"Did you had your first kiss?!" Pasigaw pero may halong itong biro ng isang sikat na comedian sa isang miyembro ng Galaxy. Tumawa tawa lang ang kasama nito dahil mukhang makikipaga away na sya kay Zam dahil tinawanan lang nito ang tanong sa kanya. Ilang saglit lang naging ok narin ang comedian at naging seryoso ulit ang usapan nila.
Nandito ako sa set ng isang variety show. Sinamahan ko ang Galaxy bilang kanilang manager. Hindi naman ako kailangan dito dahil panigurado ay makakaya na ito ng crew. Kahit wala ako sa mga guesting ng Galaxy madalas ay smooth ang trabaho nila at walang masyadong nagiging problema. Kahit makukulit ang mga miyembro ng Galaxy hindi naman naaalis sa kanila ang work is work. Kaya naiiwanan ko sila ng hindi ako nag aalala.
I took a deep sigh. Bigla nalang kasing nagpop out sakin iyong nangyari nung nakaraang tatlong araw. Hanggang ngayon naaalala ko parin iyong ginawa ni boss saakin. He took care of me when we arrived at his house. He even cooked dinner kahit gawain ko iyon. Hindi nya ako pinagawa ng kahit ano maliban nalang sa nagpalit ako nagdamit ko. Hindi nya ako pinaalis ng kama. He even feed me then after inantay nya akong makatulog bago ako iniwan sa kwarto.
Kinabukasan non ay hindi nya ako pinapasok dahil baka raw ako ay mabinat. Ok ok na ko nun pero matigas ang puso ni boss na wag daw ako pumasok. Kaya iyon naiwan ako sa bahay. Kahapon lang ako nakabalik ng opisina. Napilit ko lang sya dahil pinakita ko na ok na ang lagay ko. Hindi ko na sya inawat nung inihatid nya ako sa A+ hanggang sa opisina namin ni Mae at baka mabilanggo pa ako sa bahay ulit.
"Miss Bella kanina pa daw tumatawag si sir sa inyo" pahayag sakin ng isang crew na hawak ang cellphone nya sa kaliwang kamay. Siguro ay kakatawag lang sa kanya ni boss. Hindi ko naman kasi hawak ang cellphone ko dahil iniwan ko sa bahay. Ayoko muna ng istorbo ngayon dahil hindi parin ako stable. Stable sa halik (⌐■-■)
"Sabihin mo wag akong istorbuhin. Naghahanap kamo ako ng malalandi dito sa set" saka binaling ko ang sarili ko sa harap. Ayoko talaga syang kausapin dahil pakiramdam ko may something sa puso ko na magbuburst at magiging sanhi para bumilis ang takbo ng puso ko. Aware ako sa nangyayari sa sarili ko pero bakit naman iyon mangyayari? Boss ko sya? Hindi pwedeng magkaroon ng ganoon dahil affair iyon.
Teka affair? Iniling iling ko ang ulo ko. Para namang may asawa na ang masungit ko boss kung makasabi akong affair. Baka ganto lang ang puso dahil sa nangyari at hindi talaga iyon yon. Tama tama tas tumango-tango ako.
"Miss bat po kayo tumatango?" Tanong sakin kaya tumingin ako sa kanya. Isa sya sa crew ng show. Tumingin narin ako sa paligid. Nakatingin din saakin ang Galaxy. Mga nagliligpit na ang iba ng gamit.
"Lilipat na kami miss ng venue kaya sila nagliligpit" sabi saakin ng isang miyembro ng Galaxy na si Kiko. Walang habas namang naghubad ng t shirt si Clow sa harapan ko na kinalaki ng mata ko. Napatitig din ang ibang tao doon sa kanya. Sino bang hindi mapapatingin eh ang ganda ng hubog ng katawan at may yummy 6 pack abs kang pang ulam sa kanin. Hindi ko alam na nagwowork out pala ito. Si boss kaya ganyan din kaya ang katawan pagkanakahubad?
"Uy ate tulo laway ka" sabi bigla ni Caspian kaya bigla kong pinunasan ang gilid ng bibig ko. Nang wala naman akong makapa ay sinamaan ko ang kapatid kong nag peace sign lang saakin. Tinignan ko ulit si Clow pero nakadamit na ito ng iba.
"Bat ka ba naghuhubad dito?" Inis kong sabi para mapalitan ang nararamdaman kong dismaya dahil nakadamit na sya.
Dismayado? Ako? Mental slap! Nagiging corrupt na naman ang utak ko. Bella! Gising! Mas bata yan sayo! Maghanap ka ng kasing edad mong may abs! Teka! Si sir baka me— Super mental slap!
"Sorry miss naiinitan kasi ako sa suot kong long sleeve kaya nagpalit ako" pagpapaliwanag ni Clow saakin. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Kailangan talaga dito maghubad? Hindi ba dapat doon sa may tent kayo magbihis?" Sabi ko sa kanya. Humingi lang sya nagtawad. Sesermunan ko sana ulit sya ng pinatawag na sila. Nagpaalam na sila saakin at ako naman ay tumango pero sinabihan na mamaya ay papagalitan ko sila.
"Naku ate nagsusungit ka naman. Panigurado naman na nagustuhan mo iyon" asar sakin ni Caspian kaya inarkuhan ko sya ng kilay. "Hindi mo ko ate. Ako ang manager mo Caspian. Baka gusto mong i ban kita sa mga shows at hindi ka makasama sa susunod nyong comeback?" Banta ko sa kanya.
"Joke lang miss. Susunod na ko sa kanila" sabay kamot sa batok.
"Mabuti pa nga at baka biglang magbago pa isip ko at ituloy ko iyon" at inirapan sya at pumunta ako sa tent na ginawa namin. Dalawang tent iyon. Isa para sa mga crew at mga gamit namin. Ang isa ay para sa Galaxy at saakin. Maliit lang iyong amin dahil kami lang naman ang nandoon.
Nang makapasok ako sa loob ay umupo ako isang mono block na naandoon at sumandal. Alam ko naman na magiging ok sila doon sa set. Kaya na nila iyon. Matutulog na muna ako dito dahil wala naman akong gagawin. Wala ring namang iistorbo saaking masungit ngayon.
Pinikit ko ang mata ko. Itinaas ko ang mga paa ko sa isang monoblock chair sa aking harapan at komportableng inaayos ang sarili para makatulog. Unti-unti narin akong hinila ng antok ko ng may narinig akong pumasok sa tent.
"Miss nandito pala kayo" boses ng isang kasamahan namin kaya dinilat ko ang mata ko at tinignan sya.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang sya at tinanong ako kung anong gusto kong tanghalian mamaya.
"Kahit ano nalang Sel. Pero samahan mo ng strawberry ice cream iyong pagkain ko" sabay balik ulit ng tulog. Nagpaalam nalang sya saakin at ingay na inisaradong tent nalang ang nadinig ko.
Inayos ko na ulit ang sarili ko at nag isip ng mga pampatulog. Nagbilang ako tupa sa utak ko pero hindi ako dinalaw ng antok. Nag iisip na rin ako ng happy thoughts, sad thoughts at hanggang sa naisip ko iyong halik ni sir saakin sa kotse nya. Parang biglang umiinit ang paligid dito sa tent. Pakiramdam ko iyong labi nya nakadikit parin sa labi ko. Iyong malalambot at mapulang labi nya. Parang mas malabot pa saakin iyong kanya. Tapos idagdag mo pa iyong mga mata nya habang nakapikit. Habang nakadikit sya saakin. Hindi ko alam pero naiisip ko na kaya sya nakapikit kasi masarap iyong labi ko habang nakadikit sa labi nya. Kung sabagay masarap talaga yung labi nya.( ꈍᴗꈍ)
Bigla nalang akong nakapakagat labi sa mga naiisip ko. Syet! Ang lagkit! Bakit ba kasi nya ako hinalikan? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kapag mangyari na magkita kami ngayon dahil sa mga naiisip ko. Aiiiissst! Naku tama na Bella! Baka aksidente lang iyon.
"Tama, tama, aksidente lang" saka ako ulit nagbilang ng tupa baka sakaling makatulog nako. Nasa 20 na akong sheep ng maramdaman kong may humawi ng pinto ng tent at may pumasok. Baka isa lang sa mga kasama namin. Pero bakit pakiramdam ko may bad vibes na dala iyong dumating?