Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 31 - Thirty

Chapter 31 - Thirty

"Kristine!"

Dahan dahan idinilat ni Violet ang mga mata niya nang marinig ang isang tinig na nagmumula sa isang bahagi ng bahay. Sinubukan niyang bumangon pero nanatili siyang nakadapa. Nakatali ang mga kamay niya at ramdam pa din niya ang pananakit ng likod.

"Kristine!"

Narinig na muli niya ang pagtawag sa pangalan niya. And this time, she realized it was Gino's voice. Sinubukan niyang magsalita pero nakatakip ang mga labi niya ng duct tape. Kumilos siya mula sa pagkakadapa, at pinilit gumapang patungo sa pinto na nasa harapan niya. Madilim ang loob ng silid na ngayon lang niya napasok. Hindi ito ang kwarto nilang mag-asawa. Maliit ang espasyo sa loob na kasya lamang ang isang kama at isang maliit na mesa sa tapat ng isang bintana. Madilim dahil natatakpan ng maalikabok na kurtina ang tanging nagbibigay sa kaniya ng liwanag.

Gino!

Tawag niya mula sa isipan niya. Pinilit niyang umabot sa pinto. Pero natigilan siya nang maramdaman ang ilan yabag na papalapit sa kaniya. Pagbukas nito ay nasilaw siya sa liwanag mula sa labas.

"Good thing. I hide you in here." aniya ng isang pamilyar na tinig. Nanlaki ang mga mata ni Violet nang makita si Adrian. Walang tigil sa pag agos ng pawis niya mula sa magkabilang bahagi ng mukha. Sinubukan niyang umatras palayo dito but it grabbed her hand. Kumunot noo siya nang maramdaman ang sakit ng pagkakahila sa kaniya nito.

Pinilit niyang lumaban pero nanghihina siya at nanginginig.

"Just please behave."pakiusap ni Adrian at dahan dahan tinanggal ang duct tape sa bibig niya. Violet almost caught her breath. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maayos at nawala ang bumabara sa kaniya.

"Why would I behave! Ikinulong mo ako dito like a prisoner!" bulalas na sigaw ni Violet. Iniwas niya ang mukha nang akma siyang hahawakan ng asawa.

"Why are you so being stubborn?" pagtaas ng tono ni Adrian at hinila ang buhok nitong nakasayad sa sahig. Napabalikwas si Violet at hindi makalaban sa ginawa ng asawa. Hindi maipinta sa mukha niya ang kakaibang hapdi na nararamdaman habang hawak nito ang buhok niya. The pain of pulling off her hair like it would break her scalps. She didn't expected that Adrian can do that to her. Gustong pumatak ng mga luha niya but its no use. The one who can help herself is her own too.

"Behave! And don't you dare sneak away from me." sabi pa nito at sabay binitawan ang buhok niya. Naririnig ni Violet ang maingay na tunog mula sa dala ni Adrian na kadena. Nagulat siya ng hilahin ang mga paa niya at tinanggal ang mga lubid na nakatali dito. Bumakat na sa balat niya ang higpit ng pagkakatali ng lubid. Naghanap siya ng bagay na mapagkakapitan ng kadena habang nakadugtong ito sa binti niya.

"Now, you're treating me like a dog!" sigaw na muli ni Violet pero hindi siya iniimik nito. Tumunog ang maliit na padlock matapos itong susian ni Adrian. Sinigurado niyang hindi ito mabubuksan at hindi aabot ang asawa sa pinto. Tumayo siya nang hindi ito nililingon.

"Adrian! Bakit mo ito ginagawa sa akin! This isn't you!" gusto nang maiyak ni Violet. This is worst more than she could imagine. Tumingin ito ng pagkatalim talim sa kaniya.

"This is the real me, Violet." anito at binuksan ang pinto. Sa isang iglap, muling dumilim ang mundong ginagalawan niya. Everything she believes in was all a lie. Hindi na niya alam kanino maniniwala, but one thing is for sure. Gino was the only true thing that happened to her.

Dahan dahan inihiga ni Violet ang buong katawan sa sahig. Malamig ito at wala siyang ibang maramdaman kundi ang panginginig niya. Kaunting liwanag lang ang nakikita niya mula sa bintanang takip ng mga kahoy. At balot ng itim na kurtina. She tried to inhale some air but its suffocating her. Siguro dahil saradong sarado ang kwartong iyon. Ni hindi niya alam na may ganitong silid ang nag eexist sa bahay nila. Paano nga naman niya malalaman? Adrian owns the house na minana niya sa magulang. She even didn't tried to get to know the place. She admitted that she was overwhelmed kaya't hindi na siya nag abala na libutin ang bahay.

"Gino.." she murmured its name. Pumikit siya, sinusubukan niyang alalahanin ang mukha ng binata. How he smiles, and how gorgeous he was when they made love. Panaginip nga lang kaya ang lahat? At ngayon lang siya nagising na muli. Idinilat niya ang mga mata at nakita ang peklat sa pulso niya. She saw the sign of her, being naive and weak.

"Gino, please come back.." muli niyang sambit bago tuluyan mawalan ng malay. Kung may gusto siyang mangyari ngayon, ay iyon balikan siya ni Gino para iligtas, kahit ngayon pagkakataon lang.

*****

Ibinaba ni Adrian ang dalang martilyo at mga kahoy sa ibabaw ng mesa. Tumigil siya nang marinig ang pagkulo ng inilulutong pagkain. Its almost time to have dinner. Inihanda niya ang tray na dadalhin sa kwarto kung saan niya ikinulong si Violet. Hindi magtatagal ay malalaman ni Gino na itinago niya ito kaya't he needs to prepare her wife to go overseas sa tulong ni Marika. He wouldn't let Gino take Violet away from him even it costs hatred, kahit pa na pagtaniman siya ng asawa ng walang hanggang poot.

This is the only way he could, to make Violet stay. Sabihin na nilang baliw siya at makasarili. Pero masasabi ba talaga na may tamang kwalipikasyon sa pagmamahal? Hindi naman lahat ay kayang gawin ang tama sa lahat ng oras. There will be times, the only right thing to do is the wrong decisions. At nasa ganoon siyang posisyon ngayon. If Violet could understand, sana ay hindi na umabot sa ganito.

Nagulat si Adrian nang tumunog ang malaking wallclock nila. Its almost eight in the evening, oras na para dalhan ng pagkain ang asawa. Nakahanda na din ang damit na pamalit nito. Dahan dahan siyang pumanik ng hagdan. Nakasabit sa braso niya ang paperbag na may laman damit. Kinuha niya sa bulsa ang susi ng silid. Pagbukas niya ng ilaw, ay nakita niya ang asawa na nakahandusay. Nakaramdam siya ng takot that she was unconscious the whole time. Ibinaba niya ang tray at agad kinalong sa bisig si Violet. Tinapik niya ang pisngi nito.

Dumilat ang mga mata niya at nang makita si Adrian ay nagpumiglas siya.

"Stop holding me!" sigaw niya hanggang sa bumagsak ang kalahati ng katawan niya sa sahig. She felt a different kind of pain but she tried to keep to herself. Hindi ito ang oras para damhin niya ang pagkakabagsak niya sa sahig. Napansin niya ang tray na nasa sahig. The fork almost caught her eye. Mabilis niyang kinuha ito at itinutok sa asawa. Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Violet. But her sight is getting blurry because of her suffocation.

"Ibaba mo yan, Violet." sabi ni Adrian pero hindi siya nakikinig. Nanatiling nakatutok ang matulis na kubyertos sa mukha ng asawa.

"I need to get out of here." aniya at nanginginig na naihulog ang tinidor. She lost her balance at muli ay bumagsak siya. Bumuntong hininga si Adrian at kinuha ang asawa.

"I'm sorry you need to endure this." bulong niya at niyakap ito. Dahan dahan tumulo ang luha niya sa pisngi ni Violet. "Konting tiis nalang, at ilalayo na kita dito." sunod niyang sinabi.

*****

Ibinagsak ni Gino ang pinto ng opisina niya, napalingon sina Janna mula sa hallway na halos abot tanaw lang dito. Naupo ang binata sa sofa at isinandal ang likod niya. He's still have headache. Pero hindi ito ang nagpapasakit ng ulo niya. Its because he can't find Violet. Gusto man niyang bumalik sa bahay nito ay hindi na niya pupwedeng gawin. Adrian threatened him if he tried to trepass again. Kapag sinubukan niyang muli. It will give an impact to Villamontes kapag gumawa siya ng hakbang na alam niyang magdudulot ng epekto sa kompaniya. Wala siyang magawa kundi mag-isip.

Pumikit siya at inalala ang dating nobya. Everytime he tried to hold Violet in his arms. Alot of time wasted because of him being a coward.. At hindi ito yon oras para maulit yon.

"Sir Gino?" napabangon sa pagkakasandal si Gino nang makita ang pagsilip ni Janna sa pinto.

"Please, Janna. Make it a good news. I'm already done with alot to take care." aniya at hindi na umalis sa kinauupuan. Bumuntong hininga si Janna. Pagpasok niya ay inabot niya dito ang isang folder. He tried to come on his senses. Kinuha niya ang folder at binuksan. Its the contract from Imperial. It was signed by Liam Imperial, the current CEO of the company.

"Goodness. Napirmahan na nila." sabi niya na parang nabawasan ang bigat ng loob. Nag-aalala kasi siya na baka hindi sumang-ayon ang Imperial sa terms and conditions ng pinagpaplanuhang partnership.. Wala rin naman ang isipan niya sa pag-uusap na yon. The only thing it matters to him the most is Violet.

"Janna." nagulat ang empleyado nang tawagin ang pangalan niya. "Po?"

"Hire a private investigator to watch over Ate Marika." sabi lang niya habang hindi inaalis ang tingin sa folder.

"Sir Gino." hindi alam ni Janna kung paano sasagutin ito. They way it look from nothing was the actual look of a man who is ready to kill. At hindi niya iyon gusto.. She doesn't know Gino at all. Pero ang ideya nito na paimbestigahan si Marika ay simula na ng kaniyang pagbabago.

*****

Idinilat ni Violet ang mga mata nang maramdaman nakaalis na si Adrian. Iginalaw niya ang mga binti. Narinig niya ang pag-iingay ng bakal na kadena na nakakabit sa paa niya. Sinubukan niyang bumangon. Nakita niya ang tray ng pagkain sa harapan niya. Napansin din niya ang suot na damit.

"Pinalitan niya." matamlay ang tinig niya. Hinila niya ang tray. Hindi pa siya kumakain simula nitong umaga, at kahit pag-inom ng tubig ay hindi na niya nagawa. Parang isang tuyong lupa ang lalamunan niya. Binuksan niya agad ang isang bottled water at halos lagukin ang lahat ng laman nito.

Mabilis niyang naubos ang pagkain. She needs energy. Hindi siya pupwedeng maging mahina tulad kanina. She can fight if she wants to. Pero hindi niya maintindihan ang sarili na noon mga oras na sinubukan niyang manlaban kay Adrian, ay pakiramdamn niya hindi niya kayang saktan ang itinuturing na asawa. The way Adrian looked at her was filled of agony and despair.

Is Adrian already felt regret?

Naupo siya habang nakasandal ang likod niya sa malamig na pader na nagkukulong sa kaniya sa maliit na silid. Niyakap niya ang mga tuhod, at yumuko. Hindi siya nakakaramdam ng takot dahil alam niyang kaya niyang lumaban. Pero ang lungkot na pilit nagsusumiksik sa isipan niya ang tunay na nagpapahina sa kaniya.

The weakness she always has. Sadness.

"Gino.." muling sambit niya ng pangalan ng binata. Isinandal niya ang mukha sa katabing cabinet na gawa sa isang uri ng kahoy.

"Huh?" napansin niya ang paggalaw ng lumang furniture. The room was like a stockroom. Madaming gamit, at ilan ay takip ng puting tela. Ito siguro ang kwarto na pinagtaguan ni Adrian ng mga natirang gamit ng mga magulang niya bago iwanan ang bahay nito.

Sinubukan niyang buksan ang mga drawers nito. Ang una at ikalawang drawer ay tila nakalock. Bumuntong hininga siya. Naisip kasi niyang baka makahanap siya ng bagay na makakatulong sa kaniya para makaalis sa lugar na iyon.

"Wala rin silbi." sabi niya at siniko ang huling drawer. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin bahagya itong bumukas. Hinila niya ito. Naubo pa siya dahil sa kapal ng alikabok nito.

"I need something sharp." aniya sa sarili at inangat lahat ng gamit na laman ng drawer. Nakita niya ang isang maliit na kahon na kasinglaki ng isang notebook. Kinuha niya iyon at nilapag sa harapan niya. Naghanap siya ng basahan ipapapunas niya dito.

"Whats this?" pagbukas ng kahon. Nakita niya ang ilan sobre. "Is this letters?" tanong niya sa sarili. Binasa niya ang address na nakasulat sa harapan ng sobre.

Villamontes, Gino Rosso

Massachusetts, Cambridge USA

March 20, 2011

Nabitawan ni Violet ang sobre nang mabasa ang pangalan ni Gino. Lahat ay sulat mula sa binata sa iba't ibang petsa. Sunod sunod niyang tinanggal ang laman ng kahon hanggang sa mapansin niya ang isang sobre na naipit dito. Nakabukol ang isang bagay sa loob nito. Maybe it was attached with the letter. Kinuha niya iyon at muling binasa ang address na nasa harapan ng sobre.

Villamontes, Gino Rosso

Massachusetts, Cambridge USA

January 13, 2014

Binuksan niya ang sulat at biglang gumulong palabas ang isang uri ng alahas. Nahulog ito sa sahig.

"No.." aniya at kusang tumulo ang luha niya. Nanginginig siya habang tinititigan ang isang makinang na bagay sa harapan niya. Hinubad niya ang suot na marriage ring sa kaliwang kamay niya at doon ay isinuot ang singsing.

Her tears are flowing, not because of sadness. But the happiness she felt right now that she finally, discover the truth.

That Gino never left her.

*****

iamnyldechan

Salamat po sa paghihintay.

Sama sama tayo sa pag-aabang ng mga huling kabanata ng My Lover, Intruder.