Chereads / Love Series#1: Office Love / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"Mae" tawag ko sa assistant ko pagkapasok ko sa opisina. Tinigil nya ang ginagawa nyang pagbabasa at tumingin saakin.

"Ok na iyong kay Dixie?" tanong ko sa kanya at dumiretsong umupo sa aking swivel chair. Tinalikuran ko ang desk kong tambak na naman ng mga folder na panigurado ay pinapacheck saakin na naman ng magaling ko boss bago papirmahan. Hinilot ko ang sintido ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.

"Miss ang sabi ng manager ni Dixie ay naayos na raw iyong issue. Hindi na daw kakasuhan si Dixie pero sa isang kondisyon. Kailangan nya daw na mag model ulit nung product kasama nung dating nyang kasama sa set" tugon sakin ni Mae. Humarap ako sa kanya kaya nakita ko sya naglipat ng pahina ng binabasa nya.

"Pumayag ba si Dixie sa kondisyon? Hindi ba ayaw nya doon sa modelong iyon?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Iyon po ay hindi ko pa po alam"

Hinilot ko ulit ang sintido ko dahil sumasakit na talaga ang ulo ko. Iniikot ko ang upuan ko sa harap ng desk ko at kumuha ng folder. Sinimulan ko ng basahin ang isang proposal na tungkol sa isang project. About ito sa Galaxy. Gusto nilang magkaroon ng own show ang Galaxy para sa fans at syempre for fame of course. Mas lalong sumikat ang Galaxy pero kung mangyayari ito baka nga mas lalong maging sikat sila.

Binasa ko pa ito at nang matapos ay kumuha ako ulit ng isang folder. Hinihilot ko ang ulo ko habang nag babasa. Kailangan ko kasi itong tapusin ngayong araw dahil bukas ay aasikasuhin ko naman ang Galaxy. Sasamahan ko sila sa isang show. Hindi ko alam kung bukas lang ang shoot nun pero naiisip ko na baka abutin iyon ng dalawang araw.

Lumipas ang oras at nasa pang apat na akong folder. Patapos na rin dahil kaunti lang ang page ng biglang kumirot ang utak ko kaya napayuko ako ng wala sa oras. Tumama pa sa mesa ang noo ko pero wala naman ang pake ko dahil mas lalong sumasakit ito.

"Mae" mahina kong sabi pero sakto lang para marinig nya. Sumagot din naman sya at nag aalala na nagtanong kung ok lang ako.

"Ok lang ako Mae" sagot ko. "Pero pwede bang makisuyo. Pakibili nga ako ng gamot. Sumasakit na ng sobra ang ulo ko" nakayuko kong sabi sa kanya.

Nakarinig ako ng ingay hanggang sa narinig kong nagpaalam na si Mae na kukuha ng gamot. Pagsarado na lang ng pinto ang huling kong narinig.

_

"Pasensya na Bella pero ayoko na kitang maging kaibigan. Let's pretend that we don't know each other" rinig kong sabi ni Han sakin.

Tumalikod sya saakin at nagsimula ng maglakad palayo saakin. Bumuka ang bibig ko para pigilan sya pero walang lumabas na boses saakin. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Palayo na sya ng palayo saakin.

Hindi! Kahit magkaibigan nalang tayo Han! Tatanggapin ko! Please lang wag mo naman akong iwan! Tanging nasa isip ko ng mga oras na iyon nang maramdaman kong may yumakap sakin sa likod.

"I'm here Bella. You can have me" sabi ng taong nasa likod ko. Pamilyar ang boses nya. Mas lalong nya akong niyakap. Lumaki ang mata ko ng makilala ko ang boses.

"I love you Bella" rinig kong sabi nya.

What?!

Biglang dumilat ang mga mata ko. Nakita ko kaagad ang mukha ni boss. Malapit sya sa mukha ko kaya unti unti akong  naiilang sa titig nya. Umayos din naman sya pagkatapos ng ilang segundo. Tumayo sya at pumunta sa desk nya. Ako naman ay tumayo sa pagkakahiga dito sa sofa. Pinalibot ko ang tingin ko. Nasa opisina nya ako. Paano nangyari?

"Bigla kang nawalan ng malay kanina sa office. Pinuntahan ako dito ni Mae dahil hindi ka raw nya magising para painumin ng gamot" paliwanag nya. " Sabi ng doctor baka stress daw kaya ka nahimatay at sumakit ang ulo"

"Baka nga stress" tipid kong sagot.

"Inumin mo na yang gamot. Para yan sa sakit ng ulo mo" at saka sya lumapit sa akin. Tumabi sya at inabot ang gamot at tubig. Agad ko ring kinuha at ininom. Kinuha nya din iyong baso at inilapag sa center table.

Tinignan nya ako. Nakakailang na titig. Para iyong titig nya saakin nung nasa Brewed Cafe kami last week. Tsk! Naalala ko naman iyong time na iyon. Hindi man lang nagulat si Han na magkasama kami sa bahay nitong sungit na ito. Natawa lang sya at kinamusta si boss. Si boss naman sumasagot pero sinusubuan ako.

Dapat nga hindi ako magpapasubo dahil nakakahiya pero tinakot nya ako sa sweldo ko. Iyon napasubo. Hindi naman naiilang si Han samin. Parang normal lang kami sa paningin nya. Hayyy

Pagkatapos ng subuan portion sa cafe ay sinabon ko si boss sa office nya. Inis na inis ako sa ginawa nya lalo na nung nalaman ni Han na nakatira ako sa bahay nya. Ang nakakagigil parang wala lang si boss sa inis ko. Tuloy ang buhay ni kuya mo kahit may dragon na maganda sa harap nya naglalabas ng apoy.

"Are you okay?" Tanong na napabalik ng wisyo ko. Kinapa nya pa ang noo ko para siguro tignan kong may lagnat ako.

"You have a fever. Pero hindi naman ganoon kataas" sabi nya at biglaan nalang ang nangyari. Binuhat nya ako at lumabas ng opisina.

"Teka sir! Anong gagawin nyo saakin! Ibaba mo ko!"

"I will take you home. Hind ka pwedeng magtrabaho kung masama ang pakiramdam mo"

"Pero sir pwede naman na ibaba ako! Hindi naman ako napilayan" angal ko. "Atsaka baka may makakita satin! Nakakahiya! Baka matsimis ako bigla nito!" At naglilikot ako pero mas humigpit ang hawak nya saakin. Sinamaan nya ako ng tingin tas diretsong naglakad sa elevator. Nang marakating na kami doon ay pinindot nya ang elevator at hinintay bumukas. Sarili nyang elevator ang gagamitin namin.Pinakaayaw nya na may kasabay sa elevator kaya sya nagpagawa para sa sarili. Kakaiba din trip nito eh.

"Well Bella, I don't care. Pag umangal ka pa, hahalikan kita" at pumasok na kami sa loob ng elevator at unti unti narin sumasara.

"Maganda dito sa elevator Bella. Walang makakakita" bulong nya saakin kaya tumingin ako sa kanya ng masama. Ngumiti lang sya saakin.

Hindi na ko umimik kahit na hindi naman iyon ang magiging first kiss ko. Wala na kong first kiss dahil may aksidenteng nangyari noong college. Natutulog kasi ako sa sahig ng gym noon ng biglang may humalik saakin at pagdilat ko wala na iyong hampas lupang kumuha ng unang halik ko. Badtrip na badtrip talaga noon. Ang bilis kasing nagtago iyong kriminal na iyon kaya hindi ko man lang nakita.

"Ang tahimik mo naman Bella"

Ayoko syang kausapin. Hindi ko trip kausapin ang taong nagbigay sakin ng stress kaya ngayon binubuhat nya ako. Sarap nyang ilaglag sa mataas na building! Ang dami nya kasing pinasang gawain saakin nitong mga nakaraang araw kaya kahit sa bahay ay dala-dala ko iyong babasahin. Sama mo pa na manager ako ng Galaxy. Kahit na hindi ko hawak ang sched ng Galaxy kasi pinaassign ko sa iba.

Bumukas na ang elevator at tumambad saamin ang parking lot. Naglakad sya papuntang kotse nya. Binuksan ang passenger seat at pinasok ako sa loob ng kotse. Sya narin ang nagkabit ng seat belt ko.

"Hindi mo pa ba rin ako kakausapin?" Tanong nya pagkatapos ikabit ang seat belt. Tinignan ko sya sa mukha at nagulat ako kasi ilang inch nalang ang lapit ng mukha namin. Kita ko sa mukha nya ang tuwa dahil sa reaksyon ko.

"Adorable" bigla nyang sabi at unti unting nilapit ang mukha nya saakin. Napasandal ako sa upuan ng kotse dahil sa ginawa nya. Nakatingin lang sya sa mga mata ko. Ganoon din ako. Hanggang sa tumingin sya sa mga labi ko at walang sabing hinalikan nya ito. Nakapikit sya samantalang ako naman ay dilat na dilat sa nangyari.

Hindi ko alam kung itutulak ko ba sya o hindi. Hindi nagpraprocess ang utak ko. Hindi ko rin magalaw ang katawan ko. Parang akong na freeze!  Ilang segundo lang ang tinagal noon pero parang hindi. Parang matagal sya saakin. Parang oras ata ang tinagal ng pagkakadikit ng labi ng naming dalawa.

Humiwalay sya sakin at ngumiti. Umalis na sya sa harapan ko at isinara ang pinto. Naglakad sya papunta sa driver seat. Hindi parin ako gumagalaw sa pwesto ko. Hanggang naramdaman ko ang presensya nya sa loob ng kotse. Pinaandar nya ito at walang sabing hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop.

Tinignan ko sya dahil sa gulat pero nakatingin na sya daan.