Chereads / Love Series#1: Office Love / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Bakit pakiramdam ko may bad vibes?

Matapos pumasok nung crew ay nakiramdam ako. Baka kasi hindi iyon isa sa mga kasama namin at baka mamaya ay magnanakaw. Pinakiramdaman ko sya pero nagtulogtulogan parin ako. Nagcross arm narin ako para kunwari komportable akong natutulog dito. Narinig ko ang yabag nya. Tapos narinig kong may pinatong sya doon sa mesa. Wala na akong narinig pagkatapos.

Nakiramdam parin ako sa kanya. Baka paghinuli ko sya agad ay magulat at tutukan ako ng baril o kutsilyo. Mahal ko pa ang buhay ko. Ayoko ko pang mamatay agad!

Narinig ko ulit yung yabag nya. Naglalakad sya pero hindi ko alam kung saan patungo. Hanggang sa may tumigil sa may gilid ko. Gilid ko?! Nagpapanik na ko sa utak ko tapos itong puso ko naman ay grabe tumibok. Napahigit din ako hininga ng naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Siguro ay nakuha nya iyong isang monoblock malapit sa mesa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Didilat ba ako o magpapanggap na tulog para lang hindi nya ako patayin?

Naramdaman ko rin na pinagpawisan ako sa bandang noo. May bangs ako kaya alam kung naglagkit bigla ang noo ko na epekto ng pawis. Nakikiramdam pa rin ako sa kanya. Narinig ko syang bumuntong hininga at ramdam ko iyong titig nya saakin.

Bakit kaya ako tinititigan ng kriminal na ito? Baka nagandahan sakin kaya naiisip nya ako nalang ang nakawin?

Mental slap for third time! Bella ang kalandian mo naman!

"How do long you will pretend that you are sleeping, Bella" boses nya. Nagtaka ako kasi pamilyar yung boses nya. Unti-unti kong dinilat yung mata ko at nilingon sya. Tumambad saakin ang boss kong seryoso ang itsura. Lumaki ang mata ko ng nakita ko sya. Syet ulit! Biglang nag pop out sa utak ko iyong iniimagine ko kanina lang.

"Bella, bakit hindi mo sinasagot yung phone mo? Kanina pa kita tinatawagan. Kung hindi ko pa tinawagan ang isa sa mga kasama mo at si Caspian ay baka mabaliw ako dahil hindi mo ko sinasagot" sabi nya saakin pero ako ito nakatingin sa kanyang mukha.

Hindi ko alam pero ngayon ko lang nakita ang mukha ni boss na ganito kalapit. Hindi naman sa sinasabi ko na hindi sya lumalapit saakin lagi. Madalas nga eh bigla na lang syang lalapit sa mukha ko lalo na pag naiinis ako at sinusumbatan ko sya sa katamaran nya minsan sa opisina. Pero ngayon ko lang kasi nakita ng malinaw iyong mukha nya. Ngayon ko lang masasabi na gwapo talaga sya at habulin ng babae.

Hindi ko maitatanggi dahil saksi ako noong college sa mga babaeng sumusunod ang ulo sa direksyon nya pagnaglalakad sya. Lagi din syang nakakatanggap ng letters at confession tuwing Valentines at Balls. Pero lahat ng iyon ay laging bigo dahil seryoso sya sa pag-aaral nya. Buti na lang hindi sya katulad ni Han na medyo may pagkachick boy ng unti.

But may comparison na naganap?

Oh well, hindi naman nabago sa kanya ang pagiging serious sa work at pagiging masungit. Masayahin naman din sya. Nakita ko na iyong pagtawa nya at ngiti nya. Syempre lagi na kaming magkasama noong kolehiyo dahil kay Han kaya naging magbarkada kami.

Kailan ko kaya makikita ulit sya ngumiti? Tanong ko sa utak ko kaya tumingin ako sa labi nya.

Kailan ko kaya masisilayan ulit iyong ngiti mo na nagdadala sa mga babae para lalo kang magustuhan?

Bigla syang ngumiti kaya napatingin ako sa mata nya.

"Pwede ko naman ipakita iyon sa iyo ng libre. Magsabi kalang" sabi nya saakin. Napangunot ako dahil sa sinabi nya. Tumawa sya ng mahina at pinitik ako sa noo.

"Ikaw itong nagsabi na "kailan ko kaya makikita iyong ngiti mo na blah blah blah" eh"

Nagulat ako kasi alam nya iyong sinabi ng utak. Napatakip pa ako ng bibig.

"Sinabi ko talaga iyon?!" Tanong ko sa kanya. Nag-init ang pisngi ko ng tumango sya sa tanong ko. Hindi ko alam na nasabi ko iyon ng malakas. Nabatukan ko tuloy ang utak ko dahil doon. Bakit ba kasi kung ano ano ang nasa isip ko tuloy nasasabi bigla ng bibig ko?

"Hey" sabay hawak nya sa kaliwang braso ko na binabatukan ang ulo ko ng mahina. "Dont do that. Baka madamage ang utak mo. Ayoko pang mawalan ng magandang secretary"

Binawi ko iyong braso ko at binaba ang paa ko. Hinarap ko ang boss ko at nag cross arm ako. Nagtaas pa ako ng kilay para mapagtakpan ko iyong kilig na namumuo saakin.

Teka bakit naman ako kikiligin? Boss ko kaya sya?

"Anong meron at bigla kang gumanyan?" Tanong nya saakin.

"Bakit nandito ka boss? Hindi ba dapat nandoon ka sa opisina ngayon? My gosh! Akala ko talaga may magnanakaw na pumasok dahil nakaramdam ako ng bad vibes nung pumasok ka dito sa tent." Inis kong sabi. "Hindi mo ba alam ang kaba ko dahil sa ginawa mo? Sana nagsalita ka na agad para hindi ako kinabahan!"

"When I enter here, I thought you're sleeping. Yun pala ng nilapitan kita ay hindi" paliwanag nya. "And also I'm here because I thought something bad about you. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko sayo. Nag alala ako na baka nagkasakit ka ulit"

Tinignan ko sya kung hindi sya nagsisinungaling sa sinabi nya. Nang makita kong hindi nga ay umayos na ko ng upo dahil hindi ako komportable na nakaharap sa kanya.

"Are you okay, Bella? Hindi ka na ba nilalagnat?" Alalang tanong nya saakin. Sinamaan ko sya ng tingin para lang matago ko iyong ilang sa kanya.

"Don't look at me like that. Hindi yan tatalab saakin Bella Maire"

"Pake ko naman kung hindi tumatalab sayo. Manhid ka naman kaya ok lang na di mo madama" tumayo ako at inaayos ang damit ko. "Pupuntahan ko lang ang Galaxy. Baka may ginawa silang kalokohan at hindi kayanin ng crew. Nagiging matigas na ang ulo ng mga iyon kaya kailangan sermunan" saka naglakad ako palabas ng tent.

Hindi ko alam kung sumunod sya saakin. Dumiretso nalang ako sa set at kahit medyo mainit ay hinayaan ko nalang. Tinignan ko ang oras. 11:34 am na. Malapit na palang maglunch kaya medyo masakit na sa balat ang init. Ang layo kasi ng second venue ng show nila. Wala pa naman akong dalang panyo or something na pedeng ipangcover sa ulo ko.

"Bakit ba pinababayaan mo ang sarili mo" boses ni boss sa likod ko. May bigla syang pinatong sa ulo ko saka sya naunang naglakad. Tumigil ako at tinignan iyong pinatong nya. It's black jacket. Tinignan ko si boss. Ngayon ko lang nakita ang suot nya. He wears plain white shirt. Sa baba naman ay simpleng black jagger at rubber shoes na puti. So, the chess board ang peg ng outfit nya. Black and white.

Pinatong ko ulit ang jacket sa ulo ko at patakbong sinundan si boss. Parehas lang kami ni sir ng style. The simple the better. Mahilig ako sa white kaya ito naka white plain shirt lang ako. Black din ang jogging pants na suot ko at pinaresan ko ng black rubber shoes. Sa mga convention at events mo lang ako makikita na ayos na ayos. Hindi na nga ako nag abala na mag make up ngayon. Simpleng pulbo at light lipstick lang ang nilagay ko sa mukha ko.

Nakarating na kami sa set. Napatingin samin ang iba dahil siguro ay nakita nilang kasama ko ang may-ari ng A+. Bumati sila sa kanya. Ngumiti lang sya sa kanila at tinignan ang shoot. Medyo mainit dito sa pwesto namin. Nararamdaman ko na medyo napapaso na sa init ang binti ko kaya nagpapadyak ako.

Bigla bigla nalang akong hinila ni boss sa may gilid saka tumigil. Nakita ko na may kinakausap syang kasamahan ng show na nakapayong.

"Miss, can I borrow you're umbrella? Naiinitan na kasi ang mahal ko" pakiusap nya doon. Sabay turo saakin na sanhi para magulat ako sa sinabi nya. Dahil dun bigla ko nalang syang hinampas sa braso ng malakas.