Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 30 - Twenty Nine

Chapter 30 - Twenty Nine

Bahagyang pumreno si Gino sa bigla niyang pagharurot ng minamanehong sasakyan. Napansin niyang napapabilis na ang pagpapatakbo niya at hindi niya namamalayan ang bigla biglang pag-iiba ng estado ng trapiko. Naalala niyang nagkukumahog siyang umalis matapos sabihin ni Janna kung saan maaring matagpuan si Lawrence. Pero hindi iyon talaga ang tumatakbo sa isipan niya, kundi ang mga akusasyon ni Janna tungkol sa nakakatanda niyang kapatid.

Marika couldn't possibly inloved with him. Halos buong buhay niya ay tinuring niya itong kapatid. Kaya parang hindi siya makapaniwala sa mga narinig kanina. But Janna was serious and not playing tricks at all. At kilala niya ito, it wouldn't joke around something as serious as like this. Mabigat ang paratang niya.

Bumuntong hininga siya at sandaliang ipinarada ang kotse sa tapat ng isang bakanteng parking lot. He is suffocating. Not because of the heat from being drunk, but from the idea that Marika has feelings for him. Sandali siyang lumabas ng kotse matapos tumigil. Mataas ang sikat ng araw ng alas-dos. Mainit at sabayan ang mausok na kalsada gawa ng dikit dikit na sasakyan. At dami ng taong naglalakad sa gilid.

Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa, and he check again the address, Janna sent to him. Ilan kanto nalang ang dadaanan niya para marating ang posibleng tinutuluyan ni Lawrence. He tried to contact Violet, too. Pero walang sumasagot. Naisip niya na baka nagpalit ito ng number. Gusto sana niyang sabihan ito na makakausap na niyang muli ang dating kaklase kahit alam niyang matindi ang trauma ni Violet kay Lawrence. He thinks it would be the best to free theirselves from the past. Para makalaya na din ang dating nobya.

Ito nalang ang hinihiling niya, kahit na hindi na makipagbalikan pa ito sa kaniya.

"Gino!" nagulat ang binata sa biglang pagtawag sa kaniya ng isang tinig. Paglingon niya, nakatayo ang isang binata na hindi nalalayo ang tangkad sa kaniya. It wears a plain shirt at may dalang paper bag na laman ay groceries.

"Lawrence!" sigaw niya sa gulat na makita ito.

*****

Nagyaya si Gino sa isang malapit na cafè along Pasay road. Hanggang sa makaorder ang binata ng kapeng maiinom nilang dalawa ay hindi siya umiimik. He just can't believe na nagkaharap silang muli ni Lawrence. The last time he saw it was like seven years ago, at ang huli niyang natatandaan ay kung paano siya galit na galit na sinuntok ito at binugbog after he saw him with Violet at some random hotel.

Until now hindi siya makapaniwalang kayang gumawa ni Lawrence ng ganon. Yes, the guy was naive and wild when they were young. Laging laman ng Dean's Office ang binata, iba ibang barkada ang sinasamahan at laging nagkakaproblema sa Academics. But he once believed that Lawrence was a good guy.. Yes he always flirts with one girl to another but he never thought na gagalawin nito si Violet.

"Kape?" nagulat siya ng ibaba ng binata ang dalawang tasa ng kape sa mesa nila. Inilapag nito sandali sa katabing upuan ang dala dalang grocery bag.

"Long time no see. Hehe. I can't imagine we will meet again like this being casual." nakatawang sinabi nito. Nakatingin lang sa kaniya si Gino. Iniisip niya na mukhang sa pamumuhay nito ngayon ay maayos na ito at hindi na ito ang kilala niyang kaklase noon.

He changed for the good.

"I'm glad na maayos na ang buhay mo." aniya ni Gino bago hinigop ang mainit na kape. Sandali siyang tumanaw sa kaharap nilang bintana.

"Well, same to you. Masaya ako kasi babalikan mo na si Violet. I mean seven years is too much to wait for." bumalik ang tingin niya sa kaharap na kaklase.

"Babalikan?" nagtataka niyang tanong.

"Yes. I know I did some mistake in the past. I already told her I'm sorry." sabi pa niya at ibinaba ang tasa. Binuksan niya ang isa pang sugar packets at inilagay sa kape niya at pagtapos ay hinalo.

"Nagkausap na kayo ni Violet? How come? Ayaw ka nga niyang makita diba?" umiling si Lawrence.

"Like we met here, nagkasalubong din kami. And yeah, she was scared. Hindi ko naman siya masisisi." nalungkot ang mukha niya. The way Violet looked at him ay may pahiwatig pa din ng poot at galit. He admitted what he done kaya nga sinusubukan niyang itama ang pagkakamali. And earn forgiveness.

"Nagsorry ka sa kaniya? Did she forgive you?" Lawrence

shakes his head.

"Its not easy to forgive. But at least I told her the truth. Gumaan ang pakiramdam ko." aniya at tinikman ang isang slice ng banana bread sa harapan niya.

"Truth?"

Tumigil siya sa pagslice ng tinapay at tumingin sa kaharap na binata. "You don't know the truth?" tanong niyang muli. Dahan dahan tumango si Gino.

"The truth that Adrian and Marika were behind the scandal."

Nabitawan ni Gino ang hawak na tasa dahilan para bumagsak ito sa sahig. Everyone looked at them, mabilis na rumesponde ang isang service crew para linisin ang mga nagkalat na bubog. Still, he is speechless.

"Gino? Sorry, kung alam mo lang pareho kaming biktima ng eskandalong yon. That's why nagtago ako. Pero hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko. Kaya sinubukan kong hanapin kayong dalawa ni Violet." patuloy pa niya. Biglang tumayo ang nanginginig na si Gino.

"Where are you going?" mabilis na tanong ni Lawrence. Lumingon sa kaniya ang binata. "I need to see Violet." sabi niya at hindi na nagpapigil.

Nagmamadali siyang lumabas ng coffee shop after he paid for the mugs. Hinanap niya ang kotseng ipinarada malapit lang sa establishment. Halos mahulog pa niya ang susi pagkakuha niya sa bulsa.

"Argh!" sigaw niya at inihampas ang dalawang kamay sa tinted na bintana ng sasakyan. Nanginginig siya sa galit, he was used by the person he treated as his sister. At hindi lang iyon, Adrian was also behind of it. Anong karapatan nila na paglaruan ang buhay niya?

He trusted Adrian like his own brother. And he believe na mapagkakatiwalaan niya ito sa nobya. But he take it for granted. He took it all, including the freedom of Violet.

Now its time, he take it back.

*****

Tumigil ang kotse ni Gino sa mismong tapat ng gate ng bahay nina Adrian. Pagkaparada niya ng sasakyan ay siya naman pagkatok niya ng malakas dito. Wala siyang pakealam kung may mabulahaw man siyang kapit bahay. He needs to see Violet.

"Kristine! Kristine! I know you're in there!Open this damn door!" sigaw niya at sunod sunod na kinalabog ang stainless na pinto.

Nasilip niya mula sa pagitan ng mga bakal ang papalabas na si Adrian. Narinig niyang binuksan nito ang pinto. Pagkabukas ay sumambulat sa kaniya ang mukha nito.

"Nasaan si Kristine?" tanong niya agad. Umiling ito.

"Wala na siya dito. Umalis na siya." walang emosyon ang mukha ni Adrian. Para bang hindi ito nagulat o nalungkot man lang.

"Alam ko na ang totoo! Ginamit mo siya hayop ka!" sigaw ng nag aalab sa galit na si Gino at mabilis niyang sinuntok ito sa kanan pisngi. Hindi nanlaban si Adrian at bumagsak lang siya.

"She knows the truth. Kaya umalis siya. Ano pa bang gusto mong sabihin ko sayo?"

"I don't believe you! Matagal mo siyang nilayo sa akin tapos pakakawalan mo siya ngayon! Alam kong tinatago mo siya!" bulalas niya at hinila si Adrian sa kwelyo ng damit nito.

"Sige. Find her. At kapag hindi mo siya nakita. Wala ka ng karapatan bumalik pa dito. I will sue you for trespassing and violence." sagot lang nito. Binitawan siya ni Gino at saka ito nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.

"Kristine!" his voice echoed inside.

Nagsimula siyang umakyat sa ikalawang palapag. Doon ay naabutan niyang bukas ang pinto ng kwarto ng mag-asawa. Pagpasok niya ay wala siyang nakitang Violet. Napansin lang niya ang bukas na aparador na walang laman damit. Nakakalat ang mga hanger sa sahig. Hindi rin niya nakita ang kahit isang personal ni gamit ni Violet.

Totoo kaya na umalis ito?

"I told you, wala na siya dito. After she found out the truth. Umalis siya." naririnig niya ang tinig ni Adrian mula sa ibaba. He tried to think of possibility where Violet decided to go. Sa pamilya niya sa Cavite? Sa mga kaibigan niya? Kay Rica, or Sandra? Hindi kaya kay Regine o kay Janna?

Paglabas niya ng master's bedroom ay sunod sunod pa niyang binuksan ang mga kwartong posibleng naroon ang dating nobya. Pero wala ni kahit isang bakas ni Violet. Nagtatakbo siya pababa ng hagdan. He saw Adrian taking coffee at nananatili itong kalmado. Paano ito nakakapagkape sa mga ganitong pagkakataon, his wife is missing? Can Adrian really let go of Violet? After what he done? After all the sacrifices.

"Kahit halubugin mo ang buong bahay na ito. You can't find here what you are looking for. I told you, she's gone." anito at tumalikod.

Napahigpit ang hawak ni Gino sa cellphone niya. He dialled its number multiple times and no one respond. Natatakot siya sa pupwedeng gawin ni Violet. She was once a victim of depression and suicide. At hindi malayong doon mapunta ang mga pinagdadaanan niya ngayon. Everyone betrayed her. Even the people she trusted the most. Hindi niya iyon deserve.

"Nagsasayang ka lang ng oras mo dito." matigas na binitawan ni Adrian. Lumakad papalapit sa kaniya si Gino.

"If I found Violet. You will never see her again. Never." aniya at tinalikuran ito. Padabog siyang lumabas ng bahay hanggang sa marinig nalang ni Adrian na bumagsak ang pinto ng gate.

*****

iamnyldechan

Sorry for late updates.

Thank you for waiting.