nakikita.
"May sasabihin ako sayo"
"Tungkol saan?"
"Kasi... Gusto kong malaman mo iyon kasi.... Ayokong—"
"Alam ko na ang sasabihin mo" putol nya saakin. "Matagal ko ng alam ang mayroon sainyo ni Han. Hindi ko lang alam kung gaano na kayo katagal. Hindi naman ako manhid para hindi makita na may something sainyo"
Nagulat ako sa sinabi nya kaya bumitaw ako sa yakap nya. Tinignan ko sya. Bakas sa mukha ang lungkot. Hindi ko alam pero naiiyak ako kasi parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Kaibigan ko sya noon pa man, pero hindi ko man sa kanya sinabi iyon. Tapos magbesfriend pa sila ni Han.
Umiyak ako sa harapan nya kaya ang ginawa nya ay pinahid nya ang luha ko. Ganoon lang kami ng mga ilang segundo saka ako nagsimulang ipaliwanag ang lahat sa kanya. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon nya lalo ng sinabi kong may gusto ako kay Han. Matapos kong sabihin lahat ay tumitig sya sa sahig marahil inaabsorb nya lahat ng sinabi ko.
Tahimik lang sya samantalang ako nakatingin sa kanya inaabangan ang magiging reaksyon nya. Kung ano yung magiging komento nya. Maraming pumapasok na negative thoughts sa utak ko dahil sa pananahimik nya.
"I'm sorry Lex. Ayoko lang na maglihim sayo. Ayoko din na saka mo nalang malalaman kapag matagal na. At ayoko din na sa iba mo pa malaman o kay Han. Im telling this to you kasi gusto ko bago kita sagutin ay naayos ko na ang problema ko" paliwanag ko sa kanya. Binalingan nya ako at saka niyakap ng mahigpit.
"No Bella. Wag kang mag sorry. Hindi pa naman tayo magkakilala bago mangyari iyon." Tinanggal nya ang yakap nya saakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I love you Bella. Iyon lang importante. Walang kaso sakin kung nagkaroon kayo ng relasyon. Desisyon mo iyon. Wala ako sa pwesto para hindi ka tanggapin lang dahil doon.
"Matagal na kitang gusto unang kita ko palang sayo. I don't believe in love at first sight. Pero ng makita kita naniwala na ko. I was your secret admirer pero hindi ako nagpaparamdam because you said that you don't entertain suitors habang nag-aaral ka pa. And I decided to talk to your parents to give me their permission to court you after college. Sabi nila saakin ay intayin pa daw kitang makahanap ng trabaho kaya I agree because they agree.
"Pero hindi ko nagawang ligawan ka noong nagkatrabaho ka na. I was busy building my company. I thought, pag naging successful ang tinatayo ko na business, magiging proud ka saakin at papakasalan mo ako. Also your parents will be happy because Im a successful man. Na hindi ako katulad ng iba na hindi pa stable ang buhay pero may mga anak na.
"Kaya ng maisip ko na gawin kitang secretary sa kompanya ko, pinilit ko ang magulang mo. I ask them to tell you my offer and also the wages. Hindi ko alam na gagana ang plano kong bigyan ka ng malaking sahod para lang magtrabaho saakin. And everything is settle except sayo dahil ikaw na lang ang kulang sa buhay ko.
"Everytime I pissed you off, natutuwa ako kasi napapansin mo ko. And I'm sorry for giving you stress. Gusto ko kasing palagi mo kong iniisip na kahit bad things yon para saakin ay masaya ako kasi iniisip mo ko. Pero hindi ko na talaga matiis kasi ilang taon na pero wala paring improvement kaya I did something. Nagpapansin ako. Nilandi kita at sa huli ay nasabi ko sayo ang nararamdaman ko noon.
"I know that you think I am angry towards you that day pero naging maganda din naman pala ang plano ko kasi nakipagdate ka sakin kinabukasan. That was amazing date I ever have. Sabi saakin ng mother mo, it was your first date pero alam kong hindi kaya gusto kong maging memorable iyon saiyo. Dahil iyon ang first date ko."
Nagulat ako sa sinabi nyang first date nya iyon. Ang unfair ko sa kanya.
"Im sorry"
"It's okay. Past na iyon kaya wag ka ng mag alala. I'm just wondering now kung bakit ka nakipaghiwalay na sa kanya" ngumiti sya. "Don't tell me, may gusto ka na saakin?" Pilyo nyang sabi kaya inirapan ko sya para itago ko ang hiya.
Hind ko sya sinagot kasi nahihiya ako. Pero titig na titig sya saakin. Halatang inaantay nya talaga ang sagot ko sa tanong nya. Tumango nalang ako kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
"I want hear it Bella. Mamaya iba palang iyang tango mo" tinignan ko sya at sumimangot ako. Ang arte kasi eh. "Tell me Bella"
"Ang arte mo noh? Pwede na iyon"
"No. Hindi pwede iyon" saka nya inipit ang mukha ko sa dalawang palad nya. "Tell me o sasabihin ko sa mama mo ang ginawa mong sekreto?"
"Takot ko na naman sayo boss. Kahit na sabihin mo pa kay mama na hindi ikaw ang first kiss ko, hindi ako natatakot"
"I am" sagot nya saakin.
"No, you're not. Iyong halik doon—" he cut my words by kissing me. Pinakawalan nya din ako pero hindi nya tinanggal ang dalawang kamay nya sa pisngi ko.
"I am your first kiss. I am the one who stole a kiss of yours when you was at the gym that time" lumaki ang mata ko sa sinabi nya at tinulak ang dibdib nya. Tinawanan nya lang ako at saka sunod sunod na hinalikan sa labi.
"I love you Bella. Im willing to wait no matter what" sabi nya saakin na ikinainit ng mukha ko.
"Bat ka pa maghihintay. Ano akala mo saakin?"
"Bakit sure ka na ba sa nararamdaman mo?"
"Oo sure na sure." Humina ang boses ko sa mga sumunod. "Pero natatakot ako"
"Saan naman?"
"Na baka iniisip mo na kaya kita gusto ngayon kasi gusto mo din ako" yumuko ako at tinanggal ang kamay nya sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay nya at dinala sa puso ko. "Alam ko na ikaw lang tinitibok ng puso ko ngayon. Ibang-iba kasi ang nadarama ko ngayon. Hindi sya katulad ng naramdaman ko kay Han. Mas higit pa ito kesa noon"
"I dont want to rush you Bella. Kaya nga kita inaantay. And I'm happy to hear that Im the reason why your heart beats. Mas lalo akong sumaya kasi magkaiba kami ni Han para sayo."
Tinignan ko sya at nakita ko sa kanya na masaya sya. Ngumiti ako at lumapit sa kanya at hinalikan sya sa labi. Naramdaman kong ngumiti sya dahil doon at mas lalong diniin ang mukha ko sa kanya. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg nya para mas palalimin ang halik. Nagtagal ang halik namin hanggang sa ako na ang bumitaw dahil naubusan na ko ng hininga.
Tinignan ko sya sa mata. Binuka ko ang labi ko para banggitin ang inaantay nya matagal na panahon na ang lumipas.
"Alex, I love you"
Ngumiti sya saka ulit ako hinalikan at tinulak pahiga sa sofa.