"Bat nandito ka sa labas nak?"
Nilingon ko si mama na kalalabas lang sa bahay. Nandito ako sa may garden. Nakaupo ako dito sa damuhan at umiinom ng alak. Tapos na kami kumain at nagyaya sila papa na mag inuman. Ayon mga tulog na dahil hindi mataas ang tolerance ng dalawang lalaki. Si Aliyah naman ay natulog na din dahil may pasok pa daw sya sa trabaho bukas ng umaga. Ako na lang at si mama ang naiwang gising.
Bumalik ako sa tinitignan ko kanina. Nakatingala ako sa sa mga bituin pero walang buwan ngayon. Siguro ay ngayon ang new moon kaya wala sya. Nakakalungkot tignan ang langit dahil puro bituin lang ang nandoon. Mas gusto ko kasi na makita laging magkasama ang buwan at bituin.
Naramdaman kong umupo si mama sa tabi ko. Nilingon ko sya at nakita ko syang umiinom ng alak na binili nila kanina bago kami dumating ni Caspian. Matapos syang uminom ay ngumiti sya saakin at hinaplos-haplosang buhok ko.
"Ang laki-laki mo na nak. Parang dati maliit ka palang tapos nagwawala ka saakin kapag hindi kita pinapayagan na lumabas ng bahay kasi takot ako na pag-uwi mo dito ay puro ka na galos dahil nakipag-away ka na naman" tinigil nya ang paghaplos saakin at tumingin sa harapan. "Ang bilis ng panahon, ngayon mga nagtatrabaho na kayo baka sa susunod ay makita ko na kayong nasa simbahan at mga ikakasal na sa mga taong pinili nyong makasama sa buhay"
"Ma naman nagpaparinig ka na naman" reklamo ko sa kanya at tumingin sa harapan. Naging tahimik ang paligid saamin ni mama. Tanging ingay lang kulisap ang nag-iingay. Tumungga ako sa bote at hinarap si mama.
"Ma may tanong ako" panimula ko. Tumingin din si mama saakin. Tingin na parang may hinala na sya sa itatanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ko pero tinuloy ko parin ang sasabihin ko.
"Ma, paano nyo nalaman na si papa na iyong the one nyo?"
"Sabi na nga ba at itatanong mo yan saakin" at tumawa ng konti. Tumahimik sya saglit. "Alam ko nak, hindi ko alam na si papa mo na talaga ang the one ko. Basta nung araw na ikakasal na kami, naramdaman ko iyong feeling na sya na talaga iyon. Iyong makakasama ko sa buhay. Na sya iyong magiging ama ng magiging anak namin. Na mamahalin ako habang buhay
"Pero hindi naging madali saamin ng papa mo ang lahat pagkatapos. Alam mo naman iyon, Bella. Lagi kaming nag-aaway, nagsisigawan. May time pa na muntik ko na syang bitawan noong nasa pangalawang taon na kami. Hindi ko na kasi sya matiis. Kung sino-sino nalang ang pinagbibintangan nyang karelasyon ko sa trabaho" mahina syang natawa "Isipin mo, mukhang pang babae ang tatay mo sa pagiging seloso" natawa din ako kasi nasaksihan ko noon ang pagiging seloso ni papa.
"Saka ko doon nalaman na buntis ako. Sya pala ang naglilihi saaming dalawa. Maraming problema kaming naencounter ng papa mo. Malapit na mag give-up pero alam mo ba ang natutunan ko sa pagsasama naming dalawa?"
"Ano ma? Na hindi talaga lalaki si papa?" Biro ko.
"Hahahaha hindi no. Lalaki ang papa kaya nga kayo nabuo eh" tumingin sya sa langit. Inantay ko ang sagot nya.
"Nak, sa pag-aasawa mahalaga na dalawa kayong umiintindi sa bawat isa. Mahalagang may mahaba kayong pasensya. Walang perpekto mag-asawa at lalong walang perpektong magulang. Tanging kayong dalawa lang ang makakaalam kung paano nyo magagawang solusyunan ang bagay-bagay. Kung paano nyo mapapatagal ang pagsasama nyo. Saamin ng papa mo kahit parehas na kontra ang ugali at desisyon namin, sa huli mas nanaig iyong pagmamahal namin sa isa't-isa.
Kasi nangako kami sa harap ng altar na hindi kami maghihiwalay hanggang kunin na kami. In sickness and in health walang maghihiwalay. Lagi yang pinapaalala saakin ng papa mo" saka tumingin saakin "Kaya ikaw, Bella, kung ano man iyang pinoproblema mo ngayon, panigurado na binibigyan ka ng sign ni Lord na mag-asawa ka na kasi mahuhuli ka na sa kalendaryo" sabay tungga ng bote nyang hawak.
Sumimangot ako sa sinabi nya. Tinawanan nya lang ako sa itsura ko. Hindi ko sya pinansin at uminom. Naramdaman gumalaw si mama sa gilid ko kaya habang umiinom ay sinulyapan ko sya. Nakita kong humiga sya doon at pumikit. Tinapos ko ang pag-inom at tinapik si mama. Umungol lang sya at tinignan ako.
"Ma, wag ka ditong matulog. Baka pagalitan ka ni papa at masermunan tayo parehas bukas"
"Takot ko naman sa papa mo. Subukan nya lang at matatamaan sya saakin" at pumikit ulit.
"Ma wag ka dito matulog. Kung lasing ka na, ihahatid na kita sa kwarto nyo. Hindi kita kaya dalhin sa loob"
"So? Sinasabi mo na mataba ako ganun?"
"Ma, alam naman natin na simula ng pinanganak mo ang huli mong anak, hindi na bumalik ang katawan mo sa dati. Sabi nga ni papa, nagmukha ka na daw talaga nanay dahil sa katawan mo ngayon"
"Naku talaga kayong mag-ama" hinila nya ako pahiga kaya sinunod ko na lang. Tinabi ko ang bote sa gilid ko at niyakap ko si mama.
"Hindi naman ako dito matutulog. Hindi pa din ako lasing kasi mataas ang tolerance ko sa alak. Mas mataas pa sa papa mo. Tignan mo isang bote palang tulog na" sabay kami tumawa ni mama. Naramdaman ko na hinaplos ni mama ang braso kong nakayakap sa kanya.
"Nak, hindi mo pa rin ba sinasagot ang boss mo? Hindi mo ba talaga sya type? Mabait naman sya eh. Responsable. Hindi—" tumayo ako sa pagkakahiga ko at tinignan ko si mama na nakatingin din saakin. Hindi ko alam pero bakit napunta kay boss ang usapan?
"Naku Bella, siguro nga tama si Alex sayo. Manhid ka nga. Ang tagal tagal na nyang nag-aantay say—"
"Ma! Ano ba yang sinasabi mo?! Saka bakit—" naputol ang sasabihin ko ng tumayo si mama at binatukan ako ng malakas. Napahimas tuloy ako sa ulo ko at nagrereklamong tumingin sa kanya. Nilabanan nya naman iyon ng tingin na masama.
"Grabe ka mangbatok Mama. Parang natanggal ata lahat ng brain cells ko doon" habang hinihimas ko parin iyong part na nasaktan. Sobrang sakit talaga.
"Ikaw na bata ka! Kahit kailan ang manhid mo! Tignan mo iyong boss mo, simula't sapol ay may gusto sya saiyo pero hindi mo manlang pinansin. Grabe! Alam mo bang pumunta pa iyon dito sa bahay noong college ka pa para lang ipaalam saamin ng papa mo na gusto ka nyang maging asawa" napanganga ako sa sinabi nya. Lumaki din ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama.
Seriously ? Si boss? Iyong masungit kong boss? May gusto saakin? Matagal na?