Gianelli hates a crowded and noisy place but she couldn't understand why she said yes when Bea asked her to come with her. Kaya heto siya ngayon, nagtitiis sa ingay sa loob ng bar.
"Gia, rito ka muna. Hahanapin ko lang si Nathaniel."
Ang pinsan ni Bea ang may-ari ng bar na pinuntahan nila. In all fairness, kahit maingay at maraming tao sa Harmony ay wala naman siyang nakikitang malalaswang eksena at disente ang suot ng mga tao.
"Sure."
Hindi natuloy ang pagkikita nila ng pinsan nito last time dahil tumawag ang yaya ni Nicole at sinabing masakit ang tiyan ng bata kaya umuwi sila. Nag-set ng ibang araw si Bea upang matuloy ang pagkikita nila ng pinsan nito.
Halos dalawang minuto lang ang lumipas nang umalis si Bea nang may lumapit sa kanyang lalaki. Nagpa-cute muna ito bago nagsalita na labis niyang ikinairita.
"Miss, do you mind if I join you?" tanong nito na hindi na hinintay ang sagot ni Gia. Agad itong umupo sa tabi ng dalaga. Mabilis itong nakapag-order ng drinks dahil sa bar counter sila nakapuwesto.
Napailing siya. Ang lakas ng loob nitong humingi ng permiso samantalang wala itong pakundangang umupo sa tabi niya.
"I'm sorry to disappoint you, but I have a companion."
"Nasaan siya?" may pagdududang tanong nito. Mukhang 'di kumbinsido ang binata sa sinabi ni Gia. "Dapat 'di niya pinapabayaang mag-isa ang isang magandang babaeng katulad mo."
Lihim na inirapan niya ang lalaki. Naiirita siya sa presensya nito dahil obvious naman na nakikipag-flirt ito sa kanya. "He's already here."
"Talaga? Bakit mag-isa ka lang? At tama ba ang narinig kong tinutukoy mong kasama ay lalaki? Nakakapagtaka naman dahil babae ang nakita kong kasama mo kanina."
Pinagtaasan niya ito ng kilay. Ibig sabihin kanina pa ito nagmamasid sa kanya.
"I don't owe you an explanation," mataray niyang sagot. Tumayo siya. "Just mind your own business and don't meddle with mine."
Akmang maglalakad siya palayo sa binata subalit mabilis nitong nahawakan ang kanyang kaliwang braso.
"Miss, huwag ka nang mapa-hard-to-get. Bibigay ka rin naman. And I'm sure na hahanap-hanapin mo ang sarap na ipalalasap ko sa 'yo."
What the heck? Sumusobra na ang kabastusan ng lalaking kaharap niya. Anong akala nito sa kanya, kaladkaring babae?
Akala niya disente at professional lahat ng customers sa Harmony, hindi pala. Siguro mali ang pinasukang bar ng lalaking 'to. Ipapakita niya sa binata kung anong hinahanap nito.
"Really?" pinalamyos niya ang tinig. Hinaplos niya ang mukha ng lalaki gamit ang kanang kamay. "Di ba dapat hindi ka nawawalan ng kasama? Base kasi sa sinabi mo, mukhang mahusay ka. Bakit mag-isa ka ngayon? Anong nangyari?" kunwari ay pinalungkot niya ang boses. Umarte siyang bibigay na rito.
"Boring silang kasama. Gusto ko 'yong palaban at walang kinakatakutan, gaya mo."
"Ganoon ba?"
Unti-unti nitong binitiwan ang braso niyang hawak nito. Lihim siyang napangiti. Umaayon ang lahat sa kanyang plano. Nang tuluyan na siya nitong bitiwan ay inundayan niya ito ng suntok sa sikmura. Nabigla ang binata sa ginawa niya kaya nawalan ito ng balanse at natumba.
"Damn!" sigaw nito. Dahan-dahan itong bumangon at hinarap siya. "Anong problema mo?"
"Problema? Ikaw ang problema ko. Sinabi ko sa 'yo na may kasama ako, pero ayaw mo akong tantanan. Hindi lang 'yan ang matitikman mo kapag 'di mo ako tinigilan."
"Sinong tinutukoy mong kasama, 'yong babae?" natatawang wika nito. Mukhang malakas ang tama ng binata. "Gusto mong sabay ko kayong paligayahin sa kama?"
Kumukulo na talaga ang dugo niya. Walang sabi-sabing sinampal niya ito. "Hoy, baka gusto mong ipatapon kita sa presinto? For your information, pinsan ng kasama kong babae ang may-ari nitong bar na BOYFRIEND ko kaya kung ako sa 'yo, aalis na ako habang maaga pa." gigil na gigil na turan niya. Sa sobrang inis ay kung ano-ano tuloy ang kanyang nasabi.
Bumuka ang bibig ng kaharap niya subalit agad riniyong tumikom. May gusto siguro itong sabihin ngunit hindi nito itinuloy. Tahimik itong tumalikod at naglakad palayo sa kanya na ipinagtaka niya ngunit 'di na lang niya pinansin. Naniwala siguro sa kanyang sinabi na nobyo niya ang may-ari ng bar.
"Excuse me."
***
"Sir, lalapitan ko na," sabi ng bouncer sa boss nito. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan ng nagtatalo subalit pinigilan ito kausap.
"Ako na."
"Pero—"
"Ako na ang bahala."
Wala itong nagawa kundi ang sundin siya. Ilang hakbang lang ang layo niya mula sa nagtatalo nang biglang nag-iba ang pakikitungo ng babae sa lalaki. Siguro away mag-syota lang 'yon. Lalayo na sana siya ngunit nagbago ang isip niya nang biglang bumulagta ang lalaki sa sahig.
Galit na galit ang babae sa lalaki. Noon lang niya napansin na ang lalaking bumulagta sa sahig ay ang mahilig manggulo sa Harmony. Hindi niya agad napansin kanina dahil mas nakikita niya ang babae sa direksyon na kinatatayuan niya.
"Lalapit na po ako."
Napalingon siya. Sumunod pala sa kanya ang bouncer. "Huwag, hayaan mo sila."
"Ho?" takang tanong nito.
Maliban sa suntok ay nakatikim din ang lalaki ng sampal.
"I think the woman can handle him." A smile formed on his lips. He can't help but admire the woman. "The bastard deserved a punch and a slap from a woman."
Ilang beses na siyang nagbigay ng warning sa lalaking iyon subalit gumagawa pa rin ito ng gulo. Ngayon, hindi lang warning ang matatanggap nito. He'll make sure na hindi na ito makakatapak sa Harmony.
"Hoy, baka gusto mong ipatapon kita sa presinto. For your information, pinsan ng kasama kong babae ang may-ari nitong bar, na boyfriend ko kaya kung ako sa 'yo, aalis na ako habang maaga pa."
Nagkatinginan sila ng bouncer dahil sa sinabi ng dalaga. Kung nagulat ang bouncer sa sinabi nito ay mas nagulat siya. Gusto niyang komprontahin ang babae subalit nakapagtatakang nangibabaw ang amusement na naramdaman niya kaysa iritasyon kaya pinili niyang manahimik.
Nilapitan niya ang dalawa ngunit mabilis na umalis ang lalaki nang makita siya. Sinenyasan niya ang bouncer na sundan ang lalaki bago pa ito makatakas.
"Excuse me."