Violet,
Nagising ako sa pagkalansing ng kadena mula sa paa ko. Pag dilat ng mga mata ko nakita ko kaagad si Adrian na nakaupo at sinusuotan ako sa paa ng sandalyas. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at bahagya ko siyang nasipa.
"Don't move!" galit na sinabi niya at sabay hinawakan ako ng mahigpit sa paa. Why is he trying to put my sandals? Saan niya ako dadalhin?
"Wag mo akong hahawakan!" inis kong sigaw pero agad niyang hinila ang kamay ko. "Saan mo ako dadalhin?" hindi siya sumagot at basta itinali ang kamay ko.
"We need to leave." aniya at binuksan ang pinto. Nakaramdam ako ng ginhawa sa mga binti ko at nang makita ko ang bukas na pinto ay isa lang ang naiisip ko.
Takbo! Sigaw ng isipan ko.
Pagkabitaw niya ng doorknob ay wala akong sinayang na oras. Buong lakas ko siyang itinulak hanggang sa matumba siya. Now I got a chance to run. Pagewang gewang pa ako sa pagbaba ng hagdan.
Where is the door?
Pakiramdam ko na sa isang psychological thriller movie ako. May humahabol sa akin na gusto akong patayin. Wala akong ibang choice kundi tumakbo. At humingi ng tulong. Nakita ko ang pinto mula sa kusina, nakabukas iyon kaya doon ako nagtatakbo.
"Violet!" nangatog ang mga tuhod ko nang marinig ang nakakagimbal na sigaw ni Adrian. He's back to himself. Nagmamadali akong tinanggal ang tali sa kamay ko. At binuksan ang gate. Nagkakaripas ako patungo sa kalsada. Pawisan ang buong katawan ko. Siguro ay dahil matagal akong nanatili sa silid na iyon. Para ngang hindi ko na alam tumakbo at lumakad. Hindi ako makatakbo ng mabilis. At wala akong makita na pupwedeng hingan ng tulong.
Hindi ako makasigaw para humingi ng tulong dahil alam kong nandiyan lang si Adrian. Huminga ako ng malalim, natutuyo na ang lalamunan ko at sumabay pa ang matinding lamig ng gabi. Tanging suot ko ang shorts at isang tshirt na isinuot sa akin ni Adrian non tinabig ko ang pagkain sa harapan niya.
I can't run much longer. Kailangan kong tumigil.
Bahagya akong bumagal sa pagtakbo. Sinalo ng mga tuhod ko ang mga kamay ko na hingal na hingal sa paggalaw. I am sweating all over my body. Nakakadiri ang pakiramdam, pero hindi ito ang oras para mag inarte. Anytime soon, Adrian will..
"I got you!" I gasped in shock as Adrian pulled me from my waist. Sinubukan kong kumawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin pero ubos na ang lakas ko.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kaniya at sabay idinikit sa bibig ko ang isang duct tape. Nagpumiglas ako pero hindi na kaya ng natitirang lakas ko ang manlaban pa sa kaniya.
"Wag ng matigas ang ulo!" galit niyang sigaw at lumapag sa kanan pisngi ko ang isang malakas na sampal. Naluha ako sa hapdi non at naisip na magagawa pala ni Adrian na saktan ako kahit na lagi niyang bukam bibig na mahal niya ako.
Hindi ko maiwasan lumuha ng lumuha habang bibit niya ako mula sa balikat niya. I never thought that I deserve this kind of feeling. Kung sana ay namatay nalang ako noon sa pagsubok kong magpakamatay. Hindi ko ito nararanasan. Pero huli na, kahit papaano gusto kong makita si Gino.
Pumikit ako. Unti unti nang hinihila ng pagod ang mga mata ko.
"Kristine!" gumuhit ang ngiti sa labi ko. I just heard Gino's voice. Tinatawag niya ang pangalan ko like yesterday.
Kristine!
Paulit ulit ito. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita ang hulma ng isang lalake sa dilim. Nakatigil siya mula sa kinatatayuan at ganoon din si Adrian. Humawi ang mga maiitim na ulap hanggang sa lumabas ang maliwanag na buwan. I saw its face.
"Gino!" sigaw ko sa isipan ko at pinilit magpumiglas sa ibabaw ni Adrian. Pero hawak niya ako at hindi binibitawan. Napansin ko naglalakad na siya patungo sa kinatatayuan ng asawa ko.
"Stop right there." aniya ni Adrian at nagulat ako nang ibaba niya ako. Itinali niya ang mga kamay ko gamit ang lubid na hawak niya. Umiling iling ako habang nakatingin ako kay Gino. He shouldn't followed us. Paniguradong may hindi magandang binabalak si Adrian.
Napaatras ako sa kinatatayuan nang higpitan niya ang pagkakatali sa kamay ko. Tumayo siya at napansin ko ang bagay na nasa ibabaw ng dala niyang sling bag. Hindi ako nagkakamali kung ano iyon. Iniwan niya ako sa gilid ng isang poste at nagtungo siya kung nasaan si Gino. Hindi ko siya puwedeng hayaan saktan ang mahal ko.
"So you're here? How brave can you, to get Violet back." naiinis na sinabi ni Adrian. Bahagyang humakbang pausad si Gino.
"How dare you. You treated her like a prisoner." natawa si Adrian. At sabay inilabas sa bag niya ang isang baril.. Mabilis niya itong tinutok kay Gino.
"Don't make a move or you'll die without seeing your beloved." natigil ako sa pagkilos nang makita kong itinutok na niya kay Gino ang hawak na baril. Anytime soon, one of them will get hurt.
Gino shrugged. "Thats the lamest idea you have?" nakatawa ngunit pang asar niyang tanong. Napansin kong nag-iba ang itsura ni Adrian. But he won't put down the gun.
"Malakas ang loob mo? Wow. Is that the Gino I know? Talagang gagamit ng dahas to get what he wants." singhal sa kaniya ni Adrian. Hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi nila. I need to get off this fucking rope.
"I thought you are a friend, Adrian." nagulat ako sa binanggit ni Gino. Lumingon ako sa kanilang dalawa. His face has a weird expression. A guy losing a friend.
Hindi ko akalain na makikita ko ang ganitong itsura ni Gino.
"What are you saying?"
Umiling iling si Gino. "Remember that day we met after we get off school. Nakita mo yon singsing na ibibigay ko kay Kristine. You said that you are happy. Kasi magiging masaya na ang bestfriend mo." nanlaki ang mga mata ni Adrian sa narinig. Kahit ako ay walang maalala sa mga ganoon pangyayari. Is that something happened between them?
"I didn't said that!" gigil na sagot ng asawa ko.
"You were. Back from highschool, alam ko gusto mo na si Kristine so I tried to get distant. But you said na ligawan ko na ang kaibigan mo kasi alam mong magiging masaya siya sa akin." nakaramdam ako ng kirot sa dibdib habang naririnig iyon.
"Adrian, makinig ka. You were a kind person back then. It was your desires lead you to this mistake. And.. and.. I'm sorry." ibinaba ni Gino ang hawak na baril.
"No.. I am not a good person. Violet already hate me from everything I lied." aniya at sabay hinawi ang mga luhang babagsak na mula sa mga mata niya.
"Ate Marika used your weakness and desires. Kaya ka napunta dito.. And I'm sorry dahil wala akong ginawa." patuloy pa ni Gino. Napansin ko ang pagkalito ni Adrian habang nakatayo siya at nanginginig. Tumayo ako at dahan dahan lumakad papalapit sa kanila.
"So please.. Adrian.. Wag na tayong umabot sa ganito." pakiusap na muli ni Gino at itinapon ang hawak na baril sa damuhan.
"STOP! DON'T MOVE!" nagulat kaming tatlo nang may sumigaw mula sa paligid namin. Huminto ang dalawang police mobile. At lumabas ang limang pulis na laman nito. Itinutok nila ang mga baril kay Adrian na wala na sa katinuan niya.
"Kristine!" sigaw ni Gino at agad akong sinalo sa bisig niya bago pa man ako bumagsak. Napakamot siya sa ulo at bumulong sa akin. "I told them not to come, but they did." inis niyang sinabi at dahan dahan tinanggal ang duct tape sa bibig ko.
"PAKIBABA PO ANG HAWAK NA BARIL!" sigaw ng isang pulis kay Adrian. Nakatingin lang ako sa kaniya.
He smiled and look at me. "Sorry Violet for being a liar." aniya at sabay itinaas ang hawak na baril. Everyone panicked at hindi nila inalis ang pagtutok ng mga armas sa asawa ko. Napakapit ako sa braso ni Gino. Halo halo ang emosyon nararamdaman ko. Takot, awa, pagkalito at lungkot. I don't want Adrian to feel the same way I did when Gino left.
"Adrian. No!" sigaw ko nang idikit niya sa kaliwang bahagi ng noo ang bunganga ng armas na hawak niya. Pinigilan ako ni Gino sa pagpupumiglas ko sa kaniya.
"I would rather die right now than believe you loved me.." tinabig ko ang braso ni Gino at napatakbo ako patungo kay Adrian. Narinig ko ang isang pulis taking orders from a superior that they must shoot Adrian at all cost. Nagmadali ako sa pagtakbo. No one should get hurt because of me.
No one should feel that they are not loved. Because the life they have now, is a gift of love from the God I know.
Kristine!
Narinig ko ang sigaw ni Gino. Bumagal ang takbo ng oras. I slowly extend my hands to reach Adrian for a hug.
"I love you Adrian." bulong ko sa kanan tainga niya. Naramdaman ko ang paglambot ng katawan niya dahilan para sumuko siya. At pagkatapos ay nakarinig ako ng malakas na putok ng baril. Nanginig bigla ang mga tuhod ko. Nawala ang higpit ng yakap ko sa kaniya hanggang sa tuluyan akong bumagsak.
"Violet." aniya sa mahinang tinig. I saw him crying. Nakuha ko pang ngumiti dahil kung umiyak siya ay parang bata. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"I'm sorry.." Iyon ang huli kong sinabi bago tuluyan dumilim ang paningin ko.
****
iamnyldechan