Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 32 - Thirty One

Chapter 32 - Thirty One

Nagising si Violet nang maramdaman ang pagbubukas ng pinto. Hindi na niya maalala kung ilan araw na ba siyang nakakulong dito. Nangingitim na ang binti niya na kinabitan ng kadena ni Adrian. Kasabay non ang pagkirot habang pinipilit niyang kumilos o tumayo man lang.

Nakita niya si Adrian pagbukas nito ng pinto. May dala itong twalya sa balikat nito at isang pares ng damit. Pakiramdam niya ay isa siyang hayop, kulong at walang kalayaan. Ni hindi na niya nasisilayan pa ang sikat ng araw.

"I'm getting you change." matipid niyang sinabi at sabay lumuhod sa harapan ng asawa para hawakan ito. Mabilis na umatras si Violet.

"Don't you dare touch me." galit niyang saad at hindi inakmang lapitan si Adrian. Nanatili siya sa posisyon niya at hindi ito sinusunod. Bumuntong hininga ito. At sabay na tumingin muli kay Violet. Laking gulat niya ng makita ang makinang na bagay sa daliri nito.

"How did it get there!" tumaas ang tono niya nang makitang muli ang singsing na matagal na panahon niyang itinago. It was from Gino. Ipinadala niya iyon kasama ang isang sulat at dumating iyon dito sa Pilipinas bago ang araw ng kasal nila. He was scared that it may change Violet's decision. Kaya't itinago niya ito kasama pa ng ibang sulat ng binata.

"Violet!" sigaw niya at madaling hinila ang kaliwang kamay nito. Sinubukan niyang manlaban sa ginawa na iyon ni Adrian. "Nasasaktan ako! Ano ba!" bulalas niya kasabay tinabig ang kamay ng asawa at itinulak ito. Huminga siya ng malalim. Pinagpawisan siya agad sa ginawa at pakiramdam ay naubos ang lakas niya.

Nanatiling walang imik si Adrian matapos siyang bumagsak sa pagkakaluhod. Violet learns to fight back, and he's the first one realizes it.

"You really like that ring huh.." aniya sa mababang tinig. Tumingin si Violet sa tinutukoy nito. Maybe because of the ring kaya siya biglang umatake.

"You hid it from me, Adrian. How could you!" inis na sinabi niya. Hinawakan niya ang braso na kumikirot dahil sa biglang paghila sa kaniya ng asawa.

"I just did what I know is right." katwiran nito.

"Everything is not right! Kasalanan mo bakit kami naghiwalay! Kasalanan mo kung bakit ako nasali sa eskandalo na yon! Kasalanan mo kung bakit nandito ako!" napalunok si Adrian sa narinig. He admit all of mistakes he did. Pero ang isa sa mga hindi niya pinagsisisihan ay ang lubos niyang minahal ang kababata.

Tahimik niyang iniwan ang asawa sa silid nito. Inilapag niya ang mga damit nito sa sahig. Hindi na niya nagawang tignan pa ito. Kung alam lang ni Violet ay nasasaktan din siya. Pero anong magagawa niya, if he can't hide Violet soon she found by Marika. Paniguradong hindi lang pagkakakulong sa isang silid ang mararanasan nito, something more he couldn't bear to imagine.

*****

Nakasakay si Gino sa unang elevator. Kasabay niya ang ilan empleyado na patungong third floor. Hindi sana siya papasok ngayon dahil hindi na siya nakakatulog ng maayos. Palaging sa opisina na siya namamalagi at doon nagpapahinga. Janna is helping him about Marika pero hindi na siya makapaghintay. He needs to move quickly. Lalo at wala siyang balita kay Violet. At kung ano anong bagay ang napapanaginipan niya dito. Paghinto ng elevator sa ikatlong palapag, siya nalang ang natira na patungo sa nineth floor. Sumandal nalang siya sa salamin haligi nito habang hinihintay na bumukas na muli ang pinto.

"Kristine.." aniya sa sarili at pumikit. Hindi niya maialis sa isipan ang lubos na pag-aalala. Saan siya magsisimulang maghanap?

Pag-awang ng pinto ay lumabas na siya agad. Nagtungo siya diretso sa opisina.

"What did you say?" nagulat siya sa narinig na tinig. He knew who it was. Its his sister, Marika. Nagtago siya bago siya mapansin nito. Naririnig niya ang boses nito na tila may tunog ng inis at dismaya. He could hear the voice from the phone. It was from a guy.

"If Gino found out, malilintikan ka sa akin. Inasikaso ko na ang ticket niyo. Umalis na kayo bukas ng umaga." sabi niya na parang nanggigigil. Sino ang kausap niya? Tauhan? Kaibigan? Bakit hindi niya puwedeng malaman? Is it Adrian?

Napahawak siya sa bibig niya nang pumasok ang pangalan ni Adrian sa isipan niya. And based from what he heard, its about tickets?

"Marika.." matigas niyang sambit ng pangalan nito. Nagtungo siya agad sa opisina bago siya maunahan ng kapatid. Inihagis niya sa sofa ang phone at susi ng sasakyan. Saka ibinagsak ang katawan sa swivel chair niya na nakaharap sa mesa.

He need to think of an idea to find Violet. Kung si Adrian nga ang kausap nito, paniguradong kasama niya ang asawa. He wouldn't go overseas nang wala ito. That's why its all a lie. He lied that Violet leave the house. She's actually still there. Napasipa siya sa ilalim ng mesa. Natumba ang lalagyan ng ballpen at ganoon din ang picture frame na katabi nito.

"Sir?" nagulat siya nang marinig ang pagkatok ni Janna sa pintuan. Nakasilip na ito bago pa man niya buksan.

"Come in." pagpigil niya ng galit. Pumasok ang empleyado at inilapag sa harapan niya ang ilan litrato.

"These are the pictures taken from the investigator you hired, Sir. Confirmed po. They are helping each other." paliwanag nito. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. He couldn't hold back the anger that is arising. Tahimik na lumabas si Janna ng opisina. Hanggang sa maisarado niya ang pinto ay hindi niya inaalis ang tingin sa binatilyo. Kahit ito hindi magsalita ay ramdam niya ang kakaibang silakbo ng galit nito.

Gino will be dangerous.

Iyon ang tumatakbo sa isipan niya. Natigil siya sa pag-usad nang marinig ang phone na nagring mula sa bulsa ng suot niyang uniporme. Pagkuha niya ay lumutang sa lockscreen ang isang message.

It was from the investigator.Nagmadali siyang bumalik sa cubicle niya.

Tumayo si Gino at lumapit sa isang nakatagong vault sa gilid ng mga bookshelves. Pinihit niya ang kombinasyon ng ilan numero at saka nagbukas ito. Nakatago dito ang isang bote ng mamahaling whiskey na nabili niya noon sa Spain, isang envelope, at isang picture nilang magkakaibigan noon kolehiyo sila. It was a bright day around summer. Nagpumilit silang magpakuha ng group picture sa isang photographer na dumalaw sa university nila.

Katabi niya si Violet habang nakatayo sa kabila nito si Adrian. Marika was hugging him from the left side, while Sandra and Regie were at Violet's left side too. Nasa harapan at nakaupo sina Rica at Regine. Masaya sila noon na parang walang problema. Kaya't hindi niya maintindihan na bakit sila nagkakaganito ngayon. Is because of a strong desire? They are willing to ruin the lives of the people they cared. Ganun na ba ngayon ang paraan to get what they want?

Then he should make a step too. Kung kaya nilang magsinungaling at manloko ng iba. Gumamit ng tao at sirain ang buhay nila. He could do that too, if he wants.

Inangat niya ang envelope. At doon kinuha ang isang kahon. Binuksan niya iyon. It contains a Colt Python, a .357 magnum caliber revolver na iniregalo sa kaniya ng isang US Navy Chief na naging kaibigan niya noon namamalagi siya sa Boston. Katabi nito ang reserbang anim na bala. Inilabas niya ang baril at itinago sa sling bag na dala niya pagpasok nitong umaga. Pagtapos non ay inilabas din niya ang bote ng Ballantine Whiskey.

Lumapit siya sa mesa na nakaharap sa bintana at kumuha ng isang malinis na martini glass. Binuksan niya ito at kumalat sa paligid ang mahalimuyak nitong amoy. Lumingon siya sa wall clock na nakasabit sa pader. Its almost ten.

Ngumiti siya. Then its time to have a drink.

*****

Alas-nuwebe na nakabalik si Marika sa Villamontes matapos niyang makipagkita sa bagong investor mula sa Alejo Group of Companies. Alam niyang naroon pa si Gino kaya't nag atubili siyang bumalik.

Paglabas niya ng elevator ay nakita niyang bukas ang ilaw mula sa opisina nito. Wala ng katao tao. Maaga silang umuwi dahil Friday. Pagbukas niya ng pinto ay kitang kita niya ang nakahandusay na binata sa sofa. Tulog na tulog ito dahil siguro sa epekto nanaman ng alak. Napansin din niya ang bote ng whiskey sa mesa nito at ang basong ginamit. Natawa siya.

Gino is drinking again. Its like from the past. Araw araw na nag-iinom ang binata matapos ang pasok sa school at kadalasan ay umuuwi ito sa kaniya. She could listen to him for hours of being wasted. At isa pa, nagagawa niya ang gusto sa lalakeng ito without him knowing it. Ibinaba niya ang dalang Hermes bag at saka nagsalin sa martini glass. Tinungga niya ito at sabay tumingin sa kinakapatid. She felt some kind of lust lingering around Gino's presence. Lalo pa hindi niya maitanggi sa sarili na kahit sinong babae ay kayang paligayahin ng kaniyang kinakapatid.

She gasped for air and walked slowly towards Gino. Napaluhod siya dahil sa biglang pakiramdam na nagpalambot ng katawan niya. Maybe she's tired dahil buong araw siyang humarap sa iba't ibang tao. Iginapang niya ang mga daliri sa bahagi ng katawan ni Gino. She just can't deny how this guy make her turned on. Napatitig siya sa nakabukas na polo nito. Naamoy niya ang perfume na palaging gamit ni Gino.

Pagtapos ay idinampi niya ang labi sa bandang leeg nito. Gino's body is releasing heat.

"Aah.." she moaned softly as she brushes its body with her red fingernails. At bigla ay natigilan siya.

"Stop." nagulat siya when her hand was grabbed by Gino who is actually awake the whole time. Napalunok siya at hindi alam ang dapat na gawin. Nakita niya kung paano siya tignan ng binata sa mga mata niya. It was full of resentment and disgust.

"Stop touching me, bitch." matigas pero may pangungutya nitong binitawan. Nanghina sa posisyon si Marika at napaupo. Hindi niya magawang gumalaw, she just drink alcohol. That's it. Bakit hindi na siya makagalaw?

"What did you do to me?" tanong niya habang utal utal na. Inayos ni Gino ang polong sadya niyang binuksan. Pagtapos ay naupo siya at nagkibit balikat.

"I just drugged you." matipid niyang sagot at lumingon sa alak na nasa mesa niya. "The best way to bait you." hindi makasagot si Marika. She was really in a trap. Gusto man niyang tumayo at manlaban pero tutumba lang siya at babagsak. She didn't expected na ganito ang gagawin sa kaniya ni Gino.

"So, tell me. Where is Kristine?" nakaramdam na siya ng kakaibang takot nang magsimulang banggitin ni Gino ang pangalan ng dating nobya. Hindi siya pwedeng umamin. Hindi pwede. All she planned will fall for nothing.

"Tsk." she heard Gino clicks his tongue. "Hindi ka talaga aamin. That's too bad." aniya sa mapang-asar na tono. Lumapit siya sa dalaga at marahan hinawakan ang dibdib nito. Marika couldn't resist the feeling of how Gino touches her. She badly wants to fuck his younger brother.

"Aaaah.. Gino please. Make me yours." pagmamakaawa nito. Umiwas ng tingin ang binata dito. Hindi siya naaakit bagkus nakakaramdam siya ng pandidiri. But what more he feel right now is anger. Inilabas niya ang itinagong rebolber sa bag niya. At mabilis ay tinutok niya ito sa ulo ni Marika. Nagulat ang dalaga at bahagyang natigilan.

"Aamin ka o pasasabugin na natin yan ulo mo?" wala ng kontrol sa galit si Gino. Gusto na niyang sumabog dahil matigas si Marika na huwag magsalita.

"Y-You can't kill me!" at tumawa ang babaeng lunod na sa droga. Napabuntong hininga si Gino. At pagkatapos ay inilipat niya sa bunganga ni Marika ang bibig ng rebolber.

Hindi na siya umimik and he slowly pulled the lever. He could feel the tremble of Marika's body. Anuman oras ay sasabog ang mukha ng kapatid niya sa harapan niya kung magpupumilit pa itong manahimik.

"Okay, lets just get done with this." he exhaled. Napailing iling nalang si Marika habang nakatutok sa bunganga niya ang baril ni Gino. Hindi siya makahinga and realizing that she was in the middle of death.

"Arrggh!" iyon lamang ang inilalabas ng lalamunan niya. Her mouth was dripping of saliva and it begin to choke her in. Hindi talaga nagbibiro si Gino. She will be killed by him. Pumikit siya. At sabay inangat ang ulo dahilan para matanggal sa bibig niya ang nguso ng rebolber ng binata.

"AAMIN NA AKO! ADRIAN IS TAKING HER OVERSEAS TONIGHT!" nagulat si Gino sa isinigaw ni Marika. Nagsimula na siyang lumuha. Yumakap siya sa mga tuhod ni Gino at nagmamakaawa.

"I'm sorry Gino!" pagsusumamo nito. He sighed heavily and throw out the gun. Like he planned to, he just needs to scare Marika out of hell. Ni hindi niya nilagyan ng bala ang baril na iyon. He just wants to Marika spill the beans.

Bumukas ang pinto at doon ay lumabas si Janna kasama pa ang isang lalake na suot ay isang itim na jacket at pantalon. Hindi makapaniwala si Marika nang makita niya si Janna na nakatingin sa kaniya. Yakap nito ang bag ni Gino at ang isa pang jacket nito.

"You! You are with him!" galit niyang sigaw at nagpumilit na makatayo para sana atakihin si Janna. But Gino pushed her at muli ay humandusay siya sa sahig.

"Stop this fucking nonsense! Tama na ang pagpapanggap!" bulalas ni Gino. Inabot niya kay Janna ang baril na hawak niya kanina ganoon din ang susi ng sasakyan. Nagsuot siya ng jacket at inabot ang isang sobre sa isang lalake.

"Take her somewhere. I don't want to see her face again." utos niya dito na agad tinanguan ng lalake. Inakmang lalapitan nito si Marika pero nanlaban siya.

"Wag mo akong hahawakan!" sigaw lang niya. Pero pinilit siyang kalungin ng binatilyo. The drug is still manipulating her. "Where are you going Gino!"

Tumingin lang ang nakababatang kapatid sa kaniya.

"Getting back the woman I loved."

Matapos niyang marinig iyon ay tuluyan na siyang nanlambot. Mabilis na umalis si Gino leaving Janna to take care of Marika. Lumingon sandali ang empleyado sa pintuan ng opisina. Hindi na niya naabutan pa ang pag alis ng binata. Kung totoo nga ang plano ni Adrian na tuluyan ilayo si Violet dito, then tonight will be the fight for the love.

Nananalangin siya na sana huwag na humantong sa pananakit ang paghaharap na muli nina Adrian at Gino. Dahil kung may mangyari man dito, Violet will be hurt, the most.

*****

iamnyldechan

Ending is near. Thank you for waiting!

Hope you enjoy.