Chereads / Love Series#1: Office Love / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

"Sarap ba?" Tanong ko kay boss habang kumakain kami ng streetfoods malapit sa mall. Tumango sya at kumuha ulit ng panibagong fishball.

Kanina pa kami lumabas ng mall ng matapos kaming manood ng movie. Papasakay na kami ng motor ng bigla akong nagutom at nagyaya kumain. Dapat babalik kami sa loob pero sabi ko wag na. Sumakay kami sa motor para pumunta sa malapit na resto ng madaan namin itong hilera ng nagtitinda ng streetfoods. Dito ko nalang pinatigil si Alex kahit na ayaw nya. Wala rin naman syang nagawa kasi pinilit kong dito.

"Hindi kita matanggihan. Masyado kasi kitang mahal" sinabi nya yan ng makapagpark kami dito. Kinilig nga iyong mga nakarinig. Pati ako nadamay eh. Hinampas ko nalang sya sa braso nya at iniwan sya papuntang bilihan ng fishball.

"Kuya, isang palamig nga" sabi ko kay kuyang nagtitinda. Nagsalin din sya at iniabot saakin. Uminom ako at nang hindi ko naubos ay kinuha saakin ni Alex at ininuman. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bat hindi ka manghingi kay Kuya ng palamig mo?"

"Ayokong manghingi. Mas tipid ito" sabay pakita saakin ng basong ininuman ko. "May libre pang indirect kiss" sabay kain ng fishball nya sa stick.

Inirapan ko sya at hindi pinansin. Hindi ko alam na ganito pala mainlab ang boss ko. Ibang-iba sya ngayon. Pag nasa opisina kasi kami ay kakaiba ang ugali nya, nakakaimbyerna. Pero ngayon makikita mo sa kanya iyong ibang side nya. Nakakatuwa kasi ngayon ko lang syang nakitang bumanat at makipaglandian kahit nasa public kami ngayon. Hindi ko naman sya nakitang ganyan noong nasa college kami.

Speaking of college

"Lex, tanda mo? Hindi ka pumasok sa isang mong subject para lang samahan akong bumili ng paborito kong kwek-kwek sa labas ng campus?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko syang nag-isip at saka mahinang tumawa.

"Oo naalala ko. Iyon yung araw na may special quiz kami at pag-absent ka ay hindi ka pwedeng magtake ulit" sabi nya saakin.

"Eh diba sabi mo nakapagquiz ka kinabukasan?"

"Oo kasi nakiusap ako pero iniba nya ang quiz ko para daw magtanda ako. Buti nalang at nag-aral ako kung hindi baka bagsak ako" tumango-tango ako at di na nagsalita. Kinagat ko ang last fishball ko. Habang ngumuya ay pumasok saakin iyong sinabi saakin ni mama na simula college palang ay may gusto na saakin si boss.

Kumuha ulit ako ng palamig gamit iyong baso kanina at uminom. Uminom din si Alex doon. Ilang segundo lang ay naglabas na ng pambayad si boss at nagbayad kay kuya. Dumiretso na kami sa motor at umalis na.

Nakarating kami sa bahay ng gabi na. Pagbukas ko ng pinto ay dumiretso ako sa sofa at nahiga doon. Hindi ko alam kung saan pumunta si boss pero nakarinig ako ng ingay sa kusina. Tamad akong umayos ng higa at tumingin sa kisame. Bumuntong hininga ako.

Kanina habang magkasama kami ni boss, ang daming pumapasok sa utak ko. Kung totoo ba lahat nangyari o na prank lang ako? Hindi ko kasi lubos maisip na ang tagal na pala nya akong gusto pero hindi ko manlang nalaman?

"Eat Bella. Hindi sapat iyong kinain nating streetfoods" sabay lapag ng pagkain sa lamesa. Tumayo ako sa pagkakahiga at umupo sa sahig ng sala. Sya din ay umupo sa sahig sa tapat ko. Kumain kami ng tahimik. Walang nagsalita saaming dalawa. Tanging ingay lang ng kutsura at tinidor ang maingay.

Pasimple kong sinulyapan si boss. Nakafocus sya sa pagkain nya. Hindi ko alam kung nararamdaman nya na nakatingin ako sa kanya. Hanggang sa matapos ang pagkain namin. Walang gumalaw saamin nang parehas naming nilapag ang baso pagkatapos naming uminom. Tinitignan ko sya pero hindi sya bumaling saakin.

Gusto kong malaman ang lahat dahil pakiramdam ko baka ito na iyong sign na baka nakamove on na ko kay Han. Pero ayokong mag take advantage sa kanya. Ayokong sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya for my situation, for my sake.

Kumilos sya. Kinuha nya ang pinagkainan ko at pinatong sa plato nya. Akma dadalhin nya na sa kusina ang mga plato namin nang hawakan ko sa braso para pigilan.

Baka ito lang pwede kong gawin ngayon

"Pwede bang intayin mo ako. Gusto ko munang pag-isipan ang lahat. Alam kong mag-aantay ka ulit, pero pwede mag-antay ka ulit?" Pakiusap ko sa kanya. Tinignan nya ako at umupo ulit. Tinanggal nya ang kamay ko na nakakapit sa braso nya at dinala nya sa bibig nya at hinalikan. Hindi nya binitawan ang kamay ko at yumuko.

Narinig kong bumuntong hininga sya bago nya akong tinignan at ngitian.

"Mag-aantay ako Bella. Hihintayin kita"

.....

Pagkatapos ng araw na iyon ay limang araw na nya akong hindi pinapansin. Akala ko noong kinabukasan sa office at hindi nya ako pinansin ay dahil parehas kaming nasa trabaho kaya binalewala ko lang at nagpatuloy ako sa trabaho ko. Pero nang makauwi ako talagang deadma.

Noong unang araw ay nakasabay ko pa syang kumain kaso sa mga sumunod ay hindi na. Lagi nalang sa labas kumakain at hindi na nya ako sinasabay pag-uwi. Ang ending nagcocommute ako. Pagdating ko naman sa bahay ay nag-iinstant noodles nalang ako sa cup. Ako lang naman ang kakain mag-isa kaya sa kwarto na ako kumakain. Kahit sa almusal din kasi maaga umaalis si boss.

Sa opisina naman, puro si Mae nalang ang inuutusan nya. Pati din sa kape na dati ako ang gumagawa si Mae na din ang nag-aasikaso. Tuloy ako mas pinagtuunan ko ng pansin iyong Galaxy na naghahanda para concert nila next 3 months. Tutal ako naman ang manager nila, kinabisado ko narin ang sched nila for this month para hindi ko isipin si Alex.

Tinupad nya iyong pangako nyang mag-aantay sya pero hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari.

Humigop ako ng kape at inilapag sa mesa. Nandito ako ulit sa Brewed. Lunch time na pero tinatamad akong kumain dahil wala naman akong kasabay. Busy din si Mae kasi tinambakan sya ng trabaho ni boss na dapat share kami. Inis sakin si Mae kasi bakit daw sya ang napaparusahan eh halatang ako ang involve sa problema ni boss kaya sya ganun. Humingi nalang tuloy ako ng tawad kay Mae. Kainis naman kasi sya. Bakit kasi ako iniwasan? Grabeng iwas naman toh. Nakakastress isipin.

Sumandal ako sa upuan at tinignan ang mga sasakyan sa labas ng cafe. Kahit isang araw ko lang nakita ang side ni Alex na ganoon, ayoko man pero miss ko na sya. Siguro kasi mas lalo ko syang nakilala dahil doon. Saka ayoko ng itanggi sa sarili ko na hindi ko napapansin na may nagbabago saakin matagal na. Pero doubt parin ako.

Tinignan ko ang orasan ng cafe na nasa taas lang counter. Naiinis kung tinignan ang lalaking kanina ko inaantay na mag excuse sa trabaho nya dito sa cafe pero heto kanina pa nya ako pinaghihintay. Lagpas kalahating oras na ah! Naramdaman nya siguro na nakatingin ako kaya nagpeace sign sya saakin at kinausap ang isang na nasa counter. Siguro nagpapaalam na sya dito para sa pag-uusap namin.

Ilang segundo lang ay lumapit na sya at umupo sa harapan ko.

"Sorry sa pag-aantay. Medyo dumami ang costumer namin dahil tanghalian na" sabi nito ng mapansin ko na nakatali ang buhok nya kaya kita ang kanyang noo.

"Ano yan? Pauso mo?" Turo ko sa buhok nya. May pink hairpin pang ribbon ang design ang nakaipit doon.

"Oo pauso ko" proud nya sabi saakin. "Ang cute noh?" Sabay pacute sa harap ko.

Inirapan ko lang sya. Ewan ko ba pero hindi na katulad ng dati ang dating sakin pagganyan sya saakin. Siguro talagang may magbabago at magbabago talaga sa isang tao.

"So, bakit mo ako gustong makausap?" Tanong nya saakin na medyo sumeryoso na. "Huhulaan ko. Hmmmmm...... Tungkol sayo at kay Alex ang pag-uusapan natin noh?"

Umiling ako bilang tugon sa kanya. Kumunot ang noo nya. Lagi kasing ang boss ko ang ikinukwento ko sa kanya kapag gusto ko syang kausapin. Alibi ko iyon para makasama ko sya. Pero pagkatapos siguro nito, baka minsanan nalang kami magkikita.

"Ang pag-uusapan natin ay tungkol saakin" sabay turo ko sa sarili ko at saka tinuro ko sya " At sayo, Han"

Ngumiti sya ng narinig ang sinabi ko.

"Sige simulan mo na" sabi nya at nagcross arm pa.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. Siguro pagkatapos nito, unti-unti ng magiging normal na ang lahat.

"Let's break up Han"