"Are you ready guys?!"
"Let's rock this stage!"
At dumagundong ang ingay ng speaker sa loob ng dome. Sama mo pa ang hiyawan ng mga fans ng Galaxy. They are having their first ever concert. Maraming fans ang dumalo at maraming din fans na hindi nakapasok at nasa labas ng venue. For their support we provide a big screen para sa mga fans na hindi nakapasok para kahit papano ay makita nila ang mga idol nila. It was a surprise kaya sa mga nasa labas tuwang-tuwa sa ginawa namin.
Nandito ako sa may gilid ng stage. Katabi ang isang camera man. First time kong manood ng concert ng ganito kalapit. At libre pa dahil ako ang manager nila. Kumaway saakin ang kapatid kong tinanguan ko lang. Sobrang saya nya kahapon dahil magcoconcert sila. Dream nilang lima na gawin ito. And as the time pass by, natupad na nila ang dream nilang magperform sa stage together with their many fans. Ako naman ay natutuwa dahil kahit mga pasaway sila ay hindi parin sila nakakalimot paano namin sila tinuruan.
Proud to be their manager. The President is also proud of them. And speaking of president, Alex is here. Nasa likod lang sya at ayaw manood ng concert dahil nakakapagod daw tumayo habang nanonood. Kaya iyon iniwan ko sa likod at mag-isang nanood ng concert.
We are in relationship. Almost 3 months. Maraming nagbago saaming dalawa. I was so very clingy lalo na kapag kami lang dalawa. Sya naman ay hilig nya akong asarin at pikunin. Hindi pala sya nagbago kasi iniimbyerna parin nya ako. Pero sa kabilang banda, pagkatapos nya akong bwisitin saka sya magiging sweet. Susuyuin nya ako hanggang sa halikan nya ako. Eh ako ito marupok, nagbabati kami agad.
Naging masaya na din sila mama saakin. Nalaman ko na alam nilang kay boss ako nakatira. Akala ko nga sesermunan ako eh, natuwa pa sila kasi hindi ko na daw kailangan magpatayo ng bahay kasi may bahay na daw kami ni Alex. Gamitin ko nalang daw iyon para sa mga magiging anak namin. Nag-init ang mukha ko ng humirit sya na aanakan nya raw ako ng mga lima. Hinampas-hampas ko sya sa harap nila mama dahil nahiya ako. Aba'y ang loko hinalikan lang ako.
Sino bang hindi kikiligin?
Nalaman din nila ang tungkol kay Han pero hindi ko na masyadong inilaborate. Nagalit si mama saakin pero pagkatapos noon ay inasar ako patungkol sa first kiss ko nang ikinuwento ni Alex. Hindi na rin kami nagkita ni Han pagkatapos kasi umalis na sya sa Brewed. Wala daw nakakaalam kung bakit sya umalis. Kahit si Alex ay hindi nya daw alam. Ang sabi nya lang baka daw nag out of the town na naman.
Lagalag talaga iyong lalaking iyon.
"Nag-eenjoy ba kayong lahat?" Tanong ni Kiko sa mga fans na naghiyawan lang.
"So, ngayon meron tayong special guest. Pinakiusapan nya kaming ibunyag ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinisinta ngayong gabi" paliwanag ni Queen.
Nagulat ako kasi wala iyon sa plano na nabasa ko. Sinong nagpalit ng plano?
"So let's welcome. Our very own President of A+, Mr. Alexander Molina! Please give him around of applause" pakilala ni Zam sa special guest nila. Pumalakpak ang mga fans at biglang naghiyawan ng lumabas si boss sa stage.
Napatanga ako ng nakita ko sya. He wears white polo shirt with long sleeves, a black pants below and a black shoes for his feet. May dala din syang isang bouquet of red roses at may hawak na mic. Naglakad sya sa tabi ni Caspian at nakipag apir sa kanya.
Bumaling sya sa mga fans walang sabing bumati.
"Hi everyone! My name is Alexander Molina, President and owner of A+ Entertainment" humiyaw ang mga fans. May mga narinig akong ang pogi daw nya. Meron din na anakan na daw sya nito. Inis akong tumingin sa kanya dahil sa pag eexpose ng mukha nya sa madla. Mukhang marami akong magiging kaagaw sa kanya dahil dito.
"Im sorry for interrupting your concert guys. Pero gusto ko kasing malaman ng buong mundo kong gaano ako kasaya ngayon. Gusto ko rin masaksihan nyo ang paghingi ko ng kamay ng babaeng nagpapatibok ng puso ko ngayon" sabay tingin sa gawi ko. "Bella Maire"
Nagulat ako sa sinabi nya. Alam ko kung ano ang gagawin nya pero ewan ko nakatitig lang ako sa kanya. Seriously dito talaga nya gagawin iyon? Sa harap ng mga tao na ito?
Naglakad ang dalawang miyembro at pumunta sa kinaroroonan ko. Naglatag ang isang crew ng hagdan sa tapat ko. Bumaba doon si Zam at Queen at inabutan ako ng kamay para yayaing sumama sa kanila.
"Dali na miss" si Zam.
"Mamaya ka na tumanga dyan miss. Baka madissapoint si Sir at magbigti kapag hindi ka sumama saamin" panakot ni Queen. Inirapan ko sya at inabot ang kamay nila. Inakay nila ako paakyat ng stage. May nakatutok na light saamin pero hindi ko na pinansin nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Nginitian nya ako at isinenyasan na lumapit na sa kanya. Naglakad na kaming tatlo palapit sa kanya. Naririnig kong naghihiyawan ang mga fans. Nang makalapit ako ay lumayo saakin ang dalawa at tumabi sa gilid. Sumunod narin ang tatlo at naiwan si Alex. Inabutan ako ng mic ni Cas at kinindatan ako. Tumabi ako sa kanya at humarap sa madla. Inaabot nya sakin ang flowers.
"Hindi ko alam na ganito ka pala. May pa stage-stage" bulong ko sa kanya.
"Mahal kasi kita kaya dapat makita ng madla. Ayokong itago sa publiko ang relasyon natin. Ayoko" sabay angat ng mic. "Let's welcome my secretary and my one and only girlfriend, Bella Maire Soledad" pagpapakilala nya saakin.
Gamit ang mic ay bumati ako. "Hello everyone. My name is Bella Maire Soledad, the beautiful secretary of A+ and also the manager of Galaxy" nagwave ako sa kanila. Gusto ko sana na sabihin na boyfriend ko si Alex nahiya na ko.
"So, to end this" tumili ang mga tao sa paligid. Tinignan ko si Alex na nakaharap saakin at nakaluhod. Napahawak ako sa bibig ko ng maglabas sya maliit na box galing sa bulsa nya. Binuksan nya iyon at tinapat saakin. Gamit ang isang kamay ay inilapit nya ang mic sa labi nya sabay sabi...
"Bella Maire, will you marry me?" Tanong dahilan para humiyaw ang mga nasa paligid namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tinapat ko sa labi ko ang mic.
"Ang bilis naman. Wala pa naman tayong taon ah" biro ko sa kanya. Alanganin syang ngumiti. Tinignan ko sya mata. Mukhang may hindi ako alam ah.
"Sabihin mo na. Nahiya ka pa eh" kumbinsi ko sa kanya.
"Sorry love. Hiningi ko na kasi sa magulang mo ang kamay mo bago ako magpropose ngayon" nag-ingay ulit sila. Nagpout ang loko sa harap ko kaya hindi ko napigilang kurutin ang pisngi nya.
"Ang cute ko noh. Pero Bella gusto kong sabihin sayo na kahit ilang araw palang tayo, yayain kitang magpakasal dahil akin ka na. Ayoko na mapunta ka sa iba kasi nag-antay ako ng matagal para makuha ka. Hindi sapat ang taon para mapatunayan nating karapat-dapat na tayong magsama, dahil ang totoo hindi nasusukat ang pagmamahal ko sayo. Hindi kailangan magtagal ang relasyon bago magpakasal. Kung gusto mo ngayon palang magpunta na tayo simbahan para matali na tayo sa isa't-isa at mapatunayan ko sayo na talagang ikaw lang ang mahal ko."
Naiiyak ako sa sinabi nya. Hindi ako perfect para sa kanya pero ako ang pinili nya. Tama si mama, walang perfect partner. Kayong dalawang talaga ang magpapatunay kung kayo talaga sa isa't-isa hanggang dulo. Everything will give you negatives but if you have the guts to win the match, you will succeed. Kaya siguro dapat maibigay ko na sa kanya ang premyo nya.
"I will boss. I will marry you" sagot ko sa kanya na ikinangiti nya. Humiyaw ang tao sa paligid pero pakiramdam ko kami lang ni Alex ang nandito. Sinuot nya ang singsing saakin. Tumayo sya at walang sabing hinalikan ako. Pinalibot ko sa leeg nya ang braso ko. Narinig kong pumalakpak ang mga tao at pagsasalita ng Galaxy.
....
"Kanina mo pa ako hindi pinapansin. Nagtatampo na ko" reklamo ni boss habang nagdadrive ng kotse pauwi sa bahay. Nilingon ko sya at nakita kong nakasimangot sya habang nagmamaneobra ng manibela.
Hindi kasi kami nakapag-usap pagkatapos namin sa stage. Inuna kong inasikaso ang concert ng Galaxy. Maraming bumati saakin sa backstage. Pati sila mama ay binati ako na nasa VIP section kanina. Iniyakan ako ni mama dahil tumatanda na raw sya kasi magpapakasal na ang panganay nya. Si papa naman todo tahan kay mama.
Binaling ko ulit sa singsing ang tingin ko. Nagagandahan ako sa binili nya. Simple pero may dating.
"Salamat sa singsing. Ang ganda talaga" at inangat ko sa ere ang kamay ko. "Iinggitin ko lahat sila dahil ikakasal na ko hihihihi"
"Ewan ko sayo." Sagot ng masungit kong boss na hanggang ngayom naiinis parin dahil hindi ko nga sya pinapansin.
Tumigil ang kotse ng tumapat kami sa stoplight. May pumasok sa utak ko kaya tinanggal ko ang searbelt ko at lumapit kay Alex. Hinalikan ko sya sa pisngi.
"I love you" nakita kong nawala na ang iritasyon nya sa mukha pero tikom parin ang bibig nya. Nagpout ako.
"Sorry na. Ano bang pwede kong gawin para hindi ka na magalit sakin?"
"Gagawin mo ba talaga ang gusto ko?" Hamon nya saakin. Tumango ako sa kanya. Ngumisi sya at lumapit sa tenga ko at bumulong.
Namula ako nang marinig ko ang sinabi nya. Hinampas ko sya sa hita at bumalik sa upuan ko at nagseat belt. Tumawa sya sa reaksyon ko.
"Ano ayaw mo? Mas maganda iyon mauuna nga lang bago kasal" proud nyang sabi at pinaandar ang kotse.
Hindi ko parin maisip na sinabi nya iyon sakin. Grabe sya! Hindi nya ba alam na inosente ako! Noong nakaraan muntik na namin gawin iyon. Buti nalang may tumawag sa kanya kaya safe ako.
"Ano Bella? Akala ko ba gagawin mo ang gusto ko? Saka gagawin din natin iyon, mag aadvance lang tayo"
"Eh? Pwede bang iba nalang. Wala ka na bang ibang gusto?" Reklamo ko sa kanya.
"Wala na. Kung ayaw mo hindi nalang kita papansinin ulit tutal naiinis ako say—"
"Sige na. Payag na ko" pagpayag ko. Well, tama naman sya. Gagawin din namin iyon kaso mag aadvance lang kami.
Biglang bumilis ang takbo ng kotse at binalingan ko sya.
"Bat ang bilis mo magpatakbo? Excited ka teh?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya saakin.
"Para makarami tayo"
Natawa ako sa sinabi nya. Tama sya ulit. Kung babagalan namin ngayon baka hindi kami makarami.