Alex's
Kasama si Han, naglakad kami palapit sa babaeng nakaupo sa lamesa na tinuro nya. Doon daw kami kakain ngayon lunch at kasama ang kaibigan nya. Nagulat nga ako ng marinig na may kaibigan syang babae. Hindi tipo ni Han nakaibiganin lang ang mga babae, mas gusto nya ang higit doon.
"Bella" tawag ni Han sa babaeng nakayuko at mukhang busy sa pagbabasa ng libro. Tumingin sya saamin pagkarinig nya noon at nakita ko ang mukha nya. Bigla akong kinabahan bigla.
"Hey" sagot nya at ngumiti saamin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at sa hindi malamang dahilan ay napahawak ako sa dibdib ko. Nakita kong kumunot ang noo nya at mariing tumingin sakin. Mas lalo akong kinabahan. Baka narinig nya ang tibok ng puso ko.
"Ayos ka lang?" Tanong nya saakin. Napahigit ako ng hininga at hindi nakapagsalita pa. Narinig ko din na tinatanong ako ni Han na hinawakan ako sa balikat pero hindi ko iyon binalingan. Dahil ang mga titig ko ay nasa kanya lang at hindi ko alam kung paano tatanggalin.
...
"Are you kidding me, Han?" Iritang kong tanong sa kanya ng sabihin nya saakin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Bella.
Umiling lang sya saakin at sumandal sa sofa. Tinignan ko sya ng matagal pero hindi nya binawi ang sinabi nya saakin. Napasandal nalang ako sa swivel chair at hinilot hilot ang sentido ko. I have to calm or else baka masapak ko ang taong ito.
Umagang umaga pero ito ang bumungad saakin. Mabuti nalang at wala si Bella dito sa office. Ang sabi ng secretary nya ay sumama sya sa Galaxy. Paniguradong ipapatawag ko sya ngayon dahil dito. Tinignan ko ulit si Han na nakangiting nakatingin sa cp nya at nagtitipa. Ayokong isipin na si Bella ang kausap nya pero iyon ang pumapasok na ideya sakin habang tinitignan ko ang kaibigan ko. Naramdaman nya siguro ang titig ko kaya lumingon sya saakin.
"Wag kang mag-alala" sabay pakita ng screen ng cp nya. "Girlfriend ko ang kausap ko."
"Girlfriend? You mean new?" Kunot kong tanong. Tumango sya saakin. "Wow! Ikaw na laging may bago."
"Well she's new but I love her"
Nagulat ako sa sinabi nya. Seriously?
"Kung hindi ka naniniwala," he sighed. "Don't mind me. Lovelife ko toh kaya wag mo nang isipin." Binalik nya sa bulsa ng jacket ang cp at tumingin sakin. "Bella is free. You can court her. Wala na kami." Tumawa sya ng mahina. "Maybe she's falling for you. Good thing at nagbreak na kami." Tumayo sya at nagpaalam na.
Tinignan ko ang pintong nilabasan ni Han ng matagal bago bumuga ng hangin. I was irritated now but i felt relieved.
...
"Alex!" Sigaw ni Bella sa sala. Im here in the kitchen and preparing foods. I panicked kaya mabilis ko syang pinuntahan kahit may nakasalang ako sa stove.
When I arrived, I saw her in the sofa and pointing her finger at the screen of the TV. Nilingon nya ako at nakapout ang nguso.
"Buy me Ramyeon, Alex. Please?" She pleaded. I sighed and went back to kitchen. Narinig ko syang nagwala pero hindi ko sya nilingon at tinignan ko ang niluluto ko.
Ilang minuto lang ay natapos din iyon at mabilis na tinanggal ko ang apron at akmang tatawagin si Bella nang makita ko sya sa may pintuan ng kusina. She's glaring at me habang yakap ang baymax nyang teddy bear na binili ko online dahil gusto nya daw.
"I hate you!" Sigaw nya sakin bago ako iniwan sa kusina. Narinig ko ang maingay nyang dabog papaakyat kaya sinilip ko sya dahil nag-aalala akong bigla nang syang maput of balance. Nang makita kong safe syang nakaakyat at malakas nyang sinara ang kwarto namin. Saka ko lang kinuha sa bulsa ang phone ko at tinawagan si Mae.
"Hello sir?" Bungad sakin ni Mae. "Bakit po kayo napatawag?"
"Please buy me a Ramyeon. Bella is craving it." Sagot ko. Narinig kong ipapadeliver nalang nya dito ang pagkain kaya nagpaalam na ko.
Umakyat ako sa kwarto namin at kinatok ang pinto. Narinig ko ang paghihikbi ni Bella sa loob kaya dali-dali kong binuksan ang pinto gamit ang spare key na lagi kong bitbit. Pagganito kasi sya, lagi nya akong nilalakan ng pinto. Mabuti na itong meron ang extra dahil ayoko pang maulit ang nangyari noong una.
Pagbukas ko ay nakita ko syang nakatalukbong ng kumot at ang teddy bear nya ay basta lang siguro nyang tinapon sa sahig. Dinampot ko iyon at pinatong sa kama bago ko sya nilapitan.
"Get up, Bella" tawag ko sa kanya. "I ask Mae to buy your foods. Please stop crying." Pinilit kong alisin ang kumot at nagtagumpay naman ako. Nakita ko ang matatalim nyang tingin saakin. "Stop glaring. Hindi ko sayo ibibigay iyon pag nadeliver na dito."
"Is that true? Nagpabili ka ba talaga?"
"Yeah" sagot ko. "Stand up, Bella. I will wipe your tears. Hindi sayo bagay ang umiiyak." Sumunod din naman sya at ginawa ko ang gagawin ko. Matapos nun ay niyakap nya ako at naghingi ng sorry.
"Its okay, babe. Its normal because your carrying our baby."
"I didn't hate you, Alex" tumingin sya saakin. "Sorry for the headaches. Pasensya na at namana ko kay mama ang pagiging ganito pagbuntis."
"Its okay. But please, lessen your anger. Mamaya mapano si baby"
Tumango sya sa akin bago ako niyakap ulit. Mga ilang segundo lang ay narinig ko ang doorbell sa baba. Akmang aalisin ko ang yakap nya nang mas hinigpitan nya iyon.
"Carry me." She commanded. "Mamaya babae ang nagdeliver. Kailangan kitang bantayan."
I chuckled before carry her and went down. Gamit ang free hand ko ay binuksan ko ang pinto at bumungad doon ang isang lalaki. Nagulat sya sa ayos namin kaya ngumiti nalang ako at tinanggap ang food at bayaran sya gamit parin ang isa kong kamay. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa pero pagkasarado ko ng pinto gamit ang paa ko ay dumiretso kami sa kusina.
Binaba ko sya sa isang high chair at inihanda ang pagkain nya ngayong gabi. Naghanda narin ako ng saakin at sabay kaming kumain. Ako rin ang naghugas ng mga pinagkainan saka kami bumalik sa kwarto. Buhat-buhat ko parin sya at nang makarating ako ay nagpaalam akong ichecheck ang baba. Tumango lang sya at nagtungo sa banyo. Mabilis kong tinapos iyon at bumalik sa kwarto. Nakita ko syang nakahiga na at yakap-yakap si Baymax. Ngumiti ako bago sinara ang pinto at dumiretso sa banyo para maglinis.
Humiga ako sa likod nya matapos kung magbihis at niyakap sya. Mahimbing na ang tulog nya kaya pinatakan ko ng halik ang batok nya bago pumikit.
"I love you, Bella. I will stay at your side, for better or worst." Sabi ko at saka ako nakatulog.