Nagising si Gino dahil sa pagtapik sa kaniya ni Marika. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya ang kapatid na may hawak na tasa at naka dekwatro sa pag upo. Mataas na ang sikat ng araw na siyang tumatama sa mga mata niyang pagod na pagod.
"What are you doing here this early?" tanong niya na parang may nakalimutan. Bumuntong hininga si Marika at saka hinagis ang isang tshirt.
"I don't know what you did but you were naked when I came here." aniya at sabay tumalikod. Nagulat si Gino sa sinabi ng kapatid at sinilip ang hubad niyang katawan na takip lang ng polo shirt niya. Natigilan siya at naalala si Violet.
"She's gone.." sambit niya. Nagtaka si Marika sa sinabi. "What do you mean she's gone. Did you took a woman in here? Dito pa talaga sa office mo?" galit na tanong sa kaniya ng kapatid. Umiling iling siya. Bago pa man siya sumagot ay napansin niya ang isang papel sa ilalim ng upuan. Pinulot niya iyon and saw Violet's name on it. Binuksan niya ang sulat.
"Thank you and I'm sorry." iyon ang laman ng sulat. Napatingin si Gino sa kapatid na naghihintay ng sasabihin niya.
"What is it?" yumuko ang binata at saka ibinulsa ang papel. "Violet was here yesterday." sabi niya. "She told me she loved me but she's gone now." aniya at napatingin sa malayo. Lumapit sa kaniya si Marika at tinapik ang balikat ng kapatid.
"Hindi mo masisisi si Violet, pakiramdam niya sa sarili niya ngayon nagtaksil siya sa asawa niya. At wala tayong maitutulong."
"Pero Ate, I loved her. Kung kinakailangan ko siyang ilayo kay Adrian. Gagawin ko." matigas niyang sinabi at nagsuot ng tshirt.
"Sigurado ka ba talaga diyan sa papasukin mo? Hayaan mo si Violet ang magdesisyon! Dahil kung bumalik siya ulit sayo then it will be her final decision." hindi alam ni Gino ang sasabihin. Natatakot siya sa ideyang kaya hindi nagpaalam sa kaniya si Violet ay dahil iyon na din ang huli nilang pagsasama. Gusto niyang magalit sa sarili, dahil sa wakas ay inamin nito sa kaniya na mahal pa siya ng dating nobya. Pero ang katotohanan nakatali na ito sa ibang lalake ang pilit sumasampal sa kaniya na hindi na sila maaaring magkaroon ng ugnayan pa.
Hindi na nila puwedeng patungan pa ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali.
Nagpatimpla si Marika ng isa pang kape kay Janna. Nakapagbihis na si Gino habang lutang pa siya sa pag-iisip. Walang ibang magawa si Marika kundi panoorin ang kapatid. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isipan nito. Natatakot siyang madawit ito sa isang gulo. Villamontes can't afford a scandal. Lalo pa ngayon nagsisimula silang makilala sa industriyang kinabibilangan nila.
Everyone wants a partnership with them. Imperial, and Alejo.
"What are you thinking?" tanong ni Marika sa kapatid. Umiling ang binata at saka hinigop ang mainit init na kape. Napansin sila ni Janna na halos kalalabas palang ng pinto. Ramdam niyang may kakaiba sa boss nila. Maingat siyang lumiban ng kwarto at nagtuloy sa opisina nila. Naupo siya tabi ni Leo na tahimik at focus sa trabaho.
"Something seems unusual." bulong niya sa kasamahan. Lumihis ng tingin si Leo sa computer at inabot ang mug sa kanan bahagi ng mesa.
"Ano nanaman yan nasagap mo?"
"Gino is acting weird. May nangyari ata." aniya Janna na narinig naman ni Jed mula sa kabilang cubicle. Lumapit siya sa dalawa.
"Hindi niyo ba naabutan si Ate Vi dito kahapon? Sabi ko kunin niya yon sahod niya dito sa office e." nanlaki ang mga mata nina Leo sa narinig at nagkatinginan sila.
"So that explains everything." parang nakadiskubre ng sikreto si Janna sa tono niya. Bumuntong hininga naman si Leo.
"Kawawa sina Gino at Violet. Naiipit sila sa mga ganyan desisyon. Why just let them be happy.. "
"I know Leo.. Ang mas kawawa dito si Violet, kapag nalaman ng asawa niya na nagkita sila ni Gino. God! Baka kung ano ang magawa niya." umiling iling si Leo.
"I wanna help them." sabi ni Janna sa dalawa. "How could we? Hindi nga natin alam bakit sila naghiwalay diba? At bakit kasal na si Ate Vi kay Kuya Adrian." nag-aalala si Jed. Nakaisip ng idea si Janna at mabilis siyang bumalik sa kinauupuan niya.
"We need to find the person who caused all of this."
*****
Nakatayo lang si Violet sa may harapan ng mga halaman dinidiligan niya. Wala siya sarili at hindi niya napapansin nalulunod na ang halaman sa dami ng tubig na ibinubuhos niya dito. Nagising lang siya sa pagkakatulala nang mag vibrate ang phone niya na nasa bulsa.
She saw an unknown number. Pagbukas niya ng mensahe ay nagpakilala ito na si Gino. Nagulat siya and at the same time ay kinabahan. Hindi na dapat siya kinokontak nito. Mabilis niyang inoff ang phone. Natigilan siya sa ginagawa habang nag iisip ng paraan hindi na siya mahanap pa nito.
Pumasok siya sa loob ng bahay at kinuha ang susian ng cellphone. Isinalang niya ang bagong biling simcard kahapon at saka nag disabled ng isa pang simcard. Siya na ang bahalang magpaliwanag kay Adrian bakit siya magpapalit ng number. Ang mahalaga hindi na siya makontak pa ni Gino.
Bumalik siya sa bakuran para ituloy ang ginagawa. Nagdala na siya ng isang maliit na paso at butong itatanim niya.
Hindi mabura sa isipan niya ang isang gabing pinagsaluhan nila ng dating nobyo. Sariwa pa din ang alaala ng pagtatalik nila. Ayaw niyang aminin sa sarili na napaligaya siya ni Gino kahit sa saglit na oras na iyon at naramdaman niyang masaya siya. Pilit na kasing nagmamarka ang salitang pagtataksil sa katauhan niya.
Hinawakan niya ang dibdib. She reminisced Gino's lips inside kissing and nibbling her neck down to her cleavage. She felt chills. Para bang nag uudyok ang sarili niyang gusto pa niya. Gusto pa niyang makasama ang binata.
Pero dadagdagan lang niya ang pagkakamali. Kailangan na itong matuldukan ngayon.
*****
Paulit ulit na nagriring ang telepono ni Adrian. Nakasakay na siya ng tourist bus na maghahatid sa kaniya sa Manila. Hindi naman niya makontak ang asawa para sana ipaalam na uuwi na siya. May ilan nadagdag sa mga dalahin niya, iilan pasalubong na para kay Violet.
Pagsilip niya sa phone ay inakala niyang ang asawa ang tumatawag. Isang numero mula sa isang kakilala na matagal nang hindi na nagparamdam. Sa pagkakatanda niya, the first and last call he received from this person was way back from college. Kaya nagtataka siya why all of a sudden ay kokontakin siya nito.
Sinagot niya ang tawag.
"Is this.." bago pa man niya mabanggit ang pangalan ay nagsalita agad ito. "I am calling because of your wife." aniya sa galit na tinig. Nagtataka si Adrian at nabanggit nito si Violet.
"Bakit? Tahimik na kami ng asawa ko. She left Villamontes. Ano pa ang gusto mo?"
Nagsalita ang nasa kabilang linya, at nang marinig iyon ni Adrian ay nagbago ang mukha niya. Kumunot noo siya at tila namuo ang galit sa mga mata niya. His fists were clenching as if he wants to hurt someone.
"What made you sure she did that?" magaspang na ang pananalita niya.
"Gino told me of course, hanggang ngayon tanga ka pa din. Ginagago kana ng asawa mo and yet you still remain calmed." sabi pa nito at tumawa na lalong nakapagpairita kay Adrian. Pinatayan niya ito ng cellphone.
Bumaba siya agad ng bus dala dala ang nga gamit. Hindi na siya nagpaantay pa sa mga kasamahan. He immediately took a Grab.
*****
Dahan dahan niyang nilapag ang cellphone matapos siyang walang pakundangan binabaan ng tawag ni Adrian. Natutuwa siya at nananabik sa gagawin ng dating kaibigan. Noon palang ay close na sila ni Adrian, non nag aaral palang siya ng kolehiyo sa parehong eskwelahan. Alam niyang may matinding pagmamahal ito kay Violet. Kaya siniguro niyang magagamit ito para maiwas ang atensyon ni Gino sa babaeng kinamumuhian niya.
Madami na ang isinakripisyo niya. Madami na siyang pagsisinungaling at panggagamit na itinago niya sa mahabang panahon. Hindi naman niya aakalain magkakaroon pa ng lakas ng loob si Gino na balikan si Violet dahil kung iyon man ay nalaman niya ng mas maaga. Madaragdagan pa sana ang paninira niya sa dating magkasintahan. At ang gagamitin niya ay si Adrian.
May isa pang balakid sa mga plano nila ng kaibigan. Ang lalakeng ginamit nila sa kunwariang pagtataksil ni Violet noon kay Gino. Bigla kasing nawala si Lawrence sa eksena at ito nalang nag-iisang tinik niya sa lalamunan. If they found where that jerk is hiding, sisiguraduhin nilang patatahimikin ito at tuluyan ililibing sa limot ang mga ugnayan nila sa eskandalong kinabilangan noon ni Violet.
And Gino will be hers, once and for all.
*****
iamnyldechan