Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

Dahan-dahang lumingon ang dalaga sa kinaroroonan ng binata. Nagtama ang paningin nila kaya napagmasdan niyang mabuti ang bilugan nitong mga mata na pinarisan ng malalantik na pilik-mata. Matangos ang ilong nito at may magandang labi na animo'y nag-aanyaya na halikan niya.

Maputi at makinis ang balat ng babae na bumagay sa suot nitong kulay pulang bestida. At kahit naglalaro ang kulay ng ilaw sa bar ay naaaninag niya ang balingkinitang katawan nito.

"Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mo ring masaktan?"

Natigil ang pag-iinspeksyon niya sa kabuuan nito. Damn! Anong nangyayari sa kanya? Hindi niya ugaling kilatisin ang kabuoan ng sinoman lalo na kapag babae.

"I'm here to ask you, if you're fine."

"Bakit mo naman kailangang gawin 'yon?" mataray nitong tanong.

"Because I'm an employee here and it's my responsibility to make sure that this place is safe from any kind of hazards."

"Oh!" Naging malumanay ang boses nito. "I'm sorry. Akala ko kasi kagaya ka ng lalaking 'yon."

"It's okay. Sinaktan ka ba niya?"

"Muntik na." Naningkit ang mata ng dalaga. "Pero hindi ako papayag na saktan niya ako. Sana hindi na ulit manggulo ang lalaking 'yon."

"Don't worry, ipapa-ban ko siya. Marami na siyang offense na ginawa. Sa pagkakataong ito, 'di ko palalagpasin ang ginawa niya."

Tumango-tango ang dalaga. "Mabuti naman."

"I'm sorry kung nahuli ang dating ko. My security team thought that it was just a quarrel between couple. Kaya 'di muna kami nakialam."

"It's fine. Wala namang masamang nangyari."

"By the way, may kasama ka ba?" curious niyang tanong pero 'di niya ipinahalata. "Hindi ka dapat pumupunta sa ganitong lugar kapag mag-isa ka. Although I can guarantee that this place is safe. Pero paano kung sa ibang lugar 'to nangyari?"

Hindi niya ito napansin kanina bago siya umalis upang bumili ng pagkain sa kalapit na restaurant. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng kanyang kaibigan kaya napabili siya ng pagkain nang wala sa oras.

"Actually, I don't like this kind of place. Hindi ako mahilig gumimik. Napilitan lang akong pagbigyan ang kaibigan ko."

"Nasaan ang kaibigan mo?"

Sumimangot ang dalaga subalit hindi iyon nakabawas sa kagandahan nito.

"Speaking of that girl, hahanapin daw ang pinsan niya pero hanggang ngayon ay 'di pa bumabalik."

He wanted to ask something but he was not able to do so. Nag-ring kasi ang phone ng dalaga at sinagot naman nito agad ang tawag. 

"I think I have to go," turan nito nang ibaba ang cell phone.

"So soon?" Bakit tila dismayado siya?

Dumating ang kabigan niya bago pa makasagot ang dalaga. "Bro, she's here. Akala ko hindi mo alam kung nasaan siya?"

Naroon na siguro ang pinsan niya. At kung tama ang hinala niya, maaaring pinsan niya ang kasama ng dalaga.

"Hey, excuse me." Sabay na napalingon ang magkaibigan sa dalaga. "I'm sorry to interrupt your conversation but I really have to go. Goodbye," paalam nito saka tuluyang umalis.

He wanted to stop her, to get her name but he couldn't. Kailangan niyang makausap ang kaibigan. May next time pa naman. Natitiyak niyang muling magtatagpo ang landas nila.

***

Nalibot na ni Gianelli at Bea ang buong department store, pero wala siyang mapiling panregalo sa 7th birthday ng bunsong anak ni Momshie Karen. Ang totoo, hindi niya alam kung anong ireregalo dahil lumilipad ang isip niya papuntang Harmony.

Gusto niyang bumalik sa bar kaya lang, baka magtaka si Bea dahil alam nitong hindi siya mahilig sa ganoong lugar. Plus, tinanggihan niyang muling makipagkita sa pinsan nito kaya wala siyang magandang dahilan kung sakaling bumalik siya sa Harmony.

"Gia, sigurado ka bang ayaw mong makilala ang pinsan ko? Promise, last na talaga 'to. Kapag 'di pa natuloy ang blind date ninyo sa ikatlong pagkakataon, wala nang kasunod," pamimilit ni Beatrice.

"Alam mo Bea, kapalaran na ang gumawa ng paraan para hindi kami magkita. Una, sinakitan ng tiyan si Nicole. Pangalawa, nagkita kayo ng ex-boyfriend mo sa bar. Nandoon tayo, pero hindi kami nagkita."

Hindi ko tuloy nakausap nang matagal 'yong poging security personnel. Ngali-ngali niyang sabihin subalit pinigilan niya ang sarili dahil baka kantiyawan siya ni Bea.

"Malay mo ito na ang tamang pagkakataon para magkakilala kayo."

"No," mariing tutol niya. "May natitipuhan na ako kaya ayokong makipag-blind date sa pinsan mo."

"Really?" Namilog ang mata nito. "Anong itsura? Guwapo? Yummy? Mabango? Saan kayo nagkakilala? Anong trabaho? Anong status? Mayaman ba? Baka naman may sabit 'yan?" sunod-sunod nitong tanong.

"Ang oa mong magtanong. Imbestigador ka ba o journalist?"

"None of the above. I just wan to make sure na okay 'yong nagugustuhan mo, na mas okay kaysa pinsan ko."

Inirapan niya ang kaibigan. "Gaano ka ba kasigurado na magki-click kami ng pinsan mo?"

"Nararamdaman ko."

"Ewan ko sa 'yo."

"Ganito na lang, ipakita mo 'yong picture ng sinasabi mong lalaki 'tapos ipapakita ko 'yong picture ni Nathaniel sa 'yo," pursigidong wika ni Bea. Wala yata itong balak na sumuko.

"No thanks!" tanggi niya. "Sigurado ako na mas yummy at guwapo 'yong natitipuhan ko kumpara sa pinsan mo." Daig pa nila ang mga batang nagtatalo kung sino ang may mas guwapong crush.

"Mommy, Ninang, ano pong pinag-uusapan ninyo?" inosenteng tanong ni Nicole. Nakalimutan ng dalawa na may kasama silang bata.

"Baby, wala 'yon. Huwag mong intindihin ang pinag-uusapan namin ng mommy mo."

"Okay po."

"Gia, may napili ka na bang regalo?" pag-iiba ni Bea sa usapan.

Umiling siya. "Subukan kaya natin sa Toy Kingdom?"

"Sure, that's a good idea but I have to go to the restroom."

"Fine! Hihintayin na lang kita sa Toy Kingdom." Binalingan niya si Nicole. "How about you? Kanino mo gustong sumama?"

"I wanna go with you Ninang. Buy me some toys. Kuripot kasi si Mommy, eh."

Natawa siya sa sinabi ni Nicole. Alam na kasi nitong gamitin sa pangungusap ang salitang kuripot kahit limang taon pa lamang ito.

"Sige, magsama kayo ng ninang mo. Lubus-lubusin mo ang pagiging galante niyan dahil kapag nag-asawa na siya, wala ng budget para sa 'yo."

Sinaway niya si Bea bago tuluyang ipinagtabuyan patungo sa restroom. Kung ano-ano kasing kalokohan ang sinasabi nito sa bata.