Chereads / Love Series#1: Office Love / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

"Miss Bella ito na iyong list ng mga nakapasa para sa second audition" bigay sakin ng isang folder ni Mae. "Ito naman yung mga kailangan para sa mga gagamitin para sa concert ng Galaxy. Nakalagay narin po dyan iyong possible price at total" abot ulit sakin ng isa pang folder.

"At ito naman ay iyong pipirmahan ni sir. Pakireview nalang daw sabi nya"

"Bakit naman sakin pa pati yan? Hindi pa dapat sa kanya na iyan para diretso pirma na?"

"Ehh si sir kasi" napakamot sa batok si Mae. "Binigay ko na yan sa kanya kaso binalik nya sakin. Sabi nya ireview mo raw para sa kanya. Saka daw tignan mo kung may mali"

Kainis naman iyong taong iyon! Sakin na naman ibinigay ang trabaho nya.

"Akin na nga. Ako kakausap baka magbalik loob iyon at gawin ang kanyang tungkulin sa bayan" sabay kuha ng folder. Pinatong ko lang iyon sa mga folder na nakatambak sa desk ko.

"Grabe talaga kayo Miss. Parang to the highest level ang init ng ulo mo kay sir" tawang sabi nya at bumalik sa pwesto nya. Ako naman ay napairap. Sino bang hindi maiinis sa boss mong ayaw gawin ang dapat gawin nya? Ako ba ang boss dito?!

Kung pede lang papalit na ko sa pwesto nya ng maramdaman nya ang lugar ko.

Pinagpatuloy ko yung binabasa kong report about dun sa isa sa mga artist namin na biglang nagwalk sa set dahil sa ayaw nya raw makasama partner nya sa pictorial. Ang malupit pa ay nasira ang isang camera doon dahil sa kagagawan nya.

Sumakit bigla ang ulo ko dahil nagfile ng kaso yung may-ari ng brand.

Ano ba kasing pumasok sa utak ng babaeng iyon at sumira muna bago mag walk out?! Pede namang umalis ng peaceful ah?!

Hinilot hilot ko muna ang sentido ko at bago kinuha ang isa pang folder. Mamaya ko na iisipin ang problemang iyon. Baka may maisip na solusyon ang manager nya para sa kaso nya.

Nakuha ko ang folder na naglalaman ng mga nakapasa para sa second audition. Mostly puro lalaki ang nakapasa. Panigurado si boss ang nagcheck para sa first audition kaya puro lalaki ang nandito. Medyo strict kasi ang kuya mo. Tignan mo sa dami na nag audition, ang tanging nakapasa lang sa second trial ay 60.

Pero kung ako din naman siguro baka parehas din kami or medyo madami dyan ang makapasa sakin. Tinignan ko isa-isa. Ang mga nakapasa ay nagra range within 15-19 years old. Unti lang yung mas bata sa 15. Sa mga 20s naman ay medyo madami kesa sa 15 pababa.

Kung sabagay ulit, mas maganda ang age ng 15-19 dahil teenage life iyon at paniguradong mga marunong ng umiintindi. May mga ibang kasing pumapasa dito na hindi marunong umintindi ng instructions ng company. Kaya kahit ayaw namin paalisin dahil magaling sya pero dahil sa ugali ay kusa naming inaalis.

Kaya ngayon mas lalong naghigpit si boss sa pagpili ng trainees. Masasabi ko ngang maswerte ang kapatid kong nakapasa at ngayon ay umaariba ang kagwapuhan sa madla.

Ang hirap kasi mag trainee lalo na kapag nag aaral ka pa. Kaya iyong kapatid kong iyon, ang daming kung sinabi sa kanya para lang makayanan nya ang pinasok nyang industriya. Buti nalang at talagang approve kanila mama ang trip ng kapatid ko.

"Miss Bella, kakain ka ba sa baba?" Tinignan ko si Mae.

"Bakit anong oras na ba?" At tumingin ako sa relo ko. Oh my! 12 na pala.

"Lunch time na po Miss. Sasabay ka ba pababa?" Tanong nya ulit sakin. Umiling nalang ako bigla sagot.

"Hindi na mauna ka na. Tatapusin ko pa ito. Baka magpadeliver na lang ako" sabi ko. Ngumiti sya at nagpaalam na saakin.

Sumandal ako sa swivel chair ko at inikot yun patalikod sa desk ko. Malakas akong humikab at nag istretch ng dalawang kamay at paa.

"Hayyy buhay!!" Malakas kong sabi. Tapos ay inayos ko ang upo.

"Tapos kana ba Miss Bella?" Napahinto ako sa ginagawa ko at humarap sa nagsalita. Nakatayo si boss sa harap ng lamesa ko at nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Nakatingin sya sakin ng nakataas ang gilid ng labi.

Bakit ba ang cool nya tign—

"I told you. You take can picture if you want" at narinig ko syang ngumisi.

Natauhan nalang ako doon at walang sabing tumayo.

"What?"

"Bat andito ka sa opisina ko? Lunch time na ah! Pati ba naman sa lunch time ko mang iinis ka" sagot ko sa kanya. Lalo syang ngumisi sa akin.

Aba talaga?!

"Come to my office. May pagkain doon. Nagpadeliver ako" yaya nya sakin.

"Libre yun?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah libre" sabay talikod nya at lumabas ng pinto.

Dali dali naman inayos ko ang gamit ko sa table at isinuksok ko sa bulsa ng pants ko ang cellphone. Lumabas na ko at nagtungo sa opisina ni boss.

Pagpasok nakita kong may pizza doon sa center table at burger. Meron din akong nakitang spaghetti na nakalagay sa plato.

"Sit down Bella" utos nya na may hawak na tinidor at baso. Umupo na ko sa sahig malapit sa center table. Inabutan nya ako ng tinidor at walang sabing sumandok ako ng spaghetti at isinubo.

Hmmmm ito talaga ang lasang libre.

Biglang may tumawa kaya tumingin ako kay boss. Bigla syang lumapit at pinunasan ang pisngi ko gamit ang thumb nya. Nagulat pa ako dahil dinilaan nya yung sauce na nasa thumb nya.

"As always your messy" sabay upo nya ng maayos at binalingan ang spaghetti nya

Shit na malagkit! Ang bilis ng tibok ng puso!