Biglang bumulong sa utak ko ang mga sinabi ni Han saakin.
"Hindi ka ba nya sinasaktan? Iyong taong gusto mo?"
Iniling ko nalang ang ulo ko at binalingan ang mga tao sa venue ng fansign meet ng Galaxy. Maraming babaeng nakaupo sa VIP area at meron din mga nakatayo sa likod. Ang mga nakaupo ay syang may access para manghingi ng signature sa album na binili nila. They can also talk at makipagkamay sa mga ito. They are 100 slots for the VIP fans na nanalo sa raffle na ginanap noong nakaraang araw. They are lucky.
Ako kaya kailan magiging lucky sa love life? Ok naman ang buhay trabaho at social life ko. Ito lang talagang love ang nagpapaumpisa ng pagsakit ng ulo ko lalo na ngayon. Matapos ko kasing masaksihan iyong pandedeadma saakin ni Cheol kasama ng babaeng tarsier makakapit ay laging masakit ang puso ko. Pakiramdam ko may sakit na ko sa puso kasi everytime na maiisip ko iyon, parang maraming punyal ang tumatarak sa dibdib ko.
Nakakaistress din kasi isip ako ng isip. Kaya ng naalala ko na may fanmeet ang Galaxy, sumama ako sa team. Wala rin naman akong trabaho sa opisina dahil hanggang ngayon kay Mae parin binibigay lahat ng trabaho. More than 2 weeks kaming hindi nagpapansinan ni boss kaya more than 2 weeks narin ang pagrereklamo ni Mae saakin. Makipagbati na daw ako kasi pati ang pagbabasa nya di na raw nya magawa sa sobrang pagod pag-uwi. Pati na din sa bahay nagdadala sya ng report para lang matapos lahat.
Kung sana lang hindi nangyari iyong encounter naming tatlo sa labas ng elevator ay ako na ang kusang makikipag-usap. Kaso hindi ko na tinuloy dahil doon. Lintek kasi sya! Akala ko ba mag-aantay eh may babae ng umaangkla sa kanya! May pa banat-banat pa sya saakin nung nagdate kami eh! Hindi ko tuloy alam kung tama bang ang naging desisyon kung makipaghiwalay kay Han. Pakiramdam ko kasi na prank ako eh!
Hindi na talaga ako komportable sa pagkakatayo ko dito sa gilid kaya pumasok ako sa loob para magpahinga. Nagpaaalam ako sa isa naming kasama at dumiretso sa waiting room ng Galaxy.
Pagkapasok ko ay pumunta ako sa isang swivel chair at komportableng umupo at saka pinikit ang mata. Iidlip lang ako baka sakaling mawala itong iniisip ko. Pero hindi ko alam na ang plano kong idlip ay tuluyan ng naging tulog.
.....
"Be quiet guys. She's sleeping"
"Sorry sir. Ikaw kasi makapalo ka wagas"
"Lakas kasi ng trip mo. Kita mong naglalaro ako"
"Uy wag kayong maingay. Baka magising si miss"
"Oo nga. Hindi nyo pa nakita ang ate ko pag-naiistorbo ang tulog. Nagtatransform bigla na Godzilla"
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising nalang ako sa ingay ng paligid. Kaagad kong nag-inat ng kamay saka minulat ang mga mata.
Tumambad saakin ang Galaxy na nakatingin saakin. Sinamaan ko ng tingin si Caspian dahil sya ang huli kong narinig na maingay. Ngumiti lang sya saakin at nagpeace sign. Nag-iwas ng tingin ang iba. Siguro natakot ng magising ako dahil sa ingay nila kanina.
"I tell you guys to be quiet. Ngayon na nagising na sya, saka naman kayo tumahimik" galing sa likod ko yung boses na nagsalita. Kilala ko din yung boses pero ayoko syang tignan sa hindi malamang dahilan. Parang nahihiya ako sa kanya.
Teka?! Nahihiya?! Eh dapat ko nga syang singhalan dahil doon sa nangyari eh!
Binalingan ko sya at masamang tumingin sa kanya. Tinignan nya rin ako. Balik na sa dati ang mga titig nya. Hindi na iyon katulad noong nakaraan na sobrang lamig. Nagcross arm ako sa kanya at mas lalong dumilim ang mukha ko ng maalala ko naman iyong babaeng kasama nya.
Tinignan nya iyong mga bata sa likod ko at sinenyasang umalis. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagsara non. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Bumaling sya saakin at huminga ng malalim. Kumuha sya ng isang upuan at tinapat nya sa akin at doon sya umupo.
"Bel—" di ko sya pinagsalita dahil ako ang unang nagreklamo.
"Sino iyong babae na kasama mo noong nakaraan?! Huh?! Akala ko ba mag-aantay ka?! Bakit may babae ka na agad?! Ano toh?! Na prank game nyo ko nila mama!" Sigaw ko sa kanya.
"Bella mali naman—"
"Anong mali?! Ay! Baka girlfriend mo na sya! Sorry ah! Mali nga ako. Pero sana sinabi mo saakin para naman nainform ako. Grabe ka! Hin—"
"Bella hindi ko—"
"Don't cut my words boss. Wag mo ng itanggi iyon. My gosh! Para akong naloko ng buong barangay namin dahil doon. Sana talaga hindi ako naniwala kanila mama. Dapat—"
"Bella—"
"Sana naman ininform mo ko Lex" naglalagan na ang mga luha ko. "Ang sakit kasi eh. Sana naman sinabi mo saakin na ayaw mo ng mag-antay ulit. Edi sana hindi na ko nasasaktan ngayon. Akala ko noong una kaya hindi mo ko pinapansin kasi binibigyan mo ko ng oras para mag-isip. Kaya nga inayos ko na iyong problema ko para sabihin na sayo ang sagot ko pero iyon yung naabutan ko sa opisina."
Pinahid ko ang luha ko. Hindi ko na sya tinignan. These past few days, hindi mawala saakin na baka ayaw na nyang mag-antay kaya may babae na syang kasama sa loob ng opisina. Ngayon ko lang nadama ang salitang insecurities. Kasi siguro alam ko sa sarili ko kung anong nararamdaman ko para kay Alex. Siguro ganito lahat ng tao. Na kapag nakita mo na iyong taong gusto mong makasama sa buhay mo, magiging insecure ka kapag may taong kasama sya o may taong na syang gusto.
"Bella" sambit nya sa pangalan ko na lalong nagpaiyak saakin. Naramdaman kong pinahid nya ang mga luha ko sa pisngi. Tinignan ko sya. Nakatingin lang sya sa mukha ko habang focus na alisin iyong luha ko sa pisngi ko. Sya nalang ang nagpahid kasi ako nakatanga nalang sa kanya.
Hindi ko maintidihan ang sarili ko pero natagpuan ko nalang na nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka sya hinalikan. Natigilan sya ginawa ko kaya humiwalay ako. Umupo ako ng maayos at nag-iwas ng tingin. Siguro ay hindi nya gusto ang ginawa ko kasi mayroon na syang ibang gusto.
Humikbi ako ng maisip ko iyon. Tanga ko kasi eh. Bakit kasi late ko na narealize ang lahat. Bakit kailangan umabot pa sa ilang taon bago ko tinanggap sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya. Bakit kasi mas ginusto ko pang isipin ang relationship namin ni Han noon kesa ang nararamdaman ko para kay Alex na nagsisimula ng mabuo sa puso ko. Bakit kasi ang in denial ko. Bakit kasi?!
"Bella stop crying. Mamamaga ang mata ng sobra kapag hindi ka pa tumigil. Please stop crying" pagpapatahan nya saakin. Naramdaman ko na gumalaw sya sa harap ko. Nang tignan ko ay lumuhod sya sa akin at sinubsob ang ulo nya sa hita ko. Ilang saglit lang ay umangat ang ulo nya at kinuha ang kamay at saka pinaghahalikan.
Tumigil ako sa paghikbi at tinitigan sya sa ginagawa nya. Tumingin sya saakin ay sabay sabing,
"Im sorry" bigla syang tumayo at hinila ako hanggang sa mapayakap ako sa kanya. Panay ang sorry nya saakin habang magkayakap kami. Tumigil sya at ilang saglit ay nagsalita ulit.
"The woman you saw is my first cousin. Her name was Zoe. Anak sya ng uncle ko na kapatid ni mama. Dumalaw sya saakin noong araw na iyon para kamustahin ako. And I'm sorry dahil nasaktan kita dahil doon. Ang akala ko kasi ay nasa labas ka pa. Naabutan mo tuloy ang pagiging clingy nya saakin. Ganoon talaga sya kahit sa papa ko.
Im sorry dahil hindi kita pinapansin noong mga nakaraang araw. I gave you your time to think. Kahit ayaw ko iyon at kahit na gusto na talaga kitang kausapin ay hindi ko ginawa. I respect you. Gusto ko na kapag nasagot mo na ako ay hindi ka madadoubt sa huli. Im very sorry" niyakap nya ako ng mahigpit. Inaabsorb ko lahat ng sinabi nya.
Nagpop out saakin iyong sinabi nya na pinsan nya iyong nakita kong babae. Mental slap! Ang drama ko pala ngayon samantalang pinsan nya pala iyong kasama nya. Kaloka ako oh!