Chereads / Love Series#1: Office Love / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

"Isa ngang cappuccino" sabi ko doon sa nanghingi ng order ko. Kaagad nya naman pinuch ang order ko. Nagbayad ako sa kanya at binigay nya saakin ang receipt.

"Pakihintay nalang ang order nyo mam" ngumiti ako sa kanya at nagtungo sa bakanteng table. Nang makakita ako ay umupo na ako. Dito ako pumuwesto sa may gilid ng shop pero katabi ang salamin.

Andito ako ngayon sa Brewed. Isa itong cafe na malapit sa company. Dahil maaga pa ay dito mo na ako tumabay tutal mamaya pa namang 8 am ang pasok ko sa trabaho. Buti nalang talaga at maaga magbukas ang cafe na ito.

Hindi ko alam ang pumasok sa kukute ko at bigla akong pumasok ng maaga ngayon. Dati naman ay sakto lang ako sa oras. Tumingin ako sa paligid ng cafe. Wala pang masyadong tao. Kaka seven palang kasi kaya panigurado mamaya pa ito mapupuno.

"Hey!"

Tinignan ko iyong biglang sumigaw.

Teka! Ba't nandito itong taong ito!

Napaayos agad ako ng upo pero pinatili ko ang serious face ko.

Dapat hindi nya mahalata na bigla akong kinilig⊙﹏⊙

"Good morning Bella" sabay upo nya sa harapan.

"Morning din Han" pilit kong tugon dahil namimilipit na ko sa kilig.

Meet Yohan. He is my friend way back in college. Hindi kami classmate pero may nangyaring incident kaya naging magkaibigan kami. Barkada din sya ni boss noon.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba masyado pang maaga?" Tanong nya saakin sabay nangalumbaba sa harap ko. Nakatingin lang sya sakin. Grabe iyong tibok ng puso ko ngayon. Parang tren sa bilis ng tibok.

"Hey, Bella?" At ginalaw nya ang ulo nya pa side way. Ako naman ay kumurap kurap sa kanya. Nakakahiya! Kanina pa siguro ako nakatitig sa kanya.

"Ayos ka lang ba?"

"Huh? Ah oo ayos lang hehehe" sabay iwas ng tingin. Naku ayoko ng ganito!

Bigla na lang sya tumawa at nagpaalam na ooder. Nang makaalis sya ay chance ko ng huminga ng malalim. Pakiramdam ko ngayon ay tumigil ang paghinga sa pagdating nya. Matagal ko rin syang hindi nakita kaya siguro ganto ang effect nya bigla ngayon.

Breathless!

"Mam, here is your coffee" sabay lapag ng kape na inorder ko. Nagpasalamat ako sa waitress at binalingan ang kape. Bumuntong hininga ulit ako.

"Siguro sobrang stress ka ngayon. Grabe ka bumuntong hininga" sabi ni Han ng bumalik sa table namin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya at ininom ang kape. Inilapag ko rin ang kape at tinignan si Han na iniinom ang kape nyang inorder. Meron din syang inorder na chocolate cake. Tinignan ko iyong cake.

Hmmmm! Parang ang sarap kumain ng cake

Hindi ko na lang namalayan si Han na umalis at bumalik sa table namin at may dalang isang tinidor. Inaabot nya sakin iyon at nagtataka akong kinuha sa kanya.

"Para saan naman ito Han?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya at iniusog ang cake sakin.

"Alam kong gusto mong kumain pero nagtitipid ka. Yan hati na lang tayo sa cake ko" at kinuha ang sarili nyang tinidor at kumuha sa kaunting cake at isinubo. Ngumuya sya at tumingin sakin.

"Kain na. Baka magbago pa isip ko, sige ka"

Kaagad din ako kumuha ng cake at isinubo. Ngumiti akong bumaling kay Han ng malasahan ko iyong cake. Sobrang sarap nya. Hindi ako chocolate lover pero masarap talaga itong cake. Parang gusto kong gumastos para lang matikman ko ulit ito.

Sunod sunod na ang subo ko sa cake. Tinatawanan lang ako ni Han sa pagkain ko. Hindi ko nalang sya pinansin dahil busy ako sa kakakain. Iniusog ko na rin sakin malapit ang cake. Hanggang sa naubos ko na iyong cake ni Han.

"Mukhang hindi ka kumain ng agahan ah hahahaha" sabi nya kaya napahiya ako ng kaunti sa inasal ko at humingi ng pasensya sa pag ubos ng inorder nyang cake.

"Ok lang. Wala namang kaso sakin eh. Ganyan ka rin naman noong college days natin"

"Uy hindi ah!" Angal ko

Tumawa lang sya at inabot ang mukha ko. Nabigla ako sa ginawa nya kaya lumayo ako. Tumawa sya ng mahina at sinenyasan ako ilapit ang mukha ako. Hindi ko naman alam kung anong dahilan pero dahil curious ako eh nilapit ko ang mukha ko kahit ang lakas ng kilig ko.

"Bakit ba mo pinapalapit ang mukha ko?"

Ngumiti lang sya at naramdaman kong may pinunasan sya sa may baba ko. Habang ginagawa nya iyon ay pigil hininga na naman ang nangyari sakin. Medyo malapit kasi ang mukha nya sakin. Hindi ko mapigilang titigan sya sa mukha.

Bakit kaya hindi sya pumapangit? Hanggang ngayon ay gwapo parin sya. Kapag siguro naging babae ito ay baka mas maganda pa sya saakin. Napakalinis ng mukha nya at hindi mo maakila na marami din syang napaiyak na babae noong college. At isa ako doon.

Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay magkaibigan parin kami. Hindi man nagbago. Ganto lang kami noon at hanggang ngayon ganto parin. Hindi kaya pwedeng may magbago naman?

Kung tutuusin ay nagmature lang sya. Walang nagbago sa mukha nya. Parehas parin ang kislap ng mata nyang may pagkapilyo. Ganoon parin sya magsalita sa mga kakilala nya lalo na saakin. Casual lang pero hindi mo mababasa sa mukha ang iniisip nya. Pati rin naman ngayon eh hindi ko parin sya mabasa.

"Ok na" sabay tapik sa ulo ko ng mahina. Lagi nyang ginagawa saakin ito noon. Lalo na kapag malungkot ako.

"Bella" tawag nya sa akin  dahil hanggang ngayon ay malapit parin ang mukha ko at hindi ko nilalayo. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko. Ay mali! Alam ko ang dahilan pero ayokong aminin sa sarili ko.

Hindi pa ba ako susuko?

"Bella ayos ka lang ba? Sobrang stress ka ba? Baka wala kang tulog?" Sunod sunod nyang tanong saakin. Ngumiti na lang ako sa kanya at umiling. Lumayo na ako sa kanya at uminom ng kape.

Siguro ganto na lang kami, mag kaibigan.

"Pinahihirapan ka ba ng boss?" Tanong nya saakin kaya tumingin ako sa kanya. Aakma na akong sasagot ng biglang may sumulpot sa table namin. Biglang akong napasimangot ng makita ang istorbo.

Malaking istorbo

"Hindi ko sya pinahihirapan Han" sagot ng bagong dating at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko alam saan galing upuan dahil two seater lang ang bawat table dito.

Tinignan ko ng masama ang boss ko at inirapan. Hindi ko sya pinansin at tinignan nalang ang mga taong naglalakad sa labas ng shop. May iilan ding nakamotor at bike na dumadaan. Syempre may kotse din dahil malapit lang ang shop sa kalsada.

"Bella bakit umalis kaagad sa bahay? Tuloy dinala ko nalang ang agahan natin" sabi ni boss kaya napalaki ang mata ko at binalingan sya. Nakita kong nilabas nya sa maliit na bag ang isang baunan. Kinuha nya rin doon ang kutsara at tinidor.

Binuksan nya ang baon nya dala at sumandok doon ng kanin at ulam. Pagkatapos siguro nyang masecure na wala sigurong malalaglag na pagkain ay iniumang nya saakin ang kutsara.

"Open your mouth baby. Eat your breakfast na" at mas lalong inilapit saakin iyong kutsara.

Shet na malagkit! Baby?!