Nandito ako ngayon sa tapat ng closet ko. Naghahanap ako ng magandang damit para sa date namin ni boss. Nag-init ang pisngi ko ng maalala ko bigla iyong nangyari kanina. Matapos kas na malasuan ako, lumapit sya saakin at concern na pinalabas ang dila ko para daw hipan. Eh ako ito na buang nang narinig ang sinabi nya, iyon nilabas ko ang dila ko at saka nya hinipan.
Nakakailang iyon pero para wala lang sa kanya. Nang tinanong nya ako kung ok na, tumango lang ako at tinikom ang bibig ko. Ngumiti sya saka ako hinalikan sa labi na kinagulat ko. Sabi nya medicine daw para hindi na sumakit ulit. Naestatwa ako sa ginawa nya kaya tinawanan nya lang ako. Sinabihan nya ako na bilisan ko na raw kumain para makapagdate na daw kami.
Matapos noon natagpuan ko nalang ang sarili kong naliligo. Kinuskos ko lahat ng pwede. Nang hiram pa ako sa kapatid ko ng mabangong sabon kasi wala dito ang gamit ko. At iyon nga nandito na ko sa tapat ng closet. Wala dito ang mga damit ko na maayos dahil nandoon sa bahay ni Alex.
Pinili ko nalang ang isang pink off shoulder na may design sa harapan na "I'm the Cutest". Pinaresan ko ng black jeans at rubber shoes na pink. Hinanap ko din ang cap ko na black at itinabi sa sling bag na dadalhin ko. Tumapat ako sa vanity mirror ko at inayusan ang sarili. Simple lang ang minake-up ko dahil hindi ako sanay sa heavy make-up. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok. Magdadala nalang ako ipit para pag na tuyo ito.
Nang ok na para saakin ang sarili ko ay sinukbit ko na ang sling bag at sinuot ang cap. Bigla pumasok si mama sa kwarto at nagulat sa itsura ko. Ngiting ngiti sya at binigyan ako ng yakap.
"Good luck sa first date mo, Bella" saka sya bumitaw at tinulak ako palabas ng kwarto. Nakita ako ni Aliyah.
"Ano yang outfit mo teh? Blackpink?" Saka sya ngumisi at pumasok sa kwarto nya. Sumimangot ako sa sinabi nya. Eh eto lang mayroon sa closet ko eh.
Nakarating na kami sa sala kung saan nag-aantay si boss kasama si papa. Tumingin sya saakin at ngumiti. Ginantihan ko rin sya ng ngiti. Lintek! Bakit ba ganito ako ngayon?
"Oh, ingat kayo sa daang dalawa ah. Alex, ikaw na bahala sa dalaga ko ah"sabi ni papa sabay tapik sa balikat ni boss. Tumango si boss at sinabihan akong sumunod nalang sa labas. Ako naman ay nagpaalam sa kanila. Sila naman ay pinaalalahanan ako at inasar. Inis na umalis ako sa sala dahil doon at lumabas ng bahay.
Pagbukas ko ng gate nakita ko na nag-aantay si boss malapit sa isang motor. Iyon iyong nasa garahe nya. Ito siguro ang sasakyan namin para sa date.
"Halika na Bella" yaya nya kaya lumapit ko. Tinanggal nya ang cap ko at sinuotan ako ng helmet. Inilagay nya na lang sa manibela ang cap ko. Nagsuot narin sya ng helmet at sumakay sa motor. Sumunod narin ako at humawak sa likod para hindi mahulog.
"Akin na kamay mo Bella" rinig ko sabi nya kaya kahit na nagtataka ako kung bakit nya kailangan kamay ko ay inaabot ko sa kamay nya parehas. Pinaikot nya lang sa baywang nya ang kamay ko na ikinapula ng mukha ko.
"Wag kang bibitaw. Baka mahulog ka" saka nya pinaandar ang motor paalis sa tapat ng bahay. Mas humigpit ang kapit ko ng mas pinabilis nya ang takbo.
...
"Ok ka lang ba?" Tanong saakin ni boss habang naglalakad kami sa loob ng mall. Kakarating lang namin dito. Sabi nya magmomovie daw kami tapos pagpunta namin doon ay matagal pa bago iyong panonoorin namin. Napagadesiyunan naming maglakad lakad muna pangpatay ng oras.
"Okay lang ako boss" sabay tingin sa mga store na nadadaanan namin.
"Di ba pwedeng tawagin mo ako sa pangalan ko Bella. Nagdadate tayo, hindi nagtatrabaho" reklamo nya saakin. Natawa ako sa isip ko. Nasanay kasi akong tawagin syang ganoon kahit walang kami sa opisina. Hindi naman kasi sya nagrereklamo eh.
"Okay Alex. Tutal magkaibigan din naman tayo" sagot ko sa kanya. Bigla tuloy naging awkward dahil doon. Hindi nya ako inimik ng ilang minuto. Naramdaman ko na lang ang paghawak nya sa kamay ko at pagsiklop noon habang naglalakad kami. Napatigil ako dahil doon pati din sya.
Tinignan ko ang kamay naming dalawa. Parang fit na fit yung kamay ko sa kamay nya. Tinignan ko sya sa mukha at ngumiti sya saakin. Namula ako sa ginawa nya.
"Pwede ko naman sigurong gawin ito diba?" Sabay taas ng kamay naming magkasiklop. "Tutal nagdadate naman tayo. Saka para masanay ka na. We will get married no matter what happen so be with it" at ngumisi ang loko. Mas lumalala pa ata ang pula ng mukha ko kaya yumuko ako at hindi sya pinansin. Hinila na nya ako kaya naglakad na ako.
Tumigil kami ilang saglit lang kaya tinignan ko si Alex nakatingin sa harapan. Tinignan ko ang tinitignan nya at nakita ko ang ang isang sikat na game arcade sa buong bansa. Hinila nya ako sa loob at pumila sa bilihan ng token. Hindi ko na sya pinansin at tinignan ang loob ng arcade.
Puno ng tao at puro mga lalaki ang nasa loob. Siguro kasi ang may-ari nito ay lalaki kaya halos lahat ng laro puro panglalaki lang. Unti lang ang nakikita kong babae. Binalingan ko si boss na kinuha ang token at nilingon ako.
"What game do want to try?" Excited nyang tanong. Ako naman ay hinila sya at naghanap ng pwedeng laruin hanggang sa makakita ako ng gusto ko. Tumigil kami sa isang game at walang sabing binitawan si boss at hinawakan ang toy gun.
"Seriously? Dito talaga?" Di makapaniwalang tinignan ako ni Alex. Ako naman ay tumango at ngumisi sa kanya. Umiling lang sya at hinulugan ng token ang game at kinuha ang isa pang baril na laruan.
....
"Hindi ko alam na magaling ka pala sa ganoong laro" sabi ni Alex saakin habang nagshoshoot ng bola. Katabi nya ako na nagshoshoot din.
"Lagi kong stress reliver iyon noong college. Iniisip ko na iyon iyong mga professor ko. " Saka shoot ng bola sa ring.
"Kaya pala headshot lahat ng zombies" tawang sabi nya. Tumawa din ako sa sinabi nya. Nang matapos kami sa game ay niyaya nya ako sa dreamcatcher. Tinuro ko iyong may teddy bear na malaki. Ang cute kasi black and white tapos may hawak na red heart na may nakalagay na "Saranghae".
"Kunin mo iyon" sabay turo ko doon sa teddy bear.
"Pagkinuha ko iyan dapat may kapalit" sabi nya saka ako tinignan.
"Ano naman kapalit?" Tanong ko sa kanya.
"Kiss" simple nyang sabi saka hinulugan ng token ang game. Napatanga ako saglit at saka naiinis na tumingin sa kanyang naglalaro. Hindi pa ako nag-aagree sa usapan naglaro na ang loko. Para namang hindi ako hinahalikan nyan bigla.
Ano ba itong iniisip ko! Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman kong nag-init iyon. Tinampal-tampal ko ang pisngi ko at tinignan ang teddy bear na ayaw magpakuha. Naghulog ulit sya at seryosong tumingin sa laro. Nagtagal kami siguro ng mga kalahating oras ng napagtagumpayan nyang makuha iyong teddy bear.
Ngising bumaling sya saakin at inabot saakin ang teddy bear. Kinuha ko iyon at tuwang tuwa na tinignan ang teddy bear.
"Salamat Alex"
"Nah! Ito ang gusto kong thank you" sabay angat ng baba ko at hinalikan ako sa labi. Saglit lang iyon at hinawakan nya ako sa kamay at lumabas na kami. Ngumiti din ako sa kanya ng tumingin sya saakin habang naglalakad.
"Tara na baka mahuli tayo sa movie natin" tumango ako sa kanya at pinagsiklop ang kamay namin.
Hindi ko alam na ganto pala kasaya makipagdate sa isang Alexander Molina.